Download App
27.61% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 626: Gawin mo ang sinasabi ko

Chapter 626: Gawin mo ang sinasabi ko

Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw… anong gagawin mo? Ye Mu Fan, sinasabi ko sa 'yo - kapag may ginawa ka sa 'kin, patay ka!"

*Swish*

"AH——" sigaw ni Shen Meng Qi.

Nakaramdam siya ng bugso ng hangin habang may lumipad na kamao sa dingding sa likod niya.

Agad na nabalutan ng dugo ang kamao ni Ye Mu Fan. Malamig niyang tinitigan si Shen Meng Qi hanggang tuluyan nang nawala ang liwanag sa kanyang mata.

Tatlong segundo ang lumipas, dahan-dahang dumeretso si Ye Mu Fan at umalis na sa silid.

Sumulyap si Ye Wan Wan kina Shen Meng Qi at He Jun Cheng at umalis na din.

Matapos umalis ng dalawa, galit na sumigaw si Shen Meng Qi.

"T*NGINA!"

Perpekto na ang plano niya sa una, pero sa huli, nasira ang lahat.

Buti na lang, kahit na talikuran siya ni Ye Mu Fan, hindi ito makakahanap ng ebidensya sa kanya, kaya hindi siya madadawit sa insidenteng ito.

Pero ang mawalan ng libreng mangagawa ay ikinalungkot niya...

"Meng Qi, anong gagawin natin? Nalaman ni Ye Mu Fan ang tungkol sa atin at siguradong hindi na magtatrabaho sa atin!" tarantang sabi ni He Jun Cheng.

"Manahimik ka. Kung wala na si Ye Mu Fan, kailangan mo na lang gawin ang mga bagay ng sarili mo. Stylist ka din; hindi mo ba kayang magtrabaho ng wala siya?" pagsiphayong sinaabi ni Shen Meng Qi.

"I…" hindi alam ni He Jun Chen ang sasabihin at nagdilim ang mga mata niya.

P*nyeta, hindi 'to makakayanan, kailangan kong hanapin si Ye Mu Fan at alukin siya ng pero - papayag naman siya doon, 'di ba?

Sa naisip, bumalik ang walang takot na itsura ni He Jun Cheng.

Sa gabi, sa isang nag-iisa at disyertong daan.

Patuloy na naglakad si Ye Mu Fan sa daan, tuliro na parang naliligaw na kaluluwa.

Tahimik lang na sinundan siya ni Ye Wan Wan.

Matagal din naglakad-lakad ang dalawa...

Nang may malagpasan silang isang plaza, bigla may nagsaya.

Isang batang magkasintahan - may hawak ng bouquet na bulaklak ang lalaki at isang singsing na nakaluhod ang isang tuhod sa sahig at nagpo-propose sa babae...

"I do…" kasunod ng mga salita ng babae, sabik na nagsaya ang mga manunuod.

Nakatayo si Ye Mu Fan doon at tulirong pinanood ang eksena hanggang sa humawi na ang lahat ng tao sa plaza.

Sa sandaling ito, tumunog ang kanyang telepono.

Mala-robot na sinagot ni Ye Mu Fan ang tawag at isang malamig na boses ang nagsalita mula sa receiver: "Mr. Ye Mu Fan, ako po ang nakatalagang abogado para kay chairman Ye Hong Wei. Pumunta po kayo sa kumpanya bukas ng alas-otso ng umaga."

"Ha… haha… tama… tanga ako… tanga ako…" nag-umpisang tumawa ng parang isang baliw si Ye Mu Fan habang nadulas ang telepono siya mula sa kamay at nahulog sa sahig.

Matapos no'n, dahan-dahan siyang umupo at nag-umpisang manginig ang mga balikat. Sa wakas, sumabog na ang kanyang mga luha at malakas na umiyak.

Huminga ng malalim si Ye Wan Wan. Hindi niya na napagtiisan ito at hinablot ang kanyang kwelyo at inangat ang umiiyak na si Ye Mu Fan mula sa sahig. "F*ck, anong iniiyak mo diyan?! Lalaki ka pa ba?"

"Ha… haha… tapos na… Wan Wan… tapos na ako... wala na ang lahat… para sa babaeng ito, sinira ko ang buong buhay ko at sinangkot ko pa sina papa at mama dito… paano pa ako mamumuhay…"

Hindi ito papakawalan basta-basta ni Ye Shao An.

Tama si Wan Wan. Paano naman ko naman kukunin ang responsibilidad na ito? Paano ako mananagot dito?

Hindi na mahalaga kung sino ang mananagot dito o kung sino ang makukulong. Sira na ang pamilya ko...

Tinignan siya ng masama ni Ye Wan Wan. "Sinong may sabi na tapos ka na?"

Nang marinig iyon ni Ye Mu Fan, gulat niyang tinignan si Ye Wan Wan.

Walang bahalang sinabi ni Ye Wan Wan, "Pagkatapos mong pumunta sa kumpanya bukas, gawin mo ang sasabihin ko at walang makakapanagot sa 'yo."


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C626
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login