下載應用程式
15.06% The Badass Twins / Chapter 11: Chapter 10

章節 11: Chapter 10

Godee's POV

Hanggang ngayon masama pa rin ang timpla ng mukha namin ni Twiny.

The fuck! Tama bang dito sila tumira sa Mansion namin? Aish!

"Kuyaaaaaaaaaaaaaa!!! Mas mabuti pang mga batang lansangan ang amponin natin kaysa sa kanila!"

Pagtatantrums ng kambal ko. Halos gumulong gulong siya sa mahabang sofa namin dito sa sala.

"Manahimik ka nga Heaven. Ano bang ampon ampon diyan ang sinasabi mo? I said dito na sila titira sa Mansion simula ngayon."

"Peroooooooooo Kuyaaaaaaaaa!!! Ayaw nga namin ni Twiny! Ayaw namin sa kanila! Maliban kay Desdes."

"Saka hindi papayag si tanda na dito mo sila patuloyin sa Mansion niya."

Saad ko. Tinignan ko isa-isa ang mga kaibigan ni Kuya. Mukha silang mga basang-sisiw hahahahaha! Maliban doon kay Worth na palagi kong nahuhuling nakatingin sa twiny ko.

Tulad na lang ngayon kaharap kasi nila ang sofang hinihigaan ni Heaven na naka-sideview ang higa nakaharap ito sa sandalan ng sofa. Kaya hindi alam ng kambal ko na may nakatitig sa kanya kanina pa. But knowing my twin, malakas ng pakiramdam niyan, sadyang wala lang siyang paki-alam.

Dumapo naman ang tingin ko roon kay Beautiful Ryder nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Ngumisi ako kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Alam na ni lolo, tumawag ako sa kanya. He said, okey lang daw para may kasama naman tayo rito sa Mansion."

"What?! Basta basta na lang pumayag si Tanda?!"

"Yeah, kilala naman sila ni lolo eh"

"Kahit na! Dapat sa lansangan mo na lang sila patirahin wag dito sa Mansion."

Ani ni Twiny. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga sa sofa saka nag-indian seat sa harapan nila. Salubong ang kilay niya habang naka-cross arms pa. Ako naman ay dito sa single sofa naka-upo habang nakahalukipkip.

"Heaven, sa'kin ni lolo pinamana itong Mansion kaya ako ang magde-desisyon kung sino man ang gusto kong patuloyin dito."

"Hmp! Diyan na nga kayo! Magsama kayo ni Danang bruha!"

Aniya saka umalis na dito sa sala. Pumunta siya ng kusina.

"Paano na yan? Nasunog lahat ang mga gamit niyo?"

Tanong sa kanila ni kuya na umupo roon sa sofang hinagaan ni Twiny.

"Siguro...bibili na lang kami sa MOA, Sky"

Saad ni Dana. Nagtataka talaga ako sa bruhang ito kapag si kuya ang kausap niya nagiging mahinhin ang boses niya. Yays! Kinakalibotan ako. Pffft...

"Hmm, sabagay siguro naman walang importanteng bagay niyo ang nasunog. Like, important documents."

"Wala naman dahil nasa family house namin ang mga mahahalagang bagay na pag-mamay-ari namin."

"Paano mo nasabi?"

Hahahahaha! Tanong ng kambal ko kay Dana na hindi naka-imik.

"Oh, kumain muna kayo."

Ani ni Twin saka nilapag ang dalang tray sa lamesita. May laman iyong doseng baso na may apple juice at 12 slices of homemade Hawaiian pizza. Ginawa niya yan kanina.

Siya na ang kumuha ng kay kuya at binigay dito. Ganon din sa'kin.

Tinignan ko ang mga kasama namin para silang nakakita ng isang anghel at si Heaven yun.

"Bakit tulala kayo diyan? Ayaw niyo bang kumain?"

Tanong sa kanila ni Twiny.

"Wala bang lason yan?"

Tanong ni Dana dahilan para ngumisi si twin.

"Syempre meron! Yung sayo nga lang. Tang-*nang gago ka! Edi sana naglulupasay na yang dalawa ngayon! Badtrip toh."

"Heaven, watch your words."

Saway ni kuya. Ang lutong naman kasi ng mura ni twiny.

