下載應用程式
54.23% The Baklush Has Fallen / Chapter 32: Chapter 31 : Confession

章節 32: Chapter 31 : Confession

Liligawan o lulugawan?

Palagay niyo ano?

Feel ko kasi lulugawan 'yon, eh, pero feel ko rin liligawan.

WAAAH!

Nakakahiya naman kung itanong ko 'yan sa kanya, 'no. Hala, ba't naman daw nakakahiya, Day? Eh, sisiguraduhin mo lang naman kung liligawan o lulugawan. Ay, huta talaga! Ewan, pati sarili ko mahirap nang intindihin!

"Hey, Mon, okay ka lang ba?" tanong ni Jazz kaya nagbalik ako sa sarili ko. "Kailan ka pa naglalagay ng napakaraming sabaw sa kanin mo? Tingnan mo mukha ng lugaw," natatawa pang sabi niya.

"Anong sabi mo? Lugaw?" tanong ko.

"Oo, bakit?"

Ayan may sign na! Hindi talaga ligaw 'yon, kun'di lugaw!

"Thank you, Jazz," wala sa sariling usal ko.

"Huh?" takang tanong niya, pero ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. "Anyway, Chal Raed told me that after his meeting he needs to go to a shop, so he just left the papers in your table," aniya at tumango na lang ako. Saang shop kaya 'yan? Duh! Paniguradong sa may maraming lalaki, 'no, harot-harot ng Baklang 'yon, pero nagapasalamat pa rin ako sa kanya ngayon, ha.

"Alam mo bang thankful na thankful ako kay Chal Raed ngayon?" tanong ko kay Jazz.

"At bakit naman?"

"Kasi kung talagang isinama niya ako sa meeting ngayon, edi malilibre kita, pero dahil pinalayas niya ako hindi matutuloy at ang saya-saya ko lang naman," pagki-kwento ko pa at napangiti naman si Jazz.

"So, ibig sabihin niyan dagdag points 'yon?"

"Huh?"

"Wala," nakangiting aniya. "Let's continue eating."

Ba't kaya dagdag points? Palagay niyo bakit? Mother Earth, ikaw, palagay mo ba't dagdag points 'yon? Weird, ha. Nakakabobo naman 'tong si Jazz, eh!

***

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at iniisip ko pa rin kung liligawan o lulugawan ako ni Chal Raed at ang dagdag points na sabi ni Jazz. Haaay, huta! Pakiramdam ko sasabog ang utak ko! Itutulog ko na lang 'to.

***

MIGHAD!! ANO ITECH?! PANGKABUHAYAN SHOWCASE?

May isang basket sa mesa ko na puno ng noodles na mukhang hindi rito galing sa pinas, may de-lata rin na hindi rin dito galing, may pasta, cheese, tomato sauce—wait, pang spaghetti yata 'to! My fave! Loka 'to, gustong-gusto ko tuloy lutuin. Sana may butane na rin para tuloy-tuloy ang saya. May bouquet ng red tulips din na talagang paboritong-paborito ko.

Kinuha ko 'yong kulay pink na papel na nakalagay sa basket, "bango ha," usal ko nang kahit malayo sa ilong ko 'yong papel ay talagang amoy na amoy ko ang bango nito. Inamoy ko pa 'yon nang limang beses saka ko 'yon binuksan at binasa ang nakasulat dito, "good morning, Maundy, the first time I saw you, you really are so bothersome, I dislike seeing your presence—mas maganda ka pa kasi sa'kin," thank you sa nagsabi nito, hindi siya bulag, "but...want to hear what's next? Hug me when you see me. Love, your soon to be Jowa?"

Ano raw?! Sinetch ba itey?!

"Hug me when you see me? Eh, hindi ko nga sya kilala, tsaka soon to be jowa? Kapal naman ng pisngi nito," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na nga lang gagalawin 'to at baka may bomba pala sa gitna ng pangkabuhayan showcase na 'to. Pero, ang ganda ng red tulips, akin na lang 'to.

"Good Morning," bati sa'kin ni Chal Raed na hindi man lang nagulat nang makita ang pangkabuhayan showcase na nasa mesa ko.

"Good morning," bati ko pabalik at muling inamoy-amoy ang papel—bango talaga.

"Maundy," akala ko pumasok na siya sa opisina niya eh, tatawagin niya pa pala ako. Bakit kaya? Baka...lulugawan na niya ako? Mighad! "w-wala ka bang gagawin sa'kin?" tanong niya at nagtaka naman ako agad.

Nakakunot ang noo ko sabay tanong ng, "anong gagawin ko sa'yo?"

"Didn't you read the paper?"

"Anong papel? 'Yong minutes? Binasa ko na."

"Hindi 'yon!" parang asar niya pang sabi.

"Ano ba kasi?" tanong ko.

"That paper you've been smelling," aniya at napatingin naman ako agad sa pink na papel na 'to.

