下載應用程式
9.67% When You Love Too Much / Chapter 3: Chapter 2

章節 3: Chapter 2

Carlhei Andrew POV

Wala na akong nagawa kung hindi ang titigan ang langit. May nakita akong eroplano at iniisip kong si Missai ang sakay noon papunta sa U.S.

Ilang araw na akong hindi lumalabas sa kwarto ko. Hinahatiran nalang ako ng pagkain ni Mama para kumain ako. Minsan ay hindi ko nagagalaw ang mga pagkain na binibigay ni Mama.

Nang mapagod kakatingala ay bumalik na ako sa loob mismo ng kwarto ko. Isinara ko na ang pinto sa balcony at pumwesto sa tapat ng table ko.

Hindi pa man ako nakakaupo sa tapat ng table ko ay may kumatok na sa pinto ko.

"Kuya!" Sigaw ni Neomi mula sa labas ng pinto ng kwarto ko

"Kuya buksan mo ito!" Kinalabog na niya ang pinto ng kwarto ko kaya nag lakad ako papunta doon, "Hala! Huhuhu Kuya lumabas ka dyan baka nag bibigti ka na! Kuya!"

Napangiwi ako doon at binuksan na ang pinto ng kwarto ko. Hindi pa man ako nakakapag salita ay pumasok na siya sa kwarto ko. Inikot niya pa ang kwarto ko kaya naman labis akong nag taka doon.

"Neomi what are you doing here?" Tanong ko

Huminto na ito kakalibot at nag cross arms pa na tumingin sa akin.

"Checking if there's a rope here so you can hang yourself, Kuya." Saad niya at umupo pa sa kama ko, "Bakit hindi ka ba kasi nalabas? Its been one week, kuya."

Napabuntong hininga ako dahil doon. Hindi niya naman alam ang pakiramdam ng first heart break dahil wala pa siyang nagiging boyfriend. It freakin' hurts like hell.

"Natry mo na bang bigyan ng project? Iyong sobrang gandang project?" Tanong ko

Umupo ako sa sofa na katapat ng kama ko para panoorin ang reaksyon niya.

"Yes. Iyong pinagawa ako ng report about sa field ko. I think that's Why Students take Nursing as their course. Why do you ask? May connect ba iyon sa problema mo?" Saad ni Neomi

See? She doesn't even know what I'm pointing about.

"If your project was stolen by someone, what will you feel?" Tanong ko

"I will be hurt and mad. Kasi akin 'yun eh. Bakit naman niya aagawin?" Saad ni Neomi

Tumango tango ako bilang pag sang ayon sa sinabi niya.

"That's what I'm feelin' right now, Neomi. Sa sobrang sakit ay hindi ko na kailangan ng lubid para mamatay. Patay na patay ang loob ko." Saad ko

Napabuntong hininga siya dahil sa sinabi ko. Tumayo siya sa kama at umupo sa tabi ko.

"Pero hindi kasi doon titigil ang lahat, Kuya. Kailangan mo nang i-let go si ate Missai at mag move forward sa buhay mo." Saad ni Neomi

Kung ganoon lang sana kadali iyon ay nagawa ko na. Pero hindi iyon ganoon kadali. Mag gugustuhin ko pang sagutan ang lahat ng Mathimatical problems sa mundo kaysa mag move on. Ang hirap.

"We've been together since I entered collage. I will be fifth year college student this year. Ang hirap tanggapin na hindi pa pala sapat ang pag mamahal ko para sa kaniya." Saad ko

Tinapik tapik ni Neomi ang balikat ko at mapait na ngumiti sa akin.

"Kaya ka nasaktan ng todo kasi tinignan mo na 'yung future na kasama siya. Nag plano ka na kaagad ng hindi ka naman sigurado. Daig mo pa ang nag pagawa ng bahay pero walang budget kaya walang bubong ang bahay." Saad ni Neomi

Bigla ay naalala ko noong parehas kaming nag paplano sa dapat na bahay namin after I buy a house for my family. Akalain mo nga namang totoo ang kanta na "Beer" ng Itchyworms.

