Prologue:
I was a child when I witnessed a gruesome killing inside our house. A man lying on the floor, drenched in his own fresh blood with eyes widely open and a gunshot on his forehead. That man was never breathing, a sachet of illegal drugs was put inside his pocket. But there is not less than one victim, there are two more. A woman lying on the bed naked with a gunshot on her forehead as well, a lacerated face that harmed her ageless beauty and drugs placed inside her vagina.
---
"Sir, yes Sir!", sabay saludo ni Police Officer Rosceli Perez.
Isang magandang araw ang sumalubong dito dahil sa krimen na matagumpay na-resolba bilang isang crime scene investigator kasama ang kanyang grupo.
Sa hindi kalayuan, isang ordinaryong lalaki ang kumakaway sa labas ng opisina at tumatawag sa kanya.
"Rosceli! Rosceli!"
Agad na lumapit si Rosceli sa lalaki at niyakap niya ito.
"Maraming Salamat sa tulong mo Mikoy, kung hindi dahil sa'yo at sa impormasyon mo hindi namin mareresolba ang kasong 'yon. At dahil diyan, deserve mo ang isang treat!"
"Ano ka ba? Bata pa lang tayo pakners na tayo 'no? At saka lahat ng tagumpay mo, tagumpay ko na rin."
Bata pa lamang si Mikoy at Rosceli ay magkasama na ito sa bahay ampunan. Si Mikoy ay ipinaubaya ng kanyang magulang sa ampunan dahil hindi na ito kayang buhayin samantalang walang nakakaalam kung ano at saan nanggaling ang batang si Rosceli.
"Mikoy, sasama ka ba sa akin? Alam mong tuwing may ganitong selebrasyon lagi akong nagpupunta sa ampunan para bisitahin at magpasalamat kay Mother Ofelia at Sister Helena. Balak ko ding maghanda ng konting salu-salo para sa mga bata."
"Aba! Oo naman, alam mo namang pagdating kila Mother, hindi ako makakahindi!"
"Sa makalawa ako magpupunta doon. Magkita na lang tayo sa ampunan."
"Sige, basta i-text o tawagan mo ako. Siya nga pala, kung may ipapatrabaho ka sa akin, magsabi ka lang. Akong bahala sa'yo."
Lumipas ang ilang araw at nagtungo sa bahay ampunan sila Rosceli at Mikoy. Masayang nagsalu-salo ang mga bata kasama ang dalawa at ang iba pang mga madre. Hindi maitago ni Rosceli ang kagalakan sapagkat malaki ang kulang sa pagkatao nito.
Matapos ang ilang araw, isang balita ang pumukaw at gumulantang sa atensyon ng mga nangangalaga sa katahimikan at kapayapaan ng bansa.
Agad na napatakbo si Mikoy sa opisina kung saan naroroon si Rosceli upang ihatid ang isang balita.
"Magandang hapon Boss! Nandiyan po ba si Rosceli? Naka-duty po ba siya ngayon?"
"Ay! Oo, pasukin mo na lang siya sa kanyang kwarto."
"Marami pong Salamat!"
Kumatok si Mikoy sa pintuan at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nanonood ng balita si Rosceli hinggil sa isang lalaking napatay sa engkwentro laban sa mga kapulisan.
"Alam mo na ba?"
"Oh! Mikoy, ikaw pala. Oo, ito pinapanood ko ngayon sa balita."
"May malaki akong impormasyon tungkol diyan. Maaaring makatulong sa pagtaas ng ranggo mo o 'di kaya naman para lalo kang makilala."
"Ano 'yon? Tungkol saan ba 'yan?"
"Siya si Benjamin Galvino, 52 taong gulang. Nakatira sa Fairview, Quezon City. Kilalang negosyante, mayaman at suki sa mga casino. Ayon sa napag-alaman ko, isa siya sa may hawak ng drug dealership sa buong Q.C., at nasawi siya sa isang engkwentro ng matiktikan nila na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon."
"At pagkatapos? Anong malaking balita dito?"
"Sangkot siya sa unsolved case ng Gregorio Diaz Murder Case."
"Ano? Sigurado ka?"
Nanindig ang balahibo ni Rosceli sa kanyang narinig. Tila nagbigay ito ng ideya para pag-aralan ang kasong ito at para bang inuudyukan siyang pabuksan ang nasabing kaso.
