Download App
9.75% "You're Only Mine" / Chapter 4: KABANATA 4

Chapter 4: KABANATA 4

KABANATA 4: Parents plan

Clifford Point of View

I suddenly close my eyes while im listening the music. Dalawang oras na akong nakatambay sa rooftop ng aking bahay. Ito ang lagi kong ginagawa sa tuwing mag-isa ako. Hindi na bago sakin ito, I'm always alone and loneliness is always with me. But music is always by my side. Gabi-gabi lang akong pumupunta sa bar at sa araw naman ay nasa bahay ako. Nililibang ko ang aking sarili sa pagluluto, gym, playing guitar at lalo na sa lahat ang makinig sa mga musika na gustong-gusto ko.

Alam nyo kong bakit?

I love music because it reminds me I'm human and have feelings. I love music, because it never leaves me alone. I love music because it's a only thing that has'nt walked away from me when i needed it most. That's why I love music because it can relax and deeply concentrate what i plan each day, lalo na't ang dami-dami kong iniisip tungkol sa kompanya namin, even in my bars.

Music improves my mood and reduces my anxiety and also music boosts my immune system. Music is my relieves pain. I love music because it's the only thing that stays when everything and everyone is gone. I don't know what the future holds but I know music is in it. I love music because it's so powerful and helps heal my soul. Kaya sobrang napamahal ako sa mga musika. Yes i am not good singer, but im a good listener. I have 20 bars sa buong Manila, kaya iyon ang pinatayo ng pamilya ko dahil alam na alam nilang mahal na mahal ko ang musika habang umiinom ng alak.

Napatingala ako sa ulap, inayos ko ang aking shade bago sumandal sa backrest ng sliding chair. Ang dami-dami kong iniisip sa raw na ito, lalo na't 26 years old na ako. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ko? Sino-sino kayang mga babae ang makikilala ko at titikman ko? Hindi ko alam dahil natatawa ako sa maaari kong future. Ang dami-dami ko nang babaeng nakilala ngunit ni isa ay wala akong nagustohan o kaya na tipohan. Ni isa ay wala akong binabalik-balikan. Lahat tinitikman pagkatapos ay iwanan. Ganyan ang takbo ng buhay ko hanggang ngayon. Trabaho, alak, babae at sex. Hindi ko rin iniisip na baka karmahin ako dahil ako lang ang nag-iisang anak at wala akong kapatid na babae. Hindi ko kasalanan kong bakit naghahabol sila sakin, because in the beginning katawan ko lang ang habol nila.

Hindi ko kasalanan ang pagiging gwapo, bagkus mahirap ngunit masarap mabuhay ng ganito.

Natatawa akong mag-isa na parang baliw. Naiisip ko lang si Matteo, sobrang gwapo ng pinsan ko ngunit nababaliw sa isang babae lamang? Naiisip ko lang na baka isang araw eh bigla nalang pareho ang takbo ng buhay ko sa pinagdadaanan ngayon ni Matteo? Walangheya! Huwag naman sana.

Bumalik ang diwa ko nang biglang mag ring ang aking phone. Napatingin ako sa screen and it was mom. Napatuwid ako sa pagkakaupo bago sinagot ang tawag.

"Mom?" Sagot ko.

"Clifford, anak. Nasan ka?" Tanong niya sa kabilang linya.

"At home, alone." Sagot ko na ikinatawa niya. "Why mom? You need something? Gusto mo puntahan kita dyan sa bahay nyo?" Wika ko.

"Iyon sana ang sasabihin ko sayo, but naunahan mo ako. Honestly anak, i need you so badly now. May pag-uusapan lang tayo ng daddy mo. Can you come?" Natawa ako sa sinabi ni mommy. Mahal na mahal ko si mommy at alam kong namimiss niya ako. Ayaw na ayaw ko lang talagang bini'baby niya ako lalo na't sobrang public. Hindi ako naiinis o nagagalit bagkus eh nahihiya at naiilang ako sa mga tao.

Dali-dali kong pinaharurot ang kotse papunta sa bahay ni mom and dad. Pagdating ko ay dumirekta agad ako sa loob, kumunot ang noo ko sa babaeng kasama ni mom. I respectedly great them!

