下載應用程式
75.65% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 87: Chapter 85

章節 87: Chapter 85

Crissa Harris' POV

Manghang-mangha akong napatingin kay Russell dahil sa ginawa niya. Saglit ko lang kasing pinahawak sa kaniya yung bagong pistol na binigay sakin ni Christian. Bahagya ko kasing sinilip yung kabuuan ng bakuran nitong Daycare Center. Pero eto nga, pagbalik ko, naabutan ko si Russell na kasama na si bestfriend Renzo sa may di kalayuan sa van at nagpapaputok ng baril sa mga lumiligid na undead.

Hmm.. Mukhang nagkakasundo na sila ngayon ha? Maganda ito. Nalilihis yung atensyon ng bata

"I bet, someone taught you how to use a gun." mangha pa ring sabi ko nang makalapit sa kanila.

Ngumiti naman si Russell at isinoli sa akin yung pistol.

"Opo. Tinuruan ako ni papa para kaya naming ipagtanggol si tita, si ate Rosette, at yung baby cousin ko."

Tita niya? ate Rosette at baby cousin? May iba pa silang kasama ng papa niya? Hindi pumasok sa isip ko yun ah? Akala ko silang dalawa lang talaga.

"Eh nasan yung tita mo ngayon, Russell? Saka si ate Rosette and baby cousin mo?" tanong ni bestfriend Renzo.

Iling lang ang sinagot nung bata. Hindi ako siguardo kung hindi niya lang ba talaga alam kung nasan yung tita niya kaya siya umiling. Pero I'm hoping na sana, yung mga kamag-anak niyang tinutukoy niya ay hindi kabilang dun sa ibang nabiktima nung mag-asawang cannibal na yun na nakita ko sa bodega.

Kasi kung oo, malalaman naman siguro nitong bata, diba? Imposibleng hindi.

Pero teka.

"Ilang taon ka na ba, Russell?"

"Six po." tipid na sagot niya sa akin.

"Eh si ate Rosette? Pinsan mo rin ba siya?"

"Opo, anak po siya ni tita. Eight na po si ate Rosette."

Bigla akong napakagat ng madiin sa labi ko dahil sa narinig ko.

Eight na yung Rosette? Shit. Yung pugot na ulo nung batang babae sa bodega nung mag-asawang canninbal, parang nasa ganon lang din yung edad. Tanda ko na may suot pa nga yun na pulang ribbon sa buhok niyang hanggang chin.

Hindi kaya, si Rosette yun?

"Crissa, tara. Mukhang tapos na sila Christian." pag-agaw ni bestfriend Renzo sa atensyon ko at inakbayan ako.

Pinilit ko nalang alisin sa utak ko yung mga naiisip ko at nagpahaltak na lang sa kaniya. Posible rin namang hindi si Rosette yun at ibang bata yun. Maraming bata sa mundo. Baka iba yun.

Sana nga, iba.

Sabay-sabay kaming pumasok dun sa bakuran ng daycare center habang si Elvis ang nagmaneho papasok nung van. Inutusan din ni Christian si Renzo na ilock na rin daw yung gate dahil cleared na yung loob at pwede na kaming pumasok. Ilang undead lang ang nakita nila at malinis naman daw yung kabuuan. Mukhang magiging komportable rin daw na tulugan at pagstayan namin. For the mean time.

"This place has three rooms. Yung dalawa classroom, and yung isa, quarters ng teachers, or office." agad na sabi ni Christian nang lapitan ko siya.

Sinenyasan niya naman yung iba na pumasok na rin nang masigurong okay na yung van sa labas. Binitbit din nila papasok lahat ng gamit na nakalagay doon like yung natitirang stocks ng food at yung mga weapons.

Hindi nga kalakihan yung lugar. Sakto lang; madaling imaintain at komportableng galawan. Normal na itsura lang ng isang daycare center. Both classrooms, maraming mga gamit ng bata. Rubber mat yung kabuuan ng sahig at meron ding mga stuff toys at malalaking teddy bears sa lapag.

Hmm. These would be enough para makatulog kami ng maayos at hindi lamigin. Sobrang convenient din dahil in both rooms, mayroong banyo. Perfect na to para mag tig-isang room yung lalaki at babae.

"Dito na kaming mga lalaki sa room na malapit sa main door. Mamaya, maisipan mo na namang tumakas e, dapat mabantayan ka ng maayos." pokerface na bulong ng kakambal ko. "Diyan kayo sa kabila, aight? Magpahinga muna kayo." sabi niya at pumasok na dun sa kwarto nila. Nasilip ko na nandun na rin yung ibang lalaki. Pwera lang kay Renzo, Lennon, at Russell.

