Marilou Point of View
Kanina pa ako tulala sa klase, hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang babaeng nakilala ko sa resort na iyon. Dalawang araw lang kaming nanatili sa Lovi'n resort dahil sa alam ni Clifford na may klase pa ako. Two weeks narin ang lumipas pero hindi ko parin nakakalimutan ang mukha ng babaeng iyon.
"Girl okay ka lang?" putol sakin ni Jazzy na ngayon ay tumabi na sakin. Breaktime na pala at hindi ko manlang namalayan na isa-isa nang lumabas ang iilang kaklase namin.
"May iniisip lang ako, pasensya kanina pa kayo?" usal ko. Nagtaas ang kilay ng dalawa at mas lalong lumapit sakin si Jazzy.
"Girl kanina pa kami nag-aalala sayo kasi tinawag ka ni Maam Rogon at dahil hindi ka nakinig sa klase, kaya hinayaan ka nalang niya." pabigat na sagot ni Jazzy, nakasimangot na nakatitig sakin si Jilheart.
"Alam naming pagod ka, at naiintindihan namin yon." sa puntong ito ay nakangiting pang-aasar ang binahagya sakin ni Jilheart. Alam nila kasing dalawa na kagagaling namin sa honeymoon ni Clifford. Napayuko ako, ramdam na ramdam ko ang init ng aking pisnge.
"Hayysssss sana all," sabay nilang dalawa habang nakasimangot. Natawa ako, hindi ko mapigilang matawa sa sinabi nila. Iniba ko ang usapan para makalimutan nila ang kanilang iniisip ngayon.
Sa totoo lan ay pagod na pagod ako, sobrang sakit ng katawan ko at gusto ko nalang matulog buong araw.
"Girls kailangan ko ng umalis, may pupuntahan lang ako sa kabilang building." si Jazzy at dali-daling inayos ang kanyang mga gamit.
"Sama ako," si Jilheart at tumayo narin ito. Natawa ako na may pang-aasar. Alam na alam ko kong sino ang pupuntahan nila sa kabilang builing, nandoon kasi ang room ng kanilangga crush.
Sabay silang napatingin sakin.
"Hindi ako makakasama, kayo nalang. Hihintayin ko nalang kayo dito." sagot ko at dali-dali namang humarurot ang dalawa palabas. Napailing ako at napagdesyonang tignan ang iilang larawan namin ni Clifford.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may asawa na ako. Napabuntong hininga ako, sobrang sarap sa pakiramdam. Bigla nalang akong may naalala, natawa ako. Bakit wala akong number ni Clifford, at maging sya ay wala syang number sakin.
"Hala ang gwapo!"
"Omg....ang hot niya!"
"Sino kaya sya?"
"Ang gwapo niya talaga girls, kinikilig ako.
"Girls, sa pagkakaalam ko ay hubby daw iyan ni Marilou,"
Napakunot ang noo ko sa narinig at mabilisang tumingin sa pinto ng classroom. Nanlaki ang mata ko dahil bumungad sakin si Clifford na nakangiti habang nakapamulsa. Napahawak ako saking dibdib, sobrang bilis ng tibok ng puso. Dahan-dahan sumilay ang aking ngiting kilig.
"Hi," wika niya at dahan-dahan lumapit sa kinauupoan ko. Napalingon ako sa iilang studyante mula sa bintana at kilig na kilig sa nasaksihan nila.
"Bakit ka nandito?" tanong ko ng makalapit sya sakin. Inabot niya ang bag ko mula sa upoan at hinila ang magkabila kong braso para alalayan akong itayo.
"Nakasalubong ko ang dalawa mong kaibigan sa hallway, pagod ka raw kaya minabuti kong umakyat sa room mo para sunduin ka, pinatawag ako ng lolo mo kaya ako naparito." wika niya at inabot ang aking kamay, napapikit ako sa kilig dahil hinalikan niya ang labi ko. "Napagod ka tuloy sakin, asawa ko." dugtong niya. Halos tumili ang iilang babae sa labas kaya sinamaan ko sila ng tingin. Isa-isa silang umalis sa ginawa ko.
