"Hindi," sagot niya kaagad.
Napakunot naman ako ng noo, "So totoo lahat ng sinabi mo? Na nasasakal ka na sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag bago ka umalis?"
Kahit anong pigil ko, lumabas pa din ang mga salitang iyon sa bibig ko na may halong galit at hinanakit. Hindi pa din ako makapaniwala. Parang isang malaking kalokohan lang lahat. Hinigit niya ako doon malapit sa poste ng ilaw kung saan medyo kakaunti ang taong nadaan.
"Risa," simula niya at halos pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.
"Oo, alam ko mali ang ginawa ko na biglaan na lang ako nawala na hindi man lang ng napaliwanag kaya tanggap ko din kung hindi mo ako mapapatawad. Pero Risa, hindi mo din alam kung gaano kita minahal."
Titigil na ata ang puso ko ng narinig ko iyon pero hindi ko din makakalimutan na hindi pa nakakatatlong buwan noong naghiwalay kami ng nabalitaan ko na may girlfriend na siya.
"Oo, minahal mo ako," sabi ko sa kanya ng pabalang, "Nagmahal ka nga agad ng iba."
"Tinulungan lang ko ni Angelie," sagot niya sa akin na parang nasasaktan siya. Ganun din ang expression ng mukha niya. He sounded hurt. He looked hurt.
I laughed humorlessly. Tinitigan ko siya. "Oh, bakit nakipagbreak ka sa kanya? Hindi ba dapat siya ang kinakausap mo? Hindi ako. Bumalik ka na doon sa girlfriend mo. Hindi ko na kailangan ng mga paliwanag mo."
"Kasi mahal kita!" halos pasigaw na sinabi niya, "Kasi mahal kita Risa! Hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko."
Nanghina ang tuhod ko at hindi ko na napigilan na mapaupo sa basang semento. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nanaginip ba ako? Ni hindi ko maramdaman ang tubig na unting unti bumabasa sa aking palda. At tila wala akong naririnig kundi ang tibok ng puso ko at kahit iyon ay malayo ang tinig. Hinawakan ni Keith ang aking kamay at tinulungan niya akong tumayo.
"Bakit mo ako iniwan?" tanong ko sa kanya ng mahina habang naghahanap siya ng twalya sa bag niya. "Bakit mo ako sinaktan kung mahal mo ako?"
Tumigil siya sa paghahanap at tumingin sa akin. Huminga muna siya ng malalim bago niya ako sinagot. "Kasi si Stan ang mahal mo."
Halos matawa ako sinabi niya. Nagloloko ba siya? Sasabihin ko na sana sa kanya iyon pero sobrang seryoso ang mukha niya. Walang bakas ng pagbibiro o kung ano man.
"Seryoso ka ba Keith?"
"Damn, Risa!" sagot niya ng madiin. Nalilito ako sa reaksyon niya pero pinagpatuloy pa niya ang pagsasalita, "Anong tingin mo sa akin bulag? Kahit ilang beses mo pa itanggi, Risa, alam ko. Kita ng dalawang mata ko."
Ibinuka ko ang aking bibig pero walang salitang lumabas kahit isang tunog ay wala. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa hindi ko din maintindihan ang sinasabi niya. Naguguluhan ako.
"Kung gaano mo kamahal si Stan. Kung paano mo siya tingnan," dagdag ni Keith na parang pagod na pagod siya.
"Keith," bulong ko ng mahina na parang nagsasabing mali siya at hindi totoo lahat ng sinasabi niya.
"Ni minsan hindi mo ako tiningnan ng ganun. Kahit isang beses, hindi, Risa. Kahit tayo lang ang magkasama, hindi mo nakakalimutan si Stan."
"Kasi kai—"
"Kaibigan? Best friend? Sigurado ka ba sa sinasabi mo Risa? Kasi alam ko na kahit papiliin ka sa aming dalawa siya ang pipiliin mo. You looked at him like he was too precious to be even touched by anyone even by you."
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Keith. Totoo ba na lumabas lahat ng salitang iyon sa bibig niya. Hindi ba niya alam kung gaano ako nasaktan ng iniwan niya ako. Noong halos mawala na ako sa sarili ng iniwan niya ako tapos ito ang gagawin niyang dahilan.
"Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo diba? Na kahit sino ang mawala, okay lang sayo basta nandyan si Stan. Hindi ka magdadalawang isip na siya ang piliin."
"Bakit mo ba ginawa lahat ng ito Keith?" nanginginig ang boses ko.
"'Cause I want to make things right," madiin niyang sabi.
"Bago ako umalis kinausap ko si Stan. Sinabi ko sa kanya kung bakit kailangan ko mag-transfer at tinanong ko kung‒"
"Teka," pigil ko sa kanya, "Alam ni Stan kung bakit ka umalis?"
Medyo napaisip si Keith bago niya ako sinagot, "Oo, pinuntahan niya ako sa bahay."
Damn! Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. All this time, alam ni Stan lahat at kahit ilang beses ako nagtanong sa kanya, ang sagot lang niya ay hindi ko alam. Bigla akong nahilo at feeling ko babaligtad na ang sikmura ko. Itinulak ko ng konti si Keith at maya-may naramdaman ko na ang patak ng ulan. Hindi ko na inantay na lapitan niya ako. Nagtatakbo na ako palayo sa kanya at hinayaang mabasa ang buo kong katawan ng ulan.
Please vote with power stone or leave a review if you enjoyed reading this. If you like this, please support my other story, Ugly Little Feelings. Thanks for reading!