Clifford Point of View...
Pagkatapos ng kasal namin ni Marilou ay iyon na ang huling plano para hindi mag pakita sa kanya. Hindi ko alam kong bakit ko iyon naisip dahil iyon din ang isa sa mga paraan para mas magalit sya sakin. Ang mga plano kong iyon ay alam ng aking pamilya, maging si Mr. and Mrs Charleston.
Sobrang timing lang talaga dahil dapat sa araw ng kasal namin ako aalis pero pina umaga ko nalang, sobrang kailangan nila ako dito sa Canada kaya walang pag alinlangan akong umalis.
Hinayaan nila ako, pinagkatiwalaan nila ako dahil ako nalang ang tanging paraan para mag bago si Marilou. Hindi ko lubos maisip na pumasok ako sa sitwasyong ito, dahil alam ko sa huli may talo at may mananalo.
Umalis ako papuntang Canada, at araw-araw akong tumatawag kay Cheche ang kasambahay namin para kamustahin si Marilou, walang nag bago at nanatiling maldita at rebelde si Marilou. Sinubukan kong kausapin si Marilou sa tawag ngunit hindi ko magawang magpakilala dahil bigla-bigla nalang syang sumisigaw.
Natatawa ako habang naiisip iyon. Dalawang linggo ako sa Canada dahil may inaasikaso akong importante at kailangan na kailangan nila ako roon.
Napasinghap ako habang nakatingin mula sa labas ng Airplane, pauwi na ako sa Pinas at hindi ko alam kong ano ang susunod kong gagawin. Simula nong ikinasal kami ay palagi ko nalang iniisip ang babaeng iyon, naiisip kong pano ko putolin ang sungay niya. Ang hirap sa posesyon ko na maraming umaasa at nagtiwala sakin kaya pati sarili ko ay nawawala narin.
Hind ko na mahanap ang Clifford na ako, sobrang bilis ng pangyayari dahil bigla-bigla nalang akong nag-asawa.
Palapag na ang Eroplano na sinasakyan ko, sabay nang pag ring ng aking phone. Dali-dali ko iyong sinagot.
"Bro, napatawag ka?" ani ko. Si Gregor ang kaibigan namin.
"Robi and I are here outside, he told me that you are going home now." natawa ako sa sinabi ni Gregor. Nakangiti akong naglalakad palabas ng Airplane hanggang airport. Hindi ko lubos maisip na susundoin ako ng dalawang ito.
"Guys," kaway ko sa kanila. Nakapamulsa silang lumapit sakin sobrang laki ng mga ngiti.
"Welcome back, bro." si Gregor at nakipag high five sakin.
"Dude, na miss kita ah!" Si Robi. Tawang-tawa ako sa sinabi niya kaya binatokan ko ito.
"Bakit nyo ako sinundo? Tinayming myo talaga ang pagbaba ko." saad ko sa dalawa. Inakbayan ako ni Robi at nagtungo kami sa kotse niya.
Habang nasa byahe ay nagtatawanan ang dalawa. I do not know what these two are up to, parang may mga balak.
"Huwag ka munang umuwi ngayon sainyo, alam naming namimiss mo ang asawa mo, pero mas na miss ka namin. Kailangan nating mag celebrate sa pag kakakulong mo sa isang bagay na hindi kana makakawala." nagtawanan ulit ang dalawa. Napalingo ako habang nakasandal sa upoan ng kotse. Tama nga sila, wala nang bawian itong nangyayari sa buhay ko.
"Gago," tanging naisagot ko. Nagtawanan ulit ang dalawa.
"Dude alam namin ang nararamdaman mo, dahil hindi ka na makakapang chix." binatokan ko si Robi sa sinabi niya. Natawa ako, bakit naman hindi? iyon ang tangi kong naniisip.
"Relax guys, kilala nyo naman ako. Lahat ng gusto ko may paraan. May asawa nga ako, pero hindi naman namin gusto. So, walang problema kanya-kanya kami ng gustong gawin. As easy as that," nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko, hindi na muling nagsalita ang dalawa hanggang sa umabot kami sa isang bar.
