下載應用程式
73.33% THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 33: WHAT'S WRONG

章節 33: WHAT'S WRONG

Kasalukuyang nag-titipon ang buong kasundaluhan ng Chuswar Kingdom sa pamumuno ni Loxim Flesiro. Komander ng buong batalyon na kasalukuyang naka-base sa labas ng barrier ng Drakaya. Kahapon pa sila Nag-hihintay ng balita tungkol sa sitwasyon ng kaharian ng Sediorpino. Ayun sa isang intel na lumilibot sa buong lupain ng Drakaya, nakita daw nito na nagmamadaling bumalik sa kaharian ang buong grupo ng Sediorpino Soldiers. Pagkatapos nun ay wala ng balita tungkol sa mga ito.

"Ang sabi mo, may tatlong Huluwa ang lumapit sa kanilang hukbo galing sa loob ng Drakaya?" Kunot ang noong tanong ni Loxim sa Intel na kaharap na niya ngayon.

Nakaluhod ang lalake na may suot na metal sa may braso sakop ang ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib kung saan naka-tago ang lokasyon ng kanyang puso.

"Yes, Sir. Nakita ko kung paano binalot ng poison fog ng pinuno ng hukbo ang tatlo. Nakita ko rin na ginamit ni Nexus ang teleportation Array kasama ang tatlong Huluwa." Sagot ng lalake.

Kung Huluwa nga ang tatlo, posibleng naka-kuha na ng magandang impormasyon ang kaharian ng Sediorpino. Tiim ang bagang na naikuyom ni Loxim ang kamao. Tatlong Huluwa ang muling pwersahang inilabas ng Drakaya kingdom, Sumusobra na talaga ang hari ng Drakaya. Ilang Huluwa pa ba na katulad niya ang mahihirapan? Paano kung ilang Huluwa pa ang pinahihirapan sa kaharian?! That king is a fucking Tyrant!

"Anong balita sa mga Embers?" Sinikap na maging mahinahon ni Loxim.

"Kasalukuyang patungo na dito sa lokasyon natin ang grupo ng mga Embers na naka-ligtas sa barrier. Halos kalahati ng bilang nila ang nawala."

Naikuyom ni Loxim ang kamao at literal na napa-mura. Kapag muling tumapak ang mga paa ni Ramil Sifyola sa lupa ng Chuswar Kingdom, nangangahulugan iyon ng pag-geywang ng balanse ng pwesto ng bawat namumuno sa buong kaharian. Si Ramil ang totoong founder ng Chuswar Kingdom. Siya dapat ang hari ng palasyo ng Chuswar. Subalit dahil sa galit nito sa Drakaya at sa kapatid nitong dating Reyna ng nasabing kaharian, mas pinili nito ang maging pinuno ng Embers na siyang nagpabagsak sa dating kaharian ng Drakaya. Aaminin niyang abot sa kanyang buto ang galit niya kay Ramil dahil pati sila na walang alam ay nadamay sa naging resulta ng ginawa nito.

Ayun sa mga Huluwang nakaligtas sa pagsalakay, hindi rin nila akalain na buhay pa ang nag-iisang prinsipe ng Drakaya. At dahil dun, muling ipinagpatuloy ng batang Del Carmen ang inumpisahan ng sariling Amang hari. Kasabay nun ang biglang pag-putok ng balita na pinapaslang ng batang hari ang sinomang Huluwa na napa-padpad sa Drakaya. Mula ng pumutok ang balitang iyon, tinawag ng lahat na Tyrant ang batang hari.

"Fuck! Why didnt he just died there?!" Bulyaw ni Loxim na ang tinutukoy ay ang leader ng Embers na si Ramil.

Magsasalita pa sana siya ulit ng bigla na lang nagkagulo sa labas ng kanyang tent. Dinig niya ang mabilis na mga yabag ng ilang sundalo patungo sa lokasyon niya. Kahit ang intel na kanina ay naka-luhod, ngayon ay bigla rin napa-tayo at alertong napahawak sa puluhan ng kanyang espada.

"Kumander Loxim! Kumander Loxim!" Ang tantya niya ay mahigit labing limang metro pa ang layo ng sumisigaw sa kanyang tent.

Dala ng init ng kanyang ulo, mabilis siyang lumabas upang alamin ang nangyayari.

"Anong nangyayari?!" Malakas ang boses na sigaw niya sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng kanyang tent.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang humahangos na tauhan. Pawisan ito at kitang-kita ang takot sa mukha. Lalong lumalim ang kunot ng noo ni Loxim dahil dun.

"Speak!" Aniya.

Habol ang hininga at sinikap ng lalake na huminahon.

"Hanaj Soldiers.. Kumander, Hanaj soldiers..." Hinigingal parin ang sundalo.

"Fuck! What about those soldiers?!" Malakas na sigaw ni Loxim.

Napa-flinch ang sundalo bago napalunok. This time, he finally calm down. Tuwid ang likod at seryoso ang ekspresyon ng mukha na nagsalita ito.

"Hanaj Kingdom, is currently under attack by powerful fire ability user. Kumander, I'm afraid, they will soon be wiped out."

"Wiped out?! Dahil lang sa isang Huluwa na may fire attribute?! Niloloko mo ba ako?!" Sinaklit ni Loxim ang kwelyo ng sundalo dahil sa iritasyon.

