Download App
25% [ Tagalog ] - Random One-Shot Stories / Chapter 5: Untold Affair

Chapter 5: Untold Affair

"Alam mo friend? Antanga mo sobra! Ikaw yung pinagsamang manhid, bulag at tanga" si Rica, wag kayong malinlang sa pananalita niya ha? Hindi ko po siya kaaway, kaibigan ko po yan, biruin niyo? Matapos akong sabihang tanga, nakuha pa akong tawaging friend.

"Wow, thank you friend hah! Ansarap talagang makarinig ng WORDS OF ENCOURAGEMENT SAYO! NAKAKATABA NG PUSO! GRABE, DAMANG DAMA KO! Kahit kailan talaga napaka CHEERFUL mong walanghiya ka. Sa sobrang pagmamahal ko sayo malapit na kitang palayasin sa bahay ko!" note the sarcasm.

Ou palayasin kasi, nakikitira lang tong bruhang to sa bahay namin.

"Hehe. Ikaw naman friend. Relax--" tapos tumayo ito ay sinimulang imasahe ang balikat ko "Ikaw kasi eh. Lantaran kana ngang niloloko ng boyfriend mo pero pinapalampas mo lagi. Wala namang maganda sa lalaking yun eh, bukod sa babaero na nga, manloloko pa. Hindi lang siya ang gwapo sa mundo kaya wag ka manghinayang sa kanya. Friend, kaibigan kita, may pakialam ako sayo. Kaya habang maaga pa dapat marealize mo na ang dapat marealize at di mo na hintayin pang ako ang sumampal sayo para magising ka sa katotohanan--" bumalik na ito sa pagkakaupo.

Inirapan ko siya dahil wala akong maisagot sa sinabi niya.

Napatakip ako ng mukha. Ganito ako pag inlove sa isang tao. Walang pinapakinggan. Ang gusto ko, gusto ko. Walang makakapigil sa ginagawa ko. Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Eh sa mahal ko si Russel eh. Ayoko siya mawala kaya kahit anong pangangaral nila sakin di ko siya kayang pakawalan.

***

"Shy, mauna kana umuwi hah? May dadaanan pa kasi ako eh hah?" paalam sakin ni Rica.

"Kung hindi may bibilhin, may dadaanan naman ngayon? Ano bang dadaanan mo at sasamahan na kita?" pag iinsist ko. Pano ay tatlong araw na kaming hindi nagsasabay pauwi. Pag pinipilit ko siyang sasamahan ko siya sa pupuntahan niya, ayaw niya magpapilit. Nakakahalata na ako sa babaeng to eh, parang may hindi sinasabi.

"Ikaw babae ka, umamin ka nga? May tinatago ka ba ha?" bigla kong tanong.

Pansin ko agad na bigla siyang natigilan. Parang natataranta siya at di pa makatingin sa akin. Pero nakabawi din agad.

"W-wala noh! Tara na nga!" saka niya ikinawit ang kamay sa kamay ko saka sabay kaming naglakad.

"Wala daw! Meron eh! Ano nga? Surprise ba yan?" pangungulit ko. Bigla akong na curious sa pinagkakaabalahan ng babaeng to eh.

"Anong surprise ka dyan? Tumigil ka nga! Wala sabi!" pagtatanggi niya. Pero halata sa ekspresyon ng mukha nya na may itinatago siya.

"Sus! Sige! Ganyanan na pala ngayon hah! Malalaman ko di yun, kala mo.." sabi ko.

Umaasa pa naman akong sasabihin na niya pero wala akong nakuhang sagot. Nakakapanibago naman ang babaeng to, para may pinagdadaanan. Ayaw kasi sabihin baka makatulong ako. Pero di na ako nagpumilit pa, hihintayin ko na lang na kusa niya itong sasabihin.

***

"Sinong katext mo?" tanong ko kay Russel, boyfriend ko. Pinilit ko siyang magkita kami kasi gusto ko siyang masolo.

President kasi siya ng Student Council kaya super busy. Nagtatampo na nga ako kasi wala siyang time sakin. Pero yung pagtatampo kong yun parang walang effect sa kanya. Tss. Nakakabadtrip. Alam niyo yun? Gusto ko lang naman makaramdam ng lambing. Nakakainis.

