下載應用程式
71.42% There is US not You and I / Chapter 110: Ang Mga Paa Ni Mel

章節 110: Ang Mga Paa Ni Mel

"MyLabs!"

Naalimpungatan si Mel pero sure sya si Kate ang nakita nya pagmulat ng mata nya.

'Nasa likod sya ng babaeng ito, sigurado ako! At galit na galit sya!'

Kaya napabulalas bigla si Mel ng makita nya si Kate kanina.

Hindi nya tuloy napansin na papalapit si Lara sa kanya kaya bigla nyang itinaas ang mga paa bilang sanggalang ng maramdaman itong malapit na. Pero nagulat si Mel ng biglang sinipa ng paa nya si Lara.

Napatingin sya sa mga paa nya, hindi makapaniwala.

'Jusmiyo anong nangyari? May sariling buhay ang mga paa ko?'

Napansin nya si Lara na tumilapon sa pader sa lakas ng pagkakasipa nya.

"Okey ka lang ba?"

Nagaalalang tanong ni Mel.

'Jusmiyo paano ko ba ipapaliwanag na kusang sumipa ang mga paa ko?'

Pero tyak ni Mel na si Kate ang may gawa nuon.

"Okey lang Sir!"

"Ano kasing ginagawa mo dito sa opisina ko, bakit ka pumasok ng walang permiso?"

Tanong ni Mel na hindi nya alam kung tutulungan ba si Lara dahil mukhang nasaktan ito talaga pero deep inside hindi nya magawa dahil pakiramdam nya may isang tigreng nagseselos sa tabi nya.

Si Kate.

Ramdam nya ang presensya ni Kate ngayon kumpara kaninang dumating sya.

Iginala ni Mel ang tingin sa paligid at nangiti ito ng maamoy ang halimuyak ni Kate.

"Sir, gusto ko lang naman po kayong kausapin. Nagmamakaawa po ako sa inyo, huwag nyo po akong tanggalin sa trabaho, ito na lang po ang inaasahan ko!"

"Ganun naman pala bakit hindi mo gusto ang trabaho mo? Kung talagang ito na lang ang inaasahan mo di ba dapat mahalin mo ang trabaho mo?"

"Sir, alam ko naman pong nagkamali ako, hindi ko kayo agad nakilala! Kung sinabi nyo agad hindi ko naman kayo gaganunin!"

"Miss, hindi naman mahalaga kung kilala mo ako o hindi. ang mahalaga ay masaya ka ba sa ginagawa mo? Sa nakikita ko kasi HINDI at naapektuhan nuon ang trabaho mo at ang mga tao sa paligid mo.

Kaya pasensya ka na Miss, hindi ka na pwedeng magtagal dito. Hindi makakabuti sa iyo at sa negosyo ko kung mananatili ka pa dito, mukhang marami ang may ayaw sa'yo, hindi lang mga customer pati mga ibang waiter."

Yun lang at bumalik na si Mel sa ginagawa nito, ang pagtulog. Muli nyang ipinikit ang mga mata para maramdaman si Kate.

Nagpupuyos naman sa galit si Lara. Naiinis sya at hindi sya pinagbigyan ni Mel.

"Akala mo ba basta na lang ako aalis porket sinabi mo?"

Pero hindi sya pinansin ni Mel, nanatili itong pikit at pinakikiramdaman si Kate.

Gusto nya ulit ma feel ang halimuyak ni Kate.

Hindi nya tuloy nakita ang sunod na ginawa ni Lara.

Pinunit nito ang damit nya at ginulo ang buhok saka binuksan ang pinto at nagsisigaw.

"Tulong! Tulong! Tulungan nyo ko! Huhuhu!"

Sinaktan nito ang sarili at pinagsasampal para magkaron ng mga pasa.

Naalarma ang mga nasa ibaba na nakarinig ng hiyaw nya at ang tunog ng may sinasaktan.

"Anong nangyayari dun sa taas?"

"Si Lara ba yung sumisigaw?"

"Anong ginagawa ni Lara sa taas?!"

Dali dali silang umakyat at duon nalantad sa kanila si Lara na nakaupo sa sahig at tila hirap na hirap at umiiyak. Habang si Mel ay nasa upuan nya at nakapikit ang mga mata, may ngiti ito sa labi.

Si Raymond ang agad na nagsalita.

