下載應用程式
16.12% When You Love Too Much / Chapter 5: Chapter 4

章節 5: Chapter 4

Carlhei Andrew POV

Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok sa university ngayong araw na ito. Pakiramdam ko punong puno ng stars at hearts ang paligid.

Bumaba ako at nag punta sa dinning area. Kumpleto na silang tatlo at ako nalang ang kulang. Nginitian ko pa silang lahat bago ako makaupo.

"Ganda ng gising natin ah, Engineer?" Saad ni Mama

Nginitian ko si Mama ng malawak dahil naalala kong tinawag rin ako ni Ellaine ng "Engineer" kagabi.

"Ganoon talaga pag gwapo, Ma. Kailangan maganda lagi gising kasi nakakatanda kaagad ang laging badtrip." Saad ko

Kumuha ako ng bread at egg at masaya iyong kinain.

"In love kasi 'yan kaya ganyan." Bitter na sabi ni Neomi

Nginisihan ko ito bilang pang aasar.

"Ayan oh, laging badtrip kaya ang pangit." Pang aasar ko

Aamba sana ito ng knife pero tinignan siya ni Papa na para bang nananaway. I just stick my tongue out to tissed her.

Matapos ang almusal ay dumiretso kami nila Papa at Neomi sa labas. Kami lang kasi ang lalabas ngayon ng bahay dahil nag day off muna si Mama sa company. Gusto niya kasing ipaayos 'yung likod ng bahay namin.

"Sasabay ka ba sa amin, son?" Tanong ni Papa

Napag isip isip ko na 'wag nalang muna mag bike dahil may gusto akong sabayan sa bus stop. Tumango ako kay Papa at umupo sa passenger seat. Si Neomi ay nasa likod kaya walang problema.

"Sa bus stop lang ako Papa." Saad ko

Nakaramdam ako bigla ng batok galing kay Neomi na nasa likod. Masamang tingin tuloy ang ginanti ko dito.

"Tignan niyo 'yan, Papa. Haharot lang 'yan kaya mag papabatid sa bus stop." Saad ni Neomi

Bahagyang tumawa si Papa habang nag mamaneho.

"Ayos lang 'yun. Kaysa naman malungkot na naman ang kuya mo." Saad ni Papa

Tinawanan ko tuloy si Neomi dahil kitang kita sa mukha niya na naiinis ito. Nang makarating naman sa bus stop ay bumaba na ako. Kinawayan ko nalang sila noong nakababa ako dahil hindi naman pwede ang matagal na nakaparada dito.

Inilabas ko ang libro ko habang nag aantay kay Ellaine. Hindi naman ito para mag pakitang tao. Ugali ko na kasi ang mag advance reading para hindi magiging mahirap ang pag pag intidi ko mamaya sa klase. Panigurado kasing walang gagawin si Reinest kung hindi ang daldalin ako.

"Engineer?"

Halos parang may narinig akong tunog na fireworks noong narinig ko ang boses ni Ellaine. Iyon palang ang sinabi niya ay parang buo na ang araw ko.

Iniangat ko ang tingin ko at nakitang nakatayo siya sa gilid ko. Napatayo tuloy ako ng de oras dahil doon.

"Architect." Saad ko at ngumiti

Saktong dumating na ang bus kaya sumakay na kami doon. Umupo ako sa tabi niya at nginitian siya.

"Bakit hindi ka nag bike? 'Diba naka-bike ka lagi kapag pumapasok?" Tanong niya

Pinag pawisan ako ng nalamig dahil doon. Anong sasabihin ko? Kaya ako hindi nag bike kasi gusto ko siyang kasabay? Nakakahiya naman 'yun.

"Ah siguro sira 'yung bike mo 'no? Mamahalin pa naman 'yun." Saad ni Ellaine

Kahit ayaw kong mag sinungaling ay napatango tango nalang ako. Nandito na rin naman ako kaya go nalang.

Dahil sa isang station lang naman 'yung University namin ay nakarating rin kami agad. Mas nauna ulit akong bumaba para iharang ang braso ko sa harap ni Ellaine. Madami rin kasing mga sasakay na mga pupunta siguro sa nga trabaho nila.

