下載應用程式
8.47% The Baklush Has Fallen / Chapter 5: Chapter 4 : The Bullies

章節 5: Chapter 4 : The Bullies

Dinala ako ni Baklang Jazz sa table nilang napakaingay! Walang katapusan din kung kumuda itong si Chal Raed, siya 'yong pinakamaingay talaga. Kung hindi lang magandang bakla 'to kanina pa siguro siya nasapak ng mga kalalakihang kainuman nila.

"Hi, I'm Dave," biglang usal ng lalaking kanina pa tingin nang tingin sa'kin.

Oy, hindi naman sa feeler ako, sadyang halata lang siya kung makatingin sa'kin, 'no, nasa ibang mesa siya, pero panay lingon niya rito sa amin, minsan nga nginingitian niya ako.

"Have one," usal na naman niya at inabot sa akin ang baso ng alak.

"Ay, wait!" sigaw ni Chal Raed at inagaw 'yong baso na sana ay para sa akin. "Sis, umiinom ka ba?" tanong niya sa'kin.

"Oo naman," taas-noo kong sagot. "Kung hindi ako umiinom, malamang deads na ako. You know, drinking water is very important," dagdag ko pa. Nagtaka ako agad nang taasan niya ako ng kilay at ito namang lalaking katabi ko ay biglang natawa.

"I know, duh!" mataray niyang sabi. "'Yong ibig kong sabihin, umiinom ka ba ng alak?" muling tanong ni Bakla.

"Next time kasi be specific," nakangiting sabi ko, pero inikotan niya lang ako ng mata. Psh, taray! "Hindi ako umiinom ng alak," dagdag ko.

Ngumiti siya sa'kin at itinaas 'yong baso saka mabilisang nilagok yong alak. "She doesn't drink, Baby. So, shoo, shoo! Stay away from her," sabi pa niya kay Dave na medyo may pagka harot ang pagkakasabi ng 'baby', pero seryoso naman 'yong pagkakasabi sa mga huling linyang binitawan niya. Feel ko tuloy ate ko siya tapos pwedeng kuya na rin.

Pwede ba 'yon? Pfft!

"I just wanted to talk to her," usal naman ni Dave na ang lagkit ng tingin sa'kin. Pwede na ba akong kiligin? HAHAHAHA!

"Sorry, but she didn't come here to socialize, she's here to accompany me," mataray na sabi ni Bakla.

Nagtataka tuloy ako kung bakit siya ganyan, I mean, ba't niya tatarayan 'tong si Dave, eh wala naman siyang ginagawang masama? Kung bet niya 'tong si Dave, ba't dinadaan niya sa pagtataray? Ganyan ba siya sa mga lalaking trip niya? Weird, ha. O, baka may ibang rason? Hmm.

"Come here, Sis, sit beside me," aniya at hinila nga ako papunta sa couch. "Huwag na huwag kang kumausap ng mga lalaki rito sa bar, kadalasan sa kanila lalasingin ka tapos kukuhanin ang iniingatan nating yaman," bulong niya sa akin.

"Nanakawan tayo?!" gulat ko talagang tanong.

"Bobo ka talaga! Paano ka ba naging secretary ni Paps, eh ang hina-hina ng understanding mo," inis niyang buntong sa'kin.

"Judger ka!" sigaw ko naman sa kanya.

"Vovo! Judgemental, hindi judger!" sigaw rin niya at muli akong inikotan ng mata.

"I'm just pulling some jokes 'no, napaka slow mo."

"God! Wala kang sense of humor, Sis, please shut up ka nalang diyan."

"O-opps! Mamaya magsabunutan kayo riyan, ha," biglang singit ni Jazz at naupo sa tabi ni Chal Raed. Ito naman Baklang Chal Raed na 'to ay agad sumandal kay Jazz!

Huhuhu, close na sila agad-agad?

"Darling, napaka bobo pala nitong payat na pandak na babaeng 'to," sabi pa niya habang turo-turo ako.

Walang hiyang Bakla'to! Kung iwushu ko kaya siya ora mismo! Makapanglait kala mo ikinaganda niya 'yon!

"You're rude, Darling. I like her nga eh, she's funny," sabi naman ni Jazz na ngumiti pa sa akin.

Hay! Pwede bang maging lalaki na lang siya?

Napaayos bigla ng upo si Chal Raed mula sa pagkakasandal nito kay Jazz. "What? Since when did you start to like a girl, Jazz?" gulat na tanong niya.