"Oo. At balita ko, ni-isa sa mga naakusahan ay hindi napatunayang nagkasala dahil ang mga ebidensya ay sinira ng mga nasabing kasabwat na pulis. Isa pa, yung nag-iisang witness sa kasong ito ay nawawala hanggang ngayon. Hindi alam kung buhay pa ba ito o patay na, siya ang nag-iisang anak ng mag-asawang Gregorio at Angelique Diaz."
Nang makauwi si Rosceli sa kanyang tinutuluyan ay agad itong nagbukas ng computer para magsaliksik tungkol sa nabanggit ni Mikoy. Napag-alaman nitong ang mga persons of interest ay hindi lang isa, kundi pito.
"Kayo-kayo pala. Salamat Mikoy, alam kong may patutunguhan ito."
Napangisi si Rosceli at agad na tinawagan si Mikoy.
"Hello, Mikoy?"
"Hello po, pasensya na po. Bumili lang ng yosi si Mikoy sa tindahan. Mahihintay niyo po ba?"
"Ah sige. Sino sila?"
"Si Mary po ito, kinakasama ni Mikoy."
"Ah ganon ba? Sige, hintayin ko na lang siya."
"Mawalang galang na po, sino po sila? Anong relasyon mo kay Mikoy?", tila nagdududa si Mary.
"Si Police Officer Perez ito, may kailangan ka pa bang malaman?"
"Wala na po. Oh Mikoy! Sagutin mo 'yang telepono mo! May nalalaman ka pang pulis pulis, kakabit ka na lang hindi mo pa alam turuan ng alibi 'yang jinojowa mo! Minsan ipakilala mo sa 'kin ng mabigyan ko minsan!"
Rinig ni Rosceli ang nagbabangayang si Mikoy at kinakasama nito. Pinagdudahan siyang querida ni Mikoy kaya natawa na lang ito.
"Hello Roseng pasensya ka na doon. Wala lang sa wisyo 'yon!"
"Hoy Mikoy! Hindi mo sinabi sa akin na nag-asawa ka na pala!", pabirong sagot nito.
"Hindi 'no! Isa lang siya sa isang daang nahuhumaling sa akin"
"Ah grabe ka! Siya nga pala, may mga pangalan akong nakuha na sangkot sa Gregorio Diaz murder case. Sila alias Joker ang mastermind sa krimen na 'to, Isko Morales, Benjamin Galvino, Jesus Bermudez, Anastacio Aguilar, Benedicto Syjuico at Dexter Bonaobra. Isa sa kanila ang nasawi sa engkwentro kamakailan, siya si Benjamin Galvino. Napag-alamang isang drug dealer. Ngayon, may maituturo ka ba sa aking isa sa mga nabanggit na pangalan?"
"Sakto! Tatawag sana ako sa'yo kasi may nalaman ako. Isko Morales, nagtatrabaho sa isang factory ng unan sa San Juan, at balita ko ito ang pinabayaan ng grupo. Dating sangkot sa bentahan ng droga, small time, pinapain ng grupo."
"Sige, maraming salamat Mikoy! Palamigin mo na ulo ng jowa mo", tugon nito habang tumatawa.
"Sige na sige na. Basta tumawag ka lang."
"Sige salamat!"
Ilang araw ang lumipas at walang natanggap na tawag si Mikoy mula kay Rosceli. Nagtataka ito sa pananahimik ni Rosceli dahil noon ay halos araw-araw kung ito ay mangamusta.
"Mukhang hook na hook si Roseng sa murder case na 'yon at hindi na ko naalala."
"Isang lalaki ang natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa kahabaan ng Lopez-Rizal kaninang ika-7 ng umaga. Ayon sa mga saksi, ang lalaki ay tinabunan ng mga tumpok ng basura at wala ni isang pagkakakilanlan. May tama ito ng bala sa noo na tumagos sa batok at may nakapasok na illegal na droga sa maselang parte ng katawan nito."
"Teka, mukhang magandang impormasyon 'to ah."
Agad na nagtungo si Mikoy sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at napagalaman nitong itinapon lamang ang bangkay ng lalaking ito. Nakakuha ito ng impormasyon na ang lalaking pinatay ay si Jesus Bermudez, isa sa mga sangkot sa brutal na pagpatay kay Gregorio at Angelique Diaz.