Alam kong nanlalamig na siya. Ako na nga nag eeffort sa relasyon namin tapos makikicooperate na nga lang gagawin, di pa nya magawa.

Malapit na ako matauhan Russel. Kaya sana naman, hangga't pwede pa ibalik natin yung dating samahan na meron tayo. Tss. Ang hirap magpakatanga. Malapit na akong maiyak. Pero pinipigilan ko lang.

"Sino nga katext mo?" ulit ko. Para maiwasan ko yung nagbabadyang luha ko kapag isip ako ng isip ng ganun.

Nandito kami sa school garden slash dating place.

"Hah?" kinalabit ko siya. Kanina pa kasi text ng text. Alam kong babae niya yun. Gusto ko lang kumpirmahan mula sa bibig niya.

"Shy, ano ba?! Wag ka nga makulit? Kailangan ba lahat ng bagay na gagawin ko, sasabihin ko sayo?" nabigla ako dahil first time niya akong nasigawan.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya lalo na nagsitinginan yung mga taong nasa paligid namin.

"Russel, wala naman masama sa tanong ko, hindi mo naman kailangang sumigaw eh, saka girlfriend mo naman ako, karapatan ko naman sigurong malaman yun--"

"Pero sa ginagawa mo, sinasakal mo ako--"

"R-russel.." dahil sa sakit ng narinig ko di ko na napigilang lumuha.

"S-sorry.." tumayo siya "I need to go, kailangan ako sa office.." umalis na siyang tuluyan nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko.

Ang sakit.

Ang sakit.

Sa pag alis niya ipinakita niya lang na may mas importante pa sa akin. Ang sakit lang na nakita na nga niyang lumuha ako at di man lang siya nag atubiling lapitan ako at punasan iyon sa halip ay umalis na lang siya bigla. Tang!na naman! Ba't ba ako ganito ka martyr! Ang sakit magmahal ng di ka minamahal pabalik.

Alam niyo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon? Para akong nahulog sa eroplano, bumagsak sa bubong ng jeep tapos tumilapon at binundol ng 16 wheeler truck, ang pinakaworst, sa lahat ng yun, buhay pa ako. Tang!na lang.

***

"Friend! Ayaw talaga niya sagutin eh!" kasama ko si Rica.

Kanina ko pa kasi tinatawagan si Russel. Nagriring naman yung phone nito pero wala namang sumasagot.

"Baka busy lang alam mo naman yun.." sagot nito. Kanina ko kasama ang babaeng to, at sa buong oras na yun eh text lang ito ng text, parang may business.

"Napapansin ko talaga hah. May tinatago ka eh? Boyfriend mo ba yang katext mo?" usisa ko. Sinisilip silip ko habang nagtatype siya pero siya namang layo niya.

"Hindi daw! Pakita nga!" hinablot ko tuloy yung cellphone niya.

"Shy! Ano ba?! Akin na nga!" nagulat na lang ako sa inasal niya. Ngayon niya lang ako pinagtaasan ng boses.

Pero dinedma ko yun. Tumayo ako para di niya mahablot yung cellphone niya.

"Wala pala hah!" sinimulan ko ng kalkalin yung inbox niya.

"Shy! Akin na yan! Ano ba!" pilit inaabot ni Rica pero di niya makuha kasi mas matangkad ako sa kanya.

"Saglit lang! Titingnan lang eh!"

Nagsimula na akong mag open ng message sa inbox habang nakataas ang kamay ko sa ere at pilit namang hinahablot ni Rica.

"ANO BA SHY!! AKIN NA NGA!!" natigilan ako sa lakas ng sigaw niya, wala akong nagawa kundi isuko yung celfon niya nang makuha na niya ito.

"Sorry.." sabi ko. Nakonsensya tuloy ako. Sa tagal naming nagkasama ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito samantalang napakaliit na bagay lang pinagtatalunan namin.

"Sorry eh, parang kasing naglilihim ka sakin eh.." dugtong ko.

"Sorry din Shy--" sinabi niya yun ng nakayuko "--ah eh--sige may pupuntahan lang ako" saka siya umalis.

Nagbago na talaga siya. May mali ba sakin? Sa pagkakatanda ko, wala naman akong nagawang mali sa kanya. Ano ba talagang problema ng babaeng yun? Kinakabahan tuloy ako eh. May tinatago talaga siya. Bestfriend niya ako pero di niya masabi sabi yung problema niya. Imbes na isa lang ang problema ko, nadagdagan tuloy. Haay, ano kayang pwede kong gawin?

