下載應用程式
38.46% THE RUN AWAY WIFE / Chapter 5: Chapter five

章節 5: Chapter five

Masayang masaya si Keiffer ng araw na iyon, ramdam na kasi niya ang tagumpay. Hindi rin nasayang ang apat na taon niyang pagsisikap.

Kahit malayo pa ang kanyang lalakbayin sa hinaharap. Dahil nakatakdang pa lang siyang magtapos ng high school. Malaking bagay na rin ito. Para masabi niya sa sarili na..

Ang galing ko talaga!

Kanina lang kausap niya ang kanilang principal. Sabi nito siya daw ang nangunguna sa klase at nakaline- up na maging Valedictorian ngayong graduation. Ang saya! Ano kaya ang sasabihin ng daddy niya? Tanong pa niya sa isip. Excited man siyang makauwi pero alam niyang wala pa naman ito sa bahay.

Kaya naisipan muna niyang makipagkita sa mga kaibigan sa isang cafe'. Marahil nandu'n na ang mga ito ngayon. Napag-usapan na kasi nila na doon na lang magkita pagkagaling niya sa Principal's office. Dahil maaga pa naman kaya naisipan niyang doon na lang muna tumambay.

Paglabas niya ng school. Agad niyang hinanap ang kanilang driver na si manong Berto. Hindi pa kasi siya pinapayagan ng daddy niya na mag-drive ng mag-isa. Kahit na medyo marunong na rin naman siyang mag-drive. Pero ok lang naman, sabi nga ni Nana Cel bata pa naman siya kaya hindi pa siya dapat mag-drive.

Pagkakita niya kay manong Berto. Agad siyang nagpahatid sa may Alabang Town Center. Kung saan nandoon ang Bergouli's Cafe'. Ang pinakamasarap gumawa ng paborito niyang croissant dito sa Alabang. Dito sila madalas tumambay ng mga kaibigan. Kapag wala na silang klase o kapag vacant period. Bukod kasi sa ang bestfriend niyang si Keith ang anak ng may-ari nito, ninong din niya ang daddy nito.

Malapit lang naman ang school dito. Kaya ilang minuto lang nakarating din sila agad. Pagbaba niya ng sasakyan agad rin siyang nagpaalam kay manong Berto. Pagkatapos niyang abutan ng pang meryenda. Alam na rin nito na medyo matatagalan siya. Kaya dapat matiyaga itong maghintay.

Pagtalikod niya sa driver ay mabilis na siyang naglakad. Papasok na sana siya sa loob ng hindi niya napansin, ang paglabas naman ng isang babaeng tila umiiyak at nagmamadaling lumabas. Dahil na rin sa pagmamadali niyang makapasok huli na, para maiwasan ito.

In split second tuluyan silang nagkabangga. Mabuti na lang agad niya itong nasalo. In his peripheral vision nakita rin niya ang muntikang pagkahulog ng cellphone nito. Kaya bago pa man ito mahulog sa lapag at magkadurog-durog! Agad na niya itong inagapang saluhin!

Ang galing ko talaga! Pasikat lang naman pogi eh? Biro pa niya sa sarili.

"Oppps! Sorry Miss.. Hindi kita agad napansin. Pasensya na!"

Nakangiti at may paggalang niyang saad sa babaeng kanyang nakabangga. Napansin niya na medyo mas matanda naman ito ng konti sa kanya at bukod doon napansin din niyang mugto at basang basa ng luha ang mga mata at mukha nito. Marahil 'yon din ang dahilan kung bakit hindi rin siya nito nakitang parating.

Ngunit imbis na pakinggan siya nito pabalang siya nitong pinagsabihan..

"Pwede ba umalis ka sa daraanan ko. Huwag kang humarang!" Kasabay nu'n ang biglang pagtabig nito sa kan'ya sabay hablot nito sa cellphone. Bigla na lang itong umalis ng walang lingon-lingon.

Muntik pa siyang mabuwal kung nawalan s'ya ng balanse, gulat s'yang napatulala, dahil sa ginawa nito!

Lumipas ang ilang segundo bago siya nakabawi. Pasigaw siyang nagsalita para marinig nito ang nais niyang sabihin.