Pinuntahan ni Mikoy si Rosceli sa opisina nito at kinausap para sa impormasyong nasagap niya.
"Rosceli, napanood mo ba?"
"Oo, karumal-dumal yung ginawang pagpatay doon sa biktima. Malamang may nakaalitan 'yan."
"Hindi ba sa inyo mapupunta yung pag-iimbestiga ng kaso?"
"Wala pa akong idea, pero sana oo. Interesante 'tong kaso na 'to dahil yung napaslang ay may kinalaman sa unsolved murder case fifteen years ago."
"Oo nga e. Sige, balitaan mo ko."
Ilang araw ang lumipas, may isang lalaki sa isang liblib na lugar ang humihingi ng tulong. Nakakulong ito sa isang maliit na bahay na walang ilaw at tubig. Walang kalapit bahay kaya kahit anong sigaw nito ay walang nakakarinig. Nakapiring ang mga mata nito at isang tao lamang ang dumadalaw dito para ito'y pakainin.
"Tulong! Tulungan niyo ko! Hinahanap na ako ng pamilya ko! Tulungan niyo ko!"
Bumukas ang pintuan at may isang taong nagsalita sa hindi kalayuan.
"Salamat."
"S-sino ka? Tulungan mo ko, tulungan mo ko", nagmamakaawang hinagpis nito.
"Hindi pa ito ang oras para lumaya ka. Dalawa lang naman ang kahahantungan mo, ang lumaya ka ng buhay o lumaya ka ng mahimbing habang buhay."
"A-ano bang kasalanan ko? Binigay ko na yung impormasyon na kailangan mo, 'di ba? Palayain mo na ko. Please... Maawa ka..."
Patuloy sa panaghoy ang lalaking nakapiring. Isang plato ang inilapag sa paanan nito para makakain.
"Bago kita pakainin, may isa pa akong katanungan. Anong kinalaman mo kay Gregorio at Angelique? Naalala mo ba sila?"
"S-si G-gregorio? Look out lang naman ako nun e! Wala akong kinalaman sa pagkamatay nila. Wala ako sa loob ng bahay! Napag-utusan lang din naman ako! Wala akong kinalaman doon!"
"Bakit hindi ka nagsalita sa mga pulis noon? Kung talagang wala kang kinalaman bakit hinayaan mong mabalewala ang hustisya para sa kanila?!"
Nangibabaw ang galit at poot sa loob ng silid at hindi agad nakapagsalita ang lalaki.
"Isko, tinatanong kita. Bakit!"
"Kasi natakot ako! Kasabwat nila ang mga pulis. S-si Joker, nagbanta siyang papatayin ako at pamilya ko. Natakot lang ako! K-kaya hindi ako nagsalita!"
"Natakot? Naramdaman mo ba yung takot ng mag-asawa nung ginawa nila 'yon?"
"S-sino ka ba talaga?"
Sinikmuran si Isko ng taong kausap nito. Napa-ubo na lamang ito at sa takot ay naihi na lang sa kanyang suot na puruntong.
"Si Anastacio Aguilar? Saan ko siya matatagpuan?"
"S-sa Parañaque, sa village. Pero m-may opisina siya sa Makati. Araw-araw siya doon. Sigurado ako kasi madalas akong magpunta doon para humingi ng tulong para sa anak kong may sakit."
"Sige."
Inupo nito si Isko sa sahig para kumain. Pinakain nito na parang aso, walang mga kamay at tanging bibig lamang ang gumagana. Nagtiyaga itong kumain kahit na hirap ito dahil hindi na nito kayang tiisin ang gutom.
Hindi na nagpaalam ang taong kausap nito at narinig na lamang ang tunog ng motor mula sa labas.
"Isang lalaki ang natagpuang lumulutang sa ilog Pasig na sakop ng Makati kaninang alas-sais ng umaga. Ang lalaki, walang saplot, may tama ng bala sa ulo, wak wak ang bibig at may nakapasok na droga sa maselang parte ng katawan nito. Inaalam na ng pulisya ang motibo sa pagpatay lalo na at ito ay may pagkakahawig sa nangyaring krimen sa Lopez-Rizal isang linggo na ang nakakaraan. Ayon sa impormasyon, kinilala ang biktima na si Anastacio Aguilar at isang businessman. Isa ito sa mga nasangkot sa murder case ni Gregorio Diaz, labing limang taon na ang nakararaan."