***

Maaga kami na dismiss ngayong araw kaya maaga akong makakauwi. Si Rica, ayun, bigla bigla na lang nauunang umaalis nang di man lang ako hinihintay. Kahit magkasama kami sa iisang bubong, feeling ko sa tuwing lalapit ako sa kanya lagi na lang siya umiiwas. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Isa din si Russel, namimiss ko na ang lalaking yun. Nakakainis lang kasi halatang di niya ako namimiss, sa tuwing yayayain ko lumabas laging dahilan niya busy. Ni text nga, isang beses lang ata sa isang araw, tapos 'Goodnight' lang, wala man lang 'I love you' na madalas niya tinetext dati. Gusto ko na magpakamatay. Feeling ko yung dalawang importante sa buhay ko, malapit ng mawala. Nakakabagot.

"Shy!" tawag sakin nung classmate ko. Lumapit siya sa akin.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Hinahanap mo ba bestfriend mo at boyfriend mo?" nagtaka naman ako saka biglang kinabahan. Parang ayaw ko marinig sasabihin nya.

"Uhm. Hindi naman. Bakit?"

"Ah. Kala ko kasi hinahanap mo. Akala ko nga ikaw kasama ng boyfriend mo kanina pero namalikmata lang ako. Si Rica lang pala" bumilis lalo yung kaba ko.

"M-magkasama sila?"

"Oo. Magkasama sila sa likod ng library. Nag uusap nga eh, mukhang mag aaway pa nga. Natawa nga ako sa ekspresyon ng mukha nila nung nakita nila ako eh, nagulat ba naman, haha, yung tipong nahuli ka ng nanay mong may kasamang boyfriend--"

"S-sigurado ka ba dyan?"

"Hay naku, oo nga. Mas malinaw pa mata ko sa sikat ng araw no--sige mauna na ako hah? Malayo pa kasi uuwian ko eh. Bye!" paalam nito.

Naiwan akong tulala. Habang unti unting pina process ng utak ko yung mga sinabi ng classmate ko. Iniiwasan kong mag conclude ng kung ano ano pero di ko mapigilan ang napaka sutil kong utak eh.

No. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip mo Shy. Hindi magagawa ng bestfriend mo ok? Think of the bright side kasi. Malay mo kinoconfront lang ng bestfriend mo ang boyfriend mo kasi sinasaktan ka niya, siguro tinutulungan ka ni Rica para maayos pa ang relasyon niyo ni Russel.

Para akong timang na kinukumbinsi ang sarili ko na mali yung una kong naisip.

Tama, siguro nga paraan lang yun ni Rica para pakiusapan si Russel na wag akong lokohin at saktan.

Pinilit kong ngumiti at kalimutan ang mga walang kwentang tumatakbo sa isip ko.

***

Ilang gabi akong di makatulog simula nung may nalaman ako. Bwiset naman. Kahit anong pilit kong iwasang mag isip pero di ko talaga macontrol ang utak ko.

Kaya napagdesisyunan kong harapin si Rica para matigil na tong kakaisip ko.

Tumayo ako mula sa kama saka pinuntahan si Rica sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok kasi ayos lang naman sa kanya kahit wag na daw. Kaso pag pasok ay walang Rica sa loob, pero may naririnig akong buhos ng tubig mula sa banyo, siguro naliligo siya. Mamaya na lang siguro. Aalis na sana ako nang may nag ring.

*to.to.tot.to.tot.to.to.tot* 2x

Ewan ko ba sa sarili ko pero parang may bumubulong sakin na tingnan ko kung sino nagtext. Ayaw ko man, pero may nag uudyok talaga saking tingnan ito eh.

Sumilip muna ako saglit sa banyo baka lumabas si Rica. Pero mukhang malayo pa at nasa kalagitnaan ito pagliligo.

Kinakabahan akong kinuha ang cellphone niya at sinimulang buksan yung message.

From: Jake

'Babe, antagal mo namang maligo. Text ka pag tapos kana hah? Mwah'

Sabi ko nga eh. May boyfriend na. Jake pa pangalan. Astig. Nagbukas pa ako ng iba mula sa inbox niya.

