Download App
20.02% Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 454: Mahulog ka sana sa impyerno!

Chapter 454: Mahulog ka sana sa impyerno!

Editor: LiberReverieGroup

Patuloy na nag-scroll si Ye Wan Wan at bigla siyang nasindak nang makita niya ang ginuhit ni Gong Xu sa mukha niya!

Leche! Patay ako nito!

Pabilis ng pabilis ang malakas na tibok ng puso ni Ye Wan Wan. Nagda-dalawang isip siya kung ipapagpatuloy niya pa ang pag-scroll.

Pilit niyang binuka ang kanyang mga mata habang ang mga daliri niya ang nanginginig sa bawat pag-scroll niya pababa...

Napahinto ulit si Ye Wan Wan nang biglang luminaw ang paningin niya ang imaheng ginuhit ni Gong Xu ng mukha niya.

HAHA!

Mahulog ka sana sa impyerno, Gong Xu!

Anong kalokohan ang ginuhit niya?

Maliban sa tamang kulay ng damit ko, saan parte nito ang kamukha ko?

Habang inaasar siya ni Ye Wan Wan, nagbuntong hininga siya dahil walang talentong artistiko si Gong Xu.

Kung alam ko lang noong una palang, hindi na sana ako naging mabait na bigyan siya ng candied plums dahil naawa lang naman ako sa itsura niya...

Kaya ang lahat ng tao ay hinahanap na si Ye Wan Wan at hindi rin siya sigurado kung may nakapansin sa itsura niya noong bumili siya ng candied plums. Mukhang kailangan niyang maging maingat sa mga susunod na araw at kailangan niyang umiwas na magsuot ng pang babae na pananamit kapag pupunta siya sa kanyang apartment.

...

Kinabukasan, nagpalit ng panlalaking kasuotan si Ye Wan Wan at nagsuot siya ng maskara kung sakaling may mangyari man. Bumiyahe siya papunta sa Candy Dessert Shop para maingat siyang magmanman.

Sikat pa rin si Gong Xu kahit sira na ang reputasyon niya - ang titulo niyang "Prinsipe ng Iskandalo" ay totoo pala. Ngunit sa loob ng isang gabi, ang Candy Dessert Shop ay biglang sumikat - maraming fans ang pumunta sa lugar na iyon para mag-picture para sa kanilang dokyumentasyon. Napuno ang bong kalsado ng mga taong nakiki-osyoso sa isyu.

May mga reporters rin na nag-interview sa shop assistant na nagtrabaho nung gabing iyon.

Tumayo sa loob ng maraming tao si Ye Wan Wan habang sinusundot niya ang kanyang tainga dahil nakikinig siya sa usapan.

Reporter: "Hello Miss, ikaw ba ang shop assistant na nag-serve sa Diwatang Candied Plum?"

Sho Assistant: "Oo, binili ng babae yung natitira na tatlong kahon ng candied plums dahil ito na lamang ang natitira, kaya medyo nakikilala ko siya at yung babaeng iyon…"

Reporter: "Anong meron sa babaeng iyon?"

Shop Assistant: "Napakaganda ng babaeng iyon!"

Masayang sinabi ng reporter: "Talaga? Sobrang ganda?"

Shop Assistant: "Oo, yung tipong… malakumang ganda! Marami na akong nakitang mga aktor at aktress habang nagta-trabaho ako dito, kahit mga A-listers ay nakita ko na rin. Noong nangyari iyon, akala ko superstar ang babaeng iyon, pero hindi ako pamilyar sa itsura niya at sigurado ako na hindi ko pa siya nakikita sa telebisyon; kaya hindi siguro siya artista sa entertainment industry!"

Patuloy na masayang nag-suri ang reporter, "Pwede mo bang ilarawan ang itsura ng babae?"

Nagdalawang isip ang shop assistant at nagpaumanhin siya, "Pasensya na pero bawal po ito sa customer policy namin. Hindi ko pwedeng sagutin ang katanungan mo."

Ilang beses pang nagpumilit ang reporter pero tinanggihan siya ng may respeto ng shop assistant.

Habang nakikinig si Ye Wan Wan sa usapan nila, medyo gumaan ang loob niya nang marinig niya ito.

Buti na lang, sinunod ng shop ang kanilang patakaran at kung sinabi man ng shop assistant ang itsura niya, imposible pa rin siyang mahanap ng mga tao ng gamit lang ang berbal na paglalarawan ng itsura niya.

Sandaling nagmanman si Ye Wan Wan bago bumalik sa kanyang apartment. Kailangan niya pang kausapin ngayon si Luo Chen tungkol sa script.

Nang naka-uwi na si Ye Wan Wan sa apartment, may biglang kumatok sa kanyang pintuan.

Akala ni Ye Wan Wan na si Luo Chen ang kumatok pero si Han Xian Yu pala iyon.

"Xian Yu? Wala kang trabaho ngayon? Tapos na ang filming ng komersyal?" binuksan ni Ye Wan Wan ang pintuan.

"Katatapos ko lang mag-film at kakabalik ko lang din kagabi." tunog tsismis ang boses ni Han Xian Yu nang humakbang siya papasok ng kwarto ni Ye Wan Wan, "Oo nga pala, nakita mo na ang bagong skandalo ni Gong Xu?"

Tahimik na umubo si Ye Wan Wan. "Oo, bakit?"

"Sabi sabi ng mga tao na baka nakatira rin siya dito sa apartment building natin, pero hindi ako pamilyar sa nilarawan na babae ni Gong Xu!"

Nandilim ang itsura ni Ye Wan Wan. Imposible na nakita na noon ni Han Xian Yu ang babae dahil madalang siyang nagdadamit babae sa lugar na iyon. Sinong mag-aakala na papasok siya sa sitwasyon na ito dahil lang bumili siya ng mga desserts?

"Paano niya ako nilarawan?" hindi napansin ni Ye Wan Wan na tinanong niya pala ito.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C454
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login