下載應用程式
25% Tanging Ikaw Lamang / Chapter 6: Chapter 6

章節 6: Chapter 6

HE IS FULLY aware na isang buwan lamang ang internship nila Danelle. At kay bilis lumipas ng mga araw. Parang kailan lang kasi nangyari ang araw na una silang nagkita. And to be honest, hinahanap niya ito sa hindi malamang dahilan.

Kaninang umaga ng mapadaan siya sa Marketing Department, he was expecting to see Danelle sa cubicle ni Helen. Ngunit nakalimutan niyang mag-iisang linggo na ang nakalipas magmula ng umalis ang interns ng department.

Oh, why? He is interested. Period. May kakaiba siyang nakikita sa pagkatao nito which is interesting para sa kanya. Love at first sight? No, impossible dahil wala sa bokabularyo niya ang ma-inlove. Hindi niya alam, pero parang ayaw niyang pakawalan ang babaeng ito.

At ngayon pa lang ay parang alam niya na ang kailangang gawin. Katulad ng mga ginagawa niya dati.

Naisipan niyang padalhan ito ng isang text message. You have something important to do today?

Ilang sandali ay nagreply ito. Kinda busy sa trabaho. Why?

Napakunot noo siya. Ang alam niya sa bar ang trabaho nito at tuwing gabi lamang. Tinatamad siyang pindutin ang keypad ng cellphone. Tinawagan niya ito. "If I am not mistaken, part time job mo ang pagkanta sa bar with your band. At tuwing gabi lamang iyon, 'di ba? Why are you working now? Where?"

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. "Well, part time jobs," pabulong na sabi nito. "Dalawa ang trabaho ko."

"Why are you whispering?"

"Bad timing ang pagtawag mo, Sir. Nandito kasi ang supervisor ko. I'll hang up now. Bye."

"Wait!" Pinaikot niya na lamang ang mga mata. Bakit dalawang trabaho ang pinasokan? Daig pa nito ang presidente ng bansa sa pagkahardworking. For what?

Nang mabasa niya ang background information sa university, Danelle's a full scholar. Which means, wala na itong poproblemahin sa buwanang allowance nito, school fees maliban sa mga subjects requirements nito, at sagot na rin ng Scholarship Foundation ang thesis allowance at graduation fee nito. At sa pagkakaalala niya, wala itong problema sa tinutuluyan dahil bayad na ang pad unit nila ni Carla. Kaya bakit kumakayod ito ng husto sa pagpapart time?

Hindi niya alam. At gusto niyang malaman.

Maaga niyang tinapos ang trabaho niya sa opisina. May kinakailangan siyang lakarin. Habang nagmamaneho ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Aljune.

"Speak!" aniya matapos ilagay sa speaker phone.

"Nasa office ka pa?"

"Maaga akong nag-out. May pupuntahan lang ako. Why?"

"Wala lang."

"Wala lang pala bakit tumawag ka pa?"

"About Danelle."

Kung kaharap niya ito malamang hindi nito magugustohan ang reaksiyon niya. Kumunot ang noo niya at nagtagis ng bagang. Nagpakawala siya ng isang malalim at malakas na buntong hininga. Gusto niyang marinig nito iyon. "What about her?"

"Total matagal na rin kayong magkakilala na dalawa, I'm sure you had her cellphone number. Kung ayos lang, hihingin ko sana."

Nag-init ang tenga niya. "Why?"

"You know, I want us to get to know each other better." Tumawa pa ito.

"What do you want from her, Aljune?" Kinokontrol niya lang ang tuno niya.

"I like her, Dexter. "

Oh, alam niya iyon. "You know what, tigilan mo na iyang kalokohan mo na iyan. Wala kang mapapala sa akin, Aljune. And I guess, you'd better concentrate in your responsibilities."

"Dexter, at para namang hindi mo ako naiintindihan."

"What do you want from Danelle?" This time, tumaas na ang boses niya.

"You know what I want. Pareho lang tayo, pinsan."

"Oh no, we're not. May asawa at anak kana kaya dapat mong pagtuunan ng pansin ang obligasyon at responsibilidad mo sa kanila. And please, leave Danelle alone, okay? She's no longer part of your concerns in life."

Pinatay niya na agad ang cellphone niya. Ayaw niya ng makarinig pa ng kahit na ano mula rito.