"Okay lang," nakangiti kong sagot ngunit pagod. "Tika lang bakit ka pinatawag ni Lolo?" taas kilay ko ngunit umiling lang ito.
"It's just man's talk." tanging isinagot niya at hinila ako palabas ng room. Maging sa corridor ay halos napantingin saming lahat. Oo, alam ng buong University na kasal na ako sa edad kong ito at wala akong pakialam dahil masaya ako ngayon.
Hanggang sa umabot kami sa labas ng University ay nanatilng hawak-hawak niya ang aking kamay habang nasa kabilang balikat niya ang aking bag. Sa totoo lang ay natatawa at the same time ay kinikilig.
"May klase pa ako bakit mo ako iuuwi?" pigil ko sa kanya ngunit mabilisan niya akong pinagbuksan ng kotse at ipinasok. Hindi niya ako sinagot. "Clifford ano ba kasi ang pinag-usapan nyo ni Lolo? Saan tayo pupunta?" wika ko ulit, lumingon sya sakin.
"Wala ka ba talagang naaalala kong anong araw ngayon?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. Napailing ako bago sumandal sa upoan. Hindi ko alam kong anong araw ngayon at bakit pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako at lahat nalang ng bagay ay nakalimutan ko.
"Clifford naman eh.....ano ba kasi ngayon? Inaantok na ako oh." turo ko saking mata habang nakanguso, tawang-tawa sya sa ginawa ko. Dahan-dahan syang lumapit sakin at nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ang magkabila kong mata.
"Go to sleep, I'll just wake you up when we get there." suhistyon niya at nagkibit nalang ako ng balikat. Hindi ko alam kong pano ako nakatulog ng nakaupo dahil sa sobrang pagod. Ilang sandali lang ay narinig ko ang boses ni Clifford malapit sakin, dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tumambad sakin si Clifford na nakangiti. Nakabukas na pala ang pintoan saking giliran. "Nandito na tayo!" inalalayan niya akong bumaba, napatingala ako sa mataas na gusali.
"Bakit tayo nandito? Anong meron?" tanong ko ngunit hindi niya ako simagot. Hinila niya ang kamay ko at hinayaan ko nalang iyon. Sumunod ako sa kanya na medyo antok na antok pa. Tumungo kami sa isang malawak na pintoan kong saan ay may dalawang lalaki ang nakahawak sa dalawang door knob.
Kay bilis ng pangayayari. Habang dahan-dahang bumukas ang malaking pinto ay tumambad sakin ang iilang tao mula sa gitna. Nanlaki ang mata ko, sa sobrang gulat ko ay nawala ang aking antok.
"Happy Birthday!!!!" bati nilang lahat na nakangiti habang pumapalakpak. Napahawak ako saking dibdib, napasulyap ako kay Clifford at nakangiti na ito sakin ngayon.
"Happy Birthday, asawa ko." bati niya at hinalikan ang aking noo at niyakap ako agad. Hindi namalayan na isa-isang tumulo ang aking luha, ganito pala ang pakiramdam na gulatin ka sa saya at tuwa.
"Birthday ko ngayon?" tanong ko kay Clifford na ngayon ay natawa sakin.
"Happy Birthday Marilou," sabay ma yumakap sakin si Jilheart at Jazzy. Halos hindi ako makahinga sa ginawa nilang yakap.
"T-tika lang, bakit hindi ko alam na birthday ko pala ngayon?" turo ko saking sarili natawa ang dalawa, bago ako napatitig sa suot nila. "Bakit sobrang ayos nyo ngayon?" usal ko pa at niyakap lang nila ako.
"Girl, sa sobrang busy mong tao at halos hindi ka na nga tumitingin sa calendar kong anong araw ngayon." si Jazzy habang hawak-hawak ang aking kamay.
"Ang daming nangyari sa buhay mo, at alam naming pati birthday mo ay nakalimutan mo." natatawang sambit ni Jilheart. Napanguso ako, bakit ang kaarawan ko pa ang nakalimutan ko.
