Sobrang nasiyahan si Ye Wan Wan tapos ng matagumpay na makakuha ng ilang papuri.
Sa sandaling ito, may nakita siyang isang makinis na puting ulap na nasa tabi ng paanan ni Si Ye Han.
"Great White!!!" napasigaw si Ye Wan Wan ng "ow" saka umalis sa kandunangan ni Si Ye Han. Humarap siya papunta sa white tiger at kaagad na sinunggaban ito.
Dahil sa pagtitiyaga niya (panggugulo), kaya na niya ngayong lumapit ng sa isang metrong layo kay Great White at hawakan ang dulo ng mga buhok sa katawan ng tigre.
Na saksihan ni Si Xia kung paano mapaamo ni Ye Wan Wan ang great devil sa isang iglap, inabot ang kanyang mala-demonyong kamay kay Slaughter ng hindi siya na kakagat. Sa isang sandali, pakiramdam niya na nasa isa siyang panaginip.
Wala pa din bang awa at walang hiya pa din ba ng taong ito na si Si Ye Han na hindi pinapahintulutan ang kahit kaunting buhangin sa kanyang mata?
At ito pa rin bang Slaughter na ayaw sa hindi niya kilalang tao at pagpipilas pilasin ang tao kahit kalan nito gustuhin?
"P***…" walang nagawa si Si Ye Han kundi ang mapamura.
Sa oras lang na iyon iniangat ni Ye Wan Wan at tumingin sa gilid niya. Sinabi niya, nang gulat, "Eh? Si Xia? Bakit ka nandito?"
Ang gwapong mukha ni Si Xia ay nabasag matapos niyang marinig ito.
Andito ako kanina pa, ano ba?
"Andito ka ba para bisitahin ang iyong 9th uncle?" Papikit pikit si Ye Wan Wan ng kanya itong itinanong.
"May problema ba?" galit na tanong ni Si Xia.
Mabilis na tinanong muli ni Ye Wan Wan, "Oh, tapos ka na bang bumisita?"
Matapos maintindihan ang mga salita ni Ye Wan Wan na gustong paalisin siya, nandilim ang kanyang muhka, "Ye Wan Wan, ano ang ibig sabihin mo?"
Ngumiti si Ye Wan Wan, "Ang ibig sabihin ko… kung tapos ka na, bakit hindi ka na magmadali na umuwi dahil lalabas kami ng 9th uncle mo!"
Kinunot ni Si Xia ang kanyang mga kilay. "Lalabas kayo? Masyadong nang gabi. Bakit kayo lalabas pa?"
Ye Wan Wan: "Malinaw naman na magdadate kami!"
Si Xia: "..."
Sobrang galit si Si Xia na nasaktan ang kanyang puso. "Nagmadali ako dito pagkagaling ko mula sa Shen City. Hindi pa nga ako nakakakain ng matinong pagkain at ngayon pinapaalis mo ako! Yan ba ang dapat gawin ng isang elder?"
Na guilty mg kaunti si Ye Wan Wan at napabulong siya, "Hindi ko naman sinabing hindi ka namin pinapakain. Magdadate lang kami ng 9th uncle mo, kung kaya pwede kang manatili dito at kumain. Kakausapin ko ang mga taga-luto para sa iyo - gagawin nila kahit anong gusto mong kainin!"
Si Xia: "Ye. Wan. Wan!"
Sinigawan si Ye Wan Wan ng little devil hangang sa masira ang tenga niya. "Ano gusto mo gawin ko, huh?"
Huminga si Si Xia ng malalim at nagsabi, "Gusto ko na dito na lang kayo o isama niyo ako!"
Lumingon si Ye Wan Wan patungo kay Si Ye Han. "Uh, baby, gusto mo bang magkaroon ka ng bumbilya? Yung klase na may 500 watts…"
Si Ye Han: "Lahat pwedeng mangyari."
Si Xia: "..."
...
Kung kaya, ang date para sa dalawang tao ay naging date na may tatlong tao.
Kalahating oras ang nakalipas, huminto ang kotse sa isang mall. Planong dalhin ni Ye Wan Wan si Si Ye Han sa isang popular na kainan.
Bago umalis ng bahay si Si Xia, nagpumilit siya na magdala ng isa pang damit na kaswal para pagpalitan niya.
Silang tatlo na magkasama ay pinagtitinginan at marami ang titingin sa oras na lumabas sila.
Pagdating nila sa pasukan, ang restawran ay sobrang puno tulad ng inaasahan. Madaming lamesa ang nasa labas at madaming tao ang nakapila.
Isang batang dalagang empleyado ay naghahawak ng poster at nagsasabi sa mga kakain na mayroong promo pang magkasintahan sa restawran.
Tinignan ni Si Xia si ang pink na dress ni Ye Wan Wan at napangiti ang dulo ng kanyang mga labi. Tumabi siya kay Ye Wan Wan at nagtanong, "9th aunt, tignan mo, muhka ba tayong… magkasintahan?"
Si Si Xia at Ye Wan Wan ay magkasing edad at pareho ang kulay ng kanilang kasuotan - kaya madali silang mapagkamalan na magkasintahan.
Itong sutil na ito!!
Napanik si Ye Wan Wan at lumingon kay Si Ye Han at nagngingit ang kanyang mga ngipin at niyakap ang braso ni Si Ye Han, "Hehe, hindi ba muhka tayong nanay at tatay na kasama ang kanilang anak?"
"..."
Ang matalinong ngiti ni Si Xia ay nabasag ng isang saglit lamang...
Ye. Wan. Wan! Mapunta ka sa impyerno!