Sa sinabi ni Mia, parang may alam siya sa nangyari at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Mawawala ng tuluyan si Stan sa buhay ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Iba 'to sa lahat ng naging away namin kahit noong pinili niya si Denise kasi alam ko na kahit hindi ako ang pinili niya, importante pa din ako. He'll always be there for me. Pero iba na ngayon. It was like I'm just an ordinary friend to him. I was really starting to lose him. Bago pa mabuo ng todo ang pagpapanic ko ay tinawag na nila ako dahil part ko na.
Everything was a blur. Ganoon ba talaga kabilis ang takbo ng panahon pag March? Last day na ng pasok bago mag-exam, March 18, Biyernes. Dahil sa sobrang daming ginawa ng mga nakalipas na araw, projects and quizzes here and there, walang naging progress sa amin ni Stan at kahit na samin ni Keith pati na sa nararamdaman ko, walang pagbabago, hindi pa din ako sigurado.
Noong recess, pagkagaling ko sa cr, nakita ko si Lance na papasok sa room nila. Tinawag ko agad siya, "Lance!"
Lumingon naman agad siya at dali-dali na akong lumapit sa kanya.
"Oh, Risa," bati niya. "Himala at napadpad ka dito. Parang ang tagal na nang huli tayong nagkita."
"OA mo naman," sabi ko sa kanya habang medyo natatawa. "Parang dalawang linggo pa lang naman tayong hindi nagkakausap."
"Bawal magdrama?" loko naman niya. Napatawa naman ako at hinampas ko siya ng pabiro sa braso.
"Sino nga pala pinunta mo dito? May papatawag ka?" tanong ni Lance.
"Ang assuming mo. Hindi ba pwedeng tinawag kita kasi may sasabihin ako sayo?" Ngumiti lang siya at nagpatuloy na ako. "Pwede bang pasabi kay Stan-"
"Tamo," react ka agad niya. "May sasabihin daw sa akin. Hindi naman pala talaga sakin."
"Hay naku, tigilan mo na nga yang kaarte mo at para ka ng si Dan." Tiningnan naman niya ako ng masama pero hindi ko pinansin. "Sabihin mo kay Stan na sumabay siya ng lunch sa amin kahit isama pa niya yung girlfriend niya. Pati ikaw kung okay lang kay ate."
"Ay, oo nga pala. Happy birthday sis," sabi niya sabay pisil ng pisngi ko. Pinalo ko agad yung dalawa niyang kamay para bitawan ako. Nag-init ang pisngi ko at wala akong nagawa kung hindi himasin ito.
"Absent nga pala si Stan. May sakit daw."
Wala na akong naisip na ibang dahilan kundi iniiwasan talaga ako ni Stan. He definitely hates me now. Is the thought of me loving him so repelling, he can't do anything but avoid the heck of me?
Alangan naman magmukmok na lang ako buong araw, birthday ko pa naman. Si Aya naman napakasupportive as usual. "Wag ka mag-alala, Risa, kakalimutan din namin ang birthday ni Stan para sayo."
At noong awasan na, nasa labas si Keith ng classroom namin, nag-aantay. Syempre tinukso pa muna kami nina Aya bago kami naiwan mag-isa at syempre hindi din nawala ang nakakailang na katahimikan nang kami na lang dalawa. Naglalakad na kami papuntang hagdan ng nagsalita si Keith. "Gusto sana kitang yayain kumain kaso may kailangan pa akong asikasuhin."
Sumagot naman ako ng okay lang pero hindi ako makatingin sa kanya ng ayos. Ito ata ang unang pagkakataon na kaming dalawa lang ang magkasama pagkatapos noong hallway scene namin.
Nang sa may hagdan na kami, may inabot siya sa aking regalo. Oo, regalo. Nakabalot sa brown na gift wrap. Maliit lang ito at malambot. Binati niya uli ako ng happy birthday at nag-thank you naman ako. Hindi ko na napigilan ngumiti ng konti. "Pwede ko ng buksan?"
Tumango lang siya. Dahan-dahan ko binuksan yung regalo para hindi masira ang balot. Black and white ang una kong nakita. Medyas na ang print ay piano keys at itim na beanie na ang print ay puting g-clef at notes ang laman.
"Kapalit nung medyas last time," sabi niya. Naalala ko tuloy yung dilaw na medyas, mas lalo tuloy akong napangiti.
Nagpasalamat ulit ako sa kanya. Hindi nagtagal nakababa na kami at nakarating sa lobby. Medyo madami pa ang tao pero tumigil kami saglit sa isang gilid. Kinuha niya sa akin yung beanie at isinuot niya sa akin. "You should try it on. Gusto kong makita kung bagay sayo."
Medyo natigilan ako pero dahil sa naconscious ako, inayos ko ng kaunti yung pagkakasuot niya.
"Yep. Bagay sayo. Ang ganda mo," sabi ni Keith habang pinagmamasdan ako.