"Hindi yun ang ibig kong sabihin, Old Jiang. Sinabi mo na tinangkang magpakamatay ni Yan Ran...Hindi ko alam ang tungkol dito…" Nagulat si Mrs Song.
Nag-iba ang reaksyon ng mukha si Song Xiao Wei. Masama ang reaksyon ng kaniyang mukha ng siya ay tumingin sa kaniyang asawa at anak--Parehong walang namang naabot kahit isa pero napaka galing nila sumabotahe ng mga bagay bagay!
Sa wakas na gawa niyang makipag kita kay Jiang Hai Chao para malaman kung ano ang ginawa niyang mali. Sa bandang huli, nalaman niya na ang sarili pala niyang anak ang unang nanloko kay Yan Ran, dahil sa nangyaring ito wala na siyang mukhang maiharap kay Jiang Hai Chao.
Pinaghirapan niyang pakiusapan si Jiang Hai Chao, dahil sa magkaibigan ang pamilya nila kailangan nilang pagtulungan ang proyekto. Ngunit naka tanggap si Song Xiao Wei ng hindi inaasahang tawag na nag punta ang kaniyang asawa sa paaralan upang mang gulo!
Pinandilatan ni Song Xiao Wei ang kaniyang asawa at anak, at lakas loob niyang sinabi "Old Jiang! Patawad, Napaka mangmang namin ni Ru Lan. kung alam lang namin ito, hindi namin hahayaan ang bastardong ito!"
Ignorante?! Halata namang wala kayong alam! Kamakailan ko lang nalaman na ang aking anak ay para bang katulong na taga kuha ng tubig, taga laba ng damit at taga dala ng almusal ng iyong anak; nalaman ko din na pinahiya niya si Yan Ran at niloko; at tinutulungan pa niya ang ibang babae para insultuhin siya; at naghihirap ng sobra si Yan Ran! Para sabihin ko sayo Song Xiao at Qian Ru Lan ito na ang katapusan ng lahat! Mag hintay ka sa pagkalugi! Ng inyong kumpanya!"
Hindi na nag-abala si Jiang Hai Chao na makinig sa paliwanag ng pamilya Song at agad na silang umalis kasama ang kanyang anak.
Matapos malaman ng lahat ang katotohanan mula kay Jiang Hai Chao, nagsimula nang punain ng mga matatalim na tingin ang tatlo
Napaka walang utang na loob nila, bakit ba merong mga walang hiyang pamilya?
...
Sa may school entrance:
Kailangan munang kalmahin ni Jiang Yan Ran ang kaniyang ama at makalipas ang ilang oras tuluyan na ngang napakalma ito. pinauwi na niya ang kaniyang ama nang kumalma na ito.
"Wan Wan, tinawagan mo ba ang ama ko?" tanong ni Jiang Yan Ran.
"Kung sakali man, Mas sigurado kung meron tayong backup." sangayon ni Ye Wan Wan.
"Salamat," nagagalak na sagot ni Jiang Yan Ran.
Lagi siyang merong magandang plano.
"Wag mo sabihin yan, ginawa ko din ito para sa sarili ko," sagot ni Ye Wan Wan.
"Kahit na subukan pa ni Shen Meng Qi na magpaliwanag wala nang maniniwala sa kanya kahit kailan." sabi ni Jiang Yan Ran.
Pinisil ni Ye Wan Wan ang kaniyang kilay na para bang masakit ang ulo niya, "meron pa di na isang tanga o dalawa ang maniniwala sa kaniya."
"Uh, sinasabi mo bang si… Senior Ye?" nag-aalalang tanong ni Jiang Yan Ran.
Hindi na nagsalita si Ye Wan Wan.
Matapos ang lahat, nagiging bobo ang taong nagmamahal; alam niya ito sa kaniyang sarili.
Sa dati nitong buhay, ang kaniyang kapatid ay tapat pa rin kay Shen Meng Qi kahit na nakita na niya na nakikipaglandian siya sa ibang lalaki. Pakiramdam pa niya na wala siyang kwenta dahil hindi niya maipagtanggol ang babaeng mahal niya.
Alam niya kung gaano kahirap na lokohin ang kaniyang kapatid.
"Matapos ang lahat, ikaw at si Senior Ye ay mag kadugo pa din. Kausapin mo lang siya ng maayos---tiyak na kakampi sayo iyon,"
Huminga ng malalim si Ye Wan Wan at tinignan niya ang oras sa kaniyang telepono, "Wag ka mag-alala. Ngayon napahiya ko na si Shen Meng Qi, kaya ko ulit siyang ipahiya. Wag ka mag-alala sa akin. Bumalik kana at magpahinga o mag hanap ka ng lugar para mag relax."
"Sige. meron kabang gagawin mamaya?" tanong ni Jiang Yan Ran.
"Ngayon ay sabado, kailangan kong pumunta sa bahay ng lola ng aking boyfriend para maghapunan. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka."
"sige."
"Matapos niyang mahiwalay kay Jiang Yan Ran, bumalik na si Ye Wan Wan sa dorm upang mag palit at tanggalin ang kaniyang make-up. At umalis gamit ang pintuan sa likod.
Ang pamilyar na itim na sasakyan ay nag hihintay na sa dating lugar katulad ng dati.