"Grabe itong kasong ito, sunod-sunod."
"Police Officer Perez, nais kong tutukan mo ang kasong ito. Alam kong isa ka sa pinakamagagaling at mapagkakatiwalaan ko pagdating sa mga ganitong kaso."
"I will do the honor Sir pero paano po ang mga orihinal na may hawak dito?"
"Kailangan ko ng kooperasyon mo at kooperasyon ng pulisya. Hindi biro ang mga pinapaslang, mga kilalang personalidad. Iyong unang biktima, si Jesus Bermudez, isang may-ari ng factory. Hindi ko inilalayo ang anggulo na may kinalaman sa droga at ang isang palaisipan sa akin ay mga sangkot ito sa iisang murder case. Marahil, serial killer ang gumagawa nito."
"Sir, may lead po ba sa kinaroroonan ng anak ni Gregorio at Angelique Diaz? Posible kayang siya ang may gawa nito?"
"Wala akong idea sa totoo lang. Dahil ng marekober ang bangkay ng mag-asawa, walang bakas ng anak nila ang nakita sa crime scene."
"Kung ganon, kailangan ko siyang mahanap. Zero possibility ako dito Sir pero mananatili akong positibo."
"Iyan ang gusto ko sa'yo Perez. Aasahan kita."
"Salamat Sir!", sabay saludo ni Rosceli sa kanyang Hepe.
Isang lalaki ang naghihintay kay Rosceli mula sa labas. Si Jerome, ito ang kanyang nobyo. Kilalang mayaman at anak ni Don Chito Fuente.
"Officer Perez? May I ask your permission to date you later?"
"It is my honor, Mr. Fuente", nakangiting tugon nito kay Jerome.
Pagkatapos ng duty ay nagpunta sina Jerome at Rosceli sa isang restaurant, mahilig sa romantikong sorpresa si Jerome at labis ang pagtingin nito kay Rosceli.
"Do you like it?"
"Yes, so much."
"By the way, ayokong sirain itong moment na 'to but I have to tell you something."
"About what?"
"Si Dad, last night may nagbato sa bahay niya. Unfortunately, lahat ng CCTV from the entrance ng village walang footage kung sino ang lumabas at pumasok dito."
"Then, death threats I guess?"
"Yes. Telling him na susunod na siya. I don't have any idea nor knowledge ng mga kaaway niya lately."
"Maybe, napagkamalan? Sige, I'll help you with this."
"Salamat Babe, I really love you."
"I love you too."
Matapos nito ay umuwi na si Rosceli, blanko pa rin siya kung saan magsisimula sa paghahanap sa anak ng mag-asawang Gregorio at Angelique Diaz. Dagdag pa rito ang death threat sa tatay ni Jerome.
"Be-ne-dic-to Syjuico, nasaan ka kaya?"
Kinabukasan, may mag-inang nagtungo sa opisina kung saan nakadestino si Rosceli.
"Sir, tulungan niyo po ako...ilang linggo na po kasing hindi umuuwi ang asawa ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo...may anak pa po akong maliit at may sakit. Siya lang ang katuwang kong bumubuhay dito...maawa na po kayo..."
"Naireport niyo na po ba ito Ma'am sa missing person?"
"Opo Sir, pero wala pa din silang lead...kahit saan po maghahanap ako para sa asawa ko..."
Naabutan ni Rosceli ang naghihinagpis na mag-nanay. Napukaw nito ang atensyon ni Rosceli lalong-lalo na ang iyak ng isang sampung taong gulang na bata.
"Sir, parang awa niyo na po, tulungan niyo po kaming mahanap si Papa Isko...", at napahagulgol na lamang ang bata.
Sa kinatatayuan ni Rosceli ay tila napako ang mga paa nito ng marinig niyang sambitin ng bata ang hinahanap nitong tatay. Bumalik sa alaala ni Rosceli ang nangyari sa kanya labing-limang taon na ang nakakalipas.
"H'wag po! H'wag niyo pong sasaktan ang daddy ko! Parang awa niyo na po, please!"
