Niyakap ni Mo Ting ng mahigpit si Tangning...
Hindi na niyang kailangan pang ipahayag ang kahit ano, o kaya kailanganing magpahayag ng anumang nakakaaliw na mga salita. Mas mahusay ang isang simpleng pagyakap kaysa sa kahit na anong mga salitang maaari niyang sabihin.
Pagkaraan ng ilang sandali, bigla siyang umupo habang yakap pa rin si Tangning. Nang akma siyang bababa ng kama, pakiramdam niya ay hinihila siya pabalik ni Tangning. Nagtataka tiningnan ni Mo Ting si Tangning.
Parang isang pasaway na munting batang babae si Tangning habang nakayakap ito sa dibdib ni Mo Ting.
Binuksan ni Mo Ting ang ilaw sa tabi ng kama at marahang hinimas ang likod niya. Ang sulok ng kanyang mga labi ay nagtataglay ng bahagyang ngiti, "Hindi ka pa ba maliligo?"
"Gusto ko lang na yakapin mo ako ng ganito," ibinaon ni Tangning ang kanyang ulo sa dibdib ni Mo Ting na may nakatutuwang ekspresyon, "Ayaw kong mahiwalay sa iyo."