"Whoa! Thank you Miss ah? Sa uulitin! Pasalamat ka matanda ka na! Kaya mahirap kang patulan.."

Gusto niya sanang maawa sa itsura nito kanina pero nagbago ang isip niya.

Grabeng babae 'yon Ah! Bulong pa niya sa sarili. Matapos kalmahin ang sarili. Pumihit siya upang pumasok na sa loob ng Cafe'house..

Kahit puno ng prustrasyon ng muli siyang pumasok. Isang bagay ang agad niyang napansin sa lapag..

"Huh! 'Yong panyo niya naiwan." Pinulot niya ang panyo at saglit siyang natigilan ng mapansing may nakasulat sa panyong hawak. Marahil pag-aari ito ng babaeng nakabangga,'yun agad ang naiisip niya.

Nacurious tuloy s'yang basahin ang nakasulat dito.

GIVENEA "GIVEN" ALCANTARA

So maybe it's your name huh?

Your Given and I'm kieffer.

Ipamunas ko kaya ito ng sapatos makaganti man lang hmmmm, pero ang bango ah? H'wag na lang sayang. But one thing, I'm sure..

Now you're mine?!

Sayang nakaalis na siya, sorry ka na lang sa akin na ito! Bulong niya sa sarili..

"Buti maganda ang mood niya ngayon! Muling inilapit ang panyo sa ilong, hmmm ang bango talaga at agad na itong pinamulsa."

Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob at agad ding nakita ang mga barkadang nagkakatuwaan na sa isang mesa.

Pero mukhang hindi pa sila umoorder ng food ah? Patay na naman ako nito. Paano namang hindi ako mangangayayat nito. Bulong ng isip niya, nang makita niya si Keith na nakaupo na rin sa kanilang mesa. Ah! Wala naman palang problema.

Hanggang sa napansin na rin siya ng mga kaibigan.

"Hey Bro! Anong nangyari, anong sabi ni Principal? Kailangan mo na daw bang mag-blowout?" Miggy said. Isa din ito sa top nasa fourth rank ito.

Nangongopya lang kaya ito sa akin!Hahaha! Just kidding.

Medyo may kalokohan kasi at kung minsan tamad mag-aral. Buti na lang ipinganak na likas na matalino kaya hindi naiiwan.

"Gago! Nakaline-up pa lang ako. Kaya h'wag mo munang balasahin. Ok?" He said with smile and feeling proud.

"Anong balasa sinasabi mo! Nasa huling quarter na tayo, may makakaagaw pa ba ng trono mo? Hayaan mo ipapaubaya ko na 'yun sayo. Basta ba laging libre ang food." Miggy said then he grinned.

"Tama si miggy boy, bro! Na sa'yo na ang corona wala ng laglag 'yan, unless biglang maghabol 'yon isa d'yan." Si Carlos ang pinsan n'ya na laging nakasunod sa kanya. Ito lang naman ang nag-iisa niyang kakampi pagdating sa usaping pamilya. Tagapagtanggol niya ito, at pinagkakatiwalaan ng Dad niya. Sayang lang at hindi siya mahabol nito pagdating sa klase. Mas nauunahan pa ito ni Keith.

"Okay na sa'kin 'yun at least basta si bespren! Okay lang na pangalawa ako!" Siya si Keith, pinalaki yata ito sa kusina. Kaya hindi kataka-taka na magiging magaling na chef ito sa susunod na henerasyon. Mahilig itong mag-imbento ng mga pagkain. At ano pa nga ba, kami lang naman ang tagatikim. Ang talino niya, pero sa pagkain lang nakafocus ang atensyon niya. Kaya naman hindi kataka-taka na siya rin 'yun malusog. Siya pa naman ang sumusunod sa akin sa top. Pero wala siyang interest na unahan pa ako sa klase.

Sa kanilang apat silang dalawa ni Keith ang mas madalas na nagkakaintindihan kahit sa tingin lang, siguro dahil madalas na mas marami silang pinagkakasunduan kapag magkasama sila. Madalas din tinatawag si Keiffer na Uno at si Keith naman ay si Zero.

"Sure ka bro? Wala ng bigayan, kahit tambakan mo pa ako ng maalat mong croissant." Biro ni Keiffer dito.

