下載應用程式
60% THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 27: DOWNFALL

章節 27: DOWNFALL

Malalim na napa-kunot ang noo ni Nexus nang mapansin ang parang bubbles na naka-saklob sa buong kaharian ng Sediorpino Kingdom. Ang kaibahan nga lang sa barrier na ito kumpara sa barrier ng Drakaya, ang barrier ng Sediorpino ay kulay gray at parang may static ng lighting.

Ang mga tauhan na naka-palibot sa grupo ng kanyang bihag ay kasalukuyang naka-tingala rin. Samantalang ang dalawang Devinian ay nakapag-tatakang katabi na ng babae na nasa kanyang harapan.

"Anong ginawa mo sa buong kaharian?" Tanong ni Nexus kay Veronica habang naka-tingala.

Si Ravi ay mabilis na ginamot ang dalawang Devinians na tumigil na rin sa pag-iyak bagamat ang batang lalake na mas matangkad pa kay Ravi ay nakayakap parin sa kanyang nakatatandang kapatid na si Agartha. Umiiyak ang bata dahil na rin siguro sa trauma nang pambubogbog ng tauhan ni Nexus.

"Nothing much." Sagot ni Veronica na ngayon ay naka-ngiti na. "Hindi ko lang akalain na ang nilikha ko pa pala ang susubok na sirain ang buong mundo ng Terra Crevasse. Ang nakaka-inis pa, sinubukan mo pang gumawa ng malaking gulo between Devine world and Terra." Dugtong pa niya habang humahakbang ng dahan-dahan palapit sa na estatwang si Nexus.

Gayunpaman, mabilis na naka-bawi sa pagka-gulat ang lalake na may hawak ng black crystal. Dahil bigla na lang itong binalot ng maitim na usok na nakalalason. Ang mga tauhan nito ay napa-flinch pa ng malanghap ang usok na pinakawalan ng kanilang pinuno. Maaring poisonous fog ang naturang kapangyarihan ng mga Sediorpino, subalit sa kasalukuyan, ang lason na naka-halo sa usok ni Nexus ay lubhang nakamamatay kahit para sa mga tauhan nito.

Kung hindi nagkakamali si Veronica, this poison is called, The soul breaker. Ang sino mang makakalanghap ng usok na may lason ay hindi lang basta physically na mamatay. Kundi, wala narin kakayahan pang ma-reincarnate dahil mismong ang kaluluwa ng isang tao ang tinatarget ng lason. Nakaktakot kung tutuusin. Maaring pati si Rowel at Ravi ay hindi makakaligtas kung sakaling malalanghap ang Soul Breaker ni Nexus. Pero dahil kasama nila si Veronica, ofcourse they are safe.

"So, ikaw pala ang naglagay ng protective barrier sa Drakaya. Good work! Pero sa palagay mo ba makakalabas ka pa ng buhay dito sa Sediorpino?! Hahaha!" Parang nababaliw na sambit ni Nexus.

Ang mga mata ng lalake ang parang apoy na ngayon. Veronica now understand. Dahil sa lakas at kapangyarihan ng Black crystal, masyado ng kinain ng inggit at galit ang buong pagkatao ni Nexus. Maaring iyon din ang dahilan kung bakit nagawa nitong patayin ang sariling Kuya na dating hari ng Sediorpino.

Maaring malakas nga ang Black Crystal na hawak ng lalake. Subalit, ngayon din ay naunawaan ni Veronica na ang Crystals na galing ika-pitong firmament ay maaring gamitin depende sa nais ng iyong puso. Hindi porke't kulay itim ang crystal ay maitim na rin ang kapangyarihang taglay nito. Nagkataon lang na dahil sa Black crystal ay lalong lumakas ang poison fog ni Nexus na dating natural na kapangyarihan ng lalake.

"Ang mundong kinabibilangan mo ay ang mundong ginawa ko. Sa palagay mo ba, mapipigilan ako ng isang katulad mo kung gugustuhin kong pumunta sa kung saan?" Sagot ni Veronica habang iniaangat ang isang kamay. "Ang Black crystal na nasa loob ng katawan mo hindi dapat na sa iyo. Dahil sa ginawa mo, maraming inosenteng tao ang nadamay. Ginawa ko ang Terra Crevasse para tirahan ng mga taong gustong mabuhay na malayo sa kapahamakan. Pero ikaw, isa kang peste na hindi marunong makontento sa buhay na binigay ko." Dugtong pa ni Veronica.