"Nakikita ko ba yung salita ko?"

Pfffft...

"Aish. Sige na guys, kumain na kayo. Don't worry hindi pa naman baliw tong bunso namin para lagyan ng lason ang pagkain na ginawa niya para sa'tin."

"Matagal na yang baliw, kuya"

Saad ko. Dahilan para mahinang tumawa ang mga kasama namin dito sa sala.

Kumuha na rin sila ng mga juice at pizza nila.

Para silang na- love at first bite ng kumain sila ng ginawang pizza ng kambal ko.

Masarap naman kasi kahit ako nga na hindi gusto ang pizza pero kapag gawa ng kambal ko nagugustuhan kong kumain. Ganon din si kuya lahat ng pagkain paborito niya basta luto ng kapatid naming bunso.

Heaven's POV

"Kumain lang kayo, marami pa sa kusina kumuha na lang kayo roon."

Saad ko sa mga taong nasa harapan namin.

'At mamayang madaling araw sabay sabay kayong mag LBM bwoaahahahaha!!! Kahit sila Kuya Sky at Godee. Walang exempted exempted kahit kapatid ko pa sila.'

Lihim akong napangisi ng sarap na sarap sila sa pizzang ginawa ko. Tumingin ako kay Worth siya lang kasi yong hindi pa kumakain ng pizza tanging apple juice lang ang ininom niya. Bigla siyang tumingin sa'kin saka siya ngumisi. The fuck!

Tinignan ko siya ng masama dahil sa ginawa niya muntikan na akong mabalaukan sa kinakain ko. But I find him hot while smirking. The heck! What happen to me? Kailan pa ako nangpupuri ng isang lalaki? Shit... Ngayon lang.

Hindi ako nag-iwas ng tingin sa kanya at pinatili kong masama ang timpla ng mukha ko. Gusto kong siya ang unang mag-iwas ng tingin tulad ng palagi niyang ginagawa kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kin.

"EHEM!"

May tumikhim kaya tumingin ako kay kuya na masama ang tingin na binibigay kay Worth.

Tumingin ako ulit sa taong stoically bumalik na naman sa dati ang mukha niyang poker face.

"Kuya, bakit mo tinitignan ng masama si Worth?"

Bulong ko kay kuya. Tumingin siya sa'kin saka ngumiti.

"Wala lang, baby"

"Lul"

"Bad mouth"

Marahan niyang pinitik ang lips ko.

"Kuya naman eh!"

"Sorry, sorry, sorry"

Hinalikan niya ako sa pisngi.

Dana's POV

Napangiti na lang ako ng lihim ng makita ko si Sky na hinalikan ang kapatid niya sa pisngi nito.

"Oo nga pala guys, Ito ang susi niyo sa mga silid niyo."

Binigay sa'min ni Sky ang susi sa magiging kwarto namin.

"Pinag-partner partner ko na kayo, sa Room 1 ako at si Ryder, sa Room 2 DK at Song, Room 3 Jun at Ozi, Room 4 Dana at Desiree, Room 5 si Worth lang at sa Room 6 sa twins yon."

Dagdag pa ni Sky kaya tumango kami. Kahit ayaw ko sa kasama ko. Psh! Kapatid kong ampon!

"Feel at home guys. Simula ngayon ituring niyo ng tahanan itong Mansion namin. Malaya kayo kung ano man ang gusto niyong gawin."

Napangiti ako sa kabaitan ni Sky. Grabe! Bawat araw na-iinlove talaga ako sa kanya.

Nagsitanguan kami saka pumunta na sa may second floor kung nasaan ang mga kwarto namin.

Malaki at malawak ang bawat silid kasing laki na ito ng condo namin. May nakalaan na rin na dalawang kama. Kompleto na lahat maliban sa mga personal na gamit namin.

Umupo ako sa kama at inisip ang kaninang nangyareng sunog. It's my fault. Tama ang sabi ng twins na ang tanga-tanga ko dahil iniwan kong nakabukas ang oven. Haist. But at least, blessing in disguise rin ang nangyareng sunog dahil doon dito na kami tumira sa Mansion at araw gabi ko ng makakasama si Sky my love!