Nag lakad kami papasok sa Univeristy. Hindi kami nakatakas sa mga tinginan ng mga estudyante. Bahagya akong nagulat ng kalabitin ako ni Ellaine. Kaagad ko tuloy itong nilingon at nakita ang nahihiyang tingin niya.

"Mali yatang sumama sayo, Engineer." Bulong ni Ellaine

Kunot noo ko tuloy siyang tinignan kaya naman nakuha niya ang ekspresyon kong hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya.

"Captain ka ng basketball team ng univeristy natin. Isa ka rin sa mga running for Summa Cum Laude. Weirdo siguro na makitang mag kasama ang mag kaibang department diba?" Paliwanag ni Ellaine

Napalingon tuloy ako sa mga estudyanteng nakatinging sa amin. Nandoon 'yung nanunuri nilang tingin pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"May ginagawa ba tayong masama?" Tanong ko

Umiling iling ito pero halata namang nahihiya parin sa paligid niya. Mabuti at sinalubong kami ng tatlo kaya medyo nabawasan ang ilang niya.

"Hi Ellaine!" Bati ni Karl

Ngumiti ito sa tatlo bilang pag bati. Tumingin na ito sa akin dahil nakarating na kami sa building nila.

"Dito na ako. I'll see you around." Saad ni Ellaine

Tumango ako dito at ngumiti. Kumaway ito sa akin kaya naman kunaway rin ako habang nakangiti.

"Naks naman. Pinangatawanan ang hindi pag bibike ah?" Pang aasar ni Reinest

Nag kibit balikat ako sa kanila at tumawa ng bahagya.

"Wala eh." Saad ko

Nag lakad kami papasok sa building namin. Nandoon ulit ang mga bulungan ng mga estudyante lalo na ang mga kababaihan.

"Effective pala 'yung naisip na paraan ni Karl. Hirap na hirap pa 'yang iuwi ang bike mo dahil kapag nag kagasgas daw 'yun ay mawawalan siya ng allowance." Natatawang sabi ni Steven

Tinapik ko si Karl at bahagya ring tumawa. Mukhang tinototoo niya ang text ko kahapon. Masyadong iningatan ang bike ko.

"Hindi, okay lang na magasgasan Karl. Basta makakasabay ko ulit umuwi si Ellaine." Saad ko at ngumiti ng abot hanggang tenga

Narinig kong nag tawanan ang tatlo marahil dahil sa sinabi ko. Wala naman akong balak bawiin iyon dahil totoo naman ang sinabi ko.

Mabilis na lumpas ang oras at natapos kaagad ang klase sa umaga. Ang nakakahinayang lang ay hindi kami alas dose nag tanghalian kung hindi ala una.

"Mukhang nalukot na papel mukha mo, Carlhei." Pang aasar ni Reinest

Mabuti at wala dito si Karl dahil ibang department ito. Kung nandito siguro iyon ay mang aasar lang din iyon.

"Ikaw ba naman pre asang asa ka na makakasabay mo mag lunch 'yung crush mo kaso may professor kang strict pa sa parents mo. Alaws rin." Saad ni Steven

Malungkot kong kinain ang lunch ko. Parang pati 'yung patatas sa bulalo ko ay malungkot rin. Hays.

"Ay bro si ano ba 'yun? Si Elizza?" Saad ni Reinest may tinuro na babaeng nakatalikod

Kaagad kong tinignan 'yung tinuturo niya at nagulat ako ng makitang si Ellaine iyon. Tinapik ko ang kamay ni Reinest na nakaturo sa kinaroroonan ni Ellaine.

"Ellaine kasi! Palibhasa ang dami mong babae eh." Saad ko

Tinanaw ko si Ellaine na bumibili rin sa cafeteria. Puro iyon tinapay at mansanas kaya naman nalaman kong para iyon sa meryenda niya. Mukhang hindi sila makakalabas sa meryenda kaya bumibili siya.

"Ellaine!" Tawag ni Reinest

Parang gusto kong pasakan ng basahan ang bibig ni Reinest dahil doon. Tumingin tuloy si Ellaine sa direksyon namin.

Ngumiti ito sa sandaling nakita niya kami. Matapos makuha ang order niya ay lumapit siya sa amin.