Sa pag-senyas ng kanyang kamay, ang kulay grey na barrier ay naging kulay itim. Ang kidlat na kanina lang ay nakasilip sa itaas ay bigla nalang nangalit at ngayon ay paisa-isa ng humalik sa kalupaan. Maliban pa doon, kung ang normal na kulay ng mga kidlat na nakikita ng mga mata ng mga tao ay kulay light blue at orange lang, ngayon ay parang rainbow ang kulay ng kidlat na tumatama sa kalupaan ng Sediorpino.

Bawat kulay ng kidlat ay nangangahulugan ng sukat ng boltahe na taglay ng bawat kidlat. Kung ang kulay light blue ang tinaguriang pinaka-malakas na kidlat kumpara sa kulay orange. Ngayon ay masasabi ng lahat na kahit ang lighting rod na dinisenyo pa ng isang scientist ay hindi uubra sa lakas ng kulay pula, purple, yellow, green na kidlat.

Sa bawat pagtama ng kidlat sa kalupaan ay ang malakas na sigaw ng bawat tauhan ni Nexus na tinatamaan. Parang binuhusan ng suka ang kulay ng mukha ng lalake ng sa wakas ay naunawaan nito ang mga sinabi ni Veronica. Gayunpaman, mabilis din itong nakabawi dahil mabilis nitong inatake ang batang Devinian na kapatid ni Agartha.

"No! Don't kill my brother!" Sigaw ni Agartha ng makita ang biglaang pag-itim ng katawan ng kapatid.

Mabilis namang binalot ni Veronica ng body protective barrier ang katawan ng bawat isa. Nawala ang soul breaker sa katawan ng bata habang mabilis naman itong ginamot ni Ravi. Si Rowel naman ay nag-pakawala din ng kanyang fire balls na ngayon ay naka-palibot na sa buong kalangitan ng Sediorpino kingdom.

Hindi akalain ni Veronica na ganito na kalakas ang kanyang bff. Nakaka-proud.

"If I'm gonna die, I will bring you all with me!" Sigaw ni Nexus na mabilis ding binalot ng maitim na usok ang loob ng barrier na ginawa ni Veronica.

Lihim na nakaramdam ng inis si Veronica. She is the Suzerain yes. But this man is using the power of black crystal from God's domain. Sa madaling salita, hindi nalalayo ang kapangyarihan nilang dalawa. Mabuti na lang, Nexus has only one ability. Kung nagkataon na tatlo ang kapangyarihan ng lalake, aaminin niyang mahihirapan siya.

Ang kulay itim na ulap na naka-palibot sa itaas ng Sediorpino ay biglang naging kasing lapad ng isang oval. Ang mga mata ni Veronica ay naging kumikislap na light blue. Ang kanyang buong katawan ay kasalukuyang nababalot na rin ng Electricity na nag-pakaba kay Nexus.

"Who the fuck are you?!" Sigaw ng lalake habang naka-unat ang mga kamay habang patuloy na pinalakas ang lason sa hangin.

Maaring dahil na rin sa madilim na paligid, hindi na makita ng lahat kung ano ang nangyayari sa paligid. Basta ang kanilang naririnig lang ay ang mga daing ng bawat tao sa paligid at ang kalampag ng kanilang pag-bagsak.

"Devine Judgement." Mahinang sambit ni Veronica.

Sa isang iglap lang, napa-tingala si Nexus at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kulay gold na lotus flower sa itaas na nakataob. Ang pagkakataon nito ay naka-tutok sa kanya. Ang pinaka-gitna ng bulaklak na lutos ay may kulay rainbow na unti-unting nabubuo. Ilang sandali pa, parang isang drum ng kidlat ay bumulosok paibaba.

Napa-luhod ang lahat ng para bang isang malakas na missile ang bumagsak sa lupa na tumapos at ginawang abo si Nexus. Kasabay ng pagiging abo nito ay ang pagkawala ng itim na usok sa paligid. Dinig ni Veronica ang pag-singhap ng mga tao sa likuran niya. Bakit ba naman hindi, dinaig pa kasi ang isang malaking crate ang nangyari sa buong Sediorpino.

As in, wiped out ang buong kaharian. Sa gitna ng crate, mabilis na napansin ni Veronica ang pagkislap ng kulay itim na crystal. Iniunat niya ang isang braso at tsaka pinalutang ang crystal. Mabilis itong napasakamay niya. Ngayon ay kasinglaki na lang ng crystal na nakalagay sa kanyang noo.

