下載應用程式
14.65% The Actor that I Hate to Love / Chapter 28: Broken Vow

章節 28: Broken Vow

Shanaia Aira's POV

" Bhi pwede bang puntahan mo ako dito sa bahay ngayon? Please." pakiusap ko kay Gelo sa kabilang linya.

" Umiiyak ka ba baby? What happened?" nag-aalala ng husto ang tinig nya.

" Bhi please I need you here right now.Please." pakiusap kong muli.

" Alright, I'll be there in minutes.Stop crying okay? " yun lang at ibinaba na nya ang tawag.

Hindi ko na talaga kasi kinakaya ang nangyayari ngayon sa pamilya namin.Simula nung pumasok sa politika si kuya Gerald ilang buwan na ang nakaraan, palagi na lang umuuwi dito sa bahay si ate na umiiyak.Nung una,tampuhan lang hanggang sa naging madalas na ang pag-aaway nila.Nagiging madalas na ang pag-uwi ni kuya Gerald ng halos madaling araw na at ang katwiran ay kasama nya ang mga taga munisipyo, kung hindi birthday ni Gob ay may kapartido namang nagdaos ng party at kung ano-ano pa.Nung una, inaamo pa nya si ate at sinusundo sila dito sa bahay kapag naglalayas sila ni Dindin pero nitong nakakaraan umaabot na ng isang linggo bago nya sunduin.

Naging problema na rin si kuya Gerald ng producer ng bagong movie nila ni ate, kung hindi kasi late sa shooting, napa-pack-up sila dahil hindi na talaga sya sumisipot.Si ate ang nahihiya sa ginagawa nya at kapag kinokompronta nya ito nauuwi lang sila sa matinding pagtatalo.At madalas sabihin sa akin ni ate Shane na nagbago na raw ang pakikitungo ni kuya Gerald sa kanya. Wala na yung dating malambing at maasikasong Gerald at tila balewala na raw dito kahit nakikita syang umiiyak na dati ay ayaw na ayaw nito.Hindi nya alam kung ano daw ba ang pagkukulang nya kung bakit ganito na ito sa kanya ngayon.

Kagabi nasagot ng lahat ang mga katanungangang gumugulo sa isipan ni ate Shane at maging ako at ang pamilya namin ay nasaktan din sa kanyang natuklasan.

Malaking iskandalo ito kapag nalaman ng publiko at hindi ito maitatago dahil na rin sa uri ng mundo na kinabibilangan nila.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang ugong ng sasakyan ni Gelo na papasok na sa garahe namin.Nakaupo lang ako sa couch sa living room at hinihintay syang makapasok.

" Baby what's wrong?" nag-aalalang bungad nya sa pinto pa lang.

Hindi ako agad kumibo,umupo sya sa tabi ko at niyakap agad ako.

" Bhi." yumakap lang ako sa kanya at umiyak ng umiyak sa balikat nya.Panay naman ang hagod nya sa likod ko,sinusubukang pakalmahin ako.

" Shhh.hush now baby I'm here.Tell me what happened."

Kahit paputol-putol gawa ng paghikbi ko, sinubukan ko pa ring ikwento sa kanya ang nangyaring gulo kagabi dito sa bahay.

" Di ba nga more than a week na dito sila ate dahil nag-away sila ni kuya Gerald.Hindi sya inaamo man lang at hindi rin sila sinusundo.Tapos kagabi, nag-decide si ate na umuwi na para makipag-usap kay kuya Gerald.Iniwan nya muna si Dindin dito at sinamahan sya ni kuya Andrew. Just in case nga na hindi sila magkaayos,may kasama sya pabalik dito.Then nung makarating sila dun sa bahay nila,nagpaiwan si kuya sa kotse at si ate na lang ang pumasok.Walang tao sa bahay, wala rin sa room nila.So naisipan nyang umalis na lang.Pero nung palabas na sya ng pinto may narinig syang ingay mula sa guest room kaya pinuntahan nya ito.Then she found out kuya Gerald lying on a bed with a woman, they are both naked.She was shocked. So shocked.She didn't expect kuya Gerald can do such horrible things like that in their own house.He cheated on her.Ang masakit pa don, he cheated with kuya Andrew's fiancee, ate Margot."