"Ibig sabihin...sa'yo 'to?" tanong ko at parang nahihiya naman siyang tumango. "Eh, bakit Good morning, Maundy, at hindi Good morning, Chal Raed?"

"What?! Ako ang nagsulat niyan at para 'yan sa'yo," lumaki talaga 'yong mga mata ko. huta, so shookening! "that noodles and sardines it all came from Canada."

Imported, man!

"I also bought pasta and other spaghetti ingredients because your best friends said it's your favorite!"

Maeffort!

"I didn't buy chocolates or sweet foods because you don't like it and you have tonsillitis."

Maalam!

"Yesterday, I told Jazz that I need to go to a flower shop for some reason and that is to buy those red tulips, you now get it?"

Hindi pa rin!

"P-Para saan?" nahihiya kong tanong.

"Didn't I tell you that I will court you?" aniya. So, Mighad! It's not lugaw, it's LIGAW!

"Liligawan mo 'ko? Bakit? Paano? Kailan? Ano? Sino?" takang tanong ko at ayan naismiran ako, huhuhu, "charot lang! So, bakit nga?"

"Did you read what's written inside the paper?" tanong niya at agad akong tumango. *Do you want to know when, how and why I fell for you?" tumango ulit ako, "then hug me," aniya.

"Ano? Ba't ko naman gagawin 'yan?" isinenyas niya 'yong hawak-hawak kong papel at muling binasa 'yong isinulat niya.

'But...want to hear what's next? Hug me when you see me.'

"Kailangan ba talaga?" tanong ko na naman.

"Of course," nakangising sagot niya. "Come," dagdag pa niya at ibinuka 'yong mga kamay niya. Huta!! Bakit gan'to pa? Hindi ba't parang nakakahiya naman 'to?!

Gagawin ko ba? Huta! Eh, nakatayo ka na nga, Maundy, eh. Konting lakad na lang mayayakap mo na siya. Tss. "I'll do this dahil curious ako, hindi dahil gusto ko—" napatigil ako nang siya na mismo ang lumapit sa'kin at niyakap ako! HUTA! MIGHAD! ANG BANGO, MOTHER EARTH!! Buti isang minuto niya lang akong niyakap kasi kapag natagalan ubos ang pabango niya kakaamoy ko.

"Let's go, I'll tell you everything," aniya at hinawakan ang kamay ko saka kami pumasok sa opisina niya. Pinaupo niya ako sa isang swivel chair at naupo naman siya sa harap ko. "Don't interrupt, mag ki-kwento," aniya at tumango na lang ako.

"Pero, pwede bang hindi hawak-kamay?" nahihiyang tanong ko at doon niya lang napagtantong hawak-hawak niya pa rin 'yong kamay ko kaya binitawan niya 'yon agad. "K-Kinagat na naman ba ng lamok 'yong tenga mo?" takang tanong ko nang namula na naman siya.

"Don't mind it," asar niyang sabi at tinakpan 'yon. Weird niya, ha. "Magki-kwento ba ako o hindi?"

"Sasayaw, sexy dance—char, syempre, mag ki-kwento, bilisan mo na. Wala ng advertisment 'to, dire-diretso dapat 'yong kwento mo," sabi ko at umayos nang upo hudyat na mag se-seryoso na talaga ako. Hala, feel ko excited ako. Hay ewan!

Chal Raed's POV

"Don't interrupt, okay?" I asked her once again and she just nodded.

Okay, Chal Raed, this is it!

"The first time I saw you was in A mall, 3 months ago," halatang nagulat siya, pero mabuti na lang at hindi na siya nag react, "you're very annoying to hell dahil lagi kitang nakikita sa'n man ako mapadpad."

Ah, remembering that moment makes me fall in love over and over again.

"You're a bothersome because you're so gorgeous, but you look like a skeleton, mabuti na lang ngayon hindi na, pero wala ka pa ring resistensya—"

"Kakausapin mo lang ba ako para lait-laitin?!" inis niyang tanong.

She was surprised when I just messed up her hair, "I told you to never interrupt me," sabi ko at umakto naman siyang sinizipper ang kanyang bibig. So cute of her. "Okay, I'll continue...then suddenly, I heard a girl shouted out of anger, paglingon ko, ikaw pala 'yon, mas lalo akong naasar kasi nakita ulit kita. Nagrereklamo ka pala 'cause a guy touched your butt, todo reklamo ka talaga no'n kasi pinisil pa—"

"Andoon ka?!" gulat niya talagang tanong at napatigil nga ako sa pagsasalita, eh.

"Malamang sa malamang, alam ko 'yong pangyayari, 'di ba?" I sarcastically asked and she just pouted. I'll be honest, that's super duper cute. "Puro tayo advertisement, ipagpapatuloy ko na nga. So, 'yon nagkasagutan kayo and it went to the point na nagkasakitan na. Nanapak ka na and that was damn unexpected! Pero, nakakahanga! That was the time that I started to admire you. Until such napatumba mo 'yong guy and you asked for a water, fortunately, I'm holding one and I gave it to you so soon."