"Happy Birthday anak," napalingon ako sa likuran ng dalawa kong kaibigan. Bumungad sakin si Lolo, daddy at aking stepmom.
"Marilou maiwan ka muna namin, kukuha lang kami ng pagkain dun." dali-daling umalis ang dalawa kong kaibigan, lumapit naman sakin si dady, lolo at ang aking stepmom.
"Happy Birthday sa pinakamaganda kong apo," niyakap ako ni Lolo at niyakap ko rin sya. Sumunod namang yumakap sakin si daddy. Napatingin ako sa stepmom ko at ramdam ko ang pagdadalawang isip niyang lumapit sakin.
"Happy Birthday anak," bati niya at niyakap ako. Napatingin sakin si Lolo at daddy na nakangiti. Dahan-dahan kong niyakap pabalik ang aking stepmom.
"Thank you mom," sa puntong ito ay nagulat sya sa sagot ko. Ang kanyang ngito ay halos abot sa kanyang tenga, napayakap sya sa daddy ko na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
"T-tika lang, bakit hindi ko alam? Bakit hindi nyo sinabi sakin na kaarawan ko pala ngayon? Bakit may pa surpresa pa talaga dad?" tanong ko bago tignan si Lolo. "Lo? kayo ba ang nag plano nito?" umiling si Lolo at daddy na may tawa.
Lumapit sakin ang aking stepmom at inabot ang aking kamay. Bumagsak ang mata ko sa magkahawak naming kamay, wala akong naramdaman na galit.
"Ang swerte mo kay Clifford, anak. Sya ang nag plano nito lahat at matagal na niya itong plano para sa birthday mo, simula nong nakauwi kayo galing resort." sa puntong ito ay natigilan ako. Hinanap ng mata ko si Clifford, kinakausap niya ang kanyang mga kaibigan habang nakangiti. Napabuntong hininga ako.
"Lo, daddy, mom pupuntahan ko muna saglit si Clifford, okay lang po ba?" usal ko at tanging ngiti lang ang ibinigay sakin ni daddy at lolo.
"Sure anak, enjoy your night." ang stepmom ko ang sumagot at tuluyan ko silang tinalikuran. Habang papalapit ako kay Clifford ay kinabahan ako, panay hilot ko saking kamay. Hindi ako makapaniwala na ganito sya ka sweet sakin ng sobra. Full of surprises at nakakainlove lalo.
Sobrang lapit ko na sa kanya nang biglang may humila sakin. Nagulat ako!
"Saan ka pupunta kailangan mong magbihis." hinila ako ng dalawa kong kaibigan at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Pumasok kami sa isang kwarto at binihisan nila ako.
Habang inaayos ako ng dalawa ay halos hindi sila makatingin sakin ng diretso.
"Ang sabi nyo ay sa kabilang building lang kayo pupunta?" tanong ko at natigilan sila. Ngumiti silang plastik.
"Sorry na girl, kasi sabi ng Lolo mo kailangang hindi mo malaman, kasi pag nangyari iyon patay kami." sagot ni Jazzy, nag taas ako ng kilay.
"Basta huwag ka nang magtanong, kailangan matapos na tayo kasi hinihintay kana nang lahat." mabilisang sagot ni Jilheart. Hindi na ako muling nagtanong pa at hinayaan sila sa pinag-gagawa nila sakin.
Suot ang kulay itim na dress, na vneck ang harap at sexyback sa likuran. Sakto lang sa hugis ng aking katawan at hindi ito masayong mahaba.
Bumalik kami sa venue, halos napatingin sakin ang lahat.
"Everyone our birthday girl is here," usisa ng may hawak sa mikropono at sinalubong nila akong masigabong palakpakan. Hind ko manlang namalayan na wala na ang dalawa kong kaibigan saking giliran. Nakangiti sakin lahat at hindi ko rin mapigilang ngumiti. Tumungo ako sa gitna kong saan ay bumuo sila ng pabilog na hugis para sa mangyayaring sayawan.
