Hindi ko magawang tumayo saking kama, nanatili akong nakayakap saking unan. Hanggang ngayon ay umiiyak parin ako sa takot at pag-aalala. Kanina ko pa tinitext si Clifford at hindi niya ako sinasagot, sinubukan ko syang tawagan ngunit ayaw niya paring sumagot.
Halos hindi ako makatulog kagabi, panay himas ko saking dibdib dahil sa sikip at sakit.
Maghapon akong nakahiga saking kama na para bang gusto ko nalang nakahiga parati.
"Maam Marilou," biglang may bumukas saking pintoan. Napalingon ako mula roon at bumungad sakin ang katulong namin. "Nandito po ang pamilya ni sir Clifford," mabilisan akong napatayo sa narinig. Dali-dali akong bumaba saking kama bago ayosin ang sarili.
Tumungo ako sa sala at tumambad sakin si Mr..and Mrs Edelbario, sinalubong ako ng mommy ni Clifford.
"Marilou im sorry!" niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko sya magawang yakapin pabalik dahil nagtataka ako kong bakit sya umiiyak. Kumalas sya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong braso. "I told them everything about Zei and Clifford," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napasulyap ako kay Lolo at daddy, at walang ekspresyon silang napatitig sakin.
"Hindi ko maintindihan, ang dami kong katanongan saking sarili." sambit ko, pinipigilan kong umiyak sa harap nila.
"Come here," tinawag ako ni daddy at tumabi ako sa kanya. Pinagitnaan ako ni Lolo at daddy habang nasa harap ang mommy at daddy ni Clifford. "Alam na namin ang lahat, Marilou at hindi namin magawang magalit dahil sa sitwasyon ng babae." dugtong ni daddy habang hinimas-himas ang aking likuran.
"Gusto ko ring malaman ang lahat, please. Kagabi pa ako nalilito, feeling ko ay nang-agaw ako. Feeling ko ay may kasalanan ako kay Zei." sunod-sunod kong wika. Natahimik silang lahat, napahilot ang daddy ni Clifford sa kanyang sentidu.
"To be honest, ayaw naming mag sinungaling sayo Marilou, dahil alam naming mahal ka ng anak namin." sa unang pagkakataon ay nagsalita ang daddy ni Clifford. "Marilou, malapit na kaibigan namin ang pamilya ni Zei, ngunit maaga syang nawalan ng pamilya dahil sa aksidente. Simula non ay kapatid na ni Zei ang nag-aalaga sa kanya. Her sister married a rich man with big businesses there, kaya sya dinala sa canada at dun nag pagaling." isa-isang tumulo ang luha ko sa sinabi ng daddy ni Clifford. Sobrang sakit pakinggan ng pinagdaanan ni Zei.
"Gusto nyang bawiin sakin si Clifford at nalilito ako kong ano ang dapat kong gawin." nagulat sila sa sinabi ko. Nagkatinginan silang lahat.
"Sinabi niya iyon?" gulat na tanong ng mommy ni Clifford. Tumango ako habang umiiyak.
"And this is so unfair Clea and Mannuel, hahayaan nyo lang ba ito?" si daddy sa sobrang galit ba tono. Napahilamos ang mommy ni Clifford, at ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya saming dalawa ni Clifford.
"No," suhestyon ng daddy ni Clifford. Pinaglalaruan niya ang kanyang palad habang nakabahagi ang kanyang dalawang hita.
"Ang dami kong katanongan ngunit hindi ko alam kong saan ako magsisimula." humagulgol ako ng iyak. Niyakap ako ni daddy, sobrang sakit lang talaga at hindi ko mapigilang umiyak.
