Sa itaas na bahagi ng mahamog na Yu Xiang mountain ay makikitang nakatayo ang dalawang lalaki na nakatingin sa ibaba, nagkaroon ang dalawang ito ng dalawang magkaibang itsura.
"Haha, maraming salamat sa golden horn world stone Mother Flame. Nakuha na rin ng sandatang gagamitin ng aking disipulo ang huling materyales na kanyang kinakailangan." Ngiti ng lalaking may tatlong mata, kasabay nito ang kanyang pagtingin kay Mother Flame para tingnan ang itsura nito.
"Nagawa talagang manalo ng batang iyon?" Nakasimangot na tumingin si Mother Flame sa ibaba. "Masyadong malakas ang pressure ng diwa nito.
"Huwag mo nang baguhin ang usapan!" Ngiti ng lalaking may tatlong mata. "Sinusubukan mo ba akong takasan?"