Nakakulong sa isang sikretong kwarto si Britanny, sampung taong gulang siya ng masaksihan ang krimen na nagnakaw sa buhay ng kanyang mga magulang. Wala itong magawa kundi ang magtakip ng tenga at umiyak. Naririnig lamang nito sigaw ng kanyang ama at hiyaw ng kanyang ina habang pinagsasamantalahan ito ng mga kalalakihan. Mula sa sikretong kwarto ay matatanaw sa maliit na butas ng saksakan ang nangyayari sa loob ng master bedroom kung saan hinahalay ng apat na lalaki ang kanyang inang si Angelique.
"Maawa kayo sa amin! Maawa kayo sa amin!"
"Hahahaha, walang maaawa sa katulad mong magandang babae!"
"Hawakan niyong mabuti! Ako naman!"
Pinagpasa-pasahan si Angelique ng apat na lalaki, habang si Gregorio naman ay nagmamakaawang tigilan na ang kanyang asawa. Kitang-kita ni Britanny ang mukha ng mga taong gumawa nito sa kanyang mga magulang.
Umalingawngaw ang mga putok ng baril. Napapikit na lamang si Britanny at napatakip ng tenga. Damang-dama nito ang takot ng panganib para sa kanya. Mga ilang oras ang nakalipas, tumahimik na ang bahay na nabalot ng iyakan at sigawan. Lumabas si Britanny sa kinatataguan nito at pinuntahan ang ina. Hindi nito masikmura ang nadatnang hubad na katawan ng ina at sinirang maamong mukha nito. May drogang nakasilid sa maselang bahagi ng katawan nito at may tama ng bala sa ulo.
Agad itong tumakbo sa bandang kusina para hanapin ang kanyang amang si Gregorio, ngunit natagpuan nitong nakahandusay si Gregorio sa sahig, dilat ang mga mata nito at may tama ng bala sa ulo.
Natulala si Britanny sa mga nakita at hindi na makapagsalita o makaiyak. Napilitan itong tumakbo palayo sa kanilang tahanan at sa gulo ng isipan nito sa mga nangyari ay wala na siyang alam sa kanyang pinupuntahan.
Ilang araw itong nagpalaboy-laboy sa daan. Walang kain, walang tulog, walang ligo at wala sa katinuan. Natagpuan ito sa ilalim ng tulay kasama ng ibang mga taong grasa at pulubi ng madaanan siya ni Mother Ofelia habang pabalik ito sa ampunan.
Natahimik ang kaso ng kanyang mga magulang ng pinawalang bisa ang mga ebidensyang nagtuturo sa mga sangkot na sina Isko Morales, Benjamin Galvino, Jesus Bermudez, Anastacio Aguilar, Benedicto Syjuico, Dexter Bonaobra at ang kinilalang si Alyas Joker.
---
Nagulat si Rosceli ng may biglang tumapik sa kanya mula sa likuran.
"Hoy, Roseng!"
"B-bakit Mikoy?"
"Kanina pa kita kinakausap, ang sabi ko bakit hindi ka tumatawag sa akin?"
"Huh? Wala, teka hintayin mo ko dito."
"Sige."
Lumapit si Rosceli sa magnanay na humihingi ng tulong para kausapin ito.
"Nay, kailan pa po nawala yung asawa niyo?"
"Siguro po ay magta-tatlong linggo na ho...nagsabi lang siyang bibili ng gamot pero hindi na siya nakabalik nung gabing 'yon sa ospital..."
Nabigla si Rosceli sa narinig, ang taong dinukot niya ay may kailangan palang iligtas nung gabing iyon subalit mas nanaig ang galit nito at pagnanais na makaganti kay Isko at sa grupong pumaslang sa mga magulang niya.
"Ganito na lang po, tutulong ako sa paghahanap sa asawa niyo. Gagawin ko po ang lahat para mahanap ang asawa niyo, ito po at tanggapin niyo. Maliit lang pong halaga pero alam kong makakatulong po sa gamot ng inyong anak."
"Ate parang awa niyo na po...tulungan niyo po kami ha..."
"Oo, pangako. Tutulungan kita."
Makalipas ang ilang araw, nabalitaan ni Jerome ang nangyari sa kanyang ninong na si Benedicto Syjuico na natagpuang walang buhay sa isang bakanteng lote. Tulad ng mga naunang biktima, may tama ito ng bala sa ulo, winasak ang bibig at may droga sa maselang bahagi ng katawan.
