Habang ang mga estudyante at mga professor ay nakatingin sa CEO ng Hai Rui ng may paghanga, sila ay nasorpresa din na siya ay mukhang napakapamilyar.
Sa huli, isang tao ang sumagot, "Hindi ba iyan ang estudyante na kinasasangkutan ni Professor Gu?"
"Ngayon na binanggit mo ito, siya nga mukhang pamilyar, ngunit siya ay nakadamit ng ibang iba."
"Hindi iyan maaari! Ang kasintahan ba ni Professor Gu ay mula sa Hai Rui? Ibig sabihin ba nito na marami siyang makikitang mga celebrity?"
Taas noong naglakad si Mo Ziyan papasok sa opisina ng chancellor. Syempre, ang chancellor ay nagulantang ng makita siya, lalo na ng madiskubre nito ang kanyang katauhan. Nang maisip niya ang tungkol sa paaran kung paano niya ginawang mahirap ang mga bagay para kay Gu Qingli noon, kaagad siyang pinagpawisan.
"Kailanman ay hindi ko inaasahan na si Miss Mo sa totoo lang ay ang anak na babae ng kilalang Mo Family! Patawarin mo ako kung naapi kita noon!"