MALALIM na ang gabi at mahimbing na ang tulog ni Andrea sa kwarto nito nang marinig ni Lana ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto.
Mula sa pagiging abala sa harapan ng kanyang laptop ay nagsalubong ang mga kilay niya saka sinulyapan ang wall clock na nakasabit sa itaas ng refrigerator.
"Sino naman kaya ito at pasado alas-nueve na ay naisipan pa akong puntahan?" bulong niya saka tumayo.
Sinilip muna niya sa peep hole ang kumakatok saka agad na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib nang makitang si Andrew ang nakatayo sa labas.
Matagal bago nakakilos si Lana dahil doon. Kaya naman nagulat pa siya nang muling kumatok si Andrew pero mas persistant na sa pagkakataong iyon.
"Why are you here?" ang pormal niyang bungad matapos mapagbuksan ang binata. "tulog na si Andrea kaya kung pwede umalis kana at bumxalik nalang bukas?"
Pero hindi siya pinansin ni Andrew at sa halip ay umangat lang ang sulok ng labi nito saka nagsalita. "Pwede ba akong pumasok?" ang sa halip ay isinagot nitong inilapit pa ng husto ang mukha sa kanya.
Masarap na kilabot ang mabilis na naramdaman ni Lana nang bumalandra sa mukha niya ang amoy ng alak sa hininga ni Andrew. At iyon ang nakita niyang dahilan kung kaya parang wala sa sariling napatango nalang siya.
"G-Gusto mo ba ng kape?" ang naitanong niya matapos isara ang pinto.
Narinig niya ang mahinang tawang pinakawalan ni Andrew. "Sounds like a real wife" anitong humakbang palapit sa kinatatayuan niya.
Awtomatikong kumilos si Lana na nagtuloy sa kusina para ipagtimpla ng kape ang binata. Pero hindi niya inakalang sinundan pala siya doon ni Andrew kaya nabitiwan niya ang hawak na kutsarita na gumawa ng ingay sa tiled floor nang magsalita ito sa likuran niya.
"Are you okay, Lana?" amusement ang nasa tono Andrew nang malingunan niya itong nakatayo isang hakbang lang yata ang layo mula sa kanya.
Magkakasunod siyang napatango saka pagkatapos ay muling tinalikuran ang binata para ipagpatuloy ang patitimpla niya ng kape. Pero lalong naghurumentado ang dibdib niya nang maramdaman niya ang dalawang kamay ni Andrew sa kanyang baywang.
"Lana" anas nito sa kanyang tainga kaya marahas siyang napasinghap.
"B-Baka magising si Andrea," aniyang pinagsikapang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahapit sa kanya ng binata at nagtagumpay naman siya doon.
Lumayo siya kay Andrew nang dalhin niya sa sala ang tasa ng kape nito saka iyon inilapag sa center table. "Inumin mo na ito tapos umalis kana" mahinahong pagtataboy niya sa lalaki.
Tinitigan lang siya ni Andrew saka pagkatapos ay parang walang anuman binasal ang nito ang mapupulang mga labi. Maya maya pa ay humahakbang na muli ang binata palapit sa kanya. Kaya naman siya, awtomatikong napa-atras sa awang na pintuan ng kanyang mismong kwarto.
"Ayoko niyan" anitong ang tinutukoy ay ang tinimpla niyang kape saka nagpatuloy sa ginagawang paghakbang palapit sa kanya.
Napalunok si Lana. At dahil nga kwarto niya ang nasa kanyang likuran ay wala siyang ibang uurungan maliban doon. "A-Ano bang gusto mo?" ang kinakabahan niyang tanong.
Umangat ang sulok ng labi ni Andrew saka pagkatapos ay tuluyan na siyang hinawakan sa magkabilang balikat at marahang itinulak papasok ng kwarto. Mabibilis ang mga kilos nitong nagawang itulak pasara ang pinto saka diniinan ang lock ng knob.