Damn this man! He knew him so well. Kaliwa't kanan ang siyang naging babae nito. Ang pagiging babaero nito ang siyang dahilan kung bakit muntikan ng masira ang samahan nito at ng asawa nito. Ang buong akala nila ay handa na itong magbago. Ngunit mukhang hindi.

Alam na alam niyang may binabalak ito kay Danelle. Pero hanggat maaari, gagawin niya ang lahat huwag lang nitong malapitan si Danelle.

*** *** ***

IT'S A BUSY DAY!

Hindi maiwasan ang pagkakaroon ng sandamakmak na customer sa shop lalo na at bukas ay araw ng mga puso. Nitong nagdaang linggo ay palagi silang nauubusan ng stocks ng mga paninda nila.

Laking pasasalamat ni Danelle dahil hindi niya kailangang hatiin ang oras niya sa pag-aayos ng marketing report niya at trabaho. Hawak niya ang lahat ng oras sa mundo niya.

Pinakagusto niya kapag may event buwan-buwan ay pupwede silang magextend ng oras nila sa trabaho at babayaran iyon. Kaya naman she's grabbing this opportunity.

It was unexpected to received a call from Dexter. Magmula ng matapos ang internship nila sa Lenares Group Inc. , wala na siyang narinig pa mula rito. Inisip niya na lamang na kung ano man ang mga masasayang pangyayari na namagitan sa kanila ay balewala lang.

Pero ang marinig niya ang boses nito at makausap, pakiramdam niya ay lalabas na ang puso niya sa dibdib niya. Kung bakit pa kasi ngayong araw na ito naisip nito na tawagan siya kug kailan abala siya. Sana man lang nakapag-usap sila ng medyo matagal.

Hi-Hello. How are you? - How are you, too?. I missed you.- I missed you, too. Mga ganito kasimpleng bagay malamang magkakaroon na ng malaking kaibahan sa takbo ng buhay niya.

Come on! Nananaginip ka na naman ng gising.

And yes, sometimes she's dreaming wide awake. Gusto niyang isipin na ang dahilan kung bakit siya niyayaya nitong lumabas dahil may gusto rin ito sa kanya. Oh, "may gusto rin"?. Well, she likes the guy and it's obvious.

Ibinalik niya na lamang ang atensiyon sa trabaho niya. Matapos ibalot sa newspapers ang mga bulaklak ay agad niyang inabot iyon sa customer. "Thank you for coming."

Iniligpit niya ang kalat sa mesa. She likes her work. Mag-tatatlong taon na rin siya sa flower shop at ini-enjoy niya ng husto ang pagiging head ng Wrapping Section.

"Excuse me, Miss!"

"For a moment, Sir," aniya habang patuloy sa ginagawa. Hindi niya man lang nagawang tingnan ang customer.

"Ang gwapo niya!"

Napatingin siya sa dalawang kasama na naghaharutan. Napailing-iling siya. Sa tuwing nakakakita ang mga ito ng gwapo ay tila ba nagkakaroon ng kati sa katawan.

"Asikasuhin mo ang gwapong customer natin, Danelle, " sabi ng kasama sa kanya. May inaasikaso rin kasi ang mga ito.

Nang matapos ay saka lamang siya bumalik ng glass stand kung saan naghihintay ang customer. At ganoon na lamang ang pagkagulat niya. Ang kanina lang ay nasa isip niya ngayon ay kaharap niya na.

"Sir Dexter!" nasambit niya. Halatang galing pa itong trabaho dahil sa porma nito. Napasilip siya sa orasan. Pasado alas singko pa lamang ng hapon. Bakit nasa labas ito ng opisina?

Kumunot ang noo ni Dexter.

"D-Dexter," agad niyang bawi. "A-Ano ang ginagawa mo rito? "

"Ano ang ginagawa ko rito? " pagbabalik tanong nito sa kanya. "Danelle, this is a shop. You yourself knew kung ano ang ginagawa ng customers niyo rito." Itinaas nito ang plastic bags para makita niya.

"Y-Yes, of course," nahihiyang sambit niya. Ano ba kasi ang iniisip niyang dahilan kung bakit ito nandito? "I mean, ano ang ginagawa mo rito sa Wrapping Section? " palusot niya.

