下載應用程式
84% Till i Met The Mafia lord (Tagalog Novel) / Chapter 21: CHAPTER 21

章節 21: CHAPTER 21

AN: Pasensya na ulit natagalan ang update ni author, nahirapan ako dahil matatapos na ito. 😢 pero nandiyan kayo at alam ko na masaya kayo sa pagtatapos ng kuwento nila Ahraw at Jessy. 😊😚😚

--------------------------------------------------------------------------

JESSY P.O.V

Tulala ako habang naghihintay ng susunod na laban, dahil si Eveth na ang lalaban ngayon. Sinulyapan ko si Eveth sa may gilid kasama si Garry hindi na siya umiiyak pero mugto ang mata.

"Mga aming mahal na manonood, pagpasensyahan niyo na kung natagalan. Sisimulan na po natin ang laban muli, tinatawagan ko si Eveth Jean na magpunta na rito sa loob ng ring."

Napaangat ang mukha ko dahil sa sinabi ng announcer dahil magsisimula na muli ang laban, naghiyawan ang mga manonood dito pero agad itong napawi nang tumayo si Mr. Valdez.

"Mr. Valdez, mukhang mayroon kayong sasabihin?" tanong ng announcer dito.

Nagkatinginan naman kami ni Eveth na natigilan sa paghakbang, kasunod ang paglingon dito banda sa amin ni Mr. Valdez. Napalunok ako dahil sa kakaibang tingin ni Mr. Valdez sa akin dahil parang may kakaiba sa kanyang mga mata.

"Gusto ko si Jessy Young ang lumaban ngayon, at kung sino ang mabuhay siya pa rin ang magpapatuloy sa laban." seryosong salita nito na nakatitig sa akin.

Mahinang bulungan ang mga narinig ko at sinundan ng nakabibinging hiyawan ulit. Tulala ako at hindi ako makapaniwala sa gustong mangyari ni Mr. Valdez

"Sandali! Ako ang lalaban, yun ang rules." reklamo ni Eveth at nilapitan ako.

"Ako ang may hawak ng rules, kaya maaari ko itong baguhin sa ayaw at gusto niyo." sagot ni Mr. Valdez.

Hindi pa rin ako makapagsalita kahit nagsasalita si Eveth sa akin, parang hindi ko naririnig.

"Ok, ok. Mr. Valdez, masusunod ang iyong nais. Ang gusto ng ating pinuno si Jessy Young ang lalaban, hmmm... Mukhang may naamoy ako rito na kakaiba." natatawang wika ng announcer. "Tinatawagan na namin ang dalawang fighter, mula sa boss na si Mr. Lao. Devilyn! At dito naman tayo sa bata ni Ahraw na hanggang ngayon 'ay wala pa. Jessy Young!" umalingaw-ngaw ang boses ng announcer sa kabuan ng apat na sulok dito.

Matapos magsalita ang announcer hinawi ko ang kamay ni Eveth na nakapatong sa balikat ko, wala sa sarili na naglakad ako papunta sa ring.

"Jessy! Sandali," sigaw na tawag sa akin ni Eveth.

Hindi ko nagawang lumingon pa dahil puno ng galit ang dibdib ko at gusto ko lang ngayon 'ay maiganti ang mga kasama ko.

"Mag-iingat ka, k-kapag alam ko na... Sasamahan kita at wala na ako'ng pakialam sa rules nila." naiiyak na wika pa ni Eveth.

Alam ko ang ibig niyang sabihin at kahit ako 'yun ang gagawin ko. Nagpatuloy na ako maglakad na hindi sinagot ang sinabi ni Eveth. Pagtuntong ko sa ibabaw ng ring, muling nagpasukan sa alaala ko ang mga nangyari kila Andrea at Helga.

"Nananalangin ka na ba?"

Napaangat ang mukha ko sa nagsalita, sumalubong sa mata ko ang seryoso pero kakaiba niyang tingin sa akin. 'Yung kanina na babae na kakaiba sa kanila, hawak naman niya ang kanyang samurai na winawasiwas paitaas at pababa.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso at wala ako'ng balak na magsalita, hinihintay ko ang hudyat upang magsimula na ang laban. Hanggang sa pagtunog ng bell siyang mabilis na sugod sa akin nitong kalaban ko, hindi ako nakapaghanda dahil sa sobrang bilis niyang kumilos. Muntikan na niya ako'ng magilitan ng leeg, naramdaman ko ang paglaglagan ng ilang pirasong hibla ng buhok ko kasabay ng paglugay nito.

"Mukhang nagmamadali na si Devily na makakita ng dugo." natatawang muling salita ng announcer.

Iba ang nararamdaman ko ngayon dahil tahimik lang ang lahat, nasulyapan ko pa si Mr. BlackMoon na seryoso na nakatingin sa akin. Muling tumakbo ng mabilis ang kalaban ko na si Devilyn, at hindi talaga ako makapaniwala sa sobra niyang bilis.

Hinugot ko ang samurai ko sa tagiliran ko at hinarap ang atake ni Devilyn. Nasangga ko ang espada niya ngunit mabilis na umikot siya sa likod ko na kinagulat ko, malakas na sinipa niya ako sa likod kaya halos matumba ako.

Hindi naman ko naman pinansin ang sakit na 'yun dahil muli ako'ng kumilos at ngayon mas binilisan ko ang galaw ko. Nagpalitan kami ng atake sa isa't isa ngunit pareho lang namin na nasasangga ito, hanggang sa makita ako ng nang pagkakataon na matamaan sa ibabaw ng balikat si Devilyn.

