Tumayo si Luo Feng sa harapan ng kanyang lamesa at binuksan ang itim na cover ng librong Palace of Wargod Rules. Mayroon lang isang piraso ng papel sa loob nito.
"Welcome sa Palace of Wargods."
"Ang Palace of Wargods ay binuo ng first chairman na si Hong at ng second chairman na si Thunder God para maging pinakamalakas na fighter organization sa buong mundo. Ang lahat ng wargods at fighters na lumalampas sa wargod level ay miyembro ng Palace of Wargods. Tanging ang mga fighters na lumalampas sa wargod level lang ang may karapatang maging kinatawan ng administrasyon ng Palace of Wargods na tinatawag na 'Palace of Wargods committee'."
"At kabilang sa loob ng committee ang limang naglalakihang chairmen, nahahati ito sa first chairman, second chairman... hanggang makarating sa fifth chairman"
"Ang limang tao na ito ang limang pinakamalakas na fighters sa buong mundo!"