"Nakita kasi kita habang pumipila ako sa counter. So, lumapit ako rito and just to be sure nga ikaw nga ang nakita ko sa may 'di kalayuan. At mukhang busy ka nga kaya siguro hindi mo ako napansin."

"I'm working here."

"I can see that."

"Oh." Napangiti siya. "So, you need anything here?"

"Flowers."

"Alright. We have roses, lilies, orchids, carnations..." At habang ini-enumerate niya ang mga paninda ay hindi mawala sa kanya ang mag-isip kung kanino nito ibibigay ang mga bulaklak.

"Roses will do," ani Dexter.

"What would you like to prefer? Bawat kulay kasi may kahulugan."

"For someone special. "

"Ah. Red roses." Red roses. Napangiwi siya."Isang dosena?"

"Half dozen will do."

"Okay." Tinungo niya ang kinaroroonan ng mga rosas at kumuha ng anim na piraso. Red roses symbolize love. Ngayon pa lang alam niya ng wala na siyang chance. Sumikip bigla ang dibdib niya sa kaalamang iyon.

"Half dozen of white roses na rin," dagdag pa nito.

"Okay." White, purity. Red to white. Pure love. Kumuha siya ng anim na piraso ng puting rosas. "What else?"

"Half dozen of yellow roses."

Oh. Friendship. Pure love for...friendship? Para bang nabuhayan siya ng loob. To his special friend. Sana lang. "Meron pa?"

"Wala na."

"You want me to wrap them?"

"Yes, please."

At wala pang fifteen minutes ay natapos niya iyon. Based on experience na rin, alam niya na ang iba't ibang estilo ng flower wrapping. "Here."

"Wow. Ang bilis ah!"

"Nagustohan mo?"

"Very nice."

"Tiyak magugustohan iyan ng pagbibigyan mo."

"You think? "

"Yes." Kumuha siya ng calculator at kinuwenta ang babayaran nito. "Six hundred thirty pesos in all," aniya.

Dinukot nito ang wallet at kumuha ng one thousand peso bill. Inabot nito iyon sa kanya.

"Thanks." Inabot niya ang sukli.

"You're welcome," anito at kinuha ang sukli mula sa kanya. "Here, this is for you."

Her mouth drops open habang nakatitig sa bouquet na inabot nito sa kanya. Everything is in slow motion. Napatingin sa kanila ang mga nandoon. At ang dalawang kasama ay nagtititili.

"P-Para sa akin?" naitanong niya.

"Yes, for you."

Oh my gosh! Is this really happening? Naramdaman niya ang biglang pag-init ng mukha niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang bouquet.

"I'll go ahead. It's nice seeing you again, Danelle. Bye."

Nasundan niya ito ng tingin hanggang makalabas ng shop. For the second time around, nakatanggap siya ng bulaklak mula rito sa nakakagulat na paraan.

"Sino iyon, Danelle?" tanong ng kasama sa kanya. "Boyfriend mo? Ang sweet naman!"

"He's just a friend," pagtatama niya.

Pero kung darating man ang araw na magkakaboyfriend siya, gusto niya tulad nito. A man full of unlimited surprises. Pero okay na rin kung siya talaga! Okay na okay iyon, Lord!

*** *** ***

BUMIBISITA lamang sila ni Carla sa university para sa marketing report nila. Ilang araw na lang ang hihintayin at final defense na nila. Kaya kailangan nilang asikasohin ang mga kakailanganin.

Saturday, consultation day nila sa kanilang adviser. Kahit Sabado ay nakikipagkita sila rito. Apat na oras rin ang itinagal para ifinalize ang draft nila para sa defense. At nang masiguro nilang ayos na ang lahat ay umalis na rin sila ni Carla.

Kaya nilang dalawa ito at naniniwala siyang makakapasa sila!

Habang papalabas sila ng Accountancy Building ay tumunog ang cellphone niya. Natigilan siya ng mabasa ang pangalan ng tumatawag sa screen.

"Sino?" tanong ni Carla.

"Si Dexter."

"Oh my!" Nagtatatalon ito sa tuwa.

Sinagot niya ang tawag nito. "Napatawag ka?"

"Tapos kana sa appointment mo?"sa halip ay tanong nito.

Paano nito nalaman ang tungkol sa appointment niya?

