Noong una hindi ko naintindihan ang sinabi niya, aalis sila? Sinong kasama niya? Pero kami pa la ang aalis, dahil hinigit niya ako patayo at dinala palabas. Hindi pala ako ang kausap niya, kundi si Aya. Hindi ko din alam kung agaw eksena kami kanina. Basta pagtunghay ko, nasa malapit na kami ng parking lot.
Nasa harapan ko ngayon si Jared at dahil medyo matangkad siya hindi ko pa din kita ng ayos ang mukha niya. Pero kita ko nang naglabas siya ng panyo galing sa bulsa niya at pinunas sa mukha ko.
Mga ilang minuto kaming ganoon. Hindi ko pa din napigilan umiyak dahil mas lalo akong naiyak. Wala naman siyang sinabi, hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak. Nang natapos na akong umiyak, saka ko lang napagtanto na nakakahiya pala yung ginawa ko.
"Naku," napaatras agad ako, "Sorry, nadumihan ko tuloy yung panyo mo."
Kumalat na kasi yung make-up ko. Nilapitan naman niya ako, "Ano ka ba? Panyo lang yun. Tingnan mo tuloy," inaangat niya ang mukha ko at nagkatinginan na din kami, "Kumalat na yung make-up mo."
Pinunasan niya yung dark stains ng luha ko at kahit anong sabi ko na wag na ay hindi pa din siya nagpaawat. Hindi nagtagal nakabalik na din kami ng gym pagkatapos kong dumaan sa cr para mag-ayos.
Pagbalik namin magsisimula na ang exchange gift kaya hindi na ako natanong nina Aya. Buti na lang dahil baka maiyak ulit ako. Ang exchange gift na ito ay pagpasapasahan ang regalo at pag natapos ang kanta sayo ng gift at kung sino ang magkakapalit lang ng regalo ang siyang magiging first dances sa gabi incase maraming nagkapalit. Pag the same gender, okay lang kahit hindi sila magsayaw.
So tumugtog na yung 12 days of christmas. Ngalay na ngalay na ako sa pagpasa tapos bigla pa nagcounter clockwise yung pagpasa. Sina Aya naman mukhang excited. At sa wakas ng tumigil na ang kanta, ang natanggap ko ay single white rose stem na may naka-ribbon na kulay blue na panyo.
Pagtingin ko kung kanino galing, nagulat ako kasi galing kay Lance. Napa-wow pa ako lalo nung nakita ko na palapit siya sa akin dahil yung anklet na binili ko ang natanggap niya.
"Wow, ang sabi," bati niya sa akin, "Nagkapalit lang pala tayo ng regalo."
"Oo nga, sa dami dami ng regalo dito yung sayo pa ang natanggap ko."
"Destiny siguro," tumawa naman siya.
"Destiny mo mukha mo," napahampas tuloy ako sa braso niya, "Kailangan tuloy natin magsayaw."
Si Jared ang nakuha yung sa ate ko pero ang natanggap ng ate ko ay kay Aya. Sa barkada mukhang kami lang ni Lance ang nagkapalit kaya nagpaalam na ako kay Jared dahil hinihigit na ako papunta sa may stage. Siya kasi ang may pakulo nito.
Tapos grabe lahat ng nagkapalit, same gender lang, kami lang dalawa ni Lance ang hindi. Namula tuloy ako sa sobrang hiya pero no choice ako. Pagtugtog ng kanta, sumayaw na kaming dalawa.
"Ang dami mo kasing pakulo, ayan tayo tuloy ang nabiktima," sabi ko sa kanya habang nagsasayaw kami.
"At least ikaw ang nakasayaw ko," sagot niya sa akin. Oo nga naman kesa ibang lalaki pa yung makasayaw ko.
"Sus, alam ko naman na ate ko ang gusto mong makasayaw. Ayan hindi na siya ang first dance mo."
"Okay lang yun. Siya naman ang magiging last dance ko."
"Hanggang ngayon ba hindi pa din kayo ng ate ko?" tanong ko sa kanya habang hinahanap ko sa paligid si ate.
"Hindi pa."
"Bakit naman hindi pa? Ang bagal mo naman."
"Pano, hindi mo na ako tinutulungan. Ni hindi ka na nga nagrereply sa text ko."
"Ano ka ba? Kaya mo naman kahit wala ng tulong ko."
"Eh ba hindi ka na nagtetext?" Tama siya dun, hindi na nga ako nagrereply sa kanya simula nung nagpasukan na ulit.
"Busy kaya," pagdadahilan ko sa kanya.
"Busy? Sinong niloloko mo? Wala ka nga palagi ginagawa."
Alam niya pala yun. Huli ako. "Kasi ano-"
"Ano? Bakit? Wala ka ng maisip na dahilan nu?" sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung galit siya sa akin o ano. Tapos bumulong pa siya kala niya hindi ko maririnig, "Porket bumalik na yung ex mo at may bago ka ng katext."
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya kahit narinig ko naman, "Nagtatampo ka ba o nagseselos ka lang?"
Nagulat ata siya sa sinabi ko dahil nagblush siya. Sasagot na sana siya ng dumating si Jared, "Tol, pwede ko bang isayaw si Risa?"
Wala ng nagawa si Lance kundi ibigay ako kay Jared. For sure si ate naman ang isasayaw nun, pagkatapos ni Jared, si Dan naman at Andy. Bumalik na ako sa table namin dahil nakita kong nagsasayaw sina Keith.
Pagbalik ko sa upuan, may red rose sa table ko. May note na nakasabit, To the most beautiful girl tonight, Risa.
Kanino naman kaya galing to?
Next update is on Wednesday. Please do check out my other story, Ugly Little Feelings. Thanks! Drop a comment or a vote or a rating if you enjoyed reading.