" What?" gulat na sambit ni Gelo.Maging siya ay talagang hindi inaasahan ang sinabi ko.

" Yeah,kaya doon pa lang sa bahay nila ate nagkagulo na sila dahil nung marinig ni kuya na sumisigaw sa galit si ate Shane pumasok agad sya sa loob.And there he saw his long time girlfriend barely naked with kuya Gerald.Kaya hayun halos kulang na lang patayin ni kuya yung dalawa pero buti naawat sya ni ate at kinaladkad sya pauwi.Pagdating nila dito sa bahay sinabi agad nila kay dad kaya lalong nagkagulo.Nadamay na pati parents ni kuya Gerald.Pinatawag sila ni dad kasama si kuya Gerald.Nag-usap-usap sila para maayos na ang mag-asawa alang -alang kay Dindin pero tumanggi si kuya Gerald na makisama pa kay ate Shane.Nang marinig ni dad yung pagtanggi nya hindi na sya nakapagpigil kaya nasaktan nya ng husto si kuya Gerald."

" Ang kapal ng mukha nya, siya na nga itong may kasalanang ginawa siya pa yung tumatanggi sa mag-ina nya." galit na galit na wika ni Gelo.

" He said that not because hindi nya mahal sila ate, he loves ate and Dindin so much.It's just that, Margot is 2 months pregnant with his child.They've been cheating for almost 3 months now.Kailangan nya daw itong panagutan kasi pinagbantaan sya nung tatay ni Margot na si Gob kapag hindi nya pinakisamahan ang anak nito.And now,her wedding with kuya Andrew was off because of this disastrous incident and my siblings are both hurting right now." at nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

" Shhh..baby stop crying. We can do nothing about it.It happened.Ang magagawa lang natin ngayon ay mag-pray na maging maayos ang lahat." panay ang hagod nya sa likod ko at panaka-nakang hinahalikan ako sa ulo.Thank God Gelo is here.

" Bhi higit akong nasasaktan para kay Dindin.Napaka-bata pa nya para danasin ang magkaroon ng sirang pamilya.Alam mo bang kaninang umaga ay kumalat na ang balita? And worst,isiningit pa yung news flash dun sa cartoon show na pinapanood ni Dindin kanina.She keeps on asking me about it but I keep my mouth shut  coz I don't want her to feel bad about it. " and I sobbed again in pain.

And right now, mom and dad is in municipal jail for kuya Andrew.Nagwala sya sa isang bar kagabi. Hindi nya kinaya yung ginawa ni ate Margot sa kanya.She cheated on him with his own brother in law.Hindi man lang namin nahalata na may something na sa kanila.Nag-umpisa daw yun dun sa teleseryeng pinagbidahan ni kuya Gerald kung saan naging guest si ate Margot.Simula nun nagkikita na sila secretly, kahit si kuya hindi man lang nakahalata. Dahil dun ate Shane decided to file an annulment case againtst kuya Gerald.Ang masayang pamilyang binuo nila ay natapos sa isang pagtataksil.At nasasaktan ako sa mga nangyayari dahil kay Dindin.

" Bhi why is this happening to us? Mabuting tao naman ang mga kapatid ko,bakit sa kanila pa nangyari ito?"

Gelo heaved a heavy sigh.." Baby only God knows the reason behind all of  this.He has His reason and it is for us to understand.Maaring hindi natin maunawaan sa ngayon ang dakilang layunin Niya pero for sure hindi Niya tayo pababayaan habang pinagdadaanan natin ito.Believe me everything will be alright.We have each other baby and I'm here for you."

Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Gelo pero lumakas ang loob ko at nawala yung takot ko sa kung anuman ang maaring dumating dahil andyan lang sya.Ramdam ko yung sinseridad nya at napaka swerte ko na mayroon akong isang tulad nya.

I cupped his face and look straight into his eyes.

" You know I'm so grateful for having someone like you in my life.Paano na kaya ang isang Shanaia Aira Gallardo kung walang Ariel Angelo Montero sa tabi nya?" 