"At isa sa mga katanongan mo ay kong bakit naghiwalay sila? Pangalawa, may sakit ba si Zei nong sila pa?" natahimik ako sa sambit ng daddy niya. Bakit alam niya lahat? "Its definitely no, Marilou. Naghiwalay si Zei at Clifford dahil may gustong lalaki ang pamilya ni Zei para sa kanya, ipinaglaban sya ng anak namin Marilou pero hindi sya nagawang ipaglaban ni Zei, at iyon ang totoo." dahan-dahan akong napahawak saking dibdib. Dahan-dahan ko ring pinoproseso ang lahat ng narinig. "Saksi kami sa sakit at mga luha ng anak namin, Marilou." sa puntong ito ay nanikip ulit ang aking dibdib. Sobrang mahal na mahal pala ni Clifford si Zei.
"Sumama si Zei sa lalaking gusto ng kanyang pamilya para sa kanya, at sa masamang palad bago ang kasal na aksidente ang pamilya ni Zie-----," sambit ng mommy ni Clifford, kanina pa sobrang sikip ng aking dibdib. Napayuko ang mommy niya na para bang ayaw taposin ang sasabihin.
"Kasama ang mapapangasawa niya," daddy ni Clifford na ang dumugtong. Napahawak ako saking bibig sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala na ganoon ka sakit at lala ng pinagdaanan ni Zei.
"Mom, dad!?" sabay kaming napalingon sa main door ng aming bahay. Napatayo ako sa nakita, palapit samin si Clifford at nanatiling hindi sya nakabihis, ang kanyang suot ay kagabi pa.
Hindi ko mapigilan ang aking sarili at tumakbo palapit sa kanya, niyakap ko sya agad. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang bewang. Miss na miss ko sya!
"I'm sorry," saad ko at isinubsob ang aking mukha sa kanyang bisig.
"Kailangan na nating umuwi, kunin muna ang mga gamit mo." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, tumingala ako para tignan sya at hindi niya ako magawang tignan. Lumingon ako saking likuran at walang ekspresyon kaming pinapanuod ni Lolo at daddy kasama ang pamilya ni Clifford.
Napabuntong hininga ako at agad nagtungo saking kwarto. Kinuha ko ang iila kong gamit at nanatiling nakapangtulog pa. Wala na akong oras para mag bihis dahil alam kong pagod na pagod si Clifford at ayaw kong paghintayin sya.
Dali-dali akong bumaba at naabotan ko silang nag-uusap sa sala.
"Hayaan nyo ako sa gagawin ko. Ako na ang bahala sa lahat!" narinig ko pa iyon ng makalapit ako kay Clifford. Sabay silang napatingin sakin ngunit si Clifford ay hindi ako magawang tignan, bakit pakiramdam ko ay may nagawa akong mali?
"Mag-iingat kayong dalawa," si daddy, hindi ko nagawang magpaalam dahil hinila bigla ni Clifford ang aking braso. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
Hinayaan ko syang hilahin ako, isa-isang tumulo ang luha ko at hindi ko alam kong anong problema niya sakin. Maging sa byahe ay sobrang tahimik naming dalawa, yakap-yakap ko ang aking sarili at hindi sya magawang kausapin. Kitang-kita sa gilid ng mata ko kong gano sya kagalit, ang kanyang igting panga ay nangahuhulogang galit na galit.
Napayuko ako!
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi niya ako magawang tignan o kausapin manlang. Kusa akong bumaba sa kotse ng hindi sya hinintay para pagbuksan ako. Nagulat sya ng makababa na ako, sa pagkakataong ito ay nagkatitigan kaming dalawa. Umiwas sya ng tingin at iniwan akong walang paalam.
Tumulo ang luha ko ngunit hinawi ko agad iyon. Sinundan ko sya paakyat ng kwarto, padabog kong ibinaba ang aking bag sa kama bago umupo. Nakayuko akong umiiyak at ayaw kong makita niya iyon. Naramdaman ko nalang ang pagsara na pinto at pag tunog ng shower. Hinintay ko syang matapos maligo at ilang sandali ay lumabas na sya.