"Hindi pa ba obvious sa'yo na ikaw ang gusto ko?" si Andrew na hinila ang braso niya kaya siya napakayakap rito.
Nagpumiglas siya para pakawalan ang sarili pero dahil nga mas malakas ang lalaki sa kanya ay wala rin siyang nagawa nang i-pin siya nito sa dingding saka niyuko at mariing hinalikan sa mga labi.
Parang naparalisa ang kabuuan ni Lana nang muli, matapos ang kulang apat na taon ay natikman niya ang mga labing minsan nang nagpawala sa kanya sa sarili niyang katinuan. Ang mga labing mula nang matuto siyang humanga ay kanya ng pinangarap. Ang mga labing naging dahilan kung kaya dumating si Andrea sa buhay niya.
Matagal at mariin ang halik na iyon sa kanya ni Andrew. Hindi niya kaya ang lalaki kahit anong piglas niya lalo nang hawakan nito ang dalawang kamay niya saka itinaas sa kanyang ulunan.
Lalong naging mapuson si Andrew sa pagkakataong iyon. Marahas ang singhap na pinakawalan niya nang idikit nito ng husto ang katawan nito sa kanya habang patuloy siyang hinahalikan. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang isang kamay ng binata na sumapo sa kanyang puwitan saka siya itinaas niyon.
Nanlaki ang mga mat ani Lana nang maramdaman niya ang matigas na bagay na nakabukol sa harapan ng pantalon ni Andrew. Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya nang sa tila nanunuksong paraan ay ikiniskis iyon ng binata sa bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita at kasalukuyang nakadaiti ngayon sa nakaumbok nitong unahan.
"I want you so bad, Lana" bulong ni Andrew nang pakawalan nito sandal ang mga labi niya saka muli ring inangkin pagkatapos.
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ngang bumigay ang lahat ng pagpipigil ni Lana. Siguro gawa narin iyon ng katotohanang siya man ay matagal nang nasasabik para sa pagkakataong ito. Kaya naman kung gaano katindi ang pagpupumilit niyang makawala mula sa mga bisig ng binata kanina, ay siya namang higpit ng pagkakapulupot ng mga braso niya sa leeg nito ngayon. Tinugon niya ng maiinit ring halik ang mga labi nito. At hindi nagtagal, tuluyan na nga siyang napaungol nang maramdaman ang banayad na pagkagat ni Andrew sa pang-ibaba niyang labi.
Kasabay ng ginawing iyon ng binata ay ang muling pagbabalik ni Lana sa kaniyang huwisyo. Dahil doon ay pinadapo niya ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Andrew na ikinagulat naman nito kaya nagawa niyang kumawala.
"H-Hindi ko na uulitin ang nangyari noon" aniyang nabasag ang tinig.
Tinitigan lang siya ng lalaki. "Alam kong gusto mo rin ako, Lana" ang isinagot nito pagkuwan.
Umiling siya saka nagpahid ng mga luha. "Umalis kana, ayokong makita ni Andrea na nandito ka" sagot niya.
Nangalit ang bagang ni Andrew sa sinabi niyang iyon. "Hindi mo pwedeng ilayo sa akin si Andrea" mariin nitong sabi.
"Nabuhay kami ng wala ka! Inilabas ko siya sa mundo nang wala ka! Kakayanin naming kahit kaming dalawa lang!"
"Nangyari ang lahat ng iyon kasi itinago mo siya sakin!" mariing tugon ni Andrew.
"Kasi iyon ang mas tama!" sagot naman niya.
Tumawa ng mahina si Andrew. "Babalik ako," anitong pagkasabi ay tuluyan nang lumabas ng silid.
Nang marinig niya ang ugong nang umalis na sasakyan ay tuluyan nan gang pinakawalan ni Lana ang kanyang mga luha. Habang sa isip niya ang maraming katanungan doon. At ang pag-aalala hindi lang para sa sarili niya kundi lalong higit kay Andrea.