Sa tingin ko ay sobrang tagal ng aabutin bago ko malimutan ito. First love never dies ika nga nila. Ngayon palang ay naniniwala na ako. Sa haba ng pinag samahan namin hindi ko na malaman kung paano pa kikilos ng wala siya. Nasanay na ako na lagi siyang nandyan ng umaga, tanghali at minsan ay hanggang gabi.

"Look, this is not so professional, Kuya. You need to take a part time, O kaya mag attend ka ng mga seminars about your course. Diba gusto mong mag tayo ng sarili mong Engineering Firm? Bro it's vacation!" Saad ni Neomi

Tumayo ito at hinila rin ako patayo.

"Halika punta tayo ng mall tapos bilhan mo ako ng drawing materials ko." Saad niya

Wala na akong nagawa at nag ayos na nga ng sarili ko. I can't say no to my little sister. Mag ngangangawa lang 'yan buong araw kapag hindi ko pinag bigyan.

Gulat na gulat sina Mama at Papa ng makita akong naka bihis. Parang bagong nilalang ako kung tignan nila ako.

"Saan ang lakad?" Gulat na tanong ni Mama.

Narinig ko naman ang yabag ni Neomu mula sa hagdan kaya naman nginuso ko siya.

"Bilhan ko raw siya ng art materials. Alam niyo namang hindi ako humihindi sa kapatid ko." Saad ko

Napangiti si Mama dahil doon. Nang makarating si Neomi ay napansin kong maikli ang palda nito.

"Pumanik ka doon at mag palit. Hindi kita ibibili ng drawing materials kapag hindi ka nag palit." Saad ko

Nakanguso naman itong umakyat papunta ulit sa kwarto niya.

"I'm planning to be an intern to our company. What do you think?" Saad ko may Mama at Papa

Bumakas kaagad sa mukha nila ang saya dahil sa sinabi ko.

"Well that's good, young man! In which department do you want to be in?" Saad ni Papa

By the way, we're running a group of companies. My father is the former CEO and I'm just the child of the owner. I have no plans of having the company.

"Syempre doon sa Accounting Department." Saad ko

Narinig ko ang bahagyang pag tawa ni Mama at Papa dahil sa naging sagot ko. Alam naman nilang mahilig ako sa numbers.

"Nakakatakot ka na 'nak. Baka mamaya ay isang taon palang ang anak mo ay pinapakabisado mo na Z score table." Natatawang sabi ni Papa

Ang biro niyang iyon ay nakapag balik ng lungkot ko. Nakakatawang pati kung ilang anak ay napag usapan namin ni Missai. We agreed about five children.

Mabuti at nakababa na si Neomi at nakasimangot pa.

"Mukha na akong madre! Okay na ba? Saan ang misa?" Inis na sabi niya

Dahil doon ay bahagya akong natawa. Pasaway talaga ang kapatid ko.

"Alam mo mas okay nga 'yang suot mo. Hindi naman dapat kita ang balat mo para masabing maganda ka." Saad ko

Napabuga nalang ito ng hangin at nauna nang mag lakad sa akin. Nilingon ko nalang sina Mama at Papa tyaka sumenyas na aalis na.

Napag desisyunan kong gamitin ang kotse ko papunta ng mall. Habang traffic ay tinawagan ko sina Reinest, Karl at Steven, it is a group call. They will surely love to hang out kahit sa mall lang.

"Himala!" Saad ni Reinest

"Ano bro? Okay ka na ba? Isang linggo mo kaming hindi kinausap. Akala namin patay ka na." Nag bibirong sabi ni Karl

"Manahimik ka nga dyan Karl!" Sigaw ni Neomi na nasa passenger seat lang

"Gagalit kaagad ang bratinellang kapatid. But anyways, I'll be there in a minute." Saad ni Karl

"Me too." Si Reinest

"Ako rin." si Steven

"Okay. I'll see you in a bit. KKB kaya 'wag na kayong mag tangkang mag palibre." Saad ko

Nag tawanan naman sila dahil doon. Namatay narin ang group call at dumiretso na kami sa mall. Gaya ng inaasahan ay nandoon sila sa tapat ng mall. Hindi dahil iniintay nila ako kung hindi dahil nang bababae sila. Ganoon lang ang estilo nilang tatlo. Hindi rin naman maitatago ang kagwapuhan nila.