Siguro nga ay tama narin ito, pagod ako sa byahe at gusto kong uminom ng alak pampatulog.
"Clifford," isa-isang tumayo ang mga kaibigan ko nang makita nila ako. Nakipaghigh five sila sakin at nakipagkilala rin ako sa mga girlfriend nila. Maging si Venus ay sobrang saya ng makita ako.
Napalingon ako kay Matteo na ngayon ay nakatingin sakin, tumabi ako sa kanya bago sya inakbayan. Malaki ang pinayat ni Matteo pero lumalaban parin sya para sa kanyang gusto.
"Kumusta? Malapit na ba ang operation?" tumawa lang sya sa tanong ko. Inakbayan niya rin ako pabalik.
"Fuck you dude, yan ba talaga ang una mong itatanong sakin? Ikaw anong balak mo ngayong may asawa kana?" napaubo ako sa sinabi ni Matteo, hindi ko sya magawang sagotin kaya nagtawanan nalang kaming dalawa.
Mahaba-haba ang inuman naming lahat. I also feel dizzy because I drink a lot. Tawa dito, tawa doon ganito kami kapag nagkaayan sa inuman, oo kulang kami dahil wala si Rocky pero alam na alam nilang hindi pwedeng magkita si Matteo Rocky.
"Oh my gosh, nakikita nyo ba ang nakikita ko?" si Venus sa maarteng saad. Napalingon kami sa tinitignan niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita, fuck....biglang tumayo ang balahibo ko sa nakita, para akong nakakita ng multo. "Is that Marilou, Clifford?" napatingin sakin ang lahat.
Lumagok ako ng alak bago sumagot.
"Sya nga," iyon lang ang tangi kong naisagot. Napaismid sakin si Robi.
"Wait....hindi niya alam na nakauwi kana?" umiling ako sa tanong ni Venus. "W-wait puntahan ko lang huh mukhang lasing na eh!" aakmang tatayo si Venus ng pinigilan ko sya.
"Venus stop, si Robi nalang." dahan-dahan syang napaupo pabalik. Nagtaka ang lahat maging si Robi ay napaawang ang labi.
Sininyasan ko sya at alam na alam niya kong pano ako gumawa ng plano. Mapagkakatiwalaan si Robi at alam kong magaling sya mga ganitong drama.
"Alam ko ang iniisip mo, dude. But, I can handle this trust me." tuluyan syang umalis at hinayaan ko nalang.
Napasandal ako sa couch habang pinapanunuod si Robi at Marilou. Lagok ako ng lagok ng alak dahil hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Galit na may halong pangangamba na baka patulan niya ang mga pagpapanggap ni Robi.
Bumalik si Robi at lumapit sakin.
"Putang'ina dude, lasing na lasing." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Napabuntong hininga ako bago tignan si Marilou sa direksyon niya, sa mga galaw at lakad niya ay lasing na lasing na talaga sya.
"Flirt her, bring it to her." napalingon ako sa suhestyon ni Matteo, ganon paman ay pumayag ako at dinalhan ni Robi ng alak. Napailing ako sa ginawa ni Robi dahil nagpakilala sya bilang isang Robert.
Lumagok ako ng alak ng papalapit sila samin. Napahigpit ang hawak ko sa baso ng makita sya ng malapitan. Hindi maguhit ang mukha ni Marilou sa kalasingan. Isa-isang nagpakilala ang mga kaibigan ko at buti nalang ay hindi niya natandaan ang mga ito dahil halos ayaw niyang makipag usap sa mga bisita namin nong gabi ng kasal. Sa puntong ito ay tumabi sya sakin, hindi ko magawang lumingon sa kanya.
Natahimik nalang bigla, dahan-dahan akong napalingon sa kanya ng marinig niya ang pangalan ni Matteo. Kitang-kita sa reaksyon niya kong pano sya nataranta at nagulat.
"Oh bakit ka aalis agad? Tsaka gusto kang makilala ng katabi mo." sa puntong ito ay agaran syang napalingon sakin. Naningkit ang kanyang mata na tila masusuka na sa harap ko.
