Hindi maintindihan ni Chen Xingyan, o di kaya ay gusto niya itong intindihin. Tumayo na lamang siya mula sa kama, nag ayos ng kaunti at nagbalik sa set. Hindi siya maaaring umalis!
Nang makitang ang mga kawani ay abala sa pag aayos, nagmadali siyang lumapit upang tumulong, "Hayaan ninyong gawin ko ito, malakas ako..."
"Ms. Chen, kung tama ako, pinalitan ka na ng director," wika ng lighting director habang nakatitig kay Chen Xingyan. "Mas makabubuti kung uuwi ka na. Huwag mo nang aksayahin ang oras mo dito."
Ayaw umamin ni Chen Xingyan ng pagkatalo habang lumalapit ito sa iba. Gayunpaman, sa loob lamang ng isang gabi, ang aksyon ng lahat tungo sa kanya ay nag iba.
Pinaka importnte sa lahat, nang ang director sa wakas ay magpakita sa set, trinato siya nito na tila hindi siya umiiral. Kahit minsan ay hindi ito sumalyap sa kanya.
Kahit kailanman ay hindi pa siya napahiya sa ganitong paraan.