"Darling, ano ba! Vovo ka rin!" reklamo ni Jazz at hindi ko talaga napigilang matawa. Todo simangot naman itong si Chal Raed. Hmp! Buti nga sa kanya, judger kasi! Charot lang! "I mean, I like her personality, not she as a lady. Hindi kami talo okay? Pareho kaming babae na may perlas ng silanganan," dugtong pa niya.

"Ops! Correction, ako babae, ikaw binabae. Ako ipinanganak na may tahong, ikaw ipinanganak na may talong," sabi ko sa kanya at sabay kaming tatlo na natawa.

Oww, feeling close na kami, 'no?

"Anyway, dakilang tsimosa ako at kating-kati na akong itanong 'to...kayo ba?" tanong ko.

"Not yet," sabay nilang sagot at nagkatinginan pa sila. Hay, gumuho na naman ang mundo ko.

Joke!

Pero, not yet? Not yet?! Ibig sabihin maaaring maging sila anomang oras? Huhuhu!

"Pero, hindi ba, kahapon lang din kayo nagkita at nagkakilala?" tanong ko na naman.

"No, riyan ka wronging, Sis," sagot ni Chal Raed. Mas lalo tuloy akong naintriga sa sagot niya. "

"We're good friends since then, kaya lang we're planning to level it up, right, Darling?" tumingin siya kay Jazz na parang kinikilig na nakatitig sa kanya. Hay! "When we were kids, napansin na talaga namin na we both love Girls stuff and ichapwera ang laruang panlalaki, kasi nga we're gays!"

"At first, parang ang hirap pa tanggapin kasi syempre nasayangan din kami sa itsura namin, 'no."

"But, we can't do anything about it, ito na talaga kami."

"When we reached at the age of 7 sabay kaming nagpatuli, ang cute nga namin no'n, even our down there sayang hindi ko nakuhaan ng litrato bago tuliin," tumigil siya at natawa, maski ako rin ay natawa na medyo nandidiri sa pinagsasabi niya. "I thought at that time, mawawala na ang sandata at mapapalitan na ng bulaklak," natawa na naman kami, para na ngang may sarili kaming mundo. Hindi na rin nila pinapansin ang kasamahan nila na napulot lang din nila riyan sa tabi-tabi. "And then, sabay kaming nagladlad sa mga magulang namin na hanggang ngayon hindi pa rin tanggap na isa kaming Eva," malungkot niyang sabi. Pare-pareho kaming natahimik nang ilang segundo saka muling nagkwento si Chal Raed. "But, I know that there is a right time for them to accept  who we really are."

Tama Bakla, just be positive! Kahit na labag sa kalooban ko, sige supportado ko na kayo!

"Actually, ako ang nag suggest sa kanya na sa company ni Paps mag OJT. Para less hassle, more landi kasi lagi na kaming magkikita," dugtong pa niya.

Nakakadiri 'yong 'less hassle, more landi', ha!

"Bakit kadalasang mag jowang bakla 'yong isa nag-aanyong babae, tapos 'yong isa bakla nga, pero nag-aanyong lalaki pa rin? Bakit kayo parang weird? I've never seen a gay couple na parehong anyong babae," sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila at sabay na nagkibit-balikat.

"We just want to be unique," sagot ni Jazz. "And, as long as we both have feelings for each other, then everything doesn't matter," dugtong niya.

Napatango na lang ako. Mukhang gusto talaga nila ang isa't isa, kaya Girls, tara, iyak!

***

Quarter to 8 PM na nang makauwi kami. Dapat daw hating gabi na kami uuwi eh, pero dahil mapilit ako na umuwi nang maaga ay na no choice ang dalawa kun'di sundin ako. Ang bait pala nila, ang sarap lang nilang kasama, para na nga rin akong bakla kung kumausap sa kanila, eh.

"Bye, Baklushes! Ingat sa byahe, huwag ng mag harutan, ha," pagbibiro ko pa. Natawa naman si Jazz at itong si Chal Raed ay tinarayan na naman ako. Kaloka!

"Bye, Sis! Matapilok ka sana," sabi pa ni Chal Raed. Tinawanan ko na lang siya at muling nagpaalam sa kanila. "Pasok ka na, Sis."

"Hintayin ko munang makaalis kayo."

"Hindi na, pasok ka na. Mamaya pagka-alis namin bigla kang hilahin ng kung sinu-sino riyan, wala ka pa man ding kaya, mukha ngang wala kang resistensya, eh."

