"Narinig ko iyon," sabi ni Mo Ting mula sa likod ng dalawang babae.
Medyo nasorpresa si Tangnning habang lumilingon siya para makita si Mo Ting na nakatingin sa kanya na may pag - aalala. "Nararanasan ko lamang ang karaniwang sintomas ng nagdadalang - tao."
"Pumunta tao sa ospital para magpatingin."
Walang magawang tingingnan ni Tangning ang kanyang asawa, pero hindi naman siya naiinis sa suhestiyon nito. Alam niya na kapag hindi makakatanggap si Mo Ting ng resulta mula sa pagpapatingin nila, hindi ito matatahimik.
Tiningnan ni Luo Yinghong ang mag - asawa. Kanina lamang, halata naman na si Tangning ay isang matalino at may kakayahan na babae na may kapangyarihan. Pero, sa harapan ni Mo Ting, siya ay biglang nagiging isang mahina at nangangailangan ng proteksyon.
"Kung ganon, Hong Jie, mauuna na muna kami umalis."