"Ahm.. Master, ang plano ay burahin lang sa mundo ng Terra crevasse ang taong may hawak ng Black crystal, hindi yung burahin sa mapa ang buong Sediorpino kingdom." Kalabit sa kanya ni Ravi.

Nilingon ito ni Veronica habang umaangat ang crystal papunta sa kanyang noo. "Exactly! Binura ko ang taong dahilan ng lahat. Malay ko bang ganito na ako kalakas. Don't worry, gagawa na lang ako ulit ng bagong kingdom." Naka-snob na sagot ni Veronica.

Napa-nganga naman si Ravi. Minsan talaga gusto din niyang upakan ang kanyang master. Wala lang talaga siyang kakayahan kaya napa-tango na lang ito.

Kaya lang, tulad ng naunang pag-tatak ng white crystal sa noo ni Veronica, muling nabalot ng malakas ng mana burst ang katawan ng dalaga. Mabilis na binalot ni Ravi ng barrier ang mga kasamahan na ngayon ay nadagdagan na ng dalawa. His original figure as a dragon also showed up. Kumpara sa mana burst na nangyari noong una, parang naging times two ang mana energy wave na pinakawalan ni Veronica ngayon. Ilang beses din siyang sumigaw dahil sa kapangyarihan na halos hindi kayanin ng kanyang mortal na katawan.

Ilang minuto din ang lumipas bago naging panatag ang lahat. Her black hair turned half black half white. White sa tuktok, black ang kalahati. Sa pagkatapos ng energy wave, saka lang nila napagtanto na napapalibutan na pala sila ng mga sundalo ng Sediorpino na nakasalumuha nila nung lumakbay sila palabas ng Drakaya.


next chapter

章節 28: THE EXTENTION

Makalipas ang ilang minuto, ang mga dating tauhan ni Nexus na nakapalibot sa kanila ay nasa harapan na lahat ni Veronica. Ang pulang mga mata ng mga ito ay bumalik na sa kulay itim. Ang dahilan ng pagbabago ng kulay ng mga mata ng Sediorpino ay dahil narin sa brainwashing na ginawa ni Agartha sa mga ito ayun na rin sa utos ni Nexus. At dahil patay na ang salarin, pati ang kanilang pag-iisip naging malaya na rin sa ano mang kumokontrol sa mga ito.

"Ano na nga ulit ang pangalan mo? Oki? Loki? Soki?" Kaharap at kausap ni Veronica ang matandang lalake na kumausap sa kanya doon sa batalyon ng mga sundalo ng Sediorpino kamakailan.

"Nika, pagkakatanda ko Roki pangalan niya." Sambit naman ni Rowel na ngayon ay karga ang isang taon na Devinian na tinuruan niya kung paano mga paliit ng katawan. Agartha is also carried by Ravi.

"Anong Roki ka dyan, pagkakatanda ko Boki pangalan niya. Sigurado ako dun!"

Ang matandang kasalukuyang naka-luhod sa harapan ni Veronica ay lihim na nanginginig sa inis at pagkainsulto. Maaring malalakas nga ang mga taong nasa harapan niya ngayon, subalit masyado naman atang puno na ang isip dahil pati pangalan niya ay hindi man lang natandaan. Kunsabagay, sino ba naman siya para matandaan pa ng mga ito? Hindi ba't minaliit niya ang grupo nung nasa loob ng tent ang mga ito?

"Miss.. Moki ang pangalan ko. M. O. K. I. Moki." Hindi na nakatiis kaya nagsalita na ang matanda.

"Ayah! Wala man lang tumama sa hula ko." Sambit ni Veronica habang bahagyang kinakamot ang tuktok ng ulo.

"At dahil walang tumama, ikaw parin ang bibili ng pagkain natin. Gutom na kami, Nika!" Pag-mamaktol ni Rowel.

Dapat kasi kakain sila kung hindi lang nangyari ang paghaharap nila ni Nexus. Wala na tuloy lugar na pwedeng paglutuan ng pagkain. Debale, siguro babalik na lang sila sa Drakaya para doon kumain. At isa pa, kailangan niyang iiwan sa palasyo ang dalawang bata para pansamantalang alagaan ng mga tao ng palasyo.

"Fine! My treat." Sagot ni Veronica na ang isip ay biglang na-focus sa binatang hari ng Palasyo. "Ehem.. So, Moki. Tell me what happened before Nexus brainwashed all of you." Ani Veronica habang naka-pangalumbaba.

