下載應用程式
66.66% Stellar Of Zembre / Chapter 2: Chapter 2

章節 2: Chapter 2

Ziwin's Person Of View

Mabilis ako tumakbo patungo sa kagubatan. Medyo nanakit na ang akin binti sa kadahilanan na isang oras na ako ganito.

"Dakpin niyo hampas lupa." Pagkarinig ko pa lamang ng boses agad ko ito nakikila.

Siya si Cersa ang taong nag pabagsak sa'kin pinagmulan na angkan. Hindi ko akalain siya ang pinuno ng samahan Monar.

Ang Monar ay isang samahan ng mamamatay tao at sa madaling salita ay kriminal sila at kilala sa tawag na assassin. Dahil halos sa kanila ay nag mula sa mga angkan ng assassin.

Ang pala isipan ay hindi pumatay ng basta basta ang assassin kung walang nag utos sa kanila at malaking halaga ang kapalit nito.

Si cersa ay kaibigan siya ng aking lolo at pinuno ng angkan namin. Hindi ko maunawaan kung bakit nagawa niya ang bagay na 'to.

Dalawang araw na ako palagi tumakbo. Sandaling pahinga at takbo agad.

"Hindi puwede may matira sa angkang ng Membre!"

Lumiko sa mga kabatuhan at nag tataasan puno sa paligid. Biglaan ko naalaala may kakayahan pala ako ngunit hindi espesyal tulad ng mga biniyaya ng liwanag.

Tumigil ako ng saglit kasabay lumikha ng taong lupa at sa isang kumpas ng kamay ko ay naging kawangis ko ito.

"Hintayin mo sila makarating rito bago ka tumakbo at lumaban."

Nag pa tuloy ako sa pag takbo sa kabilang direksyon patungo sa liblib na parte ng kagubatan.

Kahit hindi ko kabisado ang kagubatan. Ang tangin mahalaga lang sa'kin makalayo sa kanila.

Napatigil ako ng biglaan gumalaw ang mga halaman sa paligid na parang may sariling buhay.

Akmang hahakbang ako ng may lumitaw sa'kin harapan na isang usa. Masama nakatingin sa'kin kahit gusto ko igalaw ang aking buong katawan ngunit bigo ako. Naramdaman ko ang mabigat na enerhiya na galing sa kaharap kong usa.

Ang usa na ito may gintong sungay at pilak na balahibo na bumagay sa kanyang pangangatawan.

Narinig ko ang pag sabog sa kabila. Siguro nakaharap na nila ang aking likha. Napatitig ako sa mga mata ng usa habang tumagal ay nakaramdam ako ng panghihina at napag pasyahan ko ipikit ang mga mata ko.

"Bata mukhang mali ang iyon napili natahakin na daan."

Hindi ko maibuka ang aking bibig dahil sa subrang bigat ng aking naramdaman. Mukhang napansin niya nahihirapan ako,dahan-dahan gumaan ang aking pakiramdam. Iminulat ko ang aking mga mata sabay yuko.Anong klaseng usa ang kaharap ko? Subrang lakas niya at kakaiba sa lahat. Ngayon lamang ako nakakita ng isang tulad niya nagsalita na usa sa tanang buhay ko.

"Patawad hindi ko sinadya na pumasok rito sa teritoryo mo. Sa pagkat ako'y nagmadali pumasok sa kagubatan sa kadahilanan ay may gusto pumatay sa'kin at kasalukuyan ang kaharap nila ngayon ang aking likha na nakipag laban sa kanila," hindi sumagot ang usa sa halip tumingin lamang ito sa'kin habang umatras ng kaunti.

Ang mga gumalaw na halaman ay biglaan naglaho. Kahit nakakapagtaka ang nangyari ay binalewala ko na lamang. Ang mahalaga ay buhay ako.

"Kung ganon ang nangyari sa'yo ay maari ka mag tagal rito sa'kin teritoryo ngunit sa isang kondisyon ay wag kang pumatay ng mga nilalang rito sa halip iwasan mo sila ng sa ganon ligtas ka sa paparating na panganib. Nag ka intindihan ba tayong dalawa?" Nakakatakot ang kanyang aura parang ang kaharap ko ay mas makapangyarihan pa sa hari.

"Naintindihan ko salamat,oh nga pala anong pangalan mo o gustong mong itawag ko sa'yo?" Dahan-dahan siya naglaho kasabay sa pag bitaw ng salitang nag pa gulat sa'kin.

"Golden Ey."

Hindi ako makapaniwala kaharap at naka usap ko ang maalamat na usa na bantay ng kagubatan sa kadiliman.

Napatanto ko mali ang kwento ng naka sulat sa libro o sadyang naawa lang sa'kin. Ang isang golden ey na usa ay masasama sila. Ayon sa kwento kung sino ang makakita sa kanila ay mamamatay o gawin nilang alipin ng pang habang buhay.