"At this point, lets give Mr. Edelbario time to dance with his wife." natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko iyon. Nahawak ako ng mhapigpit saking dress, para bang kinabahan ako na makita ang asawa ko kahit alam ko saking sarili na asawa ko na sya, at may nangyayari na saming dalawa.
Nagpalakpakan ang lahat sabay ng paglabas ni Clifford sa isang sulok, napangiti ako dahil nakabihis rin pala sya. Sobrang gwapo niya sa suot niyang long sleeve na kulay dark gray at pants na itim. Nakapamulsa syang lumapit sakin.
"Can I dance you beautiful young lady," anyaya niya habang hinihintay niyang tanggapin ko ang kanyang kamay. Nakangiti akong tinanggap iyon.
Now playing: You're still the one by: Shania twain
Nagsimula na kaming magsayaw, nakapatong ang kamay ko sa balikat niya habang sya naman ay hawak-hawak ang magkabila kong bewang. Bawat galaw, bawat ikot ay dahan-dahan upang masulit namin ang sayaw ngayong gabi.
How did i fall with this man? Why did things happen so fast, at sa isang iglap lang ay asawa na niya ako.
"Pinasaya mo ako ngayong araw na ito, hindi ko lubos maisip na mgagawa mo ito sakin." wika ko habang patuloy kaming sumsayaw.
"I'm happy because you're happy for what I did." sagot niya.
"T-tika pano mo nalaman birthday ko?" taas kilay ko, natawa sya ng mahina.
"Marilou, simula nong ikinasal tayo bawat bagay na meron ka ay inalam ko, bawat galaw at kinikilos mo ay pinag-aaralan ko." nangulat ako sa sinagot niya. Pinalo ko ang braso niya rason kong bakit sya natawa ulit.
"Ang daya mo, pano mo ginawa yon? Eh magkaaway tayo, hindi natin gusto ang isat-isa diba?" sambit ko, napailing sya ang kanyang mukha ay may nabubuong galit.
"Magkaaway noon," pagtatama niya, napayuko ako. "Asawa ko, alam kong darating tayo sa puntong ito, at tama nga ako nahulog ka sakin." mabilisan ko ahang tinignan sa sinabi niya.
"Huh!? wait lang ako lang ba ang nahulog?" pagtatama ko rin, taas kilay ko syang sinamaan ng tingin. Idiniin niya ako sa katawan niya rason kong bakit ako napadikit sa kanyang bisig.
"Not only did I fall, I suddenly fell inlove with the truth, Marilou." napasimangot ako sa sinagot niya. "Alam kong darating tayo dito kaya aware na ako at tinanggap ko ang tadhana nating dalawa," at this time ay nagalit ulit ako.
"So napipilitan ka pa sakin?" singhal ko, natawa naman sya.
"Oo noon," sagot niya, mas lalo akong sumimangot. "Pero ngayon, nagsisisi ako kong bakit naramdaman kong pilit lang ang lahat, dahil minahal kita ngayon ng walang pilit." hindi ko mapigilang umiyak, agaran ko syang niyakap ng mahigpit. Napapikit ako habang isinasayaw niya parin. "Matanda na ako para maglaro, Marilou. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko, salamat sa pamilya natin." bigla akong natawa at hinarap sya, nagulat sya dahil may iilang luha saking mata. Isa-isa niya iyong pinunasan. "Shit, dont you ever cry in front of me, im hurting."
"Kasi naman eh, ang layo ng agwat natin. Kaka 20 ko lang ngayon, tapos 27 kana. Natawa kasi ako sa sinabi mong matanda!" nagtawanan kaming dalawa sa sinabi ko, niyakap ko sya ulit at mas gusto ko syang mayakap na sumasayaw.
Napalingon ako sa buong paligid at kanya-kanya na palang sumasayaw ang lahat. Napadpad ang tingin ko kay kay daddy at ang aking stepmom, masaya silang sumasayaw at alam ko sa sarili ko na masaya narin ako. Ilang minuto kami sa gitna dahil nag eenjoy ang lahat sa sweet dance.