Sabay ng pag sigaw ng mga babaeng kasama namin ay ang pag suka ni Marilou sa harap ko. Napapikit ako dahil may iilang suka ang tumalsik saking mukha.
"Mukhang mauuna na ako sainyo, kailangan ko ng iuwi ang babaeng ito." saad ko at tinulongan ako ni Robi. Naintindihan nila ang pag-alis at naintindihan nila ang sitwasyon ko kanina.
Buti nalang ay napadali ang pagdating ni Manong cholo, habang nasa byahe ay amoy na amoy ko parin ang malansang baho ni Marilou, hindi ko magawang mag inarte dahil hindi ko iyon naramdaman.
Pagdating namin sa bahay ay tinulongan ako ni Cheche. Buhat-buhat si Marilou na walang malay habang panay pag-alala naman ni Che sa kanya.
"Sir Clifford pasensya na po, hindi namin sya nabantayan ng maigi. Kanina pa po namin sya hinahanap sir." halos maiyak si Che, bago ko nilapag si Marilou sa higaan ay napasulyap ako kay Che. Kitang-kita sa mata niya ang pag-aalala.
"Kalimutan muna, linisin muna si Marilou pagkatapos ay bihisan. Maliligo lang muna ako." ani ko at dali-dali itong nilinis ni Che.
Minabuti kong maligo agad, ang dami-dami kong iniisip sa araw na ito. Bakit nandon sya sa bar at mag-isa, pano kong wala kami roon anong mangyayari sa babaeng ito.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumungad sakin si Marilou na malinis, ngunit mukhang nakalimutang kumotan ni Che. Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil napadpad ang mata ko sa mahaba at maputi niya hita. Napailing ako at dali-dali syang kinumotan.
Sobrang tahimik ng buong paligid. Napamasid ako sa buong bahay at ni isang gulo at wasak ng kagamitan ay wala, malinis at matiwasay ang kwarto ko. Napalingon ako kay Marilou at napaisip. Sa kabila na iyong kamalditahan ay naalagaan mo ang kwarto ko, napailing ako bigla kwarto natin.
Dahan-dahan akong napahiga sa tabi niya. Sa pagod ko ay wala na akong oras para humiga sa kabilang room. Aakmang pipikit ang dalawa kong mata ng biglang may yumakap sakin. Na statwa ako, parang ayaw kong huminga. Isinubsob niya ang kanyang mukha saking kili-kili.
Natawa ako ng mahina bigla sabay ng kanyang pasalita.
"Gago ka Clifford, nasan ka bakit mo ako iniwan mag-isa." wika niya habang tulog. Biglaang kumirot ang puso ko sa narinig. Napahimas ako sa kanyang mukha, napatitig ako.
Panahon na siguro!
Marilou Point of View...
Dahan-dahang dumilat ang magkabila kong mata ng tumama sakin ang sinag ng araw. Mabilisan akong napa upo sa kama ng maalala ko ang nangyari kagabi. Shit! Napamura ako ng ilang ulit, hindi ako makapaniwala at ayaw kong maniwala na nangyari iyon kagabi sa isang bar. Luminga-linga ako sa buong paligid at sobrang tahimik. Napatitig ako sa kabilang unan at mauga at magulo ito.
Napahawak ako sakin dibdib.
Magkatabi kami kagabi? Napasigaw ako at dali-daling bumaba ng kwarto. Sobrang tahimik ng buong sala kaya napasigaw ako.
"Che!!!" sigaw ko sa hingal na tono. Dali-dali namang sumulpot si Che at lumapit sakin.
"Maam, bakit po? May nangyari ba? okay lang po ba kayo?" natataranta niyang wika habang bitbit ang isang walis.
"Nasan si Clifford hindi ba ako nanaginip?" nanlaki ang mata ni Che sa tanong ko. Dahan-dahan syang ngumiti.
"Are you looking for me?" sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mabilisan akong napalingon saking likuran. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
Napatitig ako sa kanya, naka short at maluwang na V-neck shirt lang ang tanging suot niya. May dala syang plato at mukhang galing sya sa pagluluto.
Tinalikuran niya ako at agad ko naman syang sinundan. Inis na inis na ako gusto ko na syang suntokin.
