下載應用程式
90% Sa Isang Tibok / Chapter 18: Unang Tibok ni Ember

章節 18: Unang Tibok ni Ember

Punong puno ang saya ang puso ni Elya pagtapos ng pag uusap nila ni Sept. Natanggap na rin niya sa wakas ang matagal na niyang inaantay. Kapatawaran.

Madaming nangyari sa Canada ng hindi alam ni Sept. Na malalaman niya din sa tamang panahon lalo na ngayong naging magkaibigan na sila muli ni Elya.

Napagod si Elya sa pag asang makakakita pa kaya nawalan sya ng gana kausapin si Sept. Dumaan ang mahabang panahon at nagkaron sya ng paningin. Pero ito ang panahong totoong nabulag si Elya. Ito ang panahong nawalan sya ng totoong paningin sa mabuti. Paningin sa pangako niyang habambuhay kay Sept.

Kinalimutan niya si Sept dahil buong akala niya, hindi na sya babalik ng Pilipinas. Buong akala niya na tinalikuran na niya ang buhay dito. Hanggang sa makakilala sya ng lalaking magdadala sa kanya pabalik, si Luis.

Totoong minahal niya si Luis, at kahit na buo ang pagsisisi niya nang makita sila ni Sept sa isang coffee shop, nanindigan niyang mas mahal niya si Luis. Gusto niyang matanggap ni Sept ang nangyari. Hindi niya alam ang ibang kwento sa buhay ni Sept.

Ganunpaman, dala dala niya ang pagsisisi sa ginawa. Pinilit niyang magpaliwanag sa mahabang panahon.

Nagdadalang tao sya ngayon. Hindi niya alam ang gagawin dahil ang lalaking minahal niya ay tuluyan syang iniwan nang malamang buntis sya.

Natatakot sya para sa magiging anak. Natatakot syang mabuhay ito ng walang ama. Kaya niya naalala si Sept.

Hindi ako galit kay Elya. Alam ko ang kwento niya. Alam ko ang bawat pagkakamali at pangarap niya. Pangarap niyang maging normal. Pangarap niyang makakita. Binigyan sya ng mundo ng paningin na syang nagpasilaw sa kanya. Nagpasilaw para hindi na makakita ang totoo niyang mga mata - ang mata ng puso.

At sa ngayon, sa buhay na meron sa loob ng sinapupunan niya, alam niyang kakailanganin ng anak ng isang gabay para mabuhay sa landas na tulad ng nilakaran ng matalik na kaibigan. Nabigyan sya ng tapang nang malaman niyang may gagabay sa anak para sa landas na tatahakin, landas na dinaanan niya na hindi na dapat daanan ng mag isa.

Lumapit ako sa kaliwang tenga ni Elya. Binulong ko ang mga katagang "Binibigyan kita ng lakas ng loob"

Magiging mahirap ang haharapin niya bilang isang ina. Pero alam ko ang boses sa mga tawag niya, at tutugon ako. Takot man, pero may pag-asa.

Hinawakan niya ang tyan, may kasamang luha ang panalangin. Nanghihingi sya ng gabay sa paglaki ng sanggol na dala dala niya. Sanggol na kakaisip lamang niya ng ipapangalan. Pangalang matagal ko nang ibinulong sa puso niya.

"Panginoon, Kayo nawa ang gumabay sa magiging buhay ng anak ko, si Ember".


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C18
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