Sinong tanga ang maniniwala na kayang i-wiped out ang buong Hanaj soldiers?! Kahit nga ang leader ng Embers ay nahihirapan na pasukuin at sakupin ang Hanaj Kingdom gamit ang Acon monster. Tapos sasabihin ng polpol na sunadalong ito na isang fire user ang kasalukuyang umaatake sa Hanaj soldiers na idinispatch ng kaharian?

Oo, maliit lang na kaharian ang Hanaj. Pero ang taglay na kapangyarihan ng mga ito masasabing top notch sa lahat ng tatlong kaharian na malapit sa Drakaya. Bawat nilalang na naka-tira sa Hanaj ay may kapangyarihan ng forest. Sa madaling salita, Hanaj kingdom is comparable to the kingdom of elf. Magaling sila sa archery, camouflage and they can also control the power of forests which are fire, air, water and earth. Sila na ang pinaka-makapangyarihang kaharian sa mundo ng Terra crevasse ayun sa mga matatanda.

"Kumander, noong una ay hindi rin ako makapaniwala. Pero totoo ang sinasabi ko. A man with strong fire attribute is trying to wiped out the whole army. Sa tulong ng dalawang matatangkad na tao na kulay puti, hindi manlang magawang gamitin ng mga Hanaj soldiers ang kanilang kapangyarihan bilang Elf." Salaysay pa ng sundalo.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Loxim sa narinig at sa nakitang kaseryosohan ng mukha ng kanyang tauhan.

"Dalawang puting tao? Anong ibig mong sabihin? Kailan pa nagkaroon ng kaharian na may kulay puting tao ang Terra Crevasse?" Tanong ni Loxim habang dahan-dahan niyang binibitawan ang kwelyo ng sundalo.

"Kumander, ang dalawang iyon ay isang lalake at isang babae. Ang kanilang mahabang buhok ay kakulay ng silver, ang kanilang mga mata ay kumikinang na kulay ginto. Higit sa lahat, they are taller than 12 feet. Sa bawat pag-kumpas ng kanilang mga kamay sumasabay ang pag-kislap ng kanilang mga kulay gintong mga mata. At kapag nangyari yun, bigla na lang natutulala ang mga Hanajians." Pag-kukwento pa ng sundalo.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Loxim. Namilog ang kanyang mga mata habang awang mga labi na nakatitig sa tauhan. Iniisip kong sino-sino ang dalawang nilalang na iyon at kung saan sila nang-galing. Ngayon lang niya narinig ang balitang iyon kaya wala siyang ideya.

"Saan daw galing ang mga taong iyon?" Nanghihina na tanong ni Loxim.

Umiling ang lalake bago sumagot. "Walang nakaka-alam, Kumander. Maliban pa doon, bukod sa tatlong gumagawa ng massacre. May kasama pa silang dalawang tao. Ang lalaki ay may kulay aqua blue na buhok, habang ang babae ay kulay puti at itim ang buhok. Kumander, umatras na tayo. Napansin ko na mas delikadong kalaban yung dalawang nanonood lang."

"What? Paano mo nasabi?" Sapo ni Loxim ang noo habang nagtatanong.

"Dahil.... They're just roasting Sikriya habang nagtatrabaho ang tatlo. Tapos, nakita ko na parang tinuturuan ng lalakeng may aqua blue ng buhok kung paano palakasin ang fire attribute ng fire user." Sagot ng sundalo habang nakayuko.

Napa-isamg hakbang paatras si Loxim. Nang may maalala, marahas siyang napalingon sa Intel na nag-report kanina.

"Go, investigate the current situation ng buong Sediorpino Kingdom! Report back quickly!" Utos niya sa lalakeng mabilis na yumuko at nawala sa paningin ng lahat. "Order all soldiers to prepare!" Sigaw ni Loxim sa mga nasasakupan.

Samantala, sa lokasyon kung nasaan ang nangyayari ang nasabing massacre. Naglilingas ang buong katawan ni Rowel habang sinisikap na bumuo ng malaking bolang apoy na gagamitin niya sa tuluyang pag-ubos sa buong kasundaluhan na umatake sa kanila nang mapadpad sila sa lugar kanina lang.

Ang plano nila ay dumiretso sa silangang bahagi ng Terra Crevasse, subalit bigla na lang nilang napansin na pabalik-balik lang sila sa kanilang dinaanan. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Veronica pero bigla na lang nitong binalot ng manipis na barrier ang buong lugar at tsaka siya inutusan na sunugin. Noong una, nahirapan siya dahil ayaw gumana ng kanyang fire attribute.

"Kuya Rowie, let us help you!" Iyon ang sinabi ng dalawang magkapatid na bigla na lang ibinalik ang totoong anyo.

At dahil dun, gamit ang divine powers ng mga ito, they control the mind of those Elfs habang pinauulanan niya ito ng fire rain. Sa tulong nga ni Ravi, itinuro sa kanya ng dragon kung paano palakasin ang kanyang kapangyarihan. Pero ang pinagtataka ni Rowel at Ravi.

Bakit tahimik si Veronica at gusto ng babae na tapusin agad ang kanilang trabaho? Pakiramdam nila ay may tinatagong galit sa dibdib ang kaibigan niya at kahit si Ravi ay hindi magawang magtanong.

"Master, anong plano mo pagkatapos nating ubusin ang buong kasundaluhan ng Hanaj?" Tanong ni Ravi sa walang imik na si Veronica.

"What else? Kill those bastard, eh." Malamig ang boses na sagot ni Veronica.

Nagkatinginan sina Rowel at Ravi. Sa kanilang mga mata ang tanong na..

What's wrong?!


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C33
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