"Grabe Dad, I'll admit this. Serial killer ang gumagawa nito at halang ang kaluluwa..."
"I am afraid for my safety, son. May information na ba si Rosceli tungkol sa death threats ko?"
"Dad, she guessed possible na napagkamalan lang kayo since pare-parehas ang built ng mga bahay dito."
"Pero I won't believe! Nakita mo naman na puro malalapit na business partners ko ang namatay at this time, ninong Ben mo pa! I need to do something!"
"Dad, nag-usap na tayo about this. Walang private army, kung itong serial killer na 'to ay target lahat ng malapit sa inyo, hindi ko hahayaang idamay niya kayo."
Biglang nag-ring ang telepono sa bahay ni Don Chito at ng sagutin ito...
"Humanda ka na, susunod na kita!" at biglang baba ng linya.
"S-sino 'to! Sino 'to!"
"Dad, ano 'yon? Anong sabi?!" nagaalalang tanong ni Jerome.
Hindi mapakali si Don Chito sa nangyayari lalo at nakarating na sa kanya ang balitang nawawala si Isko. Natatakot itong magsalita si Isko sa nalalaman nito tungkol sa mag-asawang Gregorio at Angelique Diaz.
Isang araw ay nagtungo muli si Rosceli sa kinaroroonan ni Isko sa isang liblib na lugar.
"May ibabalita ako sa'yo, Isko."
"Parang awa mo na...pakawalan mo na ako...yung anak ko baka hindi na niya kayanin, baka hindi na niya ako mahintay..."
"H'wag kang mag-alala, naoperahan na siya at ligtas na. Nagpapagaling na siya kaya 'wag ka ng mag-isip ng iba pa. Ang isipin mo, ang kaligtasan mo. Tutulungan mo ba ako Isko?"
"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo?"
"Si Jesus, si Anastacio, si Benedicto at huli ay si Joker."
"Hindi mo siya kaya! H-hindi mo kaya si Joker! Maniwala ka sa akin."
"Bubulagin natin siya, total bawas na ng isa ang problema ko dahil sa takot, inatake si Dexter sa puso at pumanaw na kamakailan lang. Ikaw, gusto mo bang matulad sa kanila?"
"A-ayoko...ginamit lang nila ako!"
"Pwes tulungan mo ko."
Ilang buwan at natahimik na ang krimen, pero nangangamba pa rin si Don Chito dahil hindi pa rin nahuhuli ang mga pumaslang sa kanyang mga matalik na kaibigan.
"Rosceli, nag-aalala ako sa safety ni Dad. I don't know pero baka next time, siya na ang mabalitaan kong wala na."
"Nag-promise ako sa'yo, that will never happen."
"Oh Jerome! Napadalaw ka?"
"Mikoy! Yes, nagaalala kasi ako sa safety ni Dad. Hindi pa rin siya tinatantanan ng death threats niya."
"Balita ko, malalapit na tao sa tatay mo yung napatay nung mga nakaraang buwan, tapos hanggang ngayon hindi pa nakikita yung isa. At halos lahat, may kinalaman sa kaso ni Diaz."
"What do you mean? May pinupunto ka ba?"
"Wala naman Jerome pero parang ganon na nga."
Kinwelyuhan ni Jerome si Mikoy at nanggagalaiti ito sa galit.
"Aba! Gago ka ah! Sinasabi mo bang may kinalaman yung tatay ko sa nangyari noon?! Wala siya sa mga primary suspects! At yung mga napatay last time, malinis ang pangalan nila sa krimen!"
"Hindi ka nakakasigurado Jerome", nakangisi si Mikoy na parang nang-aasar pa.
Sinuntok ni Jerome sa mukha si Mikoy at agad na umawat naman si Rosceli. Para magtigil ang dalawa, parehas niyang kinuwelyuhan si Mikoy at Jerome.
"Kayo bang dalawa hindi tititgil?"
Nilayasan ni Rosceli ang dalawa at nagpunta na lang muli kay Isko. Habang nakapiring ay kinakausap nito ng masinsinan si Isko.
"Ano ang puno't dulo ng pagpaslang ni Don Chito at grupo niyo sa mga magulang ko?"