"Lara, anong nangyayari dito? Bakit ka andito sa opisina ni Sir Mel? Diba sinabi ko sa'yo na umuwi ka na muna?"

"Sir Raymond, gusto ko lang naman pong makiusap kay Sir, pero hindi ko po akalain ....na ....na ... huhuhu!"

Sobrang nakakaawa si Lara sa itsura nya pero sa pagkakataong ito nagdadalawang isip si Raymond.

"Ano bang ibig mong sabihin Lara? Ano ba talagang nangyari? Magsalita ka nga ng maayos at huwag mo kaming pagisipin!"

"Sir Raymond, huhuhu! Si Sir po kasi... minolestya nya po ako! Sya po ang may gawa sa akin nito! Huhuhu!"

Napakunot ang noo ni Raymond.

'Hmmn, kilala ko si Sir Mel, berde rin ang dugo nito parang ako! At si Mam Kate lang ang tanging babaeng nagpatibok ng puso nito dahil daig pa nun ang lalaki!'

'Kaya paano ako maniniwala na magagawa ni Sir Mel ang sinasabi nitong si Lara eh sa itsura na lang nya wala na sya sa kalingkingan ni Mam Kate?!'

Napansin ni Lara na nagdududa si Raymond.

Ito lang ang taong madali nya nauuto at konting drama lang nya naniniwala na agad. Samantalang ang mga nasa paligid na staff at iba pang customer na umakyat din ay halatang nakikiusyoso lang.

'Kailangan kong makumbinsi si Sir Raymond dahil kung hindi ... '

Alam nyang pag nakumbinsi nya ito, malaki ang tyansa na maniwala din ang mga nasa likod at mas lalong madidiin si Mel.

'Pagnagkataon hihingi ako ng malaking halaga! Hehe!'

"Sir Raymond, tulungan mo ako! Huhuhu!"

Bigay na bigay ito sa pagiyak na talaga namang naawa si Raymond sa kalunos lunos na itsura ni Lara.

Napatingin ito kay Mel na nakaidlip na ata. Kaya tila walang pakialam at hindi man lang naririnig ang hagulgol ni Lara.

*****

Samantala.

Sa kubol kung saan naroon ang nakahigang babae.

Bigla na lang itong nagmulat ng mata.

Humihingal sya, pakiramdam nya pagod na pagod sya.

Nang mahimasmasan, iginala nya ang paningin.

"Nasan ako? Anong lugar 'to?"

Pinilit nyang tumayo subalit nahirapan sya. Pakiramdam nya nanlalambot sya.

Isa isa nyang ikinilos ang mga daliri tapos ay ang mga kamay at sumunod ang mga braso nya.

At pagkatapos ay sa mga paa naman nya ginawa.

Habang ginagawa nya ito, napansin nya ang lalaking natutulog sa tabi ng pinagpatong patong na kahoy na nagsilbing kama ng babae.

'Sino sya?"

Kinabahan sya, gusto nyang tumayo pero hindi nya kaya, nanghihina sya.

'Kailangan kong makaalis agad dito!'

Ngunit may isa syang problema, ang laki ng tyan nya at hindi na kasya ang damit na suot nya.

***

Nagising si Ethan sa kalam ng sikmura.

Agad itong tumayo para tingnan ang babaeng tinatawag nyang Elise ngunit wala ito dun.

"Nagising na sya pero nasan na sya?"

Nataranta si Ethan, hinalugad ang paligid ngunit hindi ito makita.

"Saan nagpunta yun? At bakit hindi man lang nya ako ginising?"

Naalala nya ang balsa na ginagawa nya.

"Nakupo, baka nakita nya iyon?"

Natarantang nagtungo ito kung saan naroon ang ginagawa nyang balsa.

Ngunit wala duon ang babae.

Lalong nataranta si Ethan.

"Kagigising lang nya, saan naman pupunta yun?"

Hinanap nya ng hinanap ang babae hangggang matagpuan nya ito.

"Elise!"

Agad itong tumakbo palapit sa babae para akapin ito. Sobra talaga syang nagalala na hindi na nya makikita muli ito, ngunit...

Bago sya makalapit, sinipa na sya agad ng babae na ikinagulat ni Ethan.

"Huwag kang lalapit! Sino ka at bakit mo ako tinatawag na Elise?"


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C110
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