"Where are you now?"

"N-Nandito ako sa school. Kasama ko si Carla. Nakipagkita lang kami sa adviser namin."

"I know."

"You know?"

"Yes. He told me earlier na may kailangan siyang aasikasohin. Ang sabi niya appointment with his students. At kayo iyon."

"P-Papanong---"

"Your adviser is my sister's husband, Danelle."

What?!

"I'll wait for you here in front of the Engineering Complex. "

At bago pa man siya nakapagsalita ay pinatay na nito ang tawag.

"What?" Kunot noong napatingin sa kanya si Carla. "Ano'ng sabi?"

"Nasa labas siya ng Engineering Complex. "

"Really?"

Tumungo sila ni Carla sa Engineering Complex na nasa likuran lamang ng Accountancy Building. At nandoon nga ito, kausap ang ilang instructors.

Nagdadalawang isip siya kung lalapitan niya ito. Hinintay na lamang nila na matapos ang pakikipag-usap nito sa mga ito. Naupo silang dalawa ni Carla sa may kalapitang bench.

Kahit nakatalikod, kay gwapo pa rin. Kahit saang anggulo niya tingnan, gwapo talaga si Dexter.

"Hindi mo ba lalapitan?" Hindi na makapaghintay si Carla.

"May kausap."

Ilang minuto ang nakalipas ay umalis na ang mga instructor. Malapit lamang sila rito kaya agad silang nakita nito.

And then again, tensiyong walang katapusan lalo na at papalapit ito sa kanila.

"Hi!" Nakangiting bati nito sa kanila.

Shit! Mas gwapo siya kapag nakangiti!

"Hi, Dexter!" Tumayo si Carla at agad itong kinamayan. Kung makapag-Dexter ito, napakakampante.

"Hi, Carla. How are you?"

"Good. Anyway, I'll go ahead. My husband's waiting for me." Hinalikan siya nito sa pisngi at umalis na.

"Husband?" agad na tanong sa kanya ni Dexter pagkaalis ni Carla.

"Her boyfriend, " aniya at tumayo na. "Husband and wife kasi ang tawagan nila."

"Ah." Napatango-tango ito.

Napalingon-lingon siya. Kahit araw ng Sabado ay napakaraming estudyante. Doon niya lang rin napansin na karamihan ay nakatingin sa kanila.

"May problema ba?" Agad napansin ni Dexter ang pagiging uneasy niya.

"Ha? Wala."

"Tell me, Danelle."

"Wala." Ngumiti siya para mabigyan ito ng assurance. "Naisip ko lang na baka may biglang sumugod rito at sabunotan ako."

"Oh, no. You don't need to worry about it. You're safe."

Tumaas ang isang kilay niya. Safe saan? Sa eskandalo?

"Walang susugod sayo. I don't have a girlfriend, remember?"

Parang ayaw niyang maniwala. Pero magpaganoon pa man, masaya siya. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" naitanong niya na lamang.

"Nag-site inspection ako. Plano kasi ng kompanya na ireconstruct itong Complex for good. Ilang taon na rin kasi ito nang itayo ng Lenares Group Inc. Tiningnan namin kung ano ba ang mga kailangang gibain at mga kakailanganing materyales. I am planning to include this reconstruction for this year's bidding project."

"So, maghahanap kayo ng malalaking construction companies to join the bidding activity?"

"Yes."

"Kompanya ninyo ang nagpatayo nito, ah! Bakit ipapasa niyo sa iba?"

"Dahil loaded na ang company sa kabikabilang kontrata at projects na hinahawakan this year. There's no way we can finish it in time. Of course may working days na kailangang icomply. Mahihirapan kami."

"Ganoon ba?" Tiningala niya ang may sampung palapag na Engineering Complex. Sa pagkakaalam niya, donated ito ng Lenares Group Inc. maraming taon na ang nakakaraan. "Hindi na ako magtataka kung bakit honored and respected and pamilya ninyo. Generosity counts."

"Because we know how to value the honor and respect that people's giving us." Sinilip nito ang relos. "So, let's go? "

Napatingin siya rito at ito naman ang tiningala niya. Ang akala niya ay makikipagkita lamang ito sa kanya at makikipag-usap. May lalakarin sila? Saan naman?

"We're going out."