Jun's POV

Iba talaga kumilos ang isang Sky Blade Hunterose segundo lang at ayos na lahat ang problema. Tulad na lang ngayon, nagawa niya ng magpa-deliver ng mga gamit namin. Nagpahinga lang kami ng ilang oras sa silid namin ng tawagin niya kaming bumaba dito sa sala. And here, ang daming box ng mga damit at ilan sa mga personal na gamit namin.

"Ang dami naman nitong balik-bayan box, Kuya. Para saan ang mga ito? Ipamimigay mo ba ito sa mga batang lansangan?"

Nakangising tanong ni Godee kay Sky na tinignan lang siya ng masama. Napa-iling ako, kilala ng lahat si Sky bilang napakabait na tao pwede mo na siyang matatawag na banal pero pagdating sa mga kapatid niya lumalabas ang tunay niyang ugali.

"O baka naman magtitinda ng ukay-ukay si Kuya, Twin?"

Kunwareng inosenteng tanong ni Heaven. Sa kanilang dalawa ng kambal niya masasabi kong mas attracted siya at malakas ang charm. Noong una kong kita sa kanya sa Sullivan University na-intimate ako sa sobrang ganda niya lalo na nong napagmasdan ko ang sky blue niyang mata. Kakaiba.

Saka bagay talaga sa kanya ang pangalan niyang Heaven dahil kapag ngumingiti siya o ngingitian ka niya para kang nasa Heaven dahil sa sobrang ganda ng ngiti niya.

Tila nagtayuan ang mga balahibo ko ng binigyan ako ni Worth ng isang napakalamig at nagbabalang tingin. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya pero ramdam ko pa rin ang nakakamatay niyang tingin. Shit! Ayaw niya talagang may tumitingin sa Amore niya.

Hindi ko naman gusto si Heaven eh, alam naman niya kung sino ang nagmamay-ari ng puso ko.

And that girl is nagniningning ang mata habang nakatingin kay Sky.

"Pfffft... Ang sakit sa Heart"

Takang tumingin ako kay Godee. Nasa harapan ko lang siya kaya kitang-kita ko kung paano niya ako ngisihan. Napakamot na lang ako sa batok ko saka nag-iwas ng tingin.

"Guys, kunin niyo na ang mga box na may pangalan niyo. Then, yong sa kanila Dana at Desiree pakihatid na lang sa kwarto nila dahil mabigat yang mga box baka hindi nila kayang buhatin."

Saad ni Sky.

"Ahm... Thank you Sky, nakakahiya naman sayo ikaw pa ang nag-asikaso sa mga gamit namin."

Nakangiting ani ni Dana. Umingos ang Twins sa kanya.

"You're welcome, Dana."

"Dapat may bayad yan eh. Ang mahal kaya magpa-balik bayan box."

Saad ni Heaven pero alam naman naming nagbibiro lang siya. Galing pa kasi ang mga box na ito sa bahay namin pina-deliver ng parents namin ng malaman nilang nasunog ang Condominium na tinutuluyan namin.

"Wag niyo ng pansinin si Heaven sinasapian na naman kasi ang batang yan. Sige na kunin niyo na yang mga box at saka Dana pwede mo ba akong tulungan sa pagluto ng dinner natin ngayon?"

"Sure basta ikaw"

Napa-iwas ako ng tingin kay Dana ng lumapit siya kay Sky saka kumapit sa braso nito. Sabay na silang pumunta sa kusina. Walang katulong dito sa Mansion iyon kasi ang gusto ng mag-kapatid gusto nila na maging independent kaya hindi nila kailangan ng mga katuwang.

"Ako na lang ang maghahatid nito sa silid nila Dana."

Ani ko kay Worth ng akmang bubuhatin niya yong box na may pangalan ni Dana. Tumango lang siya.

"Ako naman dito kay ree-ree"

Ngiting saad ni Ozi.

"Wag na kaya ko namang buhatin yan, zi-zi."

Saad ni Desiree sa best friend niya saka lumapit sa may box na merong pangalan niya.

"Ikaw Dk? Kailangan mo ng tulong? Payatot ka pa naman baka hindi mo kayang buhatin yang box mo."

Banat na naman ni Heaven. Ngitian lang siya ni DK.

"Ah. Kaya ko naman ito."

"How about you, Beautiful Ryder? Kaya mo ba?"

