Download App
5% [ Tagalog ] - Random One-Shot Stories / Chapter 1: “PINAGLABAN KITA SA MARAMING BESES. SA ISANG PAGKAKAMALI MO, NAPASUKO AKO.”
[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories [ Tagalog ] - Random One-Shot Stories original

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

Author: great_sage00

© WebNovel

Chapter 1: “PINAGLABAN KITA SA MARAMING BESES. SA ISANG PAGKAKAMALI MO, NAPASUKO AKO.”

Ilang ulit at ilang beses ka na bang lumaban? Isa? Dalawa? Tatlo? O hindi na mabilang? Kung ilang ulit na at kung ilang beses na. Wala namang masama sa paglaban lalo na pagdating sa isang relasyon. Sa taong mahal mo. Hanggat, sa bawat paglaban mo mananalo ka. Worth it ang effort at pagod na nagawa mo para sa inyong dalawa.

Pero, paano nga ba? Pag dumating ang panahon na hindi mo na siya pwedeng ipaglaban pa, gustuhin mo man. Kung isang araw mapapasuko ka dahil sa isa lang pagkakamaling nagawa niya. Nagawa niya sa 'yo at sa relasyon n'yo.

"M-mahal, hindi ko alam kung bakit 'yon nangyari. Hindi ko alam, maniwala ka. M-mahal makinig ka naman o, m-mahal hindi ko kayang gawin 'yun sa 'yo. Mahal na mahal kita," paliwanag pa niya habang pilit na hinahawakan ang hibla ng buhok kong nakatabon sa mga mata ko'ng nagmamaga kakaiyak no'ng isang araw pa. Ang sakit ng ginawa niya.

Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kan'yang nanginginig ang kamay ko... "Ang kapal ng mukha mo! M-mahal? H'wag na h'wag mo akong matawag na mahal. Dahil hindi kita mahal. At mas lalong hindi mo ako mahal dahil kung mahal mo ko. Hindi mo 'yon magagawa sa akin. Bakit mo nagawa sa akin 'yun? Ha?!" tanong ko sa kan'ya sa huli. Umiiyak. Parang kinakatay 'yung puso ko sa sakit. Namamanhid buo kong katawan.

"M-mahal. Hindi ko alam. Lasing ako no'n. Lasing ako nawala na ako sa tuliro, sa tamang pag-iisip. M-mahal lasing ako. Hindi ko alam na mangyayari 'yun. Na magagawa kong pagtaksilan ka, na magagawa ko 'yon sa 'yo," umiiyak ay aniya sa harap ko. Nakatatang'na. Alam mo 'yon? Ang sakit-sakit e. Nakakamatay 'yung sakit.

Hindi lahat pero karamihan sa mga lalaki pag natutukso at nadadala. Lalo na pag lasing sila makakalimutan nilang sarili nilang relasyong nakataya at nakaabang pwedeng masira. Kahit gaano ka pa nila ka mahal pag lapitan sila nang tukso mawawala at makalimutan talaga nilang may masasaktan sila.

"'Yon na nga e, nalasing ka? Lasing ka sa oras na 'yun. Pero hindi mo ako naiisip, kung naiisip mo man ako nagpadala ka parin. Ano? Akala ko ba mahal mo ako? Hindi ko naman alam na 'yun din ang isa sa mga gusto mo. Sana sinasabi mo na lang sa 'kin no? Kasi ibibigay ko sa 'yo 'tong katawan at kaluluwa ko. Kesa sa iba, sa iba na kaibigan ko pa," sigaw ko sa kan'yang humahagolgol at humikbi. Nag mala waterfalls ang mga luha ko sa mga mata ko. Pira-pirasong luya ang puso ko. Napaka-sakit. Sobrang nakatatang'na 'yung sakit.

"M-mahal... Patawad. Pero ipaglalaban kita. Ikaw ang mahal ko at ikaw ang pipiliin ko." Ay s'ya sanang hahawakan ako. Wala na siyang karapatan pang hawakan ako. Dahil mula ngayon wala na rin akong karapatan pang hawakan rin siya.

"H'wag mo akong hawakan nandidiri ako sa 'yo," bulyaw ko sa kan'ya... "Ang kapal mo! Kaibigan ko pa? Sa lahat kaibigan ko pa talaga? Kaibigan ko pa ang nagawa mong buntisin. Ang kapal mo! Minahal kita. Pero 'yon pala ang hanap at iniisip mo." Napabagsak akong paupo sa semento. Nakapanghihina 'yung sakit. Pakiramdam ko wala na akong lakas. Ang mga luha ko unti-unti nang humuhupa pero ang sakit hindi pa.

Saang paraan ko siya ipaglalaban kung buhay ang nakataya. Anong karapatan ko pang ipaglalaban siya kung hindi na at wala na at sa anong dahilan pa? Sa mahabang panahon nang pagsasama namin na may lungkot, sakit, tampuhan, away, hiwalayan. Pero inaayos at bumabalik sa isa't isa. Hindi ko akalain na isang gabing pagkakamali niya mawawala at maglalaho 'yung 'KAMI.'

"M-mahal ako naman ang lalaban. Sa atin. M-mahal..."

"Anong klaseng utak meron ka? Ha? Pinaglalaban kita sa maraming beses. Sa ibang tao. Sa pamilya mo. Sa maraming paraan at dahilan. Pero dito mo lang pala ako mapapasuko. Pinaglalaban kita sa maraming beses. Sa isang pagkakamali mo, napasuko ako," mahinahong aniya kung natawa pa ng pekeng umaagos ang mga luhang akala ko wala na. 'Yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko parang sugat na sobrang lalim gamit ang patalim. Masakit, sobrang sakit.

"M-mahal..."

"Hayaan mo na ako. Tapos na ako sa misyon kong paulit-ulit na nilalaban ka. Na ipinaglalaban ka. Sa panghihina ko't pagsuko ako parin pala ang lalaban para sa sarili ko. Sana next time ako naman 'yung ipaglalaban kasi lagi na lang ako. Ako na lang palagi." Saysay ko pa kan'ya bago tumayong nanghihinang parang lasing. Umalis at unti-unting umaalis papalayo sa kan'yang lumuluha at umiiyak na naglalakad sa gitna ng malakas na ulan.

Nasasaktan ako ng sobra. Hindi ko alam kung kailan maghilom ang sugat na 'to. Kung kaya ko bang gamutin 'to nang mag-isa. Mga alaalang kay rami-dami ay kaya ko rin bang kalimutan. Ang relasyong ilang beses kong binuo at inaayos ay wala na. At ang taong mahal ko at pinapangarap kong sa kan'ya iaalay ang buhay at puso ko ay iba pala nakalaan. Ang sakit.

May mga laban na worth it na ipaglaban at may laban nang dapat sukuan. May mga mga bagay na hindi para sa atin at may mga taong dapat lang na palayain. At may mga taong hindi pala sa atin nakatadhana kundi sa iba nakatakda.

____

BY: PAINLESS PEN MANUNULAT


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login