Nakakatakot mahulog sa isang tao. Para kang paasahin sa wala kaya doon ka nasasaktan. Pero minsan kailangan natin itaya ang pagmamahal. Malalaman mo kasi kung mamahalin ka rin na pabalik kung hindi mo susubukan. Minsan hindi nasusuklian yung pagmamahal mo pero wala, e. Hindi patas talaga ang mundo.
I've been searching for someone who will reciprocate my feelings for him pero talunan ako. Ako palagi nasasaktan. Iniiwan bandang huli. Ginawa ko naman ang lahat para mapanatili siya sa tabi ko pero hinayaan ko na lang umalis siya. Siguro hindi siya karapat-dapat sa akin. Kung mahal niya ako, mananatili siyang mahalin ako pero hindi, e. Hinayaan ko na lang magkaganon.
I just want to be loved. Lahat naman tayo nananalangin, e. Lahat tayo umaasa na may taong may magmamahal sa atin. Pero hanggang kailan ba darating siya?
May dumadating naman kaso wrong timing. Akala ko kami na pala pero kalaban mo ang pangarap niya.. Mahirap isugal ang pagmamahal ko sa pangarap na tinatahak niya. Sino ba naman ako para pigilan siya? Suporta at hahayaan ko siya sa gusto niya. 'Yon naman ang importante pero sa huli talunan na naman ako..
Maniniwala pa rin ba ako?
Hindi biro magmahal. Akala nila kapag tumaya ka, panalo ka na? Hindi gano'n. Tataya ka pero alam mo kung ano kahahantungan ng pagtaya mo. Paano kung talo? Hahayaan mo na lang lumisan siya pero masasaktan ka?
Maniniwala pa kaya ako?
Ang daming katanungan sa isipan ko. Pero walang sumasagot sa mga tanong ko dahil sarili ko lang makakasagot nito.
"Let! Ano na? Yung utang mo? Mababayaran na ba?" tanong sa akin ni Francis na kanina pa nakatambay sa tindahan namin. Hindi pa naalis kasi ako na naman ang pakay niya.
Pasan ko problema ng pamilya namin lalo na sa utang. May utang ako kina Francis. Para may panggamot kay inay na nasa hospital hanggang ngayon. Umabot na ng milyon dahil kasama na rin utang ng itay na lumayas na sa amin.
"Wala pa ako pambayad. Pass muna. Kapag nakahanap na ko ng trabaho," sagot ko habang tinutulungan ko si Irene magbenta ng ukay-ukay namin.
"Trabaho? Siguraduhin mo lang na makakahanap ka. Kapag hindi, itutubos ko yung bahay ng lola mo," sabi niya na pailing-iling sa akin.
"Eto naman si Francis. Pwede naman madaan sa usap yan. Promise! Makakahanap ako ng trabaho ngayon buwan. Itaga mo pa sa bato," sabi ko sa kanya with cross my heart.
"Itaga mo pa sa bato ka dyan. Kalahating milyon kailangan ko sa susunod na buwan. Ha?" Kalahating Milyon? Saan ako kukuha ng gano'ng kalaki? Alam ko na si Yna! Maraming raket yung babaeng yon.
"Irene! Dyan ka lang ha? Kakausapin ko lang si Yna." sabi ko at tumango siya, "Ikaw na bahala magtinda dyan. Babalik din ako."
"Sige na, baka di mo pa maabutan si ate Yna," sabi ng kapatid ko.
Dumeretso ako sa pwestuhan ni Yna baka sakali ako na may mahanap siyang desenteng trabaho.
Biglang bumungad si Yna pagkalabas niya sa pwesto ng tindahan niya.
"Yiee... nandyan na crush mo ate," sabi ng pinsan niya at hinahanap kung sino.
Sino tinutukoy ng pinsan niya?
"Wala naman ah! Pinagloloko mo ko ,e. Si Scarlet naman to," sabi niya at binatukan niya ang pinsan niya.
