Download App
48.78% "You're Only Mine" / Chapter 20: KABANATA 20

Chapter 20: KABANATA 20

Marilou Point of View...

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Napaupo ako bigla ng bumungad sakin ang kulay dark gray at puting kisame sa buong paligid. Dali-dali kong tinignan ang aking sarili at napabuntong hininga  dahil sa may suot akong damit. Napayakap ako saking sarili, napahimas ako sa malabot na kama.

"Where Am I?" usal ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Oo nga pala at nag-away kami ni Clifford kagabi, wala akong maalala kong ano ang nangyari.

Dahan-dahan akong bumangon at maiging tinignan ang buong kwarto. Sobrang lawak ng kwarto niya, sa kabilang side ay may pintoan at hindi ko na iyon binuksan. Bigla akong napalingon sa kabilang side ng kama. Kumunot ang noo ko sa nakita. Larawan namin ni Clifford sa kasal?

Wait.... bakit yata sobrang dali niyang makalagay dyan ng larawan namin? Kagabi lang ang kasal namin at agad-agad ay may copy sya?

Napaupo ako sa kama at inabot iyon.

Napatitig ako sa frame, hindi ko ma explain kong ano ang nararamdaman ko ngayon. Kahapon lang ay single ako bat pag gising ko ay kasal na ako?

Shit! ibinalik ko ang frame at agad lumabas sa kwarto. Napamangha ako sa nakita. Bumungad sakin ang malawak na lobby at salamin na hagdanan. Dali-dali akong bumaba at sobrang tahimik ng buong bahay. Napalingon ako sa buong paligid dahil halos gray at white ang pintura mula sa kisame at pader. Maging ang malaking sofa at iba pa.

"Maam," nagulat ako ng biglang may magsalita mula saking likuran. Napapikit ako sa gulat habang sya ay nakahalukipkip.

"Ano ba!!! para kang multo na bigla nalang sumusulpot." sigaw ko habang hinimas-himas ang dibdib. Napayuko sya.

"Sorry maam nagulat po kita." paumanhin niya. Nag taas ako ng kilay bago sya nilagpasan. Hinanap ko ang kusina sa bahay at agad nagtungo sa ref ag uminom ng tubig. "Maam, sabi po ni sir ayy bago kayo pumasok sa school kailangan nyo munang kumain."

bigla na naman akong napalingon sa likuran ko at aakmang bubuhusan sya ng tubig ngunit napayuko ito. Napapikit ako sa galit. Ayaw na ayaw kong ginugulat  ako.

"Sorry ulit maam," paumanhin niya at tila maiiyak na. Napabuntong hininga ako.

"Huwag muna akong sundan okay?" tanging naisagot ko at tinalikuran sya ulit. Kuyom ang kamao ko sa galit, naalala ko ang sinabi biya kanina. Talaga lang huh? Ayaw ni Clifford na palipasan ako ng gutom, puro sya pasabi eh wala naman sya dito. Tsaka bakit ko naman sya hahanapin? Sino ba sya

Dali-dali akong bumalik sa kwarto at bigla akong napaisip. Kaninong shirt at short itong suot ko? Shit, dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap ang babaeng maid na iyon.

Nakita ko agad sya sa may sala.

"Pano ako pupunta ng university kong wala akong damit?" agad syang napalingon sakin na nataranta.

"Ahh Maam Marilou, nandyan na po lahat damit nyo sa kwarto nyo ni Sir Clifford po." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong lahat?  'Samahan ko na po kayo maam," natatarantan syang lumakad habang lumilingon sakin. Napairap ako dahil nawiwerdohan ako sa maid ni Clifford.

Pag pasok namin ng kwarto ay binuksan niya ang isang pintoan. Nanlaki ang mata ko dahil sa malawak na closet ni Clifford. Pumasok sya at sumunod ako, nakagat ko ang aking labi bigla. Bakit lahat ng kong anong meron ako ay napaghandaan nila? Bakit kay dali lang para sa kanila ang mapaalis ako sa bahay.

Napaupo ako sa isang maliit na couch.

"Maam," sambit sakin ng maid. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Nasan ang amo mo?" singhal ko. Gusto kong suntokin si Clifford sa puntong ito.

"Maaga pong umalis si sir maam, pinapasabi na ihahatid at sundo ka ni manong cholo, isa sa driver po niya." nag taas ako ng kilay sa sinabi niya. Namangha ako sa pinapagawa ni Clifford sa mga taohan niya.