"Seriously? Kaibigan mo ba 'yang mga 'yan?" Tanong ni Neomi

Nag kibit balikat ako sa kaniya at nag lakad na papunta sa tatlo. Nang makita ako ay nag kakaway sila na para bang isang fan ng artista.

"Carlhei nanaba ka yata?" Pag puna ni Karl

"Bulag ka ba? Pumayat kasi!" Saad ni Reinest

Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa walang kwenrta nilang pag tatalo. Sa huli ay nauna nalang akong pumasok sa loob ng mall at hinanap ang bilihan ng drawing materials. Sabay kaming lima na pumasok doon ng mahanap namin iyon.

"Swerte ko kasi may kuya akong mayaman." Saad ni Neomi na kumuha na ng basket

Kung totoong kumikinang ang mata ay iyon na nga ang nasa mata ni Neomi.

"Pasalamat ka at may naipon ako galing sa part time job ko last semestral break. Kung wala ay hindi mo ako makikita dito." Saad ko

Nag paikot ikot kami sa buong store at binili ang mga gusto niyang drawing materials. Dahil kulang na rin ako ng materials ay kumuha na ako ng akin.

Kukuhanin ko na sana ang isang flat brush ngunit may humawak rin noon. Nasundan ko tuloy ng tingin ang may hawak noon.

"Hala, kailangan ko po talaga 'yan. Pwede po bang ako nalang ang kumuha?" Tanong ng babaeng kaedad ko rin yata

Hanggang balikat lang ang buhok niya at maputi siya. Umaabot ang taas niya hanggang sa balikat ko kaya halos tingalain niya ako.

"A-ah yeah, sure. You can have it." Saad ko

Gumuhit kaagad ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko. Kapansin pansin ang pink na kulay ng labi niya.

"Thank you!" Saad niya at dumiretso na sa counter

Nag hanap nalang tuloy ako ng ibang brush para sa pag papainting.

"Alam mo kuya, mamamatay ka nga ng maaga." Nagulat ako ng marinig ang boses ni Neomi sa gilid ko

Kunot noo ko itong nilingon dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"At bakit naman? Mamamatay ako dahil binigay ko yung flat brush doon sa babae?" Tanong ko

Napangiwi ito at napailing iling pa.

"Masyado kang mabait. Baka mamaya ay kunin ka na ni Lord." Saad niya

Aambaan ko sana ito pero tumakbo na ito papunta sa counter. Since wala na rin naman akong bibilhin ay binayaran ko na ang mga nabili namin.

Matapos sa shop ay nag tungo kami sa arcade. Hindi mawawala sa aming mag kakaibigan ang mag laro ng basketball sa tuwing nag pupunta kami sa mall. Pakiramdam ko nga ay humina ako sa pag lalaro dahil sa nangyari sa akin.

Ganoon pala iyon, nawawalan ka ng gana sa lahat. Pati ang passion mo ay damay kapag tinamaab ka ng sakit.

"Captain ka sa basketball team natin, Carlhei. Baka naman ibagsak mo ang Univeristy natin dahil dyan sa puso mong wasak?" Saad ni Reinest na nag sasalita habang nag shoshoot

Kumuha ako ng bola at ishinoot iyon. Ngumisi ako ng nag swak iyon sa ring.

"Nabroken hearted lang ako pero hindi pa ako baldado, Ren. Tuloy ang buhay." Saad ko

Napatango tango ito sa akin na para bang proud siya sa sinabi ko.

Pinatunayan ko nga ang sinabi kong babalik ako sa dati kong gawain. Sinubukan kong makipaglaro ng basketball sa mga kaibigan ko tuwing walang pasok sa company.

Nakadagdag ang paper works sa company kaya minsan ko nalang maisip si Missai. Kakatwang bumabalik ng paunti unti ang passion ko sa mga bagay na inayawan ko.

Lumipas lang ang bakasyon ko sa pagiging busy sa kung ano ano. Nandoon iyong aattend ako ng mga seminar patungkol sa course ko. Nag focus rin ako sa lag aadvance study para sa pasukan.