"Gago ka!!! papatayin kita!" aakmang susuntokin ko sya ng sinalo niya agad ang kamay ko. Nakangiti syang tumitig sakin habang bitbit parin ang isang plato.
"Bakit mo naman yon gagawin? Maybe you forgot na sinukaan mo ako kagabi," agad kong binawi ang aking kamay sa narinig. Napakagat akon saking labi na tila nahihiya.
"Wala akong pakialam, galit na galit ako sayo. Ayaw kitang makita at aalis ako sa bahay na ito." singhal ko nanatili syang nag ayos sa hapagkainan. Tinawanan niya lang ako. "Bakit ngayon ka lang?" hindi ko napigilang tanongin yon. Nakagat ko ulit ang aking labi.
"You missed me?" namilog ang mata ko sa sinabi niya. Napatitig sya sakin ngayon. Nilabanan ko sya ng titigan.
"Asa!!! ang kapal mo, ang kapal mo para pakasalan ako at iwan nalang bigla." hindi ko na mapigilan ang bibig ko. Ramdam na ramdam ko na ang sakit saking dibdib.
"Paano ako magpapaliwanag kong galit na galit ka?" ngiti niya sakin.
"Edi huwag kang magpaliwanag, para saan pa? wala naman akong pake sayo..." singhal ko. natahimik sya bigla, nanatili syang nakatitig sakin ngunit wala ng ekspresyon.
"Okay!!" iyon lang ang tangi niya isinagot bago umupo sa upoan. Hindi na niya ako magawang tignan habang inikot-ikot ang kanyang kape.
"Uggggh bwesest!!!" sigaw ko at padabog na tumalikod. Aakmang aalis ako ng bigla syang magsalita.
"Kumain na tayo," mabilisan akong lumingon sa kanya na ngayon ay iniinom ang kanyang kape. Kuyom ang kamao ko sa galit, ang kapal kapal niya, bakit parang wala lang sa kanya.
"Sino ka para utosan akong kumain huh?" singhal ko.
"Asawa mo," natahimik ako bigla sa sinabi niya, bakit niya iyon sinabi? Napapikit ako dahil sobrang sakit na nang tyan ko. Ramdam na ramdam ko narin ang gutom at hapdi saking tyan. Mas lalo akong nagutom ng makita ko syang ngumunguya ng pagkain.
Napalunok ako at alam kong pinapalaway niya lang ako.
"I hate you!!!" sigaw ko at mabilisang tumungo sa ref mula sa kanyang likuran. Hindi ko na kaya ang gutom kaya uminom nalang ako ng tubig.
Halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng may bigla akong naramdaman, halos manginig ang tuhod ko ng may maalala ako. Shit!!!
"Clifford ano yon," sigaw ko at lumayo sa kanya ng kaunti. Hindi ko alam na nasa likuran ko na pala sya. Natatawa sya saking reaksyon.
"Anong sinasabi mo? May kinuha lang ako sa ibabaw ng ref." wika niya. Nalaglag ang mata ko patungo sa kanyang ibabang bahagi. Medyo maumbok ngunit hindi ako sigurado, mas lalo kong narinig ang tawa niya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang baba ko rason kong bakit nagtagpo ang aming mga mata. Sobrang mapungay ang kanyang mata sabayan mo pa sa makapal niyang kilay.
"Bakit titig na titig ka dyan sa ibaba?" pang-aasar niyang wika. Hinawi ko ang kamay niya sa baba ko. Napakapit ako ng mahigpit sa baso.
"Bakit mo tinamaan ang pwet ko? Sinasadya mo ba talaga?" sigaw ko. Natawa lang sya at bumalik sa hapag.
"Kasalanan mo rin naman, you get down here without wearing a bra." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Halos matumba ako sa narinig. Dali-dali kong niyakap ang aking sarili at sinilip ang aking katawan, ngayon ko pa napagtanto na sobrang klaro pala ng dibdib ko sa damit na ito.
Gusto kong maiyak at mabilisang tumakbo paakyat ng kwarto. Hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang boses ni Clifford, ang kanyang tawa at kamanyakan.