Puro, nagtatanungan kung ano ginagawa, nagkakamustahan, at kung ano ano pang sweet messages nababasa ko galing kay Jake.

May isang message lang na biglang ikinabilis ng kalabog ng dibdib ko.

From: Jake

'Babe, kailan ba natin ipapaalam sa kanya? Hanggang kailan ba tayo ganito? Kasi ako nagsasawa na ako sa patago. Ba't di na lang natin siya diretsuhin kesa gumagawa pa tayo ng ibang paraan para iwanan niya ako. Nagiguilty na ako eh"

Omaygad. Nanginginig ang kamay kong tingnan ang details ng message para makita ang buong number ni Jake para kumpirmahin ang hinala ko.

+63927amb?!md

Pagkakita ko pa lang alam ko na kung kanino ang number na to. Pero matigas ang ulo ko at iniisip parin na baka nagkamali lang ako sa pagmemorize ng number ni Russel kaya inilabas ko ang celphone ko at sinimulang itype ang number ni Jake.

"Shy!" nabigla ako nang nasa harap ko na pala si Rica na naka tapis ng towel "Anong ginagawa mo dito?" binilisan kong iclose ang message bago niya ito kinuha.

"H-hah? W-wala, tatanungin ko lang sana kung may assignment tayo.. Aalis na sana ako kaya lang biglang nagring yung celphone mo kaya tinignan ko--" natataranta kong sabi.

"M-may nabasa kaba?" halata ang kaba nito sa boses.

"Ah-oo, yung una. Kay Jake? Itext mo daw pagkatapos mo maligo. Di mo sinabing may boyfriend kana pala--"

"S-sorry Shy--" hindi ko mabasa kung ano ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ayos lang.. Sige.." nagmadali akong lumabas sa kwarto niya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong pinindot ang call button sa cellphone ko at parang gusto kong maglupasay sa sahig nang lumabas ang pangalan ni Russel sa screen.

Pakshet lang. All this time, niloloko lang nila ako? Pvtangina! Gusto ko magwala! Gusto ko ilabas lahat ng galit ko! Gusto magbasag! Gusto ko manapak! I swear! Malapit na ako makapatay!

Ayos din trip nila no! Kung makapag gamit ng Jake. Pakshet lang!

Nagmukha akong katanga tanga. Owsht! Urgh! Kaya pala. Kaya pala ganun na lang ang ikinikilos ni Rica. Iniiwasan niya ako kasi nilalamon na siya ng konsensya niya. Kung maka pag advice kala mo naaapply niya yung sinasabi niya samantalang mas masahol pa ang panlolokong ginawa niya sakin. Si Russel na minahal ko ng sobra na kahit mambabae siya ayos lang sakin, pero kung sa bestfriend ko? Ibang usapan na yun. Bestfriend ko siya pero nagawa niya akong traydorin! Pakshet lang no! Ang bestfriend ko at boyfriend ko, pinaikot at ginawa akong katanga tanga!

***

"Rex nakita mo ba si Russel?" tanong ko sa isang barkada ni Russel.

"Hah?--Ah--eh, h-hindi wala!"

"Alam kong alam mo. Kaya kung maaari sabihin mo na kasi kailangan namin mag usap.." mahinahon kong sabi. Galit na galit ako pero kaya kong kontrolin ang emosyon ko minsan. Minsan lang naman. Sorry na lang kung ngayon yung minsan na yun.

"H-hindi pwede eh. Malilintikan ako pag sinabi ko.."

"Sakin ka malilintikan kung di mo sasabihin! Ano? Punong puno na ako at malapit na akong sumabog. Wag mong hintaying madamay ka sa galit ko.." pagbabanta ko.

"Haist" nagkamot ito ng ulo "Nasa rooftop ng Engineering building--" pagkasabi niya nun ay umalis na ako nang di man lang nagpapasalamat.

***

Pagkarating ko sa rooftop lalong kumulo ang dugo ko nang mabungaran ang dalawa na katatapos maghalikan! Malapit na malapit na talaga maubos ang pasensya ko. Konting konti na lang.

"Mahal na mahal kita Russel.." narinig kong sabi ni Rica.

"Mahal din kita. Hanggang kailan ba tayo ganito? Nagsasawa na talaga ako eh" si Russel.

