Nanatili akong nakatayo na tila ayaw makagalaw, hindi ko alam kong bakit nawala ako sa sarili kong pag-iisip. Hindi ko naman alam na may tao pala sa ibaba, bakit feeling ko ay ako pa ang masama sa puntong ito? Kasalanan ko ba ang lahat? Kasalanan ko ba kong bakit nandyan sila sa ibaba nang hindi ko alam?
Wala akong kasalanan, at wala akong alam!
"Marilou!!!!!!!" isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa ibaba. Dahan-dahan akong dumungaw ulit, nagsalubong ang mga mata namin ni daddy. Sobrang galit na galit ang kanyang mukha ngayon. Kumalma ako! Hindi ako nagpatinag sa titig niya.
Halos ang lahat ay nakatitig parin sakin mula dito sa itaas ng hagdanan.
"Marilou, anak." isang malamig na boses ang bumungad sakin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang stepmom ko. Mahinhin syang tumitig sakin. "Bumaba na tayo, kailangan mong mag sorry sa lahat." namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Excuse me, its not my fault, at hindi ko kasalanan kong bakit natamaan ang lalaking iyon." iyon lang ang tangi kong naisagot. Nakangiti lang sya sakin na para bang wala lang sa kanya ang ginawa ko.
"I know," aniya. "But you need to face them, walang mawawala sayo. Hali kana!" iminuwestra niya ang hagdanan na nakangiti. Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko alam kong bakit habol-habol ko ang aking hininga ngayon, na tila kinakabahan.
"Hindi ko sila kilala at wala akong oras para harapin sila. This is my house, my rule my decision." singhal ko bago sya tinalikuran ngunit nagsalita sya na agad kong ikinagulat.
"Pamilya iyon ng fiance mo, Marilou." halos lumuwal ang mata ko sa narinig. Napalunok ako!
"What did you say?" maang maangan ko. Halos Manginig ako sa galit.
"Please bumaba kana, doon ka nalang namin kakausapin." suhestyon niya na mas lalo kong ikinasigaw.
"No," singhal ko!
"At bakit hindi?" isang ma awtoridad na boses ang umalingaw-ngaw saking tenga. Si daddy na paakyat nang hagdanan at palapit sa direksyon namin. "Gumawa ka na nga nang kasalanan, ayaw mo pang humarap sa kanila? What kind of attitude you have, Marilou." naging tigre ang boses ni daddy. Ang kanyang titig ay mas lalong nagalit. Sa buong buhay ko ay naging mabait si daddy, pero nag-iba simula nong gusto niya akong ipakasal.
"No," giit kong sagot ngunit hinalbot niya ang braso ko at sapilitan akong ibinaba sa hagdan. Halos maiyak ako sa ginawa ni daddy halos matapilok ako sa ginawa niyang paghila sakin. Hanggang sa makababa kami patungong sala.
Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko na nakangiti na sakin na para bang may ipinapahiwatig na salita.
"I'm sorry guys, wala lang sa mood ang anak ko. Pasensyahan nyo na!" paumanhin ni daddy na para bang kinakaawa ako. Lahat sila ay nakatitig sakin.
"Its okay Garry, naiintindihan namin sya." biglaang salita ng isang matandang babae na kasing edad narin ito ni daddy. Nakangiti syang lumapit sakin. "Hi, I'm Clea, I'm happy to see you at last." kumunot ang noo ko sa pagpapakilala niya sakin. Inilahad niya ang kanyang kamay na tila nagagalak na makilala ako.
Nanatiling nakalahad ang kanyang kamay sa ere. Napabuntong hininga ako bago tanggapin iyon.
"Hello," iyon lang ang tangi kong naisagot ngunit hindi tinanggap ang kanyang kamay. Wala akong balak makipagkilala sa pamilya ng lalaking papakasalan ko.
"I'm sorry Mrs. Edelbario, Marilou is just tired. Mabuti pa ay umupo nalang tayong lahat." sambit ni daddy bago ako hinila sa may braso at sapilitang pinaupo sa tabi niya. Sa puntong ito ay kaharap ko ang limang tao na hindi ko kilala. Nagpakilala sakin si Mr. Edelbario at ang ibang kasamahan nila. Ganon parin ay hindi ko tinatanggap ang pagpapakilala nila.
Iginala ko ang aking mata at napadpad ang tingin ko sa lalaking nakayuko habang hawak-hawak ang kanyang ulo. Nakabenda na ang kanyang ulo ngunit hinilot-hinilot niya parin ang kanyang noo.
"Hijo, does your head hurt? You might want to rest?" tanong ni Mrs. Clea sa lalaking katabi niya. Dahan-dahang niyang inangat ang kanyang ulo sabay ng paglaglag ng aking mata. Halos lumuwal ang mata ko sa nakita. Biglaan akong nanginig nang hindi ko alam.
Inilipat niya ang kanyang tingin sakin. Maluwag niya akong sinamaan ng tingin, isang tingin na hindi ko alam kong galit ba sya o hindi. Hindi ko maipaliwanag kong anong ekspresyon sya ngayon.
"Sorry Clifford. Marilou does not mistreat you. Are you really okay?" napalingon ako sa sinabi ng stepmom ko. Pinagit-naan namin si daddy ngayon. Hindi ko mapigilang manginig, dahil naalala ko ang panty na isinaule niya sakin. Nagugulohan ako! Bakit sya?
Clifford? Kong ganon isa sya sa mag pinsan na sinasabi sakin ng mga kaibigan ko. Sya pala iyon?
"I'm okay, maybe the girl is not okay." ngusong turo niya sakin kaya lahat sila ay napatingin sakin. Mabilisan kong hinawakan ang magkabila kong hita. Nanginginig talaga eh!
"Me?" sambit ko. Isa-isa ko silang tinignan. Sa puntong ito ay natawa sya saking reaskyon. Natatakot ako na baka sabihin niya sa harap ng daddy ko ang nangyari samin. Hindi maaari, ang awkward pag ganon. "Yes hindi ako okay, dahil hindi ko alam kong anong kailangan nyo sakin. Who are you people? What do you have to do? Why are you here?" sunod-sunod kong katanongan. Nagkatinginan silang lahat.
"Hija kami ang pamilya ng mapapangasawa mo, nandito kami para hingin ang kamay mo nang pormal at para pag-usapan narin ang kasal nyong dalawa. Kinausap na kami ng daddy at mommy mo tungkol sayo. Naiintindihan ka namin, kong ano man ang nararamdaman mo ngayon, kong galit ka man samin? sorry if we disturbed you. We just need to know you personally, but do not worry we know your whole personality." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mrs. Edelbario. Mabilisan kong tinignan si daddy.
"Dad?" halos masinghal ako. Pati ugali ko ay pinagsasabi niya sa iba?
"I'm just telling the truth, anak. Nang sa ganon eh aware ang mapapangasawa mo tungkol sayo. Only your behavior is bad but you are not a bad person, right?" nakangiting sambi ni daddy. Napasinghap ako bago napahilot saking ulo. Bakit ba ako nagsasayang nang oras sa mga taong ito?
"I'm already sleepy!" Aakmang tatayo ako ng bigla akong hinila ni daddy paupo.
"Tssss isip bata," mabilisan akong lumingon kay Clifford na ngayon ay nakanumber four ng upo.
"Excuse me? Anong sabi mo?" biglaan akong napatayo dahil sa galit. Natawa lang sya na para bang nang-iinis sakin. Pinigilan sya ng mommy niya.
"I just say what i say," ngisi niya. Nanatili akong nakatayo habang nakatuon ang kanilang mga tingin saming dalawa. "I did not think it was a matter of fact that my wife was a child." mas lalo kong naramdaman ang galit sa sinabi niya. Umuusok ang tenga ko sa puntong ito.
"Hijo," pigil ng kanyang mommy sa kanya. Napatingin sakin si Mrs. Edelbario na para bang nahihiya sa sinabi ng kanyang anak.
"Mom, i already told you. Hindi ko tipo ang tulad niya." namilog ang bibig ko sa dugtong niya. Kitang-kita sa mata niya ang pang-aasar at pang-iinis. Hinawakan ni daddy ang kamay ko para ibalik ako sa pagkakaupo ngunit hindi ako nagpatinag. Ayaw kong umupo dahil galit na galit ako. "She looks like childish, silly at sobrang boring pang tignan." sa puntong ito ay mabilisan ko syang nilapitan at aakmang sasampalin sya ng masalo niya agad ang kamay ko.
"Clifford / Marilou," sabay nilang lahat na para bang nagulat sa ginawa ko. Lahat sila ay napatayo sa eksena.
"You have no right to judge me so much because you do not know me, dont try me dahil pumapatol ako ng lalaki." ma awtoridad kong sagot. Natawa sya rason kong bakit humampas sakin ang mabango niyang hininga. Napalunok ako! Hawak-hawak niya parin ang palapulsohan ko.
Dahan-dahan niyang inalapit ang mukha niya sakin. Napaatras ang ulo ko sa ginawa niya.
"I've been tested you already, and I know what you're testing for." napalunok ako sa sinabi niya. Sa puntong ito ay napahiya ang buo kong katawan. Nang dahil lang sa red pany na iyon ay feeling ko, ang dumi-dumi ko na.
"Bitawan mo ako," iyon lang ang tangi kong naisagot. Napaatras ako at napahawak saking palapulsohan. Naramdaman ko nalang na nasa likod ko si daddy.
"Marilou, anak. Please stop! Nakakahiya." umawang ang labi ko sa sinabi ni daddy halos hindi ako makapaniwala.
"What? Ako pa talaga ang nakakahiya dito dad?" turo ko saking sarili. "Dad ang bastos ng lalaking to," turo ko kay Clifford na nanatiling nakangiti na para bang baliw.
"Hija, Im sorry kong nagkasagotan kayo ng anak ko." paumanhin ng mommy ni Clifford. "Pwede natin itong pag-usap ng masinsinan," natawa ako sa sinabi ng mommy niya. Kailangan pa talagang pag-usapan ang ganitong bagay? Hindi sila importante, lalo na ang Clifford na 'to.
"Maybe ipagpabukas nalang natin ito," biglang nagsalita ang daddy ni Clifford na kanina pa ay tahimik. "Were very sorry Mr and Mrs Charleston, maybe this is not the right time for the two to talk." naging malamig ang boses ni Mr. Edelbario. Dali-daling lumapit si daddy sa kanya saka ito kinamayan.
"Siguro tama ka, lets talk first outside." anyaya ni daddy bago kami tignan ng walang ekspreyon. "Mauna na kami sa labas." lumingon si daddy sa stepmom ko. "Hon ikaw na ang bahala," huling sabi ni dad bago sila tuluyang lumabas ni Mr. Edelbario.
Sumunod narin ang ibang bisita sa paglabas ni daddy at Mr. Edelbario. Nagulat nalang ako ng biglang lumapit ang mommy sakin ni Clifford. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"I know how you feel because I'm a girl too. I'm sorry for what my son said, maybe it's just a bad thing because of the frame you dropped." nakangiti sya na para bang wala lang sa kanya ang sagotan namin ng anak niya. "I still want to know you, hija. Takecare, okay?" hinimas niya ang pisnge ko bago ako niyakap. Halos hindi ako makagalaw. Bakit feeling ko ay nababaitan ako sa kanya? Bakit feeling ko ay kalmado at cool syang ina. Hindi tulad ng anak niya.
Pagkatapos niya akong kausapin ay lumapit sya sa stepmom ko. "Come on Leah, i have something to tell you." lumapit ang stepmom ko sa kanya at tuluyan silang lumabas ng bahay. Sa puntong ito ay dalawa nalang kami ang naiwan sa sala.
Lumingon ako kay Clifford at nakatingin na pala ito sakin. Nakapamulsa syang nakatitig sakin ng malalim. Sinamaan ko sya ng tingin!
"Oh bakit nandito ka pa? Umalis na ang pamilya mo kaya umalis ka narin dito." singhal ko. Hindi pa nawawala sakin ang galit dahil sa sinabi niya kanina. Bakit ba hinayaan ni daddy at stepmom ko na iwan kami dito sa loob, alam nilang nagbabangayan kami kanina pero nagawa pa talaga nilang iwan kami dito?
"Relax, aalis din ako agad. Gusto lang kitang makitang magalit." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan syang lumapit sakin na nakangiti parin. Dahan-dahan din akong napaatras.
"Get out," bulyaw ko habang nakaturo ang aking hintuturo sa maindoor. Mahina syang matawa. "I dont like you, Clifford. Hindi ikaw ang klasing taong pinapangarap kong maging asawa. Hindi ikaw ang tipo ko at mas lalong hindi ikaw ang standard ko," uminit ang pisnge ko sa galit habang sinasabi iyon. Kalmado syang nakatitig sakin na para bang wala syang narinig.
Bigla syang natawa, isang tawa na mahina ngunit ang lakas ng impact sakin. Dahil ang tawang iyon ay nakakainis pakinggan.
"Why you shouldn't ask yourself if i want you too," matigas niyang english. Lumapit sya sakin ng lumapit habang ako ay pa atras ng pa atras. "You're not even my type, itsura mo palang bagsak na para sakin. Ugali mo palang bagsak na para sakin. I do not dream of a woman without a class, dahil dibdib mo palang wala nang laman parang isip mo, sobrang liit." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kuyom ang dalawa kong kamao at gustohin na syang suntokin.
Sobrang lakas ng tawa niya habang palayo sakin. Dahan-dahan kong niyakap ang aking dibdib, nang di ko malaman kong ano ang dahilan.
"Pervert!!!!!!" sigaw ko sa inis at galit. Padabog akong tumakbo patungo saking kwarto at dumirekta sa pagkakahiga. Nagtago ako saking kumot na sobrang galit. Gusto kong sumigaw ng sumigaw ngunit di ko magawa dahil sobrang bigat narin ng katawan ko.
Pagod na pagod ako sa gabing ito, hindi ko na maintindihan ang buhay ko. Bakit ganito?
Napabangon ako ng biglang tumunog ang aking phone. Dali-dali kong inabot ang aking cellphone sa gilid ng aking kama. Kumunot ang noo ko sa numerong lumabas sa screen. Dali-dali ko iyong binuksan at binasa.
From: 0936*******
Dont call me pervert, Marilou. Because you are more pervert that night. Remember? Hahaha
Naitapon ko ang aking cellphone sa dingding. Sa puntong ito ay napasigaw ako ng malakas! Hindi ko na alam kong pano sya papatolan dahil masyado syang bastos.
Pero bakit niya nasabi iyon? Ano ba talaga ang nangyari sa gabing iyon? Ano ba talaga ang ginawa ko at bakit niya nasabing mas bastos ako?
Fuck you, Clifford. Humanda ka sakin bukas! Hahanapin kita at magtutuos tayo ulit. You do not know who you hit!