Napalingon ako sa kanya, tanging towalya lang ang nakapulupot sa kanyang ibabang katawan. Umiwas agad ako ng tingin. Tumungo sya sa closet at dali-dali naman akong pumasok sa banyo at naligo narin. Maging sa pagligo ay hindi ko mapigilang umiyak, kanina pa itong mga luha ko at ayaw talagang tumigil.
Alam nyo kong bakit? Dahil nasaktan ako, at mas lalo akong nasaktan ng binabalewala niya ako ngayon. Mabilis akong natapos sa pagligo at napagdesyonang lumabas. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa dahil nakaupo na sya ngayon sa kama namin. Dumirekta agad ako sa closet namin, hindi ko alam kong ano ang aking naisipan at isinuot ko ang kulay puting silky dress saking closet.
Bigla ko nalang narealize na nasuot ko ito sa sobrang galit. Kailangan kong panindigan ito, lumabas ako ng closet at nagtagpo ulit ang aming mga mata. Umiwas ako ng tingin at dali-daling tumungo sa kabilang side at umupo. Nakatalikod ako sa kanya at ramdam na ramdam ko ang paninitig niya sakin.
"Goodnight," bigla ko nalang iyong nabitawan at patalikod syang iniwasan sa paghiga. Niyakap ko ang kumot at sapilitang pumipikit. Ramdam na ramdam kong nakatingin sya sakin at pinipigilan ko lang na ayaw tumingin sa kanya. Bakit ganito kasakit? Bakit bigla-bigla niya lang akong hindi pinapansin at hindi manlang kakausapin. Ang dami kong tanong sa kanya, kumusta si Zei? Anong nangyari sa kanya? Saan hospital aya dinala?
Sa sobrang dami kong iniisip ay nakatulog na pala ako na may galit at sakit sa dibdib. Naalimpungatan ako ng may marinig akong bumubulong saking likuran. Dahan-dahan akong lumingon at tumambad sakin si Clifford na nakatayo sa harap ng lobby namin.
"I'm leaving now, Im on my way." mabilis akong bumalik patagilid at pumikit ng maramdaman kong paharap sya sakin. Natataranta syang nag ayos at kumuha ng jacket sa closet, kahit nakapikit ako ay ramdam kong nag-iingat sya sa kanyang kilos upang hindi ako magising.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang kamay niya saking braso, hinimas niya ako at inayos ang kumot saking katawan. Tuloyan syang lumabas ng aming kwarto sabay ng pagpatak ng aking luha. Humagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap ang kumot.
Alam ng puso't isip ko na si Zei ang pupuntahan niya. Dali-dali akong bumangon at tumungo saming closet, hinanap ko ang damit ni Clifford na isinuot niya nong kaarawan ko. Isa-isa kong tinignan ang bawat bulsa ng kanyang damit pati ang pants. Nagbabasakali na may makita ako na kahit ano.
Tila nasagot ang dasal ko ng may makapa akong papel sa bulsa ng damit niya. Dali-dali ko iyong binuksan at binasa, isa ito resibo ng pagkain. San Nicola's Hospital? malapit lang ito sa bahay ni Jilheart. Dali-dali kong tinawagan si Jilheart at buti nalang ay sumagot sya.
"Hello Mar? Napatawag ka?" nag-aalalang tanong niya.
"Jil please I need you, hindi pa binabalik sakin ni daddy ang kotse ko. Pwede mo ba akong sunduin ngayon? Malapit lang sainyo ang Nicolas Hospital diba? dyan kasi dinala ni Clifford si Zei, at kailangan ko syang sundan. Please!!!" halos mag makaawa ako sa kay Jilheart, dahil alam na alam kong sobrang strikto ng kanyang pamilya.
"Omg...sobrang timing mo wala si mommy at daddy ngayon. Hintayin mo ako dyan magbibihis lang ako saglit." pinutol agad ni Jilheart ang kanyang linya.