"I-Ikaw 'yon?" confusion can be seen on her face and I nodded right away. "Iyong sobrang haba ng buhok, naka pulang tube, naka boots, pak na pak ang make-up at may katawag sa phone na tinawag niyang Baby bro? Ikaw 'yon?" she added.

"Yes, yes, yes and yes," I answered.

"Mighad! Paanong nangyaring ikaw 'yon?"

"It was fated."

"Grabe! Alam mo bang ang kapal-kapal ng mukha ko no'n dahil kinawayan pa kita at nag flying kiss pa ako dahil alam kong isa ka sa fan ko kasi nakita kitang pinalakpakan rin ako at dahil paniguradong 'di na kita makikita kaya itotodo ko na ang fan service! Tapos, ito, malalaman kong ikaw 'yon? Magic, right?"

"Fated, hindi magic," sagot ko.

"So, saang banda ka nahulog sa'kin do'n?" tanong niya.

"Nakakaloka 'to!' I mutter out of myself. "Paano tayo matapos-tapos nito eh ang dami nating advertisement?"

"Sorry na, dali na tapusin mo na," aniya at kung hindi ko lang gusto ang babaeng 'to pinalayas ko na 'to, eh.

"Ito na. I started to feel something weird when we had our first eye to eye contact, no'ng tinawag kong Baby bro ang katawag ko, you looked at me with a smirk on your lips and that was...damn attractive," nahihiya ko pang sabi at itong babaeng kaharap ko ay napangisi bigla! Sinabi nang kapag nakangisi siya ay nakakaakit, eh! "Stop it," sabi ko at tinakpan niya naman agad ang bibig niya, 'di ko tuloy napigilang mapangiti. "After it happened, it seems like you hypnotized me, hindi ko na maialis 'yong paningin ko sa'yo at hindi ko na rin pinapansin si Third na siyang tumatawag sa'kin that time. As you started to walk away, gusto ko na lang na hilahin ka. But, you suddenly looked back at me giving me a wave with a damn sweet smile drawn in your lips, mas lalo akong na-attract...No'ng tumalikod ka para kang kumikinang, it may sound so unrealistic and cheesy, but it's true...Pakiramdam ko nasa cloud 9 ako when you did a flying kiss and, of course, I caught it immediately," I stopped for the mean time trying to know if she has something to say, but she remained silent while she's staring straight to my eyes. Ito 'yong maganda, eh, 'yong tinititigan ka pabalik ng taong tinititigan mo. "That is how this gay fallen into a lady...unexpectedly."

A moment of silence for the both of us. Nagsusukatan lang kami ng tingin. I'm trying to read her eyes, but I just can't. Hindi ko alam kung masaya ba siya, nandidiri, naguguluhan, o ewan.

"P-Pero bakit nang unang araw mo rito sa kompanya parang 'di mo ko kilala?" she suddenly uttered.

"Nasa labas ka pa lang at kakababa mo lang sa isang jeep, nakita na kita,' sabi ko at halata talaga sa mukha niya ang gulat. "I didn't expect that I'll see you again after 3 months, kung saan bumabalik ako sa pagiging maharot na bakla. Kasi in the whole 3 months na hindi na kita nakita I go clubbing, nakikipaglandian sa mga lalaki, kasi gusto kong kalimutan na nahulog ako sa isang babae. Bakla ako, Maundy, bakla ako noon pa man, kaya isang malaking katanungan para sa'kin kung bakit bigla-bigla na lamang akong nahulog sa'yo. But, when I saw you again, pakiramdam ko bumalik ako sa oras kung saan tumibok ang puso ko sa isang babae. Saka ko napagtanto na...yes, I'm gay, but my heart beats only for you, Lady," napatigil ako nang makita siyang bigla na lamang napangiti. Hindi ko alam pero—oo na nga! Ang sarap manapak dahil sa kilig! Damn this!

"O-oh, eh, bakit bigla-bigla na lamang kayong umakto ni Jazz na mag soon-to-be jowa at sobrang sweet niyo pa sa harap ko? Hype na yan!" nakataas pa ang kilay niya ng sabihin 'yan, pero nakangiti pa rin ako. Masaya, eh, sobra!

"Okay, let's talk about it. Paanong bigla na lamang kaming umakto ni Jazz na we're gonna be a couple soon," nakangiting usal ko.


創作者的想法
eommamia eommamia

Maraming-maraming salamat sa mga taong patuloy na nagbabasa. Uwu. Alam kong cliché ang story, pero binabasa niyo pa rin so thank youuuu! ❤❤ Don't forget to continue sharing me your feedbacks regarding the story. Thank you again. ?❤

next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C32
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