Chapter 1229: I'm Only Trying To Please You
"Ayoko," simpleng sagot ni Lu Tingxiao.
"Ay bakit?"'di naintindihan ni Ning Xi.
Tumingin si Lu Tingxiao sa babae at kumibit balikat. "Ikaw lang naman gusto kong pasayahin."
Natulala si Ning Xi at walang masabi nung una pero maya maya ay nagdrama siya na parang may arrow na tumusok sa puso niya.
Diyos ko! Sobra sobra naman na sabihin niyang gusto niya lang akong mapasaya…
Sige na nga, iniisip niya na kasi noon na pagplanuhan ang career ni Lu Tingxiao, pero nalimutan niyang 'di umaarte sa pelikula ang kanyang big boss.
Kapag sinasabi nilang isang laro ang entertainment industry, si Ning Xi 'yung player na talagang pinaghihirapang makalaban ang mga halimaw para makatuntong sa susunod na level. Habang si Lu Tingxiao naman ang Game Manager, na patuloy lang sa pagganap sa mapmasungit niyang pagkatao…
…