Nag pa tuloy ako sa paglakad,sa di kalayuan may na tanaw ako na mga prutas. "Tamang-tama gutom na ako." Nagmadali ako tumakbo roon habang pa lapit ako ay biglaan may dumaan sa mga prutas at sa isang iglap wala na ang mga prutas.

"Kainis." Napatigil ako ng may narinig ako na mga tawa sa paligid. Ang mga boses nakakalito na hindi ko matukoy kung anong uri nilalang ito.

May tumalon sa'kin harapan at bumagsak una ang mga paa nito sa lupa. Nagulat ako at napaatras ang kaharap ko ay isang "Golden Monkey." Nahihirapan Kong saad.

Ngumiti sa'kin ang tatlong golden monkey na mas lalo nag pakaba sa'kin. Ang golden monkey ay kilala sa tawag na Crown monkey sa kadahilanan may suot sila na korona na kulay ginto. At magaling gumawa ng ilusyon na kayang linlangin ang sino man?

Isa rin silang maalamat na itala sa buong kasaysayan naisulat sa kwento ng sikat na manunulat nasi Arthur. Ayon sa mga nabasa ko mailap sa tao ang mga crown monkey. Para sa kanila masama at maka sarili ang mga tao.

"Bata gusto mo ba makalaro kami?" Napangisi ako ngunit kasabay nangangatog ang mga tuhod ko. Dito ay gusto ng bumagsak ng tuhod ngunit ayaw makisama sa kadahilanan na may malakas na awra.

Tumango na lamang ako kasabay pumatak ang pawis ko sa lupa. Tumalon ng tatlong beses ang tatlong golden monkey na aking pinagtaka.

"Maari ba bawasan niyo ang nilabas na aura. Dahil hindi na ako maka—," hindi ko natapos ang sabihin ko ng biglaan gumaan ang pakiramdam ko at wala na akong naramdaman na malakas na awra na humarang sa harapan ko.

Akmang hahakbang ako ng biglaan natumba ako at bumagsak una katawan ngunit bago ako tuluyan bumagsak. Nakita ko kinumpas ng isang golden monkey ang kaliwang kamay nito at kasabay lumutang ang aking katawan.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at nanghina ang buong katawan ko dahil sa pag gamit ng aking kakayahan na hindi ko lubos na sanay ng ilang buwan. Nanibago ang buong katawan ko sa pag gamit at pag ka ubos ng lakas.

Napapikit at mulat ako ng ilang ulit kasabay umikot ang aking paningin. Makalipas ang kalahating minuto ay dahan-dahan kona pinikit ang mga mata ko ng tuluyan.

...

"Asan ako?" Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa kagubatan ako halos ng nakapaligid sa'kin na mga prutas ay ginto.

"Nasa panaginip ka bata. Nasa ilalim ka ng kapangyarihan namin tatlo," hindi ko makita kung sino ang nag salita.

"Maari ba mag pakita kayo?" medyo kinabahan ako dahil ito ang unang beses nangyari sa'kin. Umupo ako sa damuhan kasabay lumitaw ang tatlong crown monkey. Napa atras ako ng kaunti habang nakatingin sa kanila.

"Kung malalampasan mo ang pagsubok namin na ibibigay sa'yo ay kami ang mag silbing guro mo sa pag insayo at kundi ay mamamatay ka. Gusto mo ba maging malakas? At bakit?" Sabay ang tatlo mag salita na parang iisa lamang sila.

"Handa na ako mamamatay sa kahit anong oras. Gustong-gusto ko lumakas para hindi ako tapakan ng mataas na antas at maharlika. Hindi ko gusto ulit mangyari na may namatay dahil sa kahinaan ko."

Nagkatingin ang tatlo sabay tango. "Kung ganoon magsimula na ang pag subok." Naglaho ang tatlo na hindi ko man lang nakilala ang bawat isa sa kanila.

Naalerto ako ng marinig ko may paparating sa'kin likuran agad ako tumalon upang maiwasan ito at hindi nga ako nag kamali isang matulis na bato  ang tumama sa lupa.

"Hundred Blade Rock."

Pag lingon ko sa likuran bumangad ang maraming mga bato na patalim na patungo sa'kin at nakita ko ang may kontrol nito.

Isang Land Monkey na hanggan tuhod ang taas nito sa'kin. May apat na kamay ito kaya mabilis gumalaw.

Palapit na sa'kin ang mga atake ng kalaban. Nataranta ako at walang nagawa kundi tumakbo ngunit bigla ko tinadyak ang lupa sabay umangat  at doon tumama lamang ang mga atake.

Ngunit agad din bumaba ito at kasabay sumalubong sa akin. "Jumping Blade." Hindi ko na iwasan ang skill na pinakawalan niya. Tumilapon ako at bumagsak sa damuhan kasabay sa pagulong-gulong ako.

