"Anong shooting ang sinasabi mo? Huwag mo nang isiping makakalabas ka ngayong araw sa bahay na ito!" Sinenyas ni Elder Tang sa kanyang assistant na isara ang pinto, "Tangning, ito na ang oras para ituon mo ang pansin mo sa mas seryosong mga bagay. Kinakailangan mo nang tapusin ang anumang katuwa - tuwang ugnayan mayroon ka sa labas."
Pinanood ni Tangning na isinasara ang pinto, pero hindi siya nabalisa. Tumalikod lamang siya para harapin si Elder Tang at sinabi, "Lolo, hindi mo naman ako maikukulong dito habang buhay."
Tumitig si Elder Tang kay Tangning. Sa totoo lang, alam naman niya na hindi na bata si Tangning katulad ng dati; ang kanyang lakas ng loob ay mas malakas kaysa dati. Pero, nagpumilit pa rin siya, "Ikukulong kita hangga't kaya ko."