Ngising tanong ni Godee kay Ryd na inirapan lang siya.

"Tsk. Don't talk to me."

"Baklang towww. Ang shungit-shungit. Pffft..."

"Aish!"

Singhal na lang ni Ryder saka siya naunang umakyat sa hagdan dala ang box niya.

Desiree's POV

Dinner time.

"Pffft... Si witch ang nagluto baka may gayuma toh."

Saad ni Heaven na pinagmamasdan ang mga pagkain na nasa hapag-kainan. Hindi pa sila kumakain ni Godee nakapalumbaba lang sila habang kami ay kumakain na.

"Oh? Bakit hindi pa kayo kumakain, twins?"

Tanong ng kuya nila. Galing kasi ito sa garden nila sa likod ng Mansion may kinuhang prutas doon. Grapes.

"Ayaw naming kumain"

Sabay na saad ng Twins. Salubong ang kilay ni Blade ng bumaling siya sa mga kapatid niya.

"At bakit naman huh?"

Tanong ni Blade sa kambal. Nilagay niya na rin ang isang mangkok na grapes sa gitna ng lamesa pagkatapos niya itong hugasan.

"Eh sa ayaw nga namin. Wag ka ng magtanong, kuya."

Saad ni Heaven. Kumuha siya ng isang tangkay ng ubas saka ito ang kinain niya. Binato niya pa si Godee ng isang piraso pero nasalo nito ng bibig.

"Another two tignan natin kung masalo mo, Twin"

Ngising saad ni Heaven saka binato ulit ang kambal niya ng ubas dalawang sunod-sunod pero nasalo lang nito ulit gamit ang bibig.

"Another six pieces ---"

"Stop that Heaven, hindi binabato ang prutas kinakain yan."

Saway sa kanya ni Blade ng akmang ibabato niya ulit ang ubas sa kambal niya.

"Eh? Kinakain naman ni Twin kaya okey lang na ibato ko."

Aniya saka binato ulit si Godee ng ubas sunod-sunod hanggang sa mag-anim na piraso na ang nabato niya saka siya huminto.

Tinukod niya ang kanang siko niya sa lamesa saka siya nangalumbabang pinagmasdan kami ulit. Ningitian niya ako kaya tipid ko siyang ningitian. Tas lumipat ang tingin niya kay Kuya Worth kaharap niya lang ito. Kitang-kita ko kung paano niya tarayan si kuya. Hahahahaha!

Third Person's POV

Midnight coming...

Lahat nakaramdam ng sakit sa tiyan maliban kay Heaven at Godee. Himbing na himbing ang tulog ng dalawa habang ang mga kasama nila sa Mansion halos gumulong - gulong na sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman nila.

Nang makaramdam ng matatae sila halos paunahan sa cr.

Pero kapag nasa cr na sila nawawala ang nararamdaman nilang natatae sila pero kapag lumabas matik na parang natatae sila ulit. Ang sakit din ng tiyan nila.

Iyon ang nangyare sa mga tao sa bawat silid nila.

Kahit na si Sky halos nadasal niya na lahat ang mga prayer na humihingi ng tulong sa Panginoon. Para lang mawala ang sakit ng tiyan niya at sa nararamdamang natatae.

~~~In the Sunday morning~~~

Puyat na puyat ang lahat ng mag-almusal sila. Hindi kasi nila alam na ang nangyare sa kanilang pananakit ang tiyan ay nangyare rin sa mga kasama nila maliban sa magkasama sa iisang silid.

"Guys, magsisimba tayo ngayon kaya pagkatapos niyong mag-agahan pumanhik kayo sa taas para mag-ayos."

"Okey"

Walang gana na sagot ng lahat kay Sky.

"Anong pinaggagawa niyo kagabi at bakit puyat na puyat kayo?"

Tanong sa kanila ni Heaven. Napaka-inosente ng mukha nito na akalain mong hindi siya ang dahilan kung bakit sila napuyat.

"Wala"

Sabay nilang sagot sa dalaga na nagkibit balikat lang.

Pero alam ng lahat na si Heaven ang dahilan kung bakit sumakit ang tiyan nila. Iisa lang ang hinala nila. Dahil iyon sa pizzang pinakain sa kanila ni Heaven.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