Pero natigilan ako at nanlaki ang mata ko dahil walang sugat si Devilyn at ngayon ko lang napansin na baliktad ang talim ng samurai ko. Sandali? Paanong nangyari ito?  At dahil sa pansamantala na nawala ako sa focus hindi ko nakita ang ginawa ni Devilyn. Naramdaman ko na lang pagkirot ng braso ko dahil sa nahiwaan ito.

"Jessy!"

Napalingon ako at ganun na lang bigla ko nang makita ko si Ahraw na nakatayo dito sa harapan ng ring. Titig na titig siya sa akin.

"Oh, welcome back boss Ahraw. Mukhang mahaba ang pahinga na ginawa mo."

Bati ng announcer 'kay Ahraw sandali na napako ang atensyon ko sa kanya, lalo na makita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin. Tulad ng ibang boss naka-suot siya ng black suit.

"Welcome back, boss Ahraw." nakangiting bati ni Mr. Valdez dito, tumango lang si Ahraw at tumabi 'kay Mr. Valdez sa bakante na upuan.

Napansin ko naman ang pagbago ng itsura ni Mr. BlackMoon ang sama ng tingin niya 'kay Ahraw. Muli ko naman binalik ang pansin ko 'kay Devilyn at nagkaroon ako ng pangamba sa laban ko ngayon dahil sa sandata ko.

Paano ko ito gagamitin kung baliktad ang talim? Hindi ako marunong gamiti ang ganito.

"Bahala na." mahinang sambit ko at pinilasan ko ang suot ko upang ipangtali sa sugat ko sa braso, dahil kumikirot na ito.

"Kung lagi mo pupunahin ang mga bagay-bagay, mamatay ka."

Natigilan naman ako sa sinabi ni Devilyn na ngayon 'ay tumatakbo ng mabilis papunta sa akin, kumilos naman ako at tumakbo sa kabila gilid pero sinundan ako ni Devilyn at inatake niya ako ng sunod-sunod. Pero sangga lang ang nagawa ko dahil sa sobrang bilis niya, sa sunod na atake niya nilabas ko ang lakas ko at puwersahan na sinangga ko ang samurai niya na nagawa ko na naman. Mabilis na hinampas ko ang samurai ko ng pabaliktad at natamaan ko siya tiyan, nakita ng mata ko ang pagguhit ng hiwa at paglabas ng dugo.

Pero natigilan ako dahil unti-unting nagsara ang sugat nito at muling nagbalik sa dati na parang walang nangyari. Kaya naman hindi ko nakita ang sumunod niyang atake naramdaman ko na lang ang pagtusok ng dulo ng samurai ni Devilyn sa tagiliran ko.

Napa-luhod ako sa nangyari habang kapit ko ang tagiliran ko na unti-unti ng nagpapatakan ang dugo sa sahig.

"Magandang simula, ngayon mga boss ang pusta niyo ang hinihintay rito."

"Jessy!"

Napatingin ako 'kay Jessy na lumapit sa rehas, pansin ko ang naiiyak na mata niya. Ngunit umiling ako sa kanya upang ipaalam na huwag niyang gagawin ang na sa isip niya. Hindi ko na naintindihan ang mga pusta nila nakatuon ang pansin ko sa pangyayari kanina.

Tumayo ako at pinang-tungkod ko ang espada ko upang makatayo ako ng tuwid. Pinagpawisan na ako ng malapot dahil sa kakaibang na nararamdaman ko.

"Ito gamitin mo, at siguraduhin mo lang na sa puso mo siya tatamaan."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ahraw na may hawak na samura, inaabot niya ito sa akin ngayon. Pero nagtataka ako sa sinabi niya sa akin dahil parang may kakaiba dito sa sinabi niya.

"Mr. Valdez, hindi naman tamang magbigay ng sariling sanda si Ahraw sa kanyang fighter."

Narinig ko ang salita ng isang boss na nasa likod ni Mr. Valdez, ngumiti naman ito at napahawak sa baba habang nakatingin sa amin ni Ahraw.

"Hindi naman bawal ito, ang bawal 'ay yung mga mandaraya sa laro at alam ko na alam mo ang sinasabi ko, Mr. Hyung."

Sagot naman ni Mr. Valdez nagbago ang mukha ni 'nung Hyung na nabanggit ni Mr. Valdez napalitan ito ng pagkagulat, naguguluhan man ako sa nangyayari ngayon hindi ko na pinasin kinuha ko ang samurai sa kamay ni Ahraw.

"Mag-iingat ka at isipin mo ang lahat ng tinuro ko sa'yo." seryoso na salita pa muli nito at sinulyapan pa ang tama ko sa tagiliran ko.

Marahan na tumango ako sa kanya kahit may gusto ako tanungin kung saan siya nagpunta ng ilang araw na nagdaan. Ganun pa man hindi ko na dapat pa muna isipin 'yon dahil kailangan ko mag-focus sa laban.

++++++++++

Black_Moon301

-Hi guys! Sana mabasa niyo ang Mafia Boss, Bite Me More. Dahil nandun po ang ibang detalye sa 'kay Ahraw, tungkol sa pag-uusap nila bago ang laban nila Jessy. 😊😆😆 sana magustuhan niyo rin ang vampire story ko na halong mafia world.😚


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C21
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