Sa kabilang dulo ng tawag sa kanyang tactical communications watch ay nanahimik ang head na si Hong ng isang sandali at napatanong na, "Sinabi mo ba na napatay ni Luo Feng si Li Yao?"
"Opo head," maging si Liu He ay nagtaka sa kanyang nakita.
Nagawa ni Luo Feng na kontrolin ang 16 na maliliit na sandata at ang katotohanan na ang isang advanced level wargod spirit reader ay maikukumpara sa isang representative level fighter ay magagawa nilang tanggapin. Pero kahit na gaano pa ito kalakas, para mapatay niya ang isang representative? Isa itong panaginip! At hangga't hindi niya ito nakikita ng personal ay hinding hindi ito paniniwalaan ni Liu He.
"Sigurado po ako sa nakita ko head. Itinransform ni Luo Feng ang kanyang Soaring Shuttle para maging isang ginintuang ilaw na tumagos at pumatay kay Li Yao," sabi ni Liu He.
"Ang Soaring Shuttle? Isang gintong ilaw?"