Natawa na lang ako sa kanila.
"Diba siya yu-" tinakpan ni Yna ang kanyang kamay ang bibig ng pinsan niya.
"Pagpasensyahan mo na tong pinsan ko. Makulit talaga," sabi niya sa akin at natatawa rin siya, "A-ano pala sadya mo dito at naparito ka?" tanong niya sa akin.
"Maghahanap sana ako ng trabaho. May alam ka bang pwede pag-applyan?" tanong ko at kita kong natutulala siya sa akin at bigla siyang nagising diwa niya.
"Bye Pare!" rinig naming malakas na sigaw ng lalaki at napadaan sa harapan namin naka topless ito na may bimpo sa balikat nito.
Hinarang ni Yna, "Tito! May alam ka bang trabaho na pwede pag-applyan?" tanong niya.
"Meron! Personal Driver nga lang. Sino ba mag-aapply?"
"Ako po." tumingin siya muna sa mula paa hanggang mukha ko, "Ikaw? Sigurado ka?" tanong niya ulit.
"Lalaki hanap no'n, iha. Try mo na lang magkatulong sa kanila kaso may nag-apply na eh," sabi niya at umiling ako.
"Kahit ano pwede sa akin. Marunong din ako magdrive," sabi ko at napakamot na lang sa ulo si kuya nang dahil sa akin.
"Tulungan mo na tito. Kailangan na kailangan niya makahanap," pagpupumilit ni Yna sa tito niya.
"Sige na nga. Tutal marunong ka naman, tutulungan kita. Basta mamaya ihanda mo sarili mo. Pupunta tayo sa amo mo." sabi niya, "Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.
"Scarlet po," sabi ko.
"Magbibihis lang ako at kukunin ko lang sasakyan ko para maihatid kita doon," sabi niya at tumango ako. Umalis na siya saglit.
Nakatuon ang pansin ko kay Yna na hindi mapakali sa kinatatayuan niya at nakasalubong ang pagtingin namin dalawa. Umiwas siya ng tingin at naubo ito. Kanina pa kami tahimik dito at ako na lang magsisimula ng usapan.
"Kamusta si Aling Tena?" tanong ko sa kanya.
"Ayon nagpapahinga kaya ako muna nagtitinda dito. Ikaw ba?"
"Eto naghahanap ng trabaho. Eh wala na ako pambayad sa utang namin kay Francis. Kahit personal driver na lang pagtatyagaan ko," Sabi ko sa kanya at ngumiti ako kahit marami akong problema ngayon.
"Diba may gusto si Francis sayo?" tanong niya.
May gusto na sa akin si Francis matagal pa kaya lang may panira lang. Yung utang namin sa kanya hindi pa nababayaran kaya minsan badtrip siya kapag nagkikita kami. Umamin sa akin si Francis dati pa. May binigay siyang bulaklak sa akin at tinanggap ko naman kaso ano magagawa ko kung hindi ko siya gusto? Kakaghost lang sa akin ni Ced kaya eto ako ngayon malungkot at mahal ko pa rin siya. Pero! Nagm-move on na ako ha? Baka akalain niyo may gusto pa ako sa mokong Ced na yon.
"May gusto. Kaso kagagaling ko lang sa break-up," Break-up na rin siguro yung nangyari sa amin ni Ced. Siya ba naman hindi na nagparamdam sa akin.
"Alam mo sagutin mo na si Francis para naman mahaba pa panahon mo para makapag-bayad sa utang niyo sa kanya," Umiling ako sa kanya.
Hindi ko kayang manggamit ng tao. Isa sa mga pinaka-ayaw ko yan. Masisira lang pagkakaibigan namin ni Francis kung gano'n mangyayari.
"Ituon ko na lang yung atensyon ko sa problema namin. Ang dami kong problema na hindi malutas-lutas," Sabi ko sa kanya at natawa na lang kami.
