Naramdaman ni Luo Feng na nanginig ang bundok matapos niyang lumapag sa tuktok nito, naramdaman niya rin ito bago siya gumalaw. Dito na siya naguluhan… nangangahulugan ba ito ng pagbubukas ng isang kayamanan?
Nagpatuloy sa pagyanig ang bundok nang mas patindi nang patindi.
Agad namang nagsilipad pataas ang mga tagapagmanang naguusap usap o pangkaraniwang naghahanap ng mga kayamaman at tumingin sa bundok na kinatatayuan ni Luo Feng. Hindi nagtagal, napuno ng mga tagapagmanang nagmula sa mga lahi ng kalawakan ang buong kalangitan sa lahat ng direksyon.
"Ang kayamanan!"
"Bubuksan na niya ang kayamanan."
"Binuksan na niya ang kayamanan!"
Lumipad din pataas si Bark Mirror Emperor "Imposible!" Nanlaki ang mga kulay ginto niyang mga mata at nakitang may pitong mga tagapagmana sa yumayanig na bundok, kasama na sa mga ito si Luo Feng. "Isa lang dapat ito sa anim pang mga tagapagmana. Sigurado ako rito!"