Sa ilalim ng medyo madilim na ilaw, narinig ni Mo Ting ang isang pamilyar na boses. Tiniis niya ang pumipintig na sakit ng kanyang ulo habang pinalalamlam niya ang kanyang ekspresyon at lumingon para tingnan si Tangning, "Hindi ba dapat nakasakay ka na sa eroplano?"
Hindi marinig ni Mo Ting ang pagkakaiba ng kanyang sariling boses, pero kayang mapansin ni Tangning ang kahit na kaunting pagkakaiba nito; halata namang sinusubukan niyang tiisin ang sakit ng kanyang ulo.
Pakiramdam ni Tangning na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan at natatakot na baka magsimula siyang umiyak kapag may sinabi siya na kahit ano, kaya ibinaba niya ang gamot na nasa kanyang mga kamat at umupo sa gilid ng kama bago marahang to tinulungan si Mo Ting na umupo. Hinila niya ito papunta sa kanyang mga yakap at hinigpitan niya ang pagkakawak niya kay Mo Ting.
"Uminom ka muna ng gamot."