Nagulantang si Ye Wan Wan sa narinig, "Matulog...anong ibig mong sabihin sa matulog? Literal… O…"
Tiningnan lang siya ng binata, "Kung 'yung isa ang iniisip mong gawin natin, pwede rin naman."
Mabilis na umiling si Ye Wan Wan, "Hindi, hindi! Okay 'yung literal na ibigsabihin!"
Kahit simple lang ang salitang "matulog", sakit pa rin ng ulo ang inabot sa salitang 'yun.
Hindi na siya mapakali, dalawang oras pa lang ang nakakalipas na kasama siyang matulog.
Pero mali pa rin.
Sa huli, kaya niyang kagatin ang bala at tanggapin ito.
Habang kasama siyang natutulog sa kama, naisip ni Ye Wan Wan na siguro kaya ginawa 'to ni Si Ye Han ay para siya na mismo ang lumapit ayon sa plano. Para maging sunud-sunuran na lang siya kahit hindi pa patas ang napirmahang kontrata dahil siya naman ang unang nagkamali...
Saka isa pa, matapos marinig ang usapan kanina, bakit wala man lang karea-reaksyon si Si Ye Han?
Maaari kayang wala siyang narinig na kahit na ano?
Sumakit na ang ulo niya kakaisip. Nang iniangat niya ang kanyang ulo, napansin niyang mahimbig nang natutulog ang binata.
Posible kayang siya talaga ang mali simula nung una pa lang?
Normal naman ang pagtulog ni Si Ye Han! Ni hindi nga siya mukhang may sakit...
Hindi pa rin mapakali si Ye Wan Wan at patuloy pa ring nagiisip ng kung anu-ano. Sa wakas, nahawa na rin siya ng pagkaantok ni Si Ye Han at saka unti-unti na ring nakatulog.
Malalim na ang gabi.
Unti-unting nagising ang binata na parang halimaw na naging kuntento sa pagkakatulog.
Kahit na kakagising lang, halata pa rin ang nanlilisik at nalalamig na mga mata niya.
Hanggang sa… naramdaman niyang may kakaibang malambot na yakap-yakap niya at saka unti-unting nawala ang matapang na ekspresyon at naging kalamado sabay tingin sa kayakap.
Sa ilalim ng maliwanag na gabi, nakita niya ang dalaga na parang kuting na nakayakap sa kanya, mahimbing na natutulog.
Sa ilang saglit, ang malamig niyang katawan ay unti-unting nakaramdam sa normal na init na kondisyon at naging malambot ang puso.
Mahigpit niyang niyakap pero binawi rin sa takot na magising ang natutulog na dalaga. Mabilis din siyang naging kalmado. Tinitigan na lang niya ang mukha ng dalaga.
Mula ng gabing iyon, nagiging mahirap na siyang maintindihan….
Kahit nagustuhan niya ang nagiging pagbabago, parang malayo sa katotohanan ang sobrang pagkalambing nito na nagdudulot na sa kanya ng pagkabalisa.
Pakiramdam niya isa siyang maglalakbay na nasa disyerto sa loob ng mahabang panahon at nahanap na ang oasis. Tapos sa susunod ng ilang segundo, malalaman pala niyang isang ilusyon lang ang lahat, isang lumipas na pagasa.
Mula sa oras na 'yun, umilaw bigla ang phone niya. May bagong mensaheng dumating.
Nandilim ang paningin ni Si Ye Han at saka binuksan ang mensahe.
Si Shen Meng Qi pala ang nagpadala ng mensahe--[Mr. Si, bumisita pala ako kay Ye Wan Wan kagabi at sinubukan ko talag siyang kumbinsihin. Pero mukhang galit pa rin siya sa'yo. Fiance pa rin niya si Mr. Gu kaya malinaw lang na hindi pa rin niya nakakalimutan siya. Umaasa ako na balang araw malaman niyang ikaw ang tamang lalaki para sa kanya.]