@International_Pen
((( SENA )))
Dahil sa ginawa ni Elaine… ng tumawag na kung sino ang susunod…
"Kayo na muna ang mauna." Galing nga talaga ng instant Potion ni Elaine. Yung buntis napa extend pa ata yung bata sa loob ng tiyan niya. Yung may sugat kanina… napalabas na lamang ng makakuha ng pera.
Masayang napa-paalam si Elaine… napakaway na parang sinisigurado na bobotohin siya ng mga tao. Sumunod na lang din ako. Tinignan yung kagat… na yun pala kalmot lang naman pala. Kaya maari na kaming umuwi, matapos nga ibigay sa amin yung gamot.
Nang…
"Ate Nurse, di po ako uuwi… magpapa confine po ako. Tignan niyo, may lagnat po ako, under observation po dapat ako."
Napatitig sa akin yung Nurse.
Napakamot ako. Ano bang iniisip ng batang to.
"Doc!"
Kasi may nagmamadaling doctor na dumaan.
"Kailangan niyo ako iconfine may sakit po ako!"
Doctor na di naman tumingin sa kanya.