"Maalat ka d'yan! Mas masarap pa kaya akong magbake kaysa kay Popsy!" Si Keith sa nag-aalalang tono.

Bahagya napangiti si Keiffer sa reaksyon ni Keith, sobrang dedikasyon nito pagdating sa pagkaing ginagawa. Kaya naman mahalaga sa kanya kahit ang pinaka maliit na puna dito.

"Buti pa magpakain kana bro, kanina pa kami dito. Nagsusuntukan na 'yun mga bulate sa tiyan ko. Hindi kaya ako gaanong nakakain ng lunch" si Miggy na kunwa'y pinalungkot pa ang mukha.

"Sayo pala nagsusuntukan pa lang, 'yun sa akin kanina pa nakatirik 'yung mata sa kahihintay kung may lalapangin ba!" Si Carlos na kunwari seryoso.

Saglit na katahimikan. Sandaling napaisip si Miggy sabay sabing..

"Teka bro, May mata na ba ang mga bulate mo?" Painosenteng tanong nito.

"Meron ah, 'Yan ang hirap sayo bro, kaya ka napag-iiwanan sa klase eh' ang slow mo marami kang hindi alam. Itinuro kaya sa atin 'yon! Hindi mo ba alam?" Si Carlos na pilit pinipigilan ang pagtawa.

"T***ina mo! Bro. Niloloko mo na naman ako." Sagot ni Miggy ng makahalata.

Natawa rin si Keith at Keiffer dahil sa pag-uusap ng dalawa.

"Mukhang gutom na nga kayo. Buti pa kumain na nga lang tayo. Baka kumalat pa ang ipis dito. Kaswerte at dalawa lang kayo." Sagot ni Keith.

Lumipas pa ang ilang segundong napatulala ang dalawang ipis. Este mga kaibigan niya bago pa nakaunawa, sabay pa sila ni Keith na nagkatawanan. Dahil sa reaksyon ng dalawa. Grabe!!😁

_____//

Pag-uwi ni Keiffer ng bahay na dito rin sa Alabang. Habang pumapasok sila ng main gate, hindi niya naiwasan alalahanin ang mga kwento ni nana Celina sa kanya. Habang pinagmamasdan niya ang buong kabahayan..

Isa itong two story house na sadyang denisenyong pataas ang pathway mula sa main gate hanggang sa entrance ng bahay. Kaya kahit dalawang palapag lang ito. Halos kapantay na ng tatlong palapag. May anim na kwarto sa itaas at apat sa ibaba. Bukod sa dalawang Guest room, Music room at Library. Bukod din ang servants quarter at ang guardhouse. May terrace din ito sa itaas na nakaharap sa swimming pool na hugis almond. Paborito kasi ni Elizabeth ang kanyang mama ang almond.

Sabi ni Nana Cel ang kanyang Mama daw ang nagdesenyo ng lahat-lahat sa bahay na ito. Lalo na ang maluwang na garden na puno ng ibat-ibang halaman na namumulak.

Kadalasan daw kasi ito ang tambayan ng Mama niya tuwing umaga. Mayroon din itong wall fountain na pinasadya pa katabi ng mini fishpond na may mga batong iba't iba ang kulay. Sinadya rin itong lagyan ng ilaw na kahit gabi na maganda pa rin itong pagmasdan.

Sabi pa ni Nana Cel dito daw madalas maglambingan si Mama at si Papa. Ito kasi 'yun paborito nilang lugar dito sa bahay. Masayang-masaya daw sila noon kahit silang dalawa lang.

Pero noon 'yon! Noong hindi pa ako dumarating sa buhay ng Papa. 15 yrs ago.

Noong hindi pa ako ipinapanganak.

Hindi ko na kasi nakilala si Mama.

Sabi pa ni Nana Cel namatay siya pagkatapos niya akong ipanganak. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa puso noong ipinagbubuntis pa lang niya ako.

Pero mas pinili pa rin niya na palakihin ako. Kahit tumanggi pa si Papa noon. Pinilit pa rin niya akong buhayin kahit na nahirapan siya sa pagbubuntis sa akin. Kahit pa naging kapalit ng buhay niya. Ang pagsilang ko sa mundong ito.