Umangat ang ulo ni Moki na bahagyang nakasubsob sa lupa at tsaka nagsimulang mag-kwento.

"Nangyari ang lahat nang minsang nag-paalam si prinsipe Nexus sa hari upang mag-hunt. Nang umalis siya sa palasyo, normal pa ang lahat. Subalit bigla na lang bumukas ang langit ng araw na yun at nakita namin ang kulay itim na apoy na bumulusok paibaba. Nang malaman ng Hari na ang itim na apoy na bumulusok ay bumagsak kung saan naroon ang prinsipe, mabilis niya kaming isinama sa lugar upang sana hanapin si Nexus." Pagkukwento ni Moki.

"Then? Anong nangyari? Patay na siya nang makita nyo, tapos biglang nabuhay?" Tanong ni Rowel.

Sunod-sunod ang pag-iling ni Moki bago muling nag-salita. "Sa mismong pinag-bagsakan ng nasabing itim na apoy, nakita namin na naka-lutang si Nexus habang naka-higa ang dalawang matatangkad na tao sa lupa at walang malay. Maliban pa dun, nababalot ng itim na usok si Nexus at ang kanyang mga mata ay kulay pula. Nang tawagin ng Hari ang kanyang pangalan ay saka lang siya parang nahimasmasan, o yun ang akala namin." Nanginginig ang katawan ni Moki habang nagkukwento.

"Nang makabalik kami sa Palasyo, nagkulong lang si Nexus sa kanyang kwarto nang ilang linggo. Kahit ang hari ay hindi niya kinakausap. At nang dumating ang araw na lumabas na siya, doon na nagsimulang magbago ang lahat. Unti-unti na namin napansin ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ng mga taga Sediorpino. Hanggang sa isang araw, nang ipatawag ako ng Prinsipe, pagpasok ko sa kanyang silid, bigla na lang ako nakaramdam ng pagsakit ng ulo."

"Hmmm.. So sa madaling salita, hindi brainwashing ang ginawa ni Nexus." Seryosong sambit ni Veronica.

"Miss, nang sumakit ang ulo ko nakarinig ako ng mga salitang kakaiba." Ani Moki na ngayon ay nakikita sa mga mata ang takot habang inaalala ang nangyari.

"Anong salita?" Kunot noong tanong ni Veronica.

Napa-lunok si Moki bago nag-patuloy. "Sa pag-sapit ng paghahanay ng mga araw sa bawat pitong firmament, ay ang pag-takda ng pag-salakay sa nag-iisang hari ng God Domain. At sa araw na iyon, ang lahat ng mundo sa ilalim ng ika-firmament ay maglalaho." Ani Moki na ngayon ay tuluyan na ngang umiyak.

Samantala, napa-tuwid namang ang likod ni Veronica sa narinig. Sa paghahanay ng araw? Yes, base sa detalyadong plano ni Nyuweko sa pag-gawa ng anim na firmament sa ilalim ng God Domain, ang mga araw ay iisa lang at iisa lang din ang lokasyon na katulad ng sa ibang firmament. Tanging ang buwan lang mag-kakaiba ng bilang. Sa madaling salita, kung maghahanay ang mga pitong araw paitaas, nangangahulugan iyon ng paghina ni Nyuweko. At kapag mahina ang Dyos ng lahat ng mga Dyos, tungkulin ng mga Suzerain ang bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ni Nyuweko. Iyon ang kanilang totoong tungkulin.

"Kailan nangyari ang pagbagsak ng sinabi mong itim na apoy?" Seryosong tanong ni Veronica.

Hindi niya masabi na crystal ang bumagsak. Kailangan niyang itago ang katotohanan dahil kailangan niyang alamin ang lahat ng tungkol sa nangyari nung wala pa siya nakakabalik.

"It happened, 45 years ago." Sagot ni Moki.

45 years ago, ayun sa kwento ni Yohan, sampung taon siya ng salakayin ng Embers ang kanilang palasyo. Labing-limang taon bago nangyari yun, ay ang pag-simula ng pag-lutang ng mga huluwa sa buong Terra Crevasse. Ibig sabihin, hindi lang ang mga Embers o ang ina ni Yohan ang unang Huluwa na tumapak sa Terra. Kung gayun, sino-sino ang mga matatandang Huluwa sa Terra? At saan na sila ngayon?

"I see.. Stand up. Kailangan kong bumalik sa Drakaya upang iiwan sa pangangalaga ni Yohan ang dalawang Devinian bago ako muling maglakbay." Pag-iiba ni Veronica ng topic.