"where is my car!?" kalma kong tanong habang hinihilot ang sentidu. Kanina pa ako galit at bakit pag gising ko ay planado na ang lahat.

"Pinagbawalan po kayo gumamit ng kotse ni sir maam, pasensya na po." yuko niya na tila takot na takot.

"Get out!!!!!" sigaw ko at mabilisan naman itong lumabas ng walang paalam. Napasigaw ako sa galit habang sinasabunotan ang sariling buhok. Gusto kong magwala at sirain lahat ng kagamitan dito sa kwarto.

"Kalma, Marilou. Kalma! Lumaban ka at sumabay sa mga gusto nila." buntong hininga akong tumayo at agad naligo pagkatapos ay nagbihis.

Kailangan kong umalis sa bweset na bahay na ito, kailangan kong makausap si daddy at lolo. Nasa hagdanan palang ako ay sinalubong agad ako ng maid ni Clifford.

"Maam, kumain muna kayo bago umalis." saad niya habang sinusundan ako palabas mg bahay. Dali-dali akong naglakad. "Maam please!" mabilisan ko syang tinignan.

"Inuutosan mo ba ako?" singhal ko at yumuko na naman sya. Taas kilay akong napabuntong hininga. Head to toe ko syang tinignan. "Well, mas kailangan mo yan." huli kong sabi bago sya tinalikuran.

Dali-dali akong pumasok sa kotse ng pinagbuksan ako ng isang driver. Sa pagkakaalala ko ay sya si Manong cholo. Sobrang tahimik namin sa byahe hanggang sa umabot kami sa University. Dali-dali syang lumabad ng kotse at pinagbuksan ako. Nakayuko syang sumasaad habang palabas ako ng kotse.

"Manong," agad syang tumingin sakin.

"Yes maam," aniya.

"Huwag muna akong sunduin mamaya," saad ko bago sya tinalikuran ngunit....

"Maam, Marilou baka po magalit si sir, iyon kasi ang habilin niya na susunduin kita araw-araw." napahinto ako sa sinabi niya. Kuyom ang kamao ko. Araw-araw? Hindi ako bata at tsaka bakit araw-araw? Nasan ba sya?

Nliningon ko agad sya.

"Nakakaintindi ka ba ng tagalog manong?" usal ko ngunit humalukipkip lang. "Dont fetch me, understand?" ngiti kong pilit at tuluyan syang iniwan.

Dali-dali akong pumasok sa University at bawat nadadaanan kong studyante ay umalis sa daanan ko. Nakita ko si lolo sa isang building na may kausap na tatlong guro, dali dali akong lumapit sa kanya at nakita niya agad ako.

"Lolo," niyakap niya ako agad ng makalapit ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin dahil may kausap sya. "Lo," tawag ko at suminyas lang sya sakin ng mamaya na.

Napairap ako sa sarili ko at hinintay ayang matapos, ilang sandali lang ay lumapit sya sakin.

"Apo, busy ako ngayon, may problema ba?" dali-dali niyang wika habang lumilinga sa kanyang likuran dahil sa tatlon guro. Kunot noo akong nagtaka.

"Lo, hindi ko maintindihan bakit nyo kailangang gawin ito? Lahat ng gamit ko ay nasa bahay ng lalaking iyon." wika ko ngunit hinalikan niya lang ang noo ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Asawa mo," ulit niya. "Marilou kong ano man ang meron sayo ngayon tanggapin mo, matanda na ako apo at gusto kong makitang maayos ka." bigla akong Natahimik sa sinabi niya.

"Sir," tawag ng isang guro, dali-dali syang yumakap sakin.

"Pumasok kana sa room mo, mag ingat ka." agad niya akong tinalikuran at iniwan mag-isa.

Wala akong nagawa kundi tumungo saking room ng wala sa sarili. Ang dami kong iniisip ngayong araw na ito, anong nangyari kagabi at nasan si Clifford?

"Girl," napalingon ako sa pintoan. Palapit sakin ang dalawa kong kaibigan. Nakipag beso-beso sila sakin at hindi na namin nagawang mag-usap dahil dumating agad ang isa naming professor.

Buong araw akong lutang, lagi kong tinatanong saking sarili na isa na ba talaga akong Mrs? Fuck!! hindi ko ma imagine na isa na akong Mrs. Edelbario.