"Hi mom," hinalikan ko si mom sa pisnge niya. Napasulyap ako sa babaeng kasama ni mommy. Sobrang simple niyang tignan at mukhag ka edad lang ito ng mommy ko. Mahinhin syang tumayo at ngumiti sakin. "Hello madamme, how are you today?"

"I'm fine hijo, thank you." Naglahad sya ng kamay at tinanggap ko iyon. "Anyway I am Leah Charleston, your mom bestfriend." Napalingon ako kay mommy.

"Yes anak sya yong sinasabi ko sayo na matagal ko nang hindi nakikita. Bestfriends ko sya since highschool at buti nalang talaga eh nagkita kami ulit." Sobrang laki ng ngiti ni mommy.

"Ahh okay mom, its cute." Ngiti ko sa dalawa. Nagkatinginan si mommy at ang bestfriends niya. Kumunot ang noo ko dahil kakaiba ang ngiti ng dalawa. "Mom? Anong pag-uusapan natin?" Putol ko sa ngitian ng dalawa. Dali-daling lumapit sakin si mommy.

"Its very important things ang pag-uusapan natin ngayon, hali ka umupo ka muna sa tabi ko."  Ramdam na ramdam ko ang excitement sa mga ngiti ni mommy. Hinila niya ako pa upo sa tabi niya. "Clifford, anak." Hinimas niya ang pisnge ko bago ako nginitian. "I dont know if you agree with this, but we really need you." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mommy.

"Mom, why you should ask this? You know me i can help you anytime. May problema ba sa kompanya nyo ni daddy? About money? I can help." Napabuntong hininga si mommy sa sagot ko. Tila may mali sa sagot ko.

"Its not about the money anak," natahimik ako sa narinig. Sumulyap si mommy sa bestfriend niya bago ako tignan ulit.

"It's about marriage," sabay kaming napalingon kay daddy. Hindi ko alam kong anong reaksyon ko dahil bigla syang sumulpot. May kasama syang matandang lalaki at pareho silang may bitbit na alak.

"Dad," salita ko na tila nagtataka.

"Clifford, i know your a very great man. Your one of the greatest men i know, anak." Lumapit sakin si daddy. Tumayo ako at umakbay sya sakin. Hinila niya ako papalapit sa kasama iya kanina. Who are they? Bakit nandito sila sa balay? Dont tell me---- what the fuck!

"Dad? Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Mr Charleston, I'm glad to shared you about my son background." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni daddy. Naglahad ng kamay si Mr. Charleston. Bumagsak ang mata ko sa kamay niya.

"I'm glad to see you again, Clifford. Alam kong hindi muna ako natatandaan dahil bata ka pa nong pa balik-balik ako dito." Tinanggap ko ang kamay niya bago kami nag shake hands.

"Wala nga talaga akong matandaan, Sir." Alingasa ko. Nagtawanan si daddy at si Mr. Charleston.

"Well hijo, let me introduce myself to you. I am Mannuel Charleston, at isa sa mga malalaki kong business ay ang hotel and resorts," salaysay niya. Napatango ako bilang sagot. Sumulyap ako kay mom at dad at nakagiti lang ito sakin. Hindi iyan ang gusto kong marinig, bakit sila nandito?

"They came from wealth and privilege family, anak." Sambit ni mommy. Napailing ako na may pagtataka.

"Okay, but the point is why they here? Bakit nyo ako gustong makausap?" Isa-isa ko silang tinignan. Sana mali ang iniisip ko ngayon, at sana hindi tama ang hinala ko.

"Maupo muna tayo para pag-usapan ang lahat," ani ni mommy. Umupo ako sa iisang sofa, habang magkatabi si mom at dad. Mr. and Mrs. Charleston ay umupo sa kabilang sofa which is nasa harap ko.

"We need your help hijo," unang salita ni Mr. Charleston. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Help? What kind of help Sir?" Suhestyon ko.

"May anak kaming babae, and her name is Marilou. Kaya kami naparito para hingin ang permisyon at suhestyon mo na magpakasal sa anak namin." Nalaglag ang mata ko sa sinabi ni Mr. Charleston. Napalunok ako ng ilang ulit bago tignan si mom and dad.