Pakiramdam ko tuloy ay nasobrahan ako sa pagiging productive sa buong bakasyon ko.

Nag bukas na ang sem para sa pagiging fifth year college ko. Kumpara noong nakaraang dalawang buwan ay masasabi kong ayos na ako. Nandito parin naman 'yung sakit pero namiminimize na.

Natutunan ko nang tanggapin.

"Magiging hardinero pala tayo this sem." Inis na sabi ni Reinest

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon.

"Environmental Engineering lang naman 'yon bakit parang takot na takot ka?" Tanong ko

Inilabas ni Ren ang hand sanitizer niya at nag lagay sa kamay niya. Nag tawanan tuloy kaming tatlo dahil doon.

"Kadiri 'yon para sa kaniya. Akala mo naman anak ng presidente." Saad ni Karl

"Bro may germs sa lupa. Anong expect mo? Iwelcome ko sila papasok sa katawan ko?" Inis na sabi ni Reinest

Dahil unang araw ng sem ay wala masyadong ginawa kung hindi ang introduce lang ng mga subject. Nandito lang kami sa square para tumambay sa favorite naming tambayan.

Nagulat naman kaming apat ng may nadapang babae sa harap namin. Only to find out that she is being chased by a group of boys.

Kaagad kong nilapitan ang babae at ini-offer ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Kinuha naman niya agad iyon at tumayo siya.

"What's happening?" Tanong ko sa mga grupo ng lalaki

"Gusto lang naman namin siyang kausapin eh." Sagot ng isang lalaki

Tinignan ko ang estado ng babae at napansin kong nanginginig ang tuhod niya.

"She's shaking. And you want me to believe that you just want to talk to her? Get lost. I will not hand her to all of you." Saad ko

Wala silang nagawa kung hindi ang umalis sa harapan ko. Marahil dahil kilala ako sa buong Univeristy.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko

Katakataka namang parang kilala ko ang babaeng kaharap ko. Sa tingin ko ay nakita ko na siya dati.

"Mr. Flat Brush." Saad niya at ngumiti

Doon ay naalala ko kung sino siya. Nailibot ko ang paningin ko sa kabuuan niya at nakitang may sugat sa tuhod niya.

"You need to be treated. Can you walk?" Saad ko

Sinubukan niyang mag lakad pero napansin ko ang pag singkit ng mata niya. Senyales na hindi niya kayang mag lakad. Pinigilan ko na siya sa paglalakad.

"I'm so sorry but I need to carry you to the clinic." Saad ko at binuhat siya na para bang bagong kasal

Agaw atensyon ang ginawa kong iyon at nag tinginan ang mga estudyante hanggang sa makarating kami sa clinic. Kamalasmalasang wala ang nurse sa clinic kaya naman dinial ko kaagad ang number ni Neomi dahil nursing siya.

"What again? Nasa klase ako!" Inis na sabi ni Neomi

Pinag papawisan na ako dahil sa ginagawa ko. Natatakot naman ako at baka maimpeksyon ang sugat ng babae na dinala ko rito.

"Anong gagawin kapag may sugat? Nadapa siya." Saad ko

"Who's nadapa?" Tanong ni Neomi

"I don't know her name yet. Can you just answer my question Neomi De Beñigo?" Inis kong sabi

"Chill! Linisin mo yung sugat niya then apply betadine. Okay na? Di naman siya mamatay kuya kong Superhero. Don't worry." Saad ni Neomi

Ibinaba ko na ang tawag at nag log in nalang sa clinic. Matapos mag log in ay kinuha ko na ang mga kinakailangan ko para sa sugat niya. Dinalian ko na ang pag aayos ng sugat niya dahil baka mag karoon ng impeksyon iyon.

"Thank you talaga. Actually hindi mo naman kailangang gawin ito." Saad niya

Ngayon ko lang napansing ang ID niya. She's an Architect Student. Her name is Ellaine.

"No, it's okay. Wala rin naman akong klase ngayon." Saad ko at ngumiti

Ngumiti rin siya bilang tugon.

At doon ko nalamang dumating na ang mag hihilom ng sugat ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C3
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