Walangyang, Chal Raed, talaga 'to! Hindi matapos-tapos sa panglalait sa'kin!!

"Oo na, papasok na! Nang hindi mo na 'ko malait!" inis ko kunwaring sabi at tinawanan lang nila ako. Hay, mga Baklang bully! Muli akong nagpaalam sa kanila saka ako tuluyang pumasok ng bahay at sinalubong ako agad ng mga kapatid kong lalaki.

"You supposed to leave your office and went back home at exactly 5 PM, Maundy, remember?" seryosong sabi sa akin ni Kuya Mico.

Hindi pa man ako nakasagot ay nagsalita na naman ang isa kong kuya. "Where have you been and you just came home?" tanong ni Kuya Mayvee.

"Sino 'yong naghatid sa'yo?" tanong naman ng nakababata kong kapatid na si Miracle.

"Why are you dressed like that?" tanong ni Kuya Messle.

My gosh! Hindi pala ako nakapag bihis!!

"O-okay! Kalma tayo," sabi ko, pero pare-pareho pa rin silang nakakunot ang noo. "Hmm, kasi 'yong anak ni Boss magtatrabaho na sa kompanya, syempre nag pa-party siya, kaya matagal akong nakauwi at ganito ang suot ko," dugtong ko at sa wakas ay mukhang umu-okay na rin ang itsura nila.

Lusot ka ngayon, Maundy! Reyna!

"At hinatid ako ng anak ni Boss, ayoko sana, but he insisted," muli kong usal.

"HE?!" sabay-sabay na tanong ng apat. Napaka OA talaga nitong over protective kung mga kapatid!

Kaya wala ng may ganang manligaw sa'kin dahil sa pagiging over protective nila, tsaka natatakot din 'yong iba na icritique sila nitong mga kapatid ko gaya no'ng mga lalaking sumubok ligawan ako at eks din agad dahil gumigive-up matapos makaharap ang mga lalaking 'to.

"Say a word, Maundy! Lalaki ang anak ng boss mo and you just let him sent you home without asking for our permission? Why you did not call us? What's the use of your phone? Paano kung sinapian bigla ng kademonyohan 'yon at halayin ka-—"

I immediately cut Kuya Messle from talking nonsense. "He won't ever do that, Kuya, okay? Bakla 'yon, Bakla! Nagsusuot ng pangbabaeng damit, nag ma-make-up, mahaba ang buhok at nagtatakong. Pareho kaming babae, okay?" pagpapaliwanag ko.

"Hindi mo naman agad sinabi," sabi pa ni Miracle. Paano ko ba sasabihin eh todo reaction paper na si Kuya Messle? Hay! "But then, Ate Love, lalaki pa rin 'yon ha, kahit pusong babae tatayuan pa rin 'yon," nagulat talaga ako sa sinabing 'yan ni Miracle. Pero, ang tatlo kong kuya natawa lang. Wengya!

"Okay, let's cut this down," sabi ni Kuya Mico. Nagsialisan na rin ang tatlo at humarap muli sa kanya-kanya nilang gadget. "Go upstairs and change your clothes. Anyway, kumain ka na ba?" tanong niya.

"Oo, pero may space pa para sa luto mo," nakangiting sabi ko. Napangiti rin si Kuya at sabay gulo ng buhok ko. "Psh, not my hair kasi," kunwari ay inis kong sabi, pero muli na naman niyang ginulo ang buhok ko kaya tumakbo ako agad baka mamaya sabunutan na niya ako.

Napahinto ako sa may pinto ng kwarto ko at tiningnan ang message na natanggap ko kani-kanina lang, pero dahil humarap pa ako sa hukuman ay ngayon ko lang nabigyan ng oras ang cellphone ko.

Napangiti ako ng sobra matapos basahin ang mensahe ni Chal Raed na...

'Thank you for making my day astonish and hilarious, Maundy. ❤'

Aw, may pa heart.

Gusto ko sanang kiligin, pero sinasampal ako ng katotohanan na Bakla siya at ang gusto niya ay Bakla rin, hindi babae!

Ay, wait may pahabol pa siyang message.

'Ps: Kain-kain din minsan ha, nang magkalaman ka naman, tapos tulog-tulog din minsan nang tumangkad ka naman kahit centimeter lang.'

Leshe! Sana 'di ko na lang binasa! Sarap replyan ng 'Republic Act No. 10627, the Anti-bullying Law' nang mapagtanto naman niyang isa siyang baklang bully!


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