"Mar," bumalik ang diwa ko ng hinawakan ni Jazzy ang aking kamay. "Tulala ka girl?" nagtawanan ang dalawa. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Kanina ka pa sa klase, wala ka sa sariling pag-iisip. Ano na ang ganap? may nangyari na ba?" napasigaw ako sa sinabi ni Jilheart.

"What? gaga!!!" hinampas ko sya ng bag ko ngunit natawa lang ito. Nawala ako sa sarili ko ulit, naisip ko ang sinabi niya.

"Girl honeymoon nyo kagabi diba? Huwag mong saihing walang nangyari?" sa puntong ito ay napatayo ako sa galit. Sinamaan ko ng tingin si Jilheart, siniko naman sya ni Jazzy. "Joke lang naman, ang highblood mo." dugtong niya pa. Bigla akong napagod at bumalik sa pagkakaupo.

"Pagod ako, wala ako sa mood. Kong ano man ang iniisip nyo ay mali kayo. I'm naughty but I'm not easy to get, remember." natahimik ang dalawa sa sinabi ko. Sabay silang nag sorry sakin.

Napagdesyonan naming lumabas na dahil maghahapon narin, hindi ko na nakita si lolo simula nong mag usap kami kanina. Sinundo narin ang dalawa kong kaibigan habang ako ay nanatiling nakaupo sa isang bench, tulala akong nakatitig sa mga studyanteng lumalabas galing sa university.

"Maam," gulat akong napalingon saking giliran. Bumungad sakin si manong cholo, hindi ko alam kong bakit bigla syang dumating. "Kanina pa po kita hinahanap at pumasok pa po ako sa loob ang sabi ay kanina pa po kayo umalis. Buti nalang at nakita kita dito maam," mahinhin niyang dugtong.

"Pagod ako, lets go." sa puntong ito ay kusa akong sumama kay manong cholo. Hindi ko alam pero para na akong nawawalan ng gana sa sarili ko.

Hindi na ako kumain at agad ng pumasok sa kwarto. Kanina ko pa ito naiisip dahil simula kaninang umaga ay hindi ko nakikita si Clifford. Ganon paman ay wala akong pakialam.

Dumaan ang dalawang araw, tatlo at apat ay hindi ko na nakikita si Clifford sa sarili niyang bahay. Hindi ko magawang magtanong sa dalawa dahil ayaw kong sabihin nila na interesado ako sa bweset na lalaking iyon. Naging routine ko ang gumising ng late at hindi kailanman kumain sa mga niluluto ni Cheche. Tanging sa labas ako kumakain minsan sa cafeteria.

Hindi ko magawang makausap si lolo dahil palaging busy, maging si daddy ay palaging nasa meeting at hindi ko naabotan sa office niya.

Ang hirap, hindi ko maintindihan ang pagbabago ng aking buhay. Okay lang naman sakin ang mag isa pero ngayon? parang kakaiba hindi ko maintindihan dahil ibang bahay na ang inu-uwian ko.

Limang araw na ako sa bahay ni Clifford at wala akong balita aa kanya. Pagdating ko galing university ay naabotan kong may kinakausap si Cheche sa telepono. Mabilisan syang lumingon sakin na tila natataranta.

"Sir nandito na po sya," napatakbo ako sa narinig at inagaw ang telepono na hawak ni Cheche.

"Gago ka Clifford!!! limang araw na ako dito sa bahay mo at hindi ka manlang nagpakita sakin? Anong gusto mong mangyari? Sunogin ko tong bahay mo!!! Nasan ka? Nasan ka?" sunod-sunod kong wika na sobrang galit. Hingal na hingal ako sa ginawa ko.

Nanlaki ang mata ko dahil binabaan ako ng linya.

"Clifford!!!" sigaw ko bago ibinalik ang telepono kay cheche. Kitang-kita sa mata niya ang takot. Kumalma ako bago nag buntong hininga. Hindi niya lubos maiisp na susunogin ko ang bahay na ito na kasama sya.

"Dont worry, kong may balak akong sunogin ang bahay ng amo mo, sasabihin ko agad sayo para makalabas ka agad." ngiti kong malademonyo bago sya iniwan.

Dali-dali akong pumasok ng kwarto at bumulagta agad sa kama. Ilang araw na akong naboboring sa bahay na ito, humanda ka sakin Clifford kong nasan ka man ngayon, tandaan mo yan hayop ka!

Papatayin kita!


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C20
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login