"Ngayon palang pala kayo mag tatanghalian. Kawawa naman kayo." Saad ni Ellaine

Okay lang, nakita naman kita.

"Oo nga eh. Lalo na si Carlhei. Nag mumukmok na sa gilid dahil ala una na nakakain." Saad ni Reinest

Tinignan ko ito ng masama dahil hindi naman totoo 'yung sinasabi niya. Sanay ako ng hindi kumakain ng tamang oras! Hindi lang ako sanay na hindi makakasabay si Ellaine!

"Ito oh," saad ni Ellaine at iniabot ang isang apple. "Sobrang hirap maging Engineer kaya dapat healthy ka."

Parang nag iba ang tingin ko doon sa apple. Parang nag hugis puso iyon.

Kaagad kong tinanggap ang apple at nginitan ito ng abot sa tenga.

"Una na ako ha? Hindi pa ako tapos sa plates ko." Saad niya at nag lakad na palayo

Kikiligin na sana ako kaso bigla itong lumingon ulit.

"Kita tayo mamayang uwian, Engineer!" Saad niya at kumaway kaway pa

Napakaway rin tuloy ako ng wala sa oras at ngumiti ng malawak. Nang makaalis siya sa cafeteria ay doon palang ako nakahinga ng maluwag.

"Seriously, mukha kang bakla." Saad ni Steven

"Ikaw ba naman bigyan ng crush mo ng apple diba. Nevermind, hindi pa pala 'yun nagagawa sayo ng crush mo." Saad ni Reinest

Tinapos ko ng masaya 'yung tanghalian ko. Inspired na inspired tuloy akong nakinig sa klase ko ng hapon. Lahat ng tanong professor ay halos ako lang rin ang sumasagot.

"Mr. De Beñigo mukhang sobrang gusto mong itake over ang kompanya ng magulang mo ah? Aral na aral!" Saad ni Professor namin

Kaagad akong umiling iling dito bilang tugon sa sinabi niya.

"Gusto ko pong maging Engineer, hindi business man." Saad ko

Napangiti ito at tumango tango. Mukhang nagustuhan niya ang sinabi ko.

"Bueno, gusto ko sanang gumawa kayo ng Tall Building Design. Ipapasa niyo iyon sa friday." Saad ng Professor at nauna nang lumabas sa amin

Inayos ko na ang gamit ko at tinignan sina Reinest at Steven. Mukha silang nalanta.

"Grabe. In love rin naman ako sa girlfriend ko pero bakit hindi ko masagot 'yung mga tinatanong niya kanina?" Saad ni Reinest

Sabay sabay kaming lumabas ng room at nakita na namin si Karl na nag aantay sa may dulo ng hallway. Kumakaway kaway pa ito.

"Advance reading kasi. Gagraduate na tayo't lahat lahat hindi mo parin ginagawa 'yun." Saad ko

Ito lang talaga ang kilala kong Civil Engineering student pero ayaw masyadong mag basa ng libro. Hindi naman siya bagsak sa exam. Mas gusto niyang isiksik sa utak niya ang lahat kapag malapit na ang exam.

Nagulat ako ng kaladkarin ako ni Karl papunta sa hagdan pababa. Nagulat nalang ako na makitang nandoon si Ellaine.

"Ellaine!" Sigaw ni Karl at kumaway kaway pa

Napangiwi ako dahil doon. Kailan kaya darating iyong oras na ako yung mauunang tumawag kay Ellaine? Parati kasing silang dalawa lang ni Reinest.

"Hi!" Masayang bati ni Ellaine

Napangiti ako dito dahil ang lawak ng ngiti niya. Sabay kaming dalawang nag lakad papunta sa gate ng University.

"Kamusta pala 'yung plates mo?" Tanong ko

Ngumiti ito at ipinakita ang plates niya. Mukhang proud na proud talaga siya sa gawa niya.

"Ayos ba? Akala ko talaga hindi ko siya matatapos ng ayos. Nag kulang kasi ako sa materials eh." Saad ni Ellaine

Tumango tango ako dito bilang tugon.

"Ang ganda. Parang hindi minadali." Saad ko

Muli niyang itinago ang plates niya at nakangiting nag lakad. Nang makarating kami sa bus stop ay may tumigil kaagad na bus. Sasakay na sana ako pero pinigilan ako ni Ellaine.