"I-ikaw? Ikaw yung anak nila na nawawala? Buhay ka pa pala?"
"Sagutin mo ang tanong ko."
"Sa totoo lang, drayber ako ni Don Chito. Nang malaman kong may balak silang takutin na isang reporter, isinama na nila ako sa lahat ng lakad nila. Mula sa pag-aangkat ng imported na drugs hanggang sa pagdedeliver sa mga small time seller nila. Lahat ng lihim na 'yon ay alam ko. Wala naman sa usapang papatayin ang mag-asawa pero nung nandoon na ay biglang nanlaban si Gregorio. Natakot kasi si Don Chito na ilabas ni Gregorio yung nalalaman nito. Kaya ganon na lang ang galit ni Don Chito."
"Si Don Chito. Siya ang isusunod ko."
"Hindi mo siya kaya, marami siyang koneksyon."
"Gusto mo bang makalaya ng buhay?"
"Oo! Oo! Miss ko na ang mga anak ko, pati asawa ko."
"Tutulungan mo ko."
Ilang araw ang dumaan at nagbigay ng lead si Rosceli sa kanyang mga superior. Kahit mukhang malabo na maresolba ang kaso ng mga pagpatay sa tatlong nasangkot sa murder case ni Gregorio Diaz ay nanatili siyang positibo sa harap ng kanyang mga superior.
"Hello, Rosceli. Si Dad, two days ng nawawala. Two days na siyang hindi umuuwi, I wonder where he is. Nagsasabi naman siya kung may lakad siya but this time wala ni isang tawag."
"What?! Seryoso ka? Sige, tutulong ako sa paghahanap."
Lingid sa kaalaman ni Jerome, hawak ni Rosceli si Don Chito. Wala itong kalaban-laban dala na rin ng edad nito at patraydor siyang hinarap ni Rosceli dahil sa alam itong nobya siya ni Jerome ay nagtiwala ito sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad, lahat ito ay palabas lamang ni Rosceli para masukol si Don Chito at mapaamin sa kasalanang ginawa nito sa kanyang mga magulang.
"Ro-rosceli, hija. What's the meaning of this?"
"Aren't you surprise Papa?"
"Hindi kita maintindihan, nasaan tayo? Nasaan ako?"
"Akala mo siguro nakalimutan ko na. Ikaw alam kong nakalimutan mo na sina Gregorio at Angelique, tama ba ako?"
"Wala akong alam sa sinasabi mo hija. Magagalit si Jerome sa'yo kapag hindi mo pa ako pinakawalan dito."
"Tatang naman 'wag kang sinungaling! Kung noon, nababayaran mo ang batas, ibahin mo ngayon. Makakaligtas ka sa batas ng tao pero sa batas ko? Kakainin kita ng buhay!"
"Wa-wala kang ebidensya na ako ang gumawa noon sa kanila! Wa-wala kang testigo!"
"Testigo ba ang kailangan mo? Hindi pa ba ako sapat na testigo sa'yo Chito Fuente?! Ako! Ako ang anak ng mga pinapatay mo noon! Ako ang ninakawan mo ng pagkabata! Ako! Ako ngayon ang babawi ng lahat sa'yo! Kalayaan mo, pera mo at dangal mo!"
"I-ikaw si..."
"Oo ako nga!"
Nabalot ng galit ang silid na kinaroroonan ni Rosceli at Don Chito, maliwanag na ang lahat sa kanya na ang kaharap niya ay ang batang hinahanap nila noon pa. Ang batang tinulungan nila mula sa ampunan. Ang babaeng ihaharap ni Jerome sa altar balang araw.
Walang ideya si Don Chito na pinagmamasdan lamang ni Rosceli ang mga kilos nila noon pa. Lahat ay ibinigay ni Don Chito dito maging ang pag-aaral nito upang maging ganap na tagapagpatupad ng batas.
"Akala ko pa naman ay makakapagpalaki ako ng taong tutulong sa akin sa mga transaksyon ko...wala kang utang na loob!"
"Don Chito manahimik ka! Hindi ako sumasanto ng demonyo!", sabay tutok ng baril sa noo nito.
"W-wag mong itutok 'yan, baka...baka makalabit mo...ilayo mo..."