"Russel. Nagiguilty na rin ako eh. Pero kasi. Hindi ko kayang saktan ang bestfriend ko.."

"Sinasaktan mo na siya Rica. Pati ako nasasaktan ko siya sa ginagawa nating panloloko sa kanya.."

"Russel hindi ko talaga kaya. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya. Ayokong magalit siya sakin.."

"Hindi habambuhay maitatago natin to. Kahit anung gawin nating pagtatago, malalaman at malalaman din niya sa huli. Kaya habang maaga pa sabihin na natin kasi kung papatagalin lalong lalaki ang galit niya kapag nalaman pa niya to sa ibang tao--"

"Wag na kayong, mag aksaya ng panahon. Alam ko na.." matapang kong sabi, ayokong umiyak, gusto kong maging malakas sa harapan nila kahit durog na durog ako sa loob. Gusto kong ipakita na may hangganan ang pagiging tanga ko sa pag-ibig. Hindi habambuhay maloloko nila ako at magpapaloko ako.

"Shy.." halos manigas si Rica nang makita ako. Si Russel ay halos mataranta naman sa kinatatayuan niya. Nagtatangkang magsalita pero di niya maituloy tuloy. Kaya ang ginawa ko ay ako na mismo ang lumapit sa dalawa.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Nang matutunan ko ng mag relax ay bumwelo ako at sinampal si Russel.

Pak!

Namula agad ang pisnging sinampal ko. Hindi naman nag react si Russel, nakayuko lang siya pero alam kong nasaktan siya.

"Masakit ba? Mukhang hindi ah, sa kabila naman para pantay" panunukso ko saka ko siya sinampal ulit. Mas malakas kaysa sa una.

Pak!!

Tumagilid ang pisngi. Feeling ko kulang pa eh.

"Pwede isa pa?" di ko na hinintay ang sagot niya dahil sa pangatlong pagkakataon sasampalin ko na sana siya nang humarang si Rica.

"Shy! Tama na!" umiiyak itong pumunta sa harapan ko.

"Oh? Andito pala ang BESTFRIEND ko. Tamang tama hindi ko na kailangang lumapit pa--pak!!" binigla ko siya ng sampal, makikita sa mukha nito na hindi siya makapaniwalang sa unang pagkakataon ay nasampal ko siya.

Ansakit na ng kamay ko. Nakaka quota na eh. Pero kulang pa eh. Di pa ako kuntento.

"Ano? Wala kayong masabi? Andito na ako oh? Makikinig ako.." lumayo ako konti. Kasi nararamdaman kong malapit ng tumulo ang luha ko at ayaw kong mapansin nila. Sht lang, Shy please, wag ka umiyak parang awa mo na.

"Shy.. I-i'm so sorry.. S-sorry--sorry--sorry" sunod sunod na hagulgol ni Rica "Di ko sinasadyang mahalin si Russel, sorry naglihim ako, sorry niloko kita. Pero kahit kailan hindi nagbago ang turing ko sayo bilang bestfriend Shy--"

"Shy--" si Russel na ngayon ang nasa harap ko, at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Sutil na luha to, tumulo na ng tuluyan "Shy, wag kang magalit kay Rica, ako ang may kasalanan dito.. Im really sorry.. Mahal kita pero mas mahal ko siya--"

Sunod-sunod na nagsituluan ang luha ko. Ang sakit lalo na nagmula mismo sa bibig niya na mas mahal niya ang bestfriend ko.

"Matagal ko na siyang mahal bago naging tayo. Akala ko hindi niya ako gusto dahil ipinagtutulakan ka niya sakin noon. Niligawan kita kasi may gusto ka sakin noon, baka sakaling mabaling yung pagtingin ko sayo. Naging masaya ako sayo Shy, pero hindi parin nawawala ang pagkagusto ko kay Rica. The times na nanlalamig ako sayo at nagdedate ng kahit sinong babae, it was my way para magkaroon ng rason para makipaghiwalay ka sakin--"

Para akong sunod sunod na pinagsasasampal sa bawat salitang naririnig ko.

"Shy.. S-sorry.." kinabig ko ang magkabilang kamay niya sa mga braso ko.

"Kelan pa to?" tahimik na pumatak ang luha ko sa kaliwang mata. "Kelan niyo pa ako niloloko?"

"Matagal na.."