" Baby hindi mabubuhay ang isang Ariel Angelo Montero kung walang Shanaia Aira Gallardo sa buhay nya.Siya ang lahat-lahat sa kanya at ang buhay nya ay idinesenyo ng Diyos na kasama sya.Nabubuhay at humihinga si Gelo dahil kay Aira." nakangiti sya habang sinasabi nya yon at totoong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi nya.Napangiti ako ng husto at mabilis ko syang hinalikan sa labi.

" Thank you bhi.I love you so much."

" Mas mahal kita.Kaya wag ka ng malungkot, I'm here for you."

Dahil palagi lang sa tabi ko si Gelo,hindi ko na masyadong iniinda ang nangyayari sa paligid ko.Kapag nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga pangyayari, nandyan sya para pangitiin ako.Pagaanin ang kalooban ko.

_________________

TULUYAN na ngang iniwan ni kuya Gerald sila ate Shane para kay ate Margot.Alam ko nasasaktan si ate pero pinipilit lang nyang tatagan ang sarili nya para kay Dindin.Pinalipat na sila nila dad sa bahay at iniwan na ang bahay nila ni kuya Gerald.Nai-file na rin nya ang petition for annulment sa kasal nila at naghihintay na lang sya kung kailan ang unang hearing.

Si kuya Andrew naman ay nilamon na ng kapighatiang nararanasan.Palagi na lang itong lasing at pati trabaho sa munisipyo ay halos mapabayaan na.

At nasasaktan ang mga parents namin sa nakikita nila sa kanilang dalawa ni ate Shane, pero maging sila ay malungkot na tinatanggap at pinagsasa-Diyos na lang ang lahat.

Mabilis na kumalat ang balita sa apat na sulok ng show business.Marami ang naki-simpatiya kay ate Shane at puro panlalait ang inabot ni Margot sa mga fans ni ate.Dahil dun napilitan syang umalis sa noontime show kung saan sya regular host.At hindi na rin sya tumanggap ng mga projects dahil sa kahihiyang inabot nya dahil sa pang-aagaw  nya sa asawa ng isang sikat na aktres na si Shane Gallardo.

Dahil sa kumalat na tsismis, umalis ng bansa si Kuya Gerald at Margot at tuluyan ng nagsama kung saan walang masyadong nakakakilala sa kanila.Tahimik lang naman si ate Shane ng mabalitaan nya yun pero alam ko nasasaktan at umiiyak sya kapag nag-iisa na sya.Kahit gaano katapang ang personalidad na ipinakikita nya sa maraming tao,umiiyak naman ang kanyang kalooban.

Naaawa ako sa sinapit ng buhay pag-ibig ni ate.Naisip ko, kung ordinaryong tao lang ba sya at hindi artista ay dadanasin kaya nya ito?Si kuya Andrew kaya kung wala sa politics, maghihiwalay ba kaya sila ni ate Margot? Marahil hindi magkakaroon ng pagkakataon si ate Margot na magtaksil kay kuya kung sapat yung oras nya dito.Mas marami kasi ang oras ni kuya sa mga nasasakupan kaysa sa relasyon nilang dalawa.

Sa mga naisip ko,tila bumalik na naman yung disgusto ko sa larangang kinabibilangan nila.Mabuti na lang iniwasan muna ni Gelo ang pag-aartista dahil sa pag-aaral nya at sa akin, alam kasi nya na ayaw ko dito. At mabuti na rin na wala syang hilig sa politics dahil pag nagkataon hindi ko alam kung makakayanan ko kung papasukin din nya ang mundong labis ko rin na kinaaayawan.

Maaga kaming nakauwi ni Gelo galing sa school pero laking gulat namin sa dinatnan naming mga maleta sa sala.

Umiiyak si mommy habang yakap ni daddy.Malungkot naman ang itsura ni ate na nakaupo sa couch at yakap-yakap si Dindin.

" Mom ano pong nangyayari, bakit may mga maleta dito?"

Hindi kumibo si mom at dad kaya si ate na ang nagsalita.

" Baby I'm leaving at iiwan ko muna sa inyo ni Gelo si Dindin."

" What?"


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C28
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