"Wait bakit wala ang mommy at daddy mo?" humarap ako kay Clifford.
"Sorry hindi sila nakapunta, Marilou. Si mom umatake 'yong migrane niya while si dad nasa out of town," bigla akong nag-alala sa mommy niya.
"Okay lang, but kumusta si mommy?" napangiti sya sa tanong ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge.
"She is okay now, tinawagan ko sya kanina. Huwag kang mag alala, enjoy mo birthday mo ngayon." dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko. "Anyway, parating na si Jana kasama mommy niya." nanlaki ang mata ko sa tuwa. Bigla ko naring na miss si Jana.
"Thank you, asawa ko sa gabing ito. Ang saya ko sobra-sobra." sambit ko. Nanatili kaming nakatayo sa gitna, ngunit hindi na sumasayaw.
Inabot niya ang magkabila kong kamay at hinawakan niya iyon ng mahigpit.
"You're always welcome asawa ko, para sayo gagawin ko lahat maging maligaya ka lang sakin." napasimangot ako ulit sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na ganito ka sweet ang isang Clifford Edelbario.
"Tito Clifford, ate Marilou." sabay kaming napalingon sa may pintoan. Tumatakbong palapit si Jana sa direksyon namin.
"Jana," sinalubong ko sya at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hala ate ang ganda mo lalo, happy birthday ate na miss kita." wika niya. Bumagsak ang mata ko sa bitbit niyang regalo. "Ate regalo ko sayo, sana magustohan mo." lumapad ang ngiti ko at tinanggap iyon. Yumuko ako at hinalikan sya sa pisnge.
"Salamat Jana," sagot ko. Napasulyap ako sa gilid at nakapamulsang nakangiti si Clifford.
"Where is your mommy?" tanong niya kay Jana. Dali-daling lumapit si Jana kay Clifford at hinawakan ang kamay nito, bigla akong kinabahan sa itsura ni Jana.
"Tito may sasabihin ako sayo," sagot niya bago ako tignan.
"Clifford?" sabay kaming napalingon sa papalapit na mommy ni Jana. Ngumiti ito sakin at ngumiti rin ako. "Happy Birthday, Marilou sorry at late na kaming dumating kasi kakauwi ko lang galing office." nakipag beso-beso sakin ang mommy ni Jana at ganon rin ang ginawa niya kay Clifford.
Lumapit sakin si Jana at ipinulupot ang kanyang kamay saking braso.
"Ate may gustong makilala ka," nagulat ako bigla sa sinabi niya. Sobrang lapad ng ngiti ni Jana.
"H-huh sino?" sagot ko. Sinundan ko ang tingin ni Jana dahil may sinusulyapan sya sa labas ng pintoan, ilang minuto lang ay may isang matangkad na babae ang pumasok.
Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan ngayon, sumulyap ako kay Clifford at kahit ekspresyon ay wala akong nakita sa kanya.
Sino sya?
Palapit sya samin, suot ang kulay puting bodycon dress ay nagpapahugis sa kanyang maliit na katawan.
"Clifford hijo, pasensya kana at hindi ko agad nasabi sayo. Bigla kasi syang dumating sa bahay." mabilis akong napalingon sa mommy ni Jana. This time ay sumikip ang dibdib ko.
Hindi ako makagalaw ng mas na klaro ko ang mukha niya ng makalapit sya samin. Ang kanyang ngiti at mapupungay na mata ay nakatitig kay Clifford, agaran akong napasulyap kay Clifford at ngayon ay may ekspresyon na ang kanyang mukha. Hindi ko mabasa kong ano ang mga iyon.
"Hi," malambing niyang wika at sobrang pamilyar ng kanyang boses ang kanyang mukha at panigurado akong sya iyon, at hindi ako nagkakamali.
Sya si.....
"Zei?" si Clifford sa mapaklang pagtawag ng kanyang pangalan.