Parang naramdaman kong may sumaksak bigla sa dibdib ko.

"Ibig sabihin matagal niyo na akong niloloko?" saglit na natawa ako ng mapait "Mahal na mahal kita Russel! Sobrang sakit ng ginawa mo! Pwede mo naman kasi akong diretsuhin eh! Hindi mo kailangan patagalin!--"

"Kasi ayaw ka naming masaktan!"

"Eh! Gago ka pala eh! Ano sa tingin mo nararamdaman ko ngayon hah?! Masaya?! Dahil sinulot ng bestfriend ko ang boyfriend ko!! Hah? Hindi ba masakit yun?! Antagal niyo akong niloko! Antagal kong nagpakatanga sa walang kwentang taong katulad mo! Russel! Bakit sa bestfriend ko pa?! Matatanggap ko pa kung ibang babae eh, handa parin akong magpakatanga, pero sa bestfriend ko? Na ilang taon ko pinagkakatiwalaan tapos ngayon masisira lang dahil sa ginawa mo! Niyo!" huminto ako saglit saka bumaling naman kay Rica na kasalukuyang nakayuko at umiiyak "Tama ka. Antanga ko kasi nagpaloko ako sa inyo. Bestfriend kita pero nagawa mo akong lokohin. Wag ka sanang magsisi na mas pinili mo si Russel kaysa sa pagkakaibigan natin" nagpunas ako ng luha "Sana lang maging masaya kayo kahit na may nasaktan kayong tao. Salamat, kasi ngayon natauhan na ako—"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng aking kamay. Saka nagmadaling umalis.

"Shy!"

***

Isang buwan na ang nakakalipas. At nagpapasalamat ako na sa buong buwan na yun ay hindi ako nagpakadepress dahil lang sa naloko ako. Natutunan kong maging positibo. Ayokong mabuhay sa nakaraan. Tapos na yun eh, hindi mo na yun maibabalik at lalong di ko na mababago. Ba't pa ako magsasayang ng oras kaiisip sa bagay na alam kong walang patutungahan. Ayokong lamunin ako ng galit. Ayokong magpaka bitter. Hindi ako papayag na habang masaya ang mga nanloko sakin at ako naman ay nagpapakamiserable dahil sa ginawa nila.

Alam naman nating kahit anong gawin mong paglimot ay di mo magagawa dahil di naman talaga literal na makakalimutan mo ang mga masakit na nakaraan sa buhay mo liban na lang kung nabagok ka at nagka amnesia. Siguro ang mas madaling salitang gamitin sa 'paglimot' ay 'pagtanggap'. Sa paraan na to mas madaling gumaan ang pakiramdan mo. Lalo na kung samahan mo ng pagpapatawad. Diba ang gaan? Mas madali ang buhay kung gagawin mong simple ang mga bagay bagay.

Sabi nga diba, 'walang permanente sa buhay kundi pagbabago'. May hangganan ang pagiging tanga. May hangganan ang pagiging martyr. Ang tao, napapagod, nagsasawa, natututo, lumalaban.

Hindi ako kagaya ng iba dyan na kala mo katapusan na ng mundo at feeling nila wala ng magmamahal sa kanila. Yung tipong iisa lang ang lalaki sa mundo.

Maiba nga tayo dahil bukod sa maganda ako ay bata pa naman ako kaya marami pa dyang lalaki magkakandarapa sakin at sisiguraduhin kong mas higit ito kay Russel.

Yung love, nandyan lang yan, di yan mawawala kahit gaano kapa ka bitter. Oops, bato bato sa langit ang tamaan bitter.

Kung tatanungin niyo ako kung ano balita sa dalawa. Masaya sila. Masaya ako para sakanila. Totoo. Pramis. Mamatay man nagbabasa nito. Hehe. Joke. Ayos naman kami ng bestfriend ko pero hindi yung ayos na ayos. Nandun parin yung ilangan portion, pero normal lang yun atleast walang plastikan. Si Russel, hindi ko talaga siya pinapansin pag di siya unang pumansin. Ayos kaming tatlo nasa 25% kung irerate ko. Basta. Napatawad ko na sila, alam na nila yun kahit di ko sabihin.

Hay, makauwi na nga nauubos ang oras ko kakadrama eh. Tatawid na ako ng highway nang..

Screeeech!!

"Miss!"

*end*


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login