Maraming bagay ang nababalot sa buong Terra Crevasse at kailangan niya iyong tuklasin bago siya pumunta sa tabi ni Nyuweko kasama ng ibang Dyos ng ilang Suzerain.

"Miss, wala na kaming matitirhan, pwede bang..."

"Don't worry, this kingdom will be part of Drakaya under my protection. At gusto kong ikaw, Moki, ang mamuno sa Sediorpino sa ilalim ng hari ng Drakaya. You will be the Duke of Sediorpino palace." Ani Veronica habang naka-tingala.

"D-Duke? Ako? P-pero Miss, ang alam ko lang ay ang mamuno ng kasundaluhan ng palasyo." Kanda-utal na sambit ni Moki habang pinag-papawisan ng malamig.

Ang mga tauhan nito lihim na napapa-ngiti. Nakikita ni Veronica na malaki ang tiwala ng mga ito kay Moki.

"At yan naman talaga ang katungkulan ng isang Duke. You will be his right hand na magpo-protekta sa buong Drakaya. Ikaw ang huhubog sa lahat ng kasundaluhan ng buong kaharian. Mamaya, sa harap ng hari, ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan ng pag-hubog sa kakayahan ng lahat ng nasasakupan mo."

"Kapangyarihan?" Naka-tilt ang ulo ng matandang lalake habang naka-tingin sa kanya.

"En. The power called, The shadowless sword. At ikaw ang tuturo kung paano maging Shadowless swordman sa buong Drakaya." Seryosong tugon ni Veronica na nag-pabilog sa mga mata ng matanda.

Ang mga tauhan nito ay sabay-sabay na napa-singhap sa narinig. Samantala, mabilis namang umangat sa itaas si Veronica at tsaka iniunat ang kamay sa deriksyon kung saan ang Drakaya.

Samantala, nataranta ang mga tao sa buong Drakaya kingdom ng mapansin ang pag-galaw ng barrier sa buong kaharian. Patakbong lumabas ng palasyo sina Jevro at Yohan at kunot noong pinanood ang pag-galaw ng barrier. Bumukas ang barrier at nakita nila kung paano nag-dugtong ang barrier ng Drakaya sa barrier ng Sediorpino kingdom.

Lihim na napa-lunok si Yohan. Ibig-sabihin, nasakop na ni Veronica ang kaharian ng Sediorpino at pwede na siyang pumunta doon ng ligtas. Wait, does it mean, naroon si Veronica sa Sediorpino ngayon?!

"Veronica..." Bulong niya.

"Your Majesty, look!" Sambit ni Jevro habang itinuturo ang deriksyon ng Sediorpino.

Sinundan niya ng tingin ang itinuturo ni Jevro. Ganun na lang ang pagkalabog ng kanyang dibdib ng makita ang isang grupo ng tao na parang mabilis na lumalapit sa Drakaya kingdom. Hindi nga siya nagkamali, ang nasabing grupo ay talagang lumalapit gamit ang teleportation.

"Damn! Don't tell me, she conquered the Sediorpino kingdom that easily?!" Gulat at mamamanghang sambit ni Jevro habang pinapanood ang pag-lapit ng mahigit 300 katao.

Hindi sumagot si Yohan. Ang kanyang mga mata ay kasalukuyang nakatutok sa iisang imahe na nasa unahan ng grupo. Her long hair has different colors compare noong umalis ito sa palasyo. And she's more beautiful than she was before.

"Eh? Anong ginagawa ng hari dito sa labas ng palasyo?" Tinig ni Veronica ang pumukaw sa naglalakbay na diwa ni Yohan. Nasa harapan na niya ang babae at kasalukuyang naka-titig sa kanyang mga mata.

Dahil na rin siguro wala siya sa sariling pag-iisip ng mga sandaling iyon, mabilis niyang hinawakan ang braso ni Veronica at hinila palapit sa kanya. Sa isang iglap lang, nakulong sa kanyang bisig ang gulat na si Veronica.

"You're back.." Sambit ni Yohan.

Ang mga kasama ni Veronica sa kanyang likuran kasama si Jevro ay napa-nganga na lang. Habang si Veronica ay ilang beses na napa-kurap bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C27
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank 200+ 推薦票榜
Stone 0 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄

tip 段落評論

段落註釋功能現已上線!將滑鼠移到任何段落上,然後按下圖示以添加您的評論。

此外,您可以隨時在「設置」 中將其關閉/ 打開。

明白了