"Kamusta na mama mo?" Nawala bahid ng pagtawa ko nung binanggit niya ang mama ko.
"Hindi pa siya gising. Mag-iisang taon na nga nasa coma pa rin," Seryosong sagot ko.
"Kung hindi lang talaga binangga si Tita. Masaya kayo siguro ngayon," Totoo! Masaya kaming pamilya dahil kompleto kami kaso wala e. Nabangga si mama. Nakakainis wala pa ring update ang mga pulis kung ano ang nangyari. Hinahanap pa rin ang suspect.
"Wala pa rin sinasabi mga pulis sa akin kung sino suspect. Hindi pa nahuhuli." Naiinis kong sabi ko kay Yna at hinawakan niya ang balikat ko.
"Okay lang yan. Mahahanap din kung sino man ang bumangga sa tita mo. For sure, kumikilos naman sila." Sabi niya at narinig namin na may nagbubusina sa harapan namin.
"Tara na, Scarlet!" Yung tito ni Yna pala nandito na. Sumakay ako sa shotgun.
"Bye, Yna," Pamamaalam ko sa kanya at kita kong kumaway siya habang paalis na kami.
Tahimik lang kami bumabyahe papunta sa kinaroroonan namin. Kinakabahan ako kung sino magiging amo ko. Sana hindi masungit at pwede ako pauwiin ng maaga para mabisita ko ang aking inay sa hospital.
"Scarlet, pagpasensyahan mo na kung personal driver lang kaya kong itulong sayo. Pero mataas naman sahod don kaso lang may balita ako sa amo mo. Sobrang busy gumala. Hindi mapakali sa isang lugar. Kaya medyo mabigat na trabaho yon para sayo." Sabi sa akin habang nagmamaneho siya.
Mukhang mapapalaban tayo dito sa trabahong pinasukan ko.
"Okay lang po. Kakayanin ko naman po. Salamat nga po pala sa pag-alok ng trabaho sa akin. Malaking tulong po ito," Sabi ko sabay ngiti ko sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho.
"Basta humingi ka ng tulong kapag hindi mo na kaya. Nandito lang ako para magsubstitute sayo."
"Matanong ko lang po, bakit niyo alam yung magiging amo ko?" sabi ko sa kanya at klinaro niya ang pag-ubo niya.
"Eto kasi iha. Isang week naging personal driver niya ako kaso grabe yung amo mo. Mahilig uminom tuwing gabi. Naghihintay ako umuwi kami. Umaabot ng madaling-araw ang pag-uwi namin. Alam mo naman ang asawa ko naghihintay sa akin tuwing gabi. Lagi namin pinag-aawayan parati kaya umalis na ako." Sabi niya sa akin.
Grabe naman 'tong amo ko. Hindi ba niya alam may inuuwian din ng pamilya ang driver niya. Grabeng perwisyo ginagawa niya. Hindi iniisip kapakanan ng iba puro pansarili lang. Napailing na lang ako. Kung ako personal driver niya, mapapaaway na ako siguro nito.
"Hay nako! Kung ako yan, aawayin ko yang amo ko."
"Basta alagaan mo rin sarili mo. Huwag masyado masipag kawawa ang katawan mo," Payo niya sa akin at ngumiti ako. Grabeng concern namin ni Tito sa akin. Mga tao ba naman sa San Isidro Street napaka malasakit sa kapwa.
"Nandito na tayo," Sabi niya at sumilip ako sa labas. Ang ganda ng bahay. Mala-mansion ito. May isang gate na bumukas at pinapasok kami ng guard.
Pinahinto rin kami at mukhang kakausapin kami ng guard. Binaba ang bintana ng sasakyan, "Ano pakay niyo sir?" tanong niya sa amin.
"Mag-aapply lang personal driver itong kasama ko," Ngumiti ako kay kuya at napakamot siya ng ulo.