"Saan mo ba gustong bumagsak Don Chito? Sa kulungan o sa libingan? Gusto mo bang mag-reunion na kayo ng mga kumpare mo sa impyerno?"
"A-ayoko, ayoko!"
Upang matapos na ay gumawa na ng hakbang si Rosceli. Inilabas nito ang kanyang alas, si Isko. Kapalit ng buhay ni Isko ay ang buhay ni Don Chito. Kapalit ng kaligtasan ng pamilya ni Isko ay ang kaligtasan ng pangalan ni Rosceli at ang lihim nito na hindi maaaring mabunyag kailanman.
Nagdesisyon si Isko na akuin ang lahat ng patayang naganap kasangkot ang kanyang mga naging kasama sa pagpatay kay Gregorio at Angelique. Alam nito ang hirap at hinagpis na dinanas ni Rosceli buhat ng masaksihan niya ang pagkawala ng mga magulang nito.
Halos hindi na makilala ni Don Chito si Isko ng lumabas ito sa isa sa mga silid.
"Don Chito, patawarin mo ako..."
"I-isko? Ikaw ba 'yan? Anong ibig sabihin nito? Alam mo ang pagtitiwala ko sa'yo...malaki ang tiwala ko sa'yo..."
"Kaya ba iniwan niyo ako ng grupo? Pinabayaan niyo ako Don Chito, pinabayaan niyo ang pamilya ko!"
Mula sa kinatatayuan ni Isko ay pinapanood sila ni Rosceli. Tila ba nadugtungan ang buhay ni Rosceli habang nakikita niyang pinapahirapan ni Isko si Don Chito.
Hindi ito nagsisisi na inilagay niya sa kanyang mga kamay ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Alam niyang ang pagmamahal ni Isko sa pamilya ang magiging lakas nito upang harapin si Don Chito. Batid din ni Isko na dapat na niyang pagbayaran ang matagal na panahong pananahimik at pagsisihan ang usig ng kanyang konsensya.
"Isko, isipin mo ang pamilya mo...makukulong ka..."
"Matagal na akong nakakulong sa anino mo Don Chito, marahil, ito na ang kalayaan ko matapos ang labing limang taon..."
Labing limang putok ng baril ang umalingawngaw sa silid na kinaroroonan nila, sa harapan ni Isko ay si Don Chito na naliligo sa sarili nitong dugo at naghahabol ng buhay. Bumaling ang tingin nito kay Rosceli at pabulong na sumambit.
"Pa...ta...wad..."
Binitawan ni Isko ang baril at napaluhod sa sahig. Nakaramdam ito ng kalayaan sa wakas. Kalayaan sa matagal na pagkakapiit nito sa mga kasalanan ni Don Chito.
"Bukas Britanny ay handa na akong harapin ang kalayaan ko...yung pangako mong iingatan mo sila..."
"Makakaasa ka Mang Isko..."
Ilang araw ang lumipas at naideklarang case close ang dalawang murder case na may pagitan ng labing limang taon. Dalawang uri ng biktima at dalawang uri ng salarin. Parehong nakahanap ng kalayaan bilang bilanggo ng mga nakaraan.
"Kinikilala si Rosceli Perez bilang isa sa kapita-pitagan at tapat na tagapagpatupad ng batas!"
Na-promote si Rosceli sa kanyang posisyon at naiwan namang ulila si Jerome, lahat ng mga sangkot sa ilegal na gawain ng kanyang ama ay kanyang ipinadampot at isinuko ang mga ari-arian nito na may kinalaman sa droga. Si Mikoy naman ang tumayong kuya ng mga anak ni Mang Isko habang tinutulungan ni Rosceli ang pamilya nito.
Si Mang Isko ay nasentensyahan ng habang buhay napagkakabilanggo ngunit may pag-asang mabigyan ng parole dahil sa pag-amin nito sa mga krimen na kinasangkutan nito. Ang lahat ng ebidensya na nagturo sa kanya ay ginawa nila ni Rosceli bago ito sumuko sa mga otoridad.
"Kamusta ka Mang Isko?"
"Masaya ako, masaya akong pagbayaran ang buhay na minsan naming kinuha...at masaya akong nakalaya ako sa piitan ni Don Chito..."
"Maraming Salamat...Mang Isko..."
---END---
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
— 結束 — 寫檢討