"Bakit?"

Bumuntong hininga si Dexter at isinuksok ang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng jeans nito. "Ano bang araw ngayon?"

"Saturday."

"What date?"

Napaisip siya. Gusto niyng makasiguro sa isasagot. "Fourteen. "

"What month?"

"Febru---". Yes, February 14! Oh my! Lalabas kami this very day! Valentine's Day!

"Ngayon alam mo na ang dahilan? I want you to be my date this Valentine's Day. We'll have fun."

Hinawakan nito ang kamay niya. Animo'y parang may kuryenteng mabilis na naglakbay sa buong katawan niya. Wala siyang pakialam sa mga tumitingin. Magselos ang gustong magselos. Wala siyang pakialam. Gusto niyang ipaalam at ipakita na si Dexter Lenares ang magiging kadate niya!

Magkahawak kamay pa rin sila hanggang makarating sila sa parking area kung saan naroroon ang sasakyan nito. And as expected, everyone's looking.

"Baka may biglang sumugod rito at suntokin ako," pagbibiro nito. Napansin rin marahil ang mga tumitingin.

Naalala niya ang sinabi nito sa kanya. "Oh, no. You don't need to worry about it. You're safe."

Napatawa ito. "Wait here. I'll go get my car."

Nagtatatakbong tinungo nito ang sasakyan. Ngayong hindi ito tumitingin, pupwede kayang i-grab niya ang opportunity to shout and celebrate? She's just, happy.

Isang sasakyan ang huminto sa tapat niya. Nakaawang ang mga labing inilibot niya ang buong paningin sa magandang bagay na iyon. Lumabas si Dexter.

His car? Really? He is Dexter Lenares and he can afford such very expensive car!

"What?"

Nanatili siyang nakatingin sa sasakyan. "This is amazing!" sambit niya. "I mean, seriously. Mercedes Benz CLA-Class!"

"Oh. You know about cars?" Namangha ito.

"A little. And my brother has one kaya nakilala ko agad ang model."

"Your brother? Aren't you the only child, Danelle?"

"Yes. I'm the only child. He is my half brother."

"Okay." Pinagbuksan na siya nito ng pintuan. "Get in."

"Thanks." At excited na sumakay na siya.

Hindi niya alam kung saan sila pupunta. Mag-aala sais na. Kung gagabihin man siya ayos lang total naman alam ni Carla na kasama niya si Dexter. At kung sakaling hindi man ito makauwi sa gabing ito, may susi naman siya.

Habang nasa daan ay ipinagpatuloy nila ang kwentohan.

"Do you have more subjects left aside sa Marketing Report mo?"

"Nothing more. Iyong subjects kasi namin this semester kinuha namin last summer. "

"Bakit nagmamadali kayo?"

"Hindi sa nagmamadali. Mas mainam na itong ganito para makapagconcentrate kami sa research namin."

"At para na rin magkaroon ng mahabang oras sa pagpapart time, " dugtong nito.

Napangiti siya. "Paano mo nga pala nalaman na nagtatrabaho ako doon sa shop? " Wala naman kasi siyang nababanggit na kahit na ano sa trabaho niya sa shop. Tanging alam nito ay sa bar siya nagpapart time.

"I just did know," sabi nito. "I was curious about what you're up to. Bakit panay kakapart time mo?"

"Dahil kailangan at iyon ang gusto ko. At magkaroon ng sariling kita."

Bumuntong hininga ito. "Anyway, I want to take you somewhere fun. Palagi na lang kasi kitang dinadala sa restaurant. Maiba naman tayo tonight."

Saan nito gusto?

"I'll let you choose the place. Baka may alam ka?"

Kung hindi lang rin naman nito magugustohan ang lugar na mapipili niya, useless ang effort niya sa pag-iisip. Pero wala siyang maisip this time. Natataranta siya. "Karenderya? "

Napatawa ito ng malakas. "Danelle! Mag-isip ka pa."

"Jollibee, McDonald's, KFC, Shakeys, Mang Inasal o kaya ay..." Bigla siyang may naalala.

"What?"

"Street foods gusto mong subukan?"

"Sounds great. Hindi ko pa nasusubukan. So, you know the place?"

"Let's go!" Itinuro niya ang daan patungo sa lugar.

This night's going to be fun.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C6
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