下載應用程式
33.33% UNDER THE RAIN / Chapter 4: Chapter 2 : Matthew the Chewer

章節 4: Chapter 2 : Matthew the Chewer

Matthew's POV

Wala akong gana pumasok ngayon. Sobrang inaantok pa ako. Kung 'di lang talaga ako nagpuyat sa pinanood kong horror movie. Papasok lang talaga ako ngayong first day para sa baon eh. Hindi pa naman ako pamilyar sa bagong school na papasukan ko. Makapunta na nga lang muna sa convenience store.

***

"Sir. Sir? Excuse me po sir."

"Bakit po?" Inaantok kong tanong.

"Sir, kasi po napansin namin na ang tagal niyo na pong nakatulog dito matapos niyong kumain."

"Ay ganun ba. Pasensiya na. Anong oras na ba?"

Napatingin ang staff sa wall clock.

"8:50 po sir." Sabi ng staff.

"Ahhh 8:50, maaga pa pala, pwede pang matulog." Sabi ko naman.

Pero bago pa man ulit ako makatulog, biglang nagising ang diwa ko at naalalang...MAY PASOK NGA PALA AKO!

Mabilis akong tumayo pero bigla akong tinawag ng isang staff.

"Sir, nakalimutan niyo po 'yung binili niyo."

"Ay salamat!" Sabi ko at nagmadaling umalis.

Malapit lang naman ako sa school pero kehaba haba pa ng dadaanan bago makarating sa gate. Parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa bawat pagtakbo.

9:15 ako nakarating sa tapat ng room. Sakto, walang teacher. Bagong student lang ako tapos late pa. Kinuha ko muna ang bubble gum na binili ko kanina at saka ngumuya nang ngumuya para mukhang cool syempre.

***

Ganun ba talaga ako kagwapo? Pagpasok pa lang, lahat sila nakafocus na ang atensyon sa akin. Sabagay, sino ba namang matinong estudyante ang papasok ng naka-polo na blue at ngumunguya pa ng bubble gum. Buti na lang, kilala ako ni manong guard. Makaupo na nga lang sa likuran.

"Hi! Are you Matthew Sanchez?" Tanong sakin ng babaeng nakakulot ang buhok, masikip ang uniform at naka-make-up pa. Aba, alam na alam full name ko ah.

"Uhmm yes, why? Do you need something?" Tanong ko naman. Syempre nagtranslate muna ako sa isip ko bago magsalita with matching nguya-nguya pa, kunwari astig. Madaling English sentence lang ganun. Mahirap na, baka judger 'tong kaharap ko.

"Ikaw kasi napili kong partner para sa Activity natin sa Physical Science, okay?"

Sinasabi niya bang ako ang kapartner niya or hinihingi niya pa confirmation ko? Huh? Ang gulo ko rin noh.

"Uhmm really? Give me more time to decide." Seryosong sabi ko.

"Uhmm yeah sure. Ikaw bahala." Nakangiti niyang sabi.

***

Bliss Joy's POV

Ay wow. Astig din pala 'tong lalaki na 'to ah.

"Hi!" Bati niya sakin.

"Hello!" Bati ko naman. I smell something.

Tumabi naman siya sa akin. Sa isip-isip ko, paano naman 'to malalate eh pareho kami ng sinakyan at saka ayokong maamoy ang hininga niya dahil sa bubble gum. Tsk.

"Gusto mo bubble gum?" Tanong niya sakin.

"Uhmm no, thanks." Sabi ko naman. Jusme, bakit ang dami nitong bubble gum na dala dala. Hindi kaya siya mapagod kangunguya dito. Well, infairness, ang gwapo nga nitong Matthew na 'to ah kaso parang may iba talaga eh.

Tinanong ko kung bakit siya na-late eh nakasabay ko naman siya sa jeep.

"Don't tell me, you're one of my stalkers?"

Ay wow! Kapal ng mukha.

"Of course not!" Sabi ko at makapag-englsih nga rin. Mukhang mahaba-habang usapan 'to ah.

Pinagtitinginan na tuloy kami dito ughhh.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C4
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