下載應用程式
5% Revenge To My Ex Lover (Tagalog) / Chapter 1: Chapter 1: Pilipinas
Revenge To My Ex Lover (Tagalog) Revenge To My Ex Lover (Tagalog) original

Revenge To My Ex Lover (Tagalog)

作者: midnightlover88

© WebNovel

章節 1: Chapter 1: Pilipinas

Good morning, Sir Aaron.", bungad ni Mang Larry.

"Good morning. By the way, naayos mo na ba ang mga papeles na naiwan ni dad?"

"Opo, Sir Aaron. Sa katunayan dala ko na ngayon."

"Good job, Mang Larry."

"Sir, magtatagal ka ba dito sa Pilipinas?"

"Actually, for good na ako dito. Pupunta na lang ako sa America for business purposes. May mga naiwan pa rin kasing negosyo si dad sa America."

"Noong nabubuhay pa ang iyong ama ay mas madalas iyon mamalage dito sa Pilipinas. Kahit Amerkano iyon ang puso ay nasa Pilipinas.", wika ni Mang Larry.

Isang taon na magmula noong mawala ang kanyang ama at dahil siya ang kaisa-isang anak nito siya ang nagmana ng lahat ng mga negosyo. Mabuti at nagkasama at nagkakilala sila bago ito mawala.

Paano na lang kung hindi siya natagpuan ng ama?

Bigla siya nakaramdam ng lungkot ng maalala ang mga magulang.

"Ah, sige po sir! Ipahahanda ko na muna ang agahan

mo kay Lina.", paalam ni Mang Larry.

Agad naman siyang tumango rito. Pagkatapos mag-almusal pumunta na siya ng opisina.

"A nak... A a ron...", paputol-putol na salita ng ina. Iyon lang ang narinig niya mula sa ina bago ito malagutan ng hininga.

"Inayyyyyyyy!", malakas na sigaw niya habang yakap-yakap ang inang wala ng buhay.

Abalang-abala siya ng umagang iyon sa paghahanda ng kanilang almusal.

"Naku! Ikaw talagang bata ka, trabaho ko iyan."

"Yaya Mercy, hayaan mo na po akong gawin ang mga ganitong simpleng gawain. Sinasanay ko na ang sarili ko. Alam mo naman po na hindi na katulad noon ang buhay namin.", malungkot na wika niya.

"Paano na lang kung umuwi ka na ng probinsya?. 

Bumuntong hininga ito bago nagsalita, "Valerie, nangako ako kay Donya Clarita bago ito mamatay, ang iyong ina, na kahit anong mangyare ay hindi kita iiwan. Wala na rin naman na akong pamilyang uuwian."

Hindi na ito nagkaroon ng sariling pamilya halos bata pa lang siya noon ay si Yaya Mercy na ang naging katuwang ng mommy niya sa pag-aasikaso sa kanya noon habang busy ang mga magulang sa kanilang negosyo na halos ngayon ay nawala na at itong mansion na lang ang natitira. Mabuti na nga lang at kahit papano ay mayroon siyang sariling savings. Hindi man gaanong kalaki pero pwede ng panimula habang hindi pa siya nakakahanap ng trabaho.

Graduate siya ng Business Management kaya alam niya na kahit papano madali siya makakahanap ng trabaho kung gugustohin niya.

"Yaya Mercy, plano ko sanang mag apply ng trabaho. Bukod sa mga gamot ni daddy kailangan niya ng regular na therapy."

Halos isang taon na rin na nasa ganoong kalagayan ang kanyang ama. Hindi pa rin ito nakakapagsalita at sa wheelchair lang ito namamalage. Hindi na rin nito maigalaw ang kalahati nitong katawan sanhi ng stroke.

"Ikaw ang bahala hija. Alam kung hindi ka sanay sa hirap. Nag-aalala ako sa iyo kung kakayanin mo ang hirap ng buhay.", malungkot na wika nito.

"Yaya Mercy, huwag po kayong mag-alala. Kaya ko po tiisin ang lahat ng hirap para kay daddy."

Hindi man ito perpektong ama pero naging mabuting ama ito na halos prinsesa ang trato sa kanya. Ang pakikipag relasyon niya noon kay Aaron ang hindi lang nila napagkasunduan.

Ayaw ng daddy niya para kay Aaron dahil anak lamang daw ito ng kanilang labandera na si Nanay Silya. Mga bata pa lang sila ni Aaron noon ay ito na ang gusto niyang makasama habang buhay. Malakas na buntong hiningang nagbalik sa nakaraan. Pinunasan niya ang mga luha at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Tapatin mo nga akong bata ka. Ang mga luha bang iyan ay dahil kay Aaron?"