Bago ulit ako makabawi ng lakas ng mag pakawala na naman ito ng skill. "Waves Blade." Sabay hampas ng apat niyang kamay sa lupa. Paglapat nito ay nag simula umalon patungo sa direksyon ko.

Nanginginig ang buong katawan ko at sinubukan ipadaloy ang enerhiya patungo sa palad ko at kasabay tinapat sa parating na alon. "Circle land wall," mahinang saad ko.

Umangat ang lupa sa palibot ko na pabilog hanggan sa na takpan ang sa gitna kasabay tumama ang skill ng kalaban.

Mag kasunod na pag sabog ang naganap kasabay lumindol ng saglit.

Napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng ingay at halos ma bingi na ako. 'Katapusan ko na ba? Dito na lang ba ako mamamatay?' Kasabay pumatak ang mga luha ko sa lupa.

"Ahhhhh...!" Namilipit sa sakit ang buong katawan ko. Parang sinunog ako sa subrang init sa kalooban at puso ko.

Hindi ko nakayanan ang sakit at hindi nag tagal ay sumuka na ako ng dugo at napa luha. Pinikit ko ang mga mata kasabay inaalaala ang lahat. "Paalam. Lolo darating na ako," Unti-unti nahirapan ako huminga at hindi nag tagal ay tumigil ang mundo ko kasabay naglaho ang aking katawan. Hanggan sa wala na ako marinig na boses.

Third's Person Of View

Sa kaharian ng topia nakaupo ang isang binata sa gintong upuan. Nakangiti ng malapad habang kaharap ang pinuno ng angkan ng Miller at Laos.

Ang naka upo na binata ay si haring Sixto. Nasa antas na siya ng  old legend  5st star.

"Nabalitaan ko may naganap na digmaan sa lungsod ng Ambra. Monar laban sa angkang ng Membre," Mahinahong saad ng matanda na katabi ng hari. Nakatayo siya habang seryosong naka tingin sa harap.

Siya si Amero ang kanang kamay ng hari. Nasa antas  ng master 2st star.

"Natalo sa digmaan ang Membre at walang natira sa lahi nito," masayang saad ng pinuno ng laos.

"kung ganon ang nangyari. Ang naiwan na kamayanan ay mapunta sa Laos ng angkan habang ang lupain nito ay mapunta sa angkan ng Miller," Walang ka buhay na buhay na pag salita nito na parang patay.

Siya si Aga ang punong ministro ay nasa antas ng master 1st star.

"Salamat Haring Sixto," masayang saad ng pinuno ng Laos.

Napabuntong hininga na lamang ang pinuno ng Miller. Hindi niya lubos maunawaan na ganong na lamang kadali hindi pa pahalagaan ang mga nasa Wood Rank.

Labag sa kalooban ng pinuno ng Miller ang pag tanggap ng lupain ng Membre.

"Tapos na. Maari na ba kayong lumabas lahat."

Lumabas ang lahat na may takot. Naramdaman nila ang mabigat na aura ng hari.

...

Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha ng binata. Dahan-dahan sa pagmulat ng mga mata. Hindi niya maigalaw ang buong katawan. Pinilit niya ngunit napahiyaw na lamang siya sa sakit.

Nanginginig ang buong katawan dahil sa malamig na hangin. Pinikit niya muli ang mga mata habang umiyak sa sakit.

Bigla namutla ang kanyang balat ngunit lumitaw ang tatlong Crown Monkey na may ngiti sa labi.

Sabay na kinumpas ng tatlo ang kamay. Biglaan lumitaw malapit sa binata ang tatlong bolang apoy na lumutang ang nagsilbing niyang pang pa wala ng lamig.

Samantala sa lupain ng Membre ay masayang nag diwang ang mga Monar.

Napahinto ang ilang sa kanila ng biglaan nakaramdam ng mabigat na aura.

Pag pasok nito sa gate ay napangiti ito. Tanaw niya nakaupo ang mga Monar ng pabilog  habang uminon ng alak.

"Buti natapos nila ang pinapatrabaho ko." Sabay lakad nito patungo sa mga Monar.

Pinigilan niya mag palabas ng aura nang sa ganong makagalaw ang mga Monar.

Tumayo si Cersa sabay lingon sa direskyon ng lalaki.

"O Ramon. Dala mo ba ang bayad?"

"Oo naman Cersa at subra-subra pa. Sana walang makaalam sa'tin pinag kasunduan." Sabay tinaas nito ang kaliwang kamay kasabay lumitaw ang isang artic ring na lumutang palapit kay Cersa.

"Wag kang mag alala. Wala akong pinagsabihan,mananatili itong sekreto." Kinuha niya ang lumutang na artic ring at sinuri ng sandali.

"Kung ganong sa pag alis ko,umalis na rin kayo."

Hindi sumagot si Cersa sa  halip tumango lamang. Ang kaharap niya na lalaki nagmadali lumabas.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C2
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