Dumeretso na lang ako sa kwarto naming mga babae at nandun na nga sila. Si Fionna, Alessandra, at Renzy, halatang hapong-hapo habang nakahiga sa rubber mat. Nandun din si bestfriend Renzo at Russell na mukhang nakakita agad ng pagkakaabalahan.

May mga toy car kasi dun sa playing area bukod sa iba ring mga laruan na pwedeng pambabae at panlalaki. Pinaglaruan kagad nila yun at etong bestfriend ko, parang sinapian ng maligno dahil parang biglang naging isip bata. Pinaglalaruan yung mga kotse with matching sound effects pa na hindi mo naman malaman kung utot ba or dighay ng kalabaw.

"Tooogsshhh. Ayan na Russell! Magugulungan ka na nung barkoooo!"

"Kuya, wala pong gulong ang barko."

Napa pokerface ako sa narinig ko. Tinatry ba nito ni bestfriend na patawanin yung bata o sadyang ganiyan talaga siya? Tsk.

"Hephep. Dun kayo sa kabilang room maglaro. Magpapahinga si ate Harriette dito. Boys are not allowed in here." masungit na sabi ko. Tumayo naman agad si bestfriend Renzo at hinaltak yung bata.

"Tara na, Russell. Naiinggit lang yang ate Crissa mo. Gustong magpalipad ng submarine."

"Kuya sa ilalim po ng dagat ang submarine."

Hindi pa rin nawawala ang pokerface ko habang sinusundan ng tingin ang bestfriend ko at si Russell na lumalabas ng pintuan. Nang ibalik ko naman yung paningin ko sa iba, magkakatabi nang natutulog si Fionna, Renzy, at Alessa sa rubber mat.

"Boys are not allowed here? Kasama rin ba ko dun, Crissa? E inaalagaan ko si Harriette." nagkamot si Lennon ng batok niya.

Nakalimutan ko nang andito nga pala tong makisig na mangingibig na ito. Inaalagaan ang kaniyang irog. Nagpapamalas ng pambihirang pagsinta. Ibinubuhos ang pagod at lakas para maialay ng buong puso at walang pagtitira ang pagmamahal na inipon ng napakatagal.

At sino nga ba ako para humadlang sa dalawang nag iibigang ito?

"Oo. You are not exempted. Ako na mag-aalaga sa kaniya, okay? Now go." masungit ding sabi ko kay Lennon.

Ako si Crissa Harris. Galit sa pag-ibig. Tumutugis ng mga nagmamahalan. Pumapatay ng kalooban.

Joke. Joke lang yun. Ayaw ko lang na may maingay dito kasi magpapahinga rin ako. Tsk.

Habang naglalakad palabas, nagkakamot pa rin ng batok si Lennon. Tsk. Pag ako talaga nakabawi ng lakas, ako na magkakamot ng batok nun. Simula nung una kong makita yun e, nagkakamot na ng batok. Hanggang ngayon ba naman? Tsk. Ginagarapata na ata e.

Tumabi ako kay Harriette. Napansin ko naman na nagising na siya. Dahil siguro nawala yung pagkakaunan niya sa hita ni Lennon.

"How are you feeling?" agad na tanong ko. Kumuha rin ako ng isang katamtamang laki na teddy bear at ginawa kong unan niya.

"M-mas mainam kaysa sa kahapon. Although masakit na masakit pa rin."

"Alam ko na kung bakit mas mainam kaysa ngayon. Kasi inalagaan ka ng love love mo." pokerface na sabi ko. Nakita ko naman ang agad na pagpula ng mukha niya.

Maganda ito. Di katulad nung kahapon na sobrang putla ng mukha niya na parang nauubusan na ng dugo. Yung parang nakatihayang butiki? Ganon yung kulay ni Harriette. Pero tsk. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Nakakapagpabalik ng nawalang dugo? Kaya namumula na si Harriette ngayon?

Pinagmasdan ko ulit si Harriette. Alam kong malala yung iniinda niyang sakit ngayon dahil hindi biro yung natamo niya. Pero just by looking at her now, alam kong mapapadali ang recovery niya. Nagagawa niya pa ring ngumiti sa kabila ng lahat. Siguro dahil na rin rest assured siyang hindi siya pababayaan ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Aalagaan at aalagaan siya. Poprotektahan.

Well, ganon nga ang ginagawa at gagawin namin. Alagaan at protektahan ang bawat isa.

"I love him.." dinig kong bulong niya.

"He loves you more, bessy. I know he does." bulong ko pabalik sa kaniya.

Nadala agad ako at napangiti rin nang makita ko yung maganda niyang ngiti. Sino bang mag-aakala na natapyasan ng laman sa hita ang isang to? Nagagawa niya pang maging masaya.

Isa lang ito sa patunay na iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Napapasaya yung malungkot. Napapalakas yung mahina.