"Yaya Mercy!"

Ilang taon na ang nakalipas pero parang sariwa parin ang lahat ng nangyari noon sa pagmamahalan nila ni Aaron.

Flashback 

Nagising siya sa mga sigawan mula sa labas ng kanilang mansion kaya bumangon siya para alamin iyon.

"Oh My God ", malakas na sigaw niya."Dad! Mom! Aaron, anong nangyare sayo?",patakbo niya itong nilapitan.

"Aaron, bakit ang dami mong dugo sa iyong damit, huh?

Hinawakan nito ang kanyang pisnge.

"Valerie, listen to me! Pinapatay ng daddy mo ang nanay ko. Wala na siya.", hagulhol nitong iyak. 

Hindi agad siya nakakibo at halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyayare."

"Dad, is it true? Mom?

Maging siya ay emosyonal na rin sa mga nangyayare sa paligid, sa mga taong mahal niya. Wala siyang narinig na kahit na ano mang sagot mula sa mga magulang maging sa mommy niya. Iyak lang ito ng iyak.

Hinawakan ni Aaron ang mga kamay niya, "Mahal mo ako, diba?" habang umiiyak ito.

"Oo, mahal na mahal kita!"

"Sasama ka ba sa akin?"

"Sasama ako sa iyo kahit saan Aaron."

"Lalayo tayo at buboo tayo ng sarili nating pamilya. Mahal na mahal kita Valerie! Hintayin kita mamayang gabi sa ating tagpuan." Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa mga labi at umalis na ito.

End of flashback

Pinunasan niya ang mga luha at pagkatapos ay lumabas na siya para kunin ang ama para pakainin ito ng almusal.

Isang malakas na katok sa pinto ang gumising sakanyang masamang panaginjp.

"Sir Aaron, si Banjo po ito." Patuloy parin ito sa pagkatok.

Nagising siya sa masamang panaginip dahil sa malakas na katok na nagmumula sa pintuan ng kanyang opisina.

Napanaginipan na naman niya ang kanyang mahal na ina. Sariwang-sariwa pa sa isip niya noon ng maratnan ang ina na naliligo sa sarili nitong dugo at sa tabi ng ina kalakip ang isang liham na nagmula kay Don Carlos Fuentebella. Nakasaad rito na, "Hindi mo nilayuan ang anak ko katulad ng palage kung pakiusap sayo. Kaya ngayon ito ang nararapat sayo, ang buhay ng iyong ina."

Biglang napakuyom ang mga kamao niya. Pagkatapos agad itong tumayo at inayos ang sarili para pagbuksan ang kumakatok sa pinto.

"Naku sir! Na istorbo ko yata ang pagtulog mo?" Madilim ang mukha nito mula sa pagbungad nito sa pintuan.

"Banjo!"

"Good morning sir," Bati nito sakanya.

"Sir Aaron, pasensya na tinanghali ako ng gising." "The next time you're running late, call me! Because of all the things I hate the most is keeping me waiting!", madilim ang mukhang sinabe niya rito.

"Yes sir. Pasensya na po at hindi na mauulit."

Nanlilisik ang mga nito sa nakikita niya sa bagong boss.

"Seryoso masyado," Parihong pariho ito ng kanyang ama na yumao. Sa bagay, sabe nga kung anong puno sya ring bunga." Sa isip-isip ni Banjo. "BANJO!", sigaw nito. Napapitlag siya sa pagkagulat.

"Ano po iyon sir?"

"Ang sabe ko kung naayos mo na ang lahat ng dapat ayusin sa Fuentebella mansion? Dahil iyon ay pag-aari ko na."

"Opo sir! Naihanda ko na rin ang nalalapit ninyong kasal ni Ma'am Valerie. Pero sir, magpapakasal po kaya sayo si Ma'am Valerie? Balita ko pa naman girlfriend yon ni Henry. Yung kababata nyo ni Ma'am Valerie."

Lalong umusbong ang matinding galit niya sa puso para sa babaeng minahal at naging dahilan ng kamatayan ng kanyang ina. Sa tindi ng galit niya naibato niya ang wine glass na nasa lamesa na mayroon pang bahagyang laman. Napapitlag si Banjo sa kinatatayoan nito.

"I hate you Valerie! Pagbabayaran mo ng mahal ang lahat