Dali-dali akong nagbihis at maiging bumaba sa hagdanan. Alam kong nandito si Cheche at Cholo kaya minabuti kong huwag gumawa ng ingay. Tagumpay akong nakalabas ng bahay at napagdesyonang hintayin si Jilheart sa labas ng gate. Ilang sandali lang ay naaninag ko na ang kotse niya. Dali-dali akong kumaway sa kanya at pinagbuksan niya ako agad.
"Buti nalang nakatakas ako, tulog narin kasi ang mga katulong namin kasi 10am na Mar oh, bakit ngayon mo pa naisipang pumunta ron sa hospital?" nag-aalala niyang wika.
"Huwag ka nang magtanong, tayo na." usisa ko at dali-dali niyang pinaharurot ang kotse. Ilang minuto sa byahe ay nakaabot narin kami sa hospital, tumingin ako sa kanya at alam kong inaantok pa sya ngayon.
"Salamat Jil, kailangan ko ng pumasok. Bumalik kana sainyo baka mahuli ka pa ni tito at tita." suhestyon ko at umiling sya.
"Sasamahan na kita sa loob," sagot niya at hinawakan ang kamay ko.
"No, okay lang ako promise. Dont worry about me," hinawakan ko rin ang kamay niya. Niyakap ko si Jilheart bago ko napagdesyonang lumabas ng kotse at kumaway sa kanya palayo.
Habang papasok ako ng hospital ay hindi ko mapigilang kabahan. Pag apak ko palang sa pintoan ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng aking pakiramdam. Isa sa pinakayaw kong lugar ay ang hospital dahil ang dami-dami kong masasakit na ala-ala sa ganitong lugar. Buntong hininga akong naglakad. Hindi ko alam kong saan ako tutungo ngayon dahil sobrang laki ng hospital. Luminga-linga ako sa buong paligid at nagbabasakaling baka makita ko si Clifford.
Napagdesyonan kong sumakay ng elevator at pagbukas ng pintoan ay bumungad sakin ang tatlong tao na nakasakay. Nakatingin silang tatlo sakin kaya pumasok ako agad at pindot ang number 5. Napayakap ako saking sarili at hindi alam kong sinong nagtulak sakin na pumunta dito.
"If we ever get late here, Zei is at 501. Our flight is back next week, and she needs to be taken to Canada right away, hon." mabilis akong napalingon sa katabi ko. Napa head to toe akong napatitig sa kanya at sobrang elegante niya ring tignan. Siguro ay kapatid sya ni Zei.
Umiwas agad ako ng tingin, napapikit ako, hindi ko alam kong swerte ba ang tawag dito dahil lahat nalang ay timing. Hinintay kong mauna syang lumabas at sumunod agad ako. Dumirekta sya sa kabilang hallway at napahinto ako at isa-isang tinignan ang mga pintoan. Napadpad ang tingin ko sa ikalimang pintoan, dahan-dahan akong lumapit mula roon. Napatitig ako sa door knob ng pinto, napahawak ako saking dibdib.
Buntong hininga kong pinihit ang pintoan ng dahan-dahan, at bahagyang sumilip sa loob. Bagsak ang kabila kong balikat sa nakita, sabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
Napahawak ako ng mahigpit sa door knob. Nakagat ko ang aking labi, napahagulgol ako.
Nakahiga si Zei sa isang kama, at maraming nakakabit sa kanyang katawan. Kinabitan sya ng oxygen sa may bibig habang gumagawa ng ingay ang Monitoring equipment sa gilid ng kanyang kama, nanatiling naka curve ang heartbeat ni Zei at ang bawat daloy ng zigzag mula sa screen ay nag papaalala sakin ni mommy.
Mas lalo akong napaiyak ng mapadpad ang aking tingin sa gilid ng kama ni Zei, nakaupo siyang natutulog sa tabi ni Zei. Nakapatong ang ulo ni niya sa kama habang nakayuko at hawak-hawak ang kamay ni Zei.
Dahan-dahan kong isinara ang pinto at hindi mapigilang humagulgol ng iyak. Itinulak-tulak ko ang aking dibdib.
Bakit kailangan pang umabot sa ganito?