"Siya ho? Babae yan, sir. Baka katulong hinahanap nyan." Hindi naniniwala tong guard sa akin. Pero tanggap ko na kung hindi talaga nila tanggap na personal driver ang hanap ko.
"Personal driver po hanap ko, sir," Sabi ko at kita kong naguguluhan siya sa akin.
"Sige. Pagdating niyo sa dulo. May sasalubong sa inyo na butler niya," Sabi niya sa amin at nagsimula magmaneho papunta sa dereksyon na sinasabi ng guard.
Nandito na kami kung saan nakita ko ang butler niya na naghihintay sa labas. Kaya bumaba ako at napansin kong sinara ang makina ng sasakyan. Lumabas din ang tito ni Yna.
"Oh! Si Sir Ignacio pala! Naparito ka?" tanong ng butler sa kanya at masinsin ang pagtingin niya sa akin.
"Eto si Scarlet gusto magpersonal driver kay Ma'am," Kumaway ako sa butler at ngumiti siya sa akin.
"Akala ko personal maid." Sabi niya.
"Akala ko nga rin po," Malakas pagtawa ko at nagulat ang butler sa akin. Napatigil ako sa pagtawa ko.
"Pwede mo na iwan siya, Sir Ignacio," Sabi ng butler sa kanya at tumango ito.
Napansin kong dumeretso na sa sasakyan si Sir Ignacio at kumaway-kaway ako sa pag-alis niya.
Naubo ang butler kaya napatingin ako, "Sigurado ka bang personal driver ang gusto mo?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Mahigpit si Ma'am sa schedule niya. Ayaw niya ma-late sa trabaho niya at pinaka-ayaw niya ay pinaghihintay siya ng matagal. Nando'n ka palagi sa tabi niya saan man siya pumunta." Tumango naman ako sa mga bilin niya sa akin habang naglalakad kami sa loob ng mansion.
Napakayaman naman nito. May chandelier sa mismong hagdanan at ang laki ng living room nila. Kasya benteng tao sa mga upuan. Puro puti ang mga kagamitan dito. Napakaaliwas tingnan.
May binigay sa akin ang butler na susi, "Eto nga pala ang susi. Kailangan mo nang sunduin siya." Sabi niya sa akin at tinanggap ko ito.
"Nasa parking lot ang sasakyan. Pwede ka nang pumunta doon." Utos niya sa akin, "Deretso ka lang at may elevator kang makikita. Pindutin mo lang ang Ground Floor. Nandon ka na." turo niya.
Sinundan ko ang dereksyon na sinasabi niya at may nakita na akong elevator kaya pinindot ko muna ang down para bumukas ito. Bumukas ang pinto at pumasok na ako. Pinindot ko naman ang Ground Floor na bilin sa akin ng butler. Pagkarating ko, bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ako.
Pinindot ko ang susi ng sasakyan kaya tumunog ito. A-ang ganda ng sasakyan niya. Hindi ko man alam ang klaseng sasakyan ito pero parang sports car ito. Sumakay na ako at nagsimula na ako magmaneho. Kung susuriin ko pa ang kotse, matatagalan pa ko sa pag-alis ng bahay.
Umalis na ako sa mansion. May pinindot ako sa mismong monitor ng sasakyan niya na 'office' nakalagay. May lumitaw na sa screen na parang waze ito. Sinundan ko lang ang dereksyon at pagkarating ko sa destinasyon huminto ako.
Tumingin ako sa paligid at may nakita akong malaking building na puro salamin sa entrance.
May tumawag sa akin sa cellphone ko at sinagot ko ito, "Hello?" sabi ko sa kabilang linya.
"Hello! Are you there? Kanina pa ko naghihintay dito." Sabi niya na mukhang inis na inis na ito sa akin.
Eh sa hindi ko pa gamay yung dereksyon papunta sa office niya nagkanda ligaw-ligaw din ako.