Kaya pinipilit ko na lang na unawain. Kung bakit malayo ang loob ni Papa sa akin. Ang araw daw kasi na ipinanganak ako 'yun din ang araw na namatay siya.

Pagpasok nila sa gate napansin niya agad ang sasakyan ng ama na nakaparada sa tapat ng main entrance ng bahay. Tanda na kararating lang din nito.

Nagtaka siya sa maaga nitong pagdating na bihira nitong gawin. Palagi kasi itong ginagabi sa pag-uwi.

Hindi niya alam kung sinasadya nitong umiwas na makita siya o gusto lang nitong maglibang pagkagaling sa opisina, kaya hindi agad umuuwi?

Pag-uwi nito ng bahay, 'yun tulog na siya o 'ndi kaya nasa loob na siya ng kwarto.

Pero kahit paano tinitingnan muna s'ya nito sa kwarto bago ito matulog. Alam niya 'yun, dahil sadyang hinihintay din niya palagi ang sandaling 'yon.. Bago siya matulog.

Kasi 'yun yata ang sleeping pills niya para makatulog. Kahit pa sisilipin lang naman siya nito. Pero kahit kailan hindi siya nito nilalapitan.

Samantalang siya itong palaging naghihintay. Gusto niyang makita ang papa niya bago matulog. Gusto niyang matandaan ang mukha nito. Baka kasi paggising niya makalimutan na niya ang itsura nito. Dahil alam niyang hindi na rin niya ito makikita sa umaga.

Siguradong paggising n'ya nakaalis na rin ito. Kinakausap lang siya nito kapag may importante sasabihin o ibibilin sa kanya. Lalo na kapag aalis ito o mag-a-out of town. Ganito lang naman ang set-up nilang mag-ama dito sa bahay. Kaya madalas mas gusto pa niya sa labas.

Matagal na siyang nakatayo sa tapat ng pinto. Pero hindi pa rin siya pumapasok. Iniisip niya kung paano sasabihin sa kanyang Papa 'yun tungkol sa napag-usapan nila ng Principal kanina sa school.

Ang totoo excited na siyang sabihin sa ama na siya ang nangunguna sa klase. At siya ang magiging Valedictorian. Matutuwa kaya si Papa sa akin? Tanong niya sa sarili.

Pagpasok niya ng pinto at pagbungad sa sala. Bigla siyang natigilan.

Sandali siyang nalito, kung tutuloy ba siya sa pagpasok o mananatili na lang nakatayo?

Duh! He can't explain, why he had this feeling that something strange happen by this time. What a scenery, he couldn't expect that would be happened not just until now!

Ang Papa niya habang masayang nakikipagtawanan sa mga bisita nito. Simula pa noong bata siya, ngayon lang niya nakitang masaya ito. O baka naman hindi lang talaga sila madalas magkitang mag-ama. Pagkumbinsi niya sa sarili. Ngayon lang kasi niya nakita, na marunong din pala itong tumawa.

Not because, he didn't want his father to be happy? Although he didn't care, if he couldn't be the one reason or who will make him happy now? Basta masaya ito masaya din siya.

Duh! But why he feel's a little bit jealous? Keiffer ask himself.

After few minutes of standing.

They reconized his presence, then Andrew called him to go near of them. And He said.

"Oh, dumating ka na pala! Halika lumapit ka dito! Gusto kong ipakilala sayo ang tita Olivia mo at ang step Brother and sister mo. Siya ang bago kong asawa nagpakasal na kami noong nasa Boston ako, kaya mula ngayon dito na rin sila titira. Inaasahan ko na pakikisamahan mo silang mabuti, maliwanag ba 'yon, ha? Keiffer!" Mahabang paliwanag nito, pero parang hindi ko naiintindihan. Hindi yata ako na-inform? Bulong ng isip niya.

"Ha! Ah.. Opo Papa!" Ang tanging nasabi niya, huli na para magprotesta. Ano pa ba ang magagawa niya? Nandito na sila! Bakit hindi man lang niya nalaman na ganito pala, ang plano ng kanyang papa?

Bakit ganu'n Papa? Tanong ng isip niya..

* * *

@LadyGem25


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