"Ano…" saad niya

Napalingon ako doon sa bus dapat namin pero nakaalis na agad iyon. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Ellaine. Nakaangat ang kamay nito at may hawak ba ticket.

"Samahan mo nalang ako sa art exhibit." Nakangiti niyang sabi ni Ellaine

Hilig niya nga talaga ang arts. Naalala ko tuloy kahapon parang kumikinang kinang ang mata niya dahil sa mga painting na nakita niya.

"Sige ba." Saad ko at ngumiti sa kaniya

Nang dumating ang bus na iniintay namin ay kaagad na kaming sumakay. Palibhasa ay hapon palang ay may seat pa. Hindi ganoon kapuno ang bus.

Bigla tuloy akong napachat sa groupchat naming apat.

Civil Engineer Carlhei:

Padaan. May date ako.

Mechanical Engineer Karl:

Speed!

Civil Engineer Reinest:

Sana all.

Mechanical Engineer Karl:

Anong sana all? May girlfriend ka na diba?

Civil Engineer Reinest:

Talaga namang hindi para sa akin 'yun. Para kay Steven ang sana all.

Natawa ako ng bahagya dahil doon. Napalingon tuloy sa akin si Ellaine na parang nag tataka. Iniangat ko ang cellphone ko pero hindi ko pinakita ang conversation naming apat.

"Kachat ko sina Karl at Reinest. Nag jojoke kasi si Reinest eh." Paliwanag ko

"Palabiro nga 'yung mga kaibigan mo 'no? Wala kasi akong kaibigan sa University eh." Saad ni Ellaine

Kaya pala wala akong nakikitang kasama niya sa pag bili kanina sa cafeteria. Kadalasan kasi sa mga babae ay kailangan ng kasama sa pagkain, pag c-cr, at sa kahit ano mang activity nila sa buhay nila.

"Then you're not an outcast anymore. You can be friends with my friends too." Nakangiti kong sabi

Parang kuminang ang mata niya dahil sa sinabi ko.

"Salamat ah! Apat na taon na ako sa University pero wala pa talaga akong nagiging friends. Hindi ko alam kung bakit." Saad niya

"Baka kasi masyadong mataas ang standards nila. They don't like the simple ones. Sa grupo kasi namin ay walang standards. Mukhang makakasundo mo rin ang girlfriend ni Reinest. Si Dannica lang ang babae sa amin at ngayon madadagdagan na." Saad ko

Mas lumawak ang ngiti ito. Dahil doon ay para akong tinutunaw. How come na ayaw nila kay Ellaine eh samantalang ang bait bait niya? Ang humble pati. Para sa akin ay bonus nalang 'yung maganda siya.

Nang makarating kami doon sa art exhibit ay tuwa ang nakita ko kay Ellaine. Nag punta ito papalapit sa isang napakagandang painting at nginitian iyon.

Inilabas ko ang cellphone ako kinuhaan siya ng litrato. Naisip kong pwede ko iyong idrawing. Sobrang ganda ng ngiti niya.

"Alam mo bang gusto kong mag tayo ng art gallery. Doon ko ilalagay ang mga gawa ko pati na rin ang mga gawa ng undiscovered artist. Gusto kong gawin iyon para kapag nakalikom ako ng pera ay pwedeng idonate sa mga gustong gumawa ng art pero walang pambili ng materials." Saad ni Ellaine

Napatingin ako sa painting na tinitignan niya. Imahe iyon ng batang nakatalikod habang nag pipinta. Pero sa likod ng bata ay mayroong nakaabang na panaksak.

"The meaning of that piece is, mayroon paring sasaksak sa likod mo kahit pinag iigihan mo ang passion mo, which is yung pinipinta ng bata. Imagine, bata palang siya pero nakahanda na agad ang judgement ng society. Ganoon kalupit ang mundo." Saad ni Ellaine at tumingin sa akin, "Yang painting na 'yan ang nag tulak sakin na gawin ang plano ko. Pero after pa namang grumaduate."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Doon palang sa sinabi niya ay alam kong siya na nga. Mukhang nahanap ko na siya.

"Then let's do it together. Let's help them to achieve their dreams so you can also achieve your goal." Saad ko


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