"Nandito na po ko Ma'am." sabi ko at may nakita akong babaeng naka-corporate attire na may kausap sa phone, "Iparada ko po sa harap niyo, Ma'am." sabi ko sa kanya at binabaan ako ng linya.
Pinarada ko sa harap niya at binubuksan niya ang sasakyan. Hindi niya mabuksan. Patay! Nasaan na ba kasi ang unlock dito?! Pinindot ko ang lahat kaya bigla gumalaw ang swiper ng sasakyan. Nabuksan niya na rin ang pinto ng sasakyan at sumakay siya sa driver seat.
"Hello po, Ma'am." Sabi ko habang sinusuri ko pa tong sasakyan para patigilin ang wiper na kanina pa gumagalaw.
"Can we go to a Queenie's Bar?" tanong niya sa akin.
Bar na naman pupuntahin namin. Paghihintayin na naman ako ng matagal nito. Bahala siya sa buhay niya at walang maghihintay sa kanya. Kailangan ko pang dalawin si inay.
"Yes Ma'am. Wait lang po may hinahanap po ako para tumigil ang wiper." sabi ko at nakita ko sa rear-view mirror na mukhang inis na inis na siya dahil hindi pa kami nakakaalis.
"Did you see the long handed behind steering wheel? Just pull it down." Sabi niya at sinunod ko ang kanyang sinabi.
Biglang tumigil ang windshield wiper at nawala na ang aking problema ngayon. Nagsimula na akong magmaneho.
Kanina ko pa siya minamasdan sa rear-view mirror pero nakatuon ang atensyon niya sa cellphone niya.
"Scarlet pala ang pangalan ko. Ano pangalan niyo, Ma'am?" tanong ko sa kanya at napatigil siya sa ginagawa niya.
"Call me, Jacey." Sabi niya sa akin, "Matagal pa ba?" tanong niya na mukhang nagmamadali siya dahil kanina ko pa siya tinitingnan na pasilip siya tumitingin ng relo.
"Malapit na po, Ma'am. Magtatagal po ba kayo do'n?" sabi ko sa kanya.
"Just wait me outside," Sabi niya sa'kin sabay parada ko sa labas ng bar. Umalis na agad siya na nagmamadali.
Sa kakahintay ko sa labas sa kanya. Kanina pa ako nakatambay dito na nakasandal sa sasakyan niya. Maliwanag naman dito. Puro tao sa labas. May mga lalaki dumadaan at umiiwas ako para hindi nila ako mapansin. May nakita naman ako sa kanto may naghahalikan doon.
Get a room! Iniinggit niyo naman ako. Alam ko naman single ako pero huwag naman ipamukha sa akin na mag-isa ako.
Tumingin naman ako sa kabila. May isang sasakyan na paparating. Bumukas ang pinto at may isang babaeng lumabas sa sasakyan.
She was so pretty na hindi na maalis ang aking paningin sa kanya. Alam kong babae ako pero ang ganda niya. Nakamanamit itong black fitted dress at may hawak itong pouch na silver. Agaw eksena ito at papunta siya sa pwesto ko dahil kaharap ko lang pinto ng bar na kaharap ko rin pinarada ang sasakyan ko.
"Ang ganda niya, pre." Sabi ng lalaki na naka-beared ito with wearing a long sleeves leather jack at ang inner naman ay black. Nakita kong nilapitan niya ang babae pero dinedma lang siya nito.
Sinundan ko lang sa likod ang babae at busy siya sa paglalakad. Maraming nakatingin sa kanya sa pagpasok ng bar dahil sa sobrang kagandahan niya. May nag-aalok naman sa kanya pero hindi niya tinatanggap.
Gusto ko malaman ang pangalan niya. Gusto ko siyang makilala.
"Megan!" may tumawag sa kanya at nilapitan ito.
Hindi ako makapaniwalang na si Ma'm Jacey ang lumapit sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.
Like it? Add to Library!
Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:
> wattpad: @leavamarie
> twitter: @leavamarie
This story is also available on Wattpad!