"W-what?" Singhal ko bago tumayo. Isa-isa ko silang tinignan na may gulat sa mukha. "Mom anong ibig sabihin nito? Bakit ako? We already talk about this mom, na hahayaan nyo akong pumili ng babaeng papakasalan ko." Halos bumulyaw ako sa galit. Napahilot ako saking sentidu.

"Son, ikaw lang ang tanging paraan na naisip namin ng mommy mo," kalmadong sagot ni daddy. Napanganga ako sa narinig.

"Sa dami-daming tao sa mundo bakit ako pa? Ginawa nyo talaga akong paraan dad?" Mahinahon kong sagot. Tumayo si mommy at hinala ako paupo pabalik. Hinimas niya ang likod ko. Naging maamo ang titig sakin ni mom.

"Anak, calm down. Nagbabasakali lang naman kasi kami na baka pumayag ka sa maaari naming gusto." Napapikit ako sa sinabi ni mom. Bigla yata sumakit ang ulo ko sa puntong ito.

"But why me? Madami namang ibang lalaki dyan diba?" Isa-isa kong tingin sa kanila. This is so crazy, at nakakabaliw ang sitwasyon ko.

"Because i know you can change the girl, son." Napalingon ako kay dad.

"Change?" Angal ko. "Ano bang klaseng anak ang meron kayo at kailangan ko pa talagang bagohin, Sir?" Isang natatawa kong sabi.

"Ganito kasi iyon hijo, hindi namin alam kong pano babagohin si Marilou. Maging kami ang pamilya niya ay hindi namin magawa, maging ang malalapit niyang kaibigan ay walang nagawa. She is really one of a kind. Maldita, brat, spoiled, pilisopa, warrior, lasinggera, palaging nakasigaw, and a very hard-headed woman." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mr. Charleston. Napahilot ako saking sentidu.

"One of a kind ba iyon Sir? Eh sa sinalaysay nyo ngayon ay parang hindi tao ang anak nyo." Halos matawa ako sa kinauupoan ko ngayon. Natahimik silang apat sa tawa kong ako lang ang natutuwa.

"Son this is not a joke, arrange marriage is not a joke." Sermon ni mom. Natahimik ako bago sumandal sa backrest ng sofa.

"I am not joking mom, im just curious kong anong klasing babae ang nirereto nyo sakin ni dad." Saad kong mahinahon. Lumingon ako kay Mr. Charleston. "I am sorry but I am not ready, at isa pa hindi ko responsibilidad na bagohin ang anak nyo, Sir. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko ngayon, ayaw ko nang dagdagan ang mga problema ko. Dahil sa sinabi nyo ngayon sakin ay hinding-hindi talaga ako interesado sa anak nyo. Im sorry sana ay respitohin nyo ang gusto ko." Tumayo ako pagkatapos sabihin iyon. Natahimik silang lahat. Maging si daddy at mommy ay hindi na umangal. "I have to go, im sorry again." Aakmang tatalikuran ko sila ng biglang magsalita si Mrs. Charleston.

"Wait lang hijo," dahan-dahan akong sumulyap kay Mrs. Charleston. "Alam kong mahirap para sayo to dahil nasanay kang nasa trabaho at kaibigan lang ang atensyon mo." Natawa ako sa sinabi ni Mrs. Charleston.

"Nakalimutan nyo ang babae Mrs. Charleston. Trabaho, alak at mga babae ang pumapalibot sa buhay ko ngayon. Do you think i am going to serious your daughter?" Natahimik si Mrs. Charleston sa sinabi ko. Natahimik ako bago nag buntong hininga. "Mrs. Charleston I still dont believe in arranged marriages. Yes they do look happy, but how many arranged marriages end that way? Hindi nagtatagal dahil sapilitan silang nagmamahal diba? Ayaw kong mangyari iyon sa anak nyo ni Mr. Charleston." Napatayo si daddy sa sinabi ko. Lumapit sya sakin at ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin.

"Clifford, huwag na huwag mong sasabihin iyan. Hindi mo ba naiisip na arranged marriage din kami ng mommy mo? Pero sa huli ay natuto naming mahalin ang isat-isa. Huwag kang magsalita ng patapos anak. Isipin munang mabuti dahil hindi kana bumabata." Ma awtoridad na wika ni daddy. Bigla akong napayuko, hindi ko alam pero sa totoo lang ay nasaktan ko ang nararamdaman ng pamilya ko. But this time ay nagugulohan lang talaga ako. Bakit bigla-bigla nalang ang disesyon nila?