Pero, kaya ba nitong buhayin ang pusong namatay na? Magpasibol ng bagong pagsinta sa damdaming natuyo na?

Shit. Ano ko? Makata?

Tinigil ko na lang ang pag-iisip ko dun ng pang hopeless romantic. Basta masaya ako para sa kaibigan ko. Sapat na yon.

"Are you hungry? Kailan ka pa huling kumain?" tanong ko sa kaniya.

Napahawak naman siya bigla sa tiyan niya.

"A little bit. Kagabi pa e.."

"Okay then. Wait for me."

Mabilis akong tumayo para pumunta sa kabilang room. Nandun kasi sa mga lalaki yung natitira naming stocks ng food pati na rin yung ibang weapons and ammo namin.

Tsk. Sinadya to ng kakambal ko. Kasi pinagdadamutan niya ko ng armas! Gusto niya sa kanila lang! Pati yung mga pagkain! Napakatatakaw nila!

Kunot-noo kong binuksan yung pintuan. Bumungad agad sakin si Russell at bestfriend Renzo na hindi pa rin tumitigil sa paglalaro. At mukhang naka recruit pa ng panibong mag-iisip bata ang bestfrined ko. Nandun na rin kasi si Elvis, Alexander, at Owen na nakiki sound effect na.

Tsk! Mga umuutot gamit ang bibig! Nakakainis!

Dumeretso na lang ako dun sa nag-iisang kahon ng pagkain namin. Nilagpasan ko sila Christian, Sedrick, Lennon, at Tyron na nag aayos ng mga weapons. Ang saya-saya nilang apat habang nag aayos. Siguro naiisip nila na sa kanila lang yun at hindi nila bibigyan yung mga babae. Tsk. Timawa sila.

Padabog kong binuklat yung kahon at mas lalo lang akong nainis nung nakita kong iilang de-lata na lang ang natitira. Hindi na aabot para bukas. Tsk. Paniguradong sila rin ang umubos nito habang nakatalikod kaming mga babae!

Dumampot ako ng isang luncheon meat since bawal kay Harriette ang malansa dahil may sugat siya na pinapagaling. Well, ako rin naman meron kaso favorite ko talaga ang corned tuna kaya yun pa rin kakainin ko.

Nagdala na rin ako ng dalawang lata ng corned tuna para sakin. Tsk. Wag lang uubusin talaga nitong mga lalaki itong natitirang ilang lata. Pagbubuhol-buholin ko mga bituka nila. Pati yung mga ano nila! Tsk.

Inirapan ko muna isa-isa yung mga nag-aayos ng baril bago ako naglakad papuntang pintuan. Narinig ko pang napaaray si Alexander dahil nung dumaan ako sa gawi nila, natapakan ko yung kamay niya na nakaharang sa sahig.

Tsk! Ayaw kasi tumabi e!

Bumalik nalang ako sa kwarto namin. Tulog pa rin yung tatlo kaya pinakain ko na si Harriette. Since kaya niya naman daw kumain mag-isa, hinayaan ko nalang din siya at kinain ko na rin yung corned tuna ko. Nangangalahati palang si Harriette sa kinakain niyang luncheon meat, tapos ko na agad yung dalawang lata ko.

Dumighay ako ng malakas at tumayo. "Nakalimutan ko pala yung panulak. Wait."

Bumalik ulit ako sa kwarto nung mga lalaki. Nainis ako nung makita kong wala na rin kaming tubig. Nakita ko si Lennon na umiinom kaya pokerface ako na lumapit sa kaniya.

"Akin na lang iyan Lennon. Nauuhaw si Harriette."

Nagkakamot siya ng batok habang inaabot sakin yung tubig niya. Si Christian naman ang tinignan ko, at pagkatapos, yung mineral water naman na hawak-hawak niya.

Hindi ko naman na kinailangang daanin sa dahas dahil inabot na agad sakin ng kakambal ko yung tubig niya. Binigyan niya pa ko ng isang ngisi na para bang nagsasabing, 'Alam ko kung bakit ganiyan ka.'

Mariin ko nalang siyang kinurot sa kili-kili na ikinaaray niya. Clueless naman yung tatlong lalaking kasama niya kung bakit bigla kong kinurot ang kakambal ko. Inirapan ko nalang din silang lahat. Nung madaan na naman ako dun sa mga naglalaro, si Elvis naman ang natapakan ko sa kamay.

"WTF Crissa! N-nadurog ata ang hinliliit ko!" sigaw niya.

Naka pokerface akong nagsorry sa kaniya at lumayas na rin ako sa kwarto nila. Naaalibadbaran ako sa kanilang lahat e. Pwera na lang kay Russell. Tsk.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C87
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