"Anak," lumapit sakin si mommy. Hinawakan niya ang kamay ko. "May respito ako sa disesyon mo, pero sana naman hayaan mo kami ng daddy mo na pumili ng babaeng papakasalan mo. Anak maganda si Marilou at hinding-hundi ka magsisisi sa kanya." Napapikit ako sa sinabi ni mom. Bakit yata bigla akong natahimik? Gusto kong magalit ngunit di ko magawa. Hinawakan ko ang kamay ni mom pabalik.

"Hindi ko alam mom, nabigla lang talaga ako sa maaari nyong gusto. At isa pa hindi ko alam kong anong klaseng babae yan si Marilou!" Nagdadalawang isip kong sabi.

"They look to be very happy together, at sigurado akong magiging masaya ang mga anak natin, Mr. Edelbario." Sambit ni Mr. Charleston bago niya ako tignan ulit. Napabuntong hininga ako ulit bago tignan si daddy.

"Im very sorry dad, sa puntong ito ay hindi ko pa alam ang isasagot ko. Kailangan ko munang mag-isip." Naging mahina ang boses ko. Hindi ako sigurado dahil hindi talaga ako interesado sa Marilou na iyan. Kahit kailan ay wala pa akong babaeng natitipohan at nagugustohan. Ayaw kong maging committed sa isang babae. Ayaw kong makulong sa isang silda na walang kasiguradohan.

"Hahayaan ka naming mag-isip anak, at sana pumayag ka. Ito lang talaga ang tanging paraan para mag bago ang anak ng kaibigan ko. Ikaw lang ang tanging makakapagbago sa kanya." Nakangiting salaysay ni mom. Napaatras at tinalikuran sila ng panandalian. Napahilot ako saking noo. Bigla-bigla nalang sumakit ang ulo ko sa puntong ito.

Dahan-dahan akong humarap ulit sa kanila.

"Nagugulohan lang kasi ako kong bakit ako?" Tanong ko.

"Dahil may tiwala kami sayo hijo, alam kong matinik ka sa babae at never pang natinik si Marilou sa mga lalaki. Baka naman kasi makuha mo sya sa tingin at malay mo mag bago ng dahil sayo." Natawa ako sa sinabi ni Mrs. Charleston, iniimagine ko ang mukha ng babaeng iyon. Hindi pa natitinik? Tika lang parang na e'engganyo yata akong subukan sya. Natatawa ako saking isipan, kahit ni isang babae ay walang humihindi sakin. Lahat na papa Yes!

"Mrs. Charleston, nakakasigurado ba kayo na ako talaga ang pipiliin nyo? I am Edelbario, at lapitin ako ng mga babae. Baka uuwi yang luhaan si Marilou sa bahay nyo." Pagmamayabang kong sabi. Nagulat nalang ako ng biglang nagtawanan ang apat sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko sa reaksyon nila, imbis magalit sakin eh pinagtawanan lang ako.

"Hijo, iyon nga ang gusto naming mangyari. Ang lumuha sya ng dahil sa lalaki. Dahil sa ganoong paraan ay lalambot ang puso niya, at sigurado akong magagawa mo iyon. Okay lang samin kong anong gusto mong mangyari basta sa huli ay makita namin ang malaking pagbabago niya. Please Clifford, gawin mo sana ang gusto namin. Iyong-iyong si Marilou hanggat sa gusto mo, hanggat sa mahulog sya sayo." Napamangha ako sa narinig mula kay Mr. Charleston, naiisip ko lang kong bakit gusto nilang masaktan ang anak nila, anong klasing magulang ba sila? Tsss ewan ko basta ang alam ko ngayon-----

"Pag-iisipan ko, kailangan ko ng umalis, excuse me." Yumuko ako bago sila tinalikuran. Ramdam na ramdam ko ang maluwag kong pag alis sa harapan nila. Hindi pa ako nakakaabot sa pintoan ng biglang tinawag ako ni Mrs. Charleston.

"Hijo wait," dahan-dahan akong humarap sa kanya. Lumapit sya sakin na nakangiti hindi ko alam kong anong klasing ngiti iyon parang kakaiba. "Marilou is a broken hearted," biglang umiba ang awra ko sa narinig. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. "Hindi sa lalaki, kundi samin. Clifford," hinawakan niya ang braso ko. "Arrange marriage is a better set-up than love marriage. Believe me," dugtong niyang nakangiti. Napalunok ako bago sumagot.

"My mom and dad is came from being arrange marriage, napilitin silang dalawa dahil pareho silang heartbroken that time. But i dont believe that arranged marriages these day is the agreement between to broken hearts, dahil hindi po ako broken hearted. Im sorry Mrs. Charleston, for me love marriage is a better set-up than arranged marriage. Kailanga ko na talagang umalis, maiwan ko po muna kayo." Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko bago sya yumuko.

Napabuntong hininga ako bago sinulyapan si mom at dad. Kitang-kita sa mata nilang dalawa ang disappointment at pagkakadismaya.

Tuluyan akong umalis sa bahay. Dali-dali kong pinaharurot ang kotse patungong bar. Nawala ako saking isipan at nanatiling hindi lumalabas saking kotse. Im just thinking kong bakit hindi ko magawang pag bigyan ang pamilya ko sa gusto nila. Binigay sakin ni mom at dad ang lahat-lahat ng kayamanan, binigyan nila ako ng magandang buhay at pinalaki nila akong buo ang pamilya at masaya. Alam na alam kong hinding-hindi magagalit sakin si daddy, at ganon din si mommy. Lumaki akong hindi sila nakikitang nag-aaway at nagagalit sakin.

Ganito na ba talaga ako kasama para tanggihan sila? I dont know but this time ay nagugulohan ako. Nagugulohan ako kong bakit tinutulongan ni mom at dad si Mr. And Mrs. Charleston, anong koneskyon ang meron silang apat? Bakit gustong-gusto nilang tulongan ang dalawa iyon? Sa buong buhay ko ay ngayon ko pa nakikitang nagpursigeng tumulong si mom at dad sa hindi ko naman masyadong kilala.

Anong meron ang pamilyang iyon.

Nanatili akong nasa loob ng kotse ko. Dali-dali kong hinalungkat ang aking phone at nag tipa. Sinubukan kong  hanapin ang background ni Mr. and Mrs. Charleston sa google and i read all the article that written. They're so powerful and rich. Charleston family who were number one rich family in 19th century end. The Charleston family, the owners of big hotels and resorts is the wealthiest family in Manila.

I personally meet Mr. and Mrs. Charleston at my parents house. Mr. Charleston he was very humble and didn't act or show his wealth. Hinding-hindi sya nagpapahalata kong gano sya kayamanan. I didnt expect this!

Kumunot ang noo ko sa nabasa!

"It's disgusting that these families have billions of dollars more money than anybody could spend in 10 lifetimes." Bulong ko saking sarili. Sobrang yaman nila, at hindi ko lubos akalain na may mas mayaman at makapangyarihan pa pala samin. Great, bakit ngayon ko pa ito naisip?

Isa-isa kong binasa ang lahat ng articles. Ang dami palang galit sa pamilya nila, at marami-marami rin ang namamangha sa pamilya nila. Natigilan ako sa pagbabasa ng makuha ng isang pangungusap ang atensyon ko, kumunot ang noo ko sa nabasa.

"Haters gonna hate. My parents aren't perfect but they aren't monsters and they have been very generous. So fuck all of you haters! Mamamatay kayo sa gutom at mamamatay kayo sa inggit."

"What the?" Namilog ang bibig ko sa nabasa. Hindi ko lubos maisip na makakabasa ako ng ganito mula sa article ng Charleston. Nanlaki ang mata ko sa nakita! "Fuck---- sobrang tapang ng babaeng 'to ah. Ito ba 'yong anak ni Mr. And Mrs. Charleston? Kong maka asta parang hindi babae." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan makilala ang babaeng 'to. Kakaiba nga!

Dali-dali kong viniew ang larawan niya mula sa isang article. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa nakita, at the same time natawa at napalunok. She is my future wife? What the heck, para syang bata. No way! I can't accept this! This can't be happen, hindi ako pumapatol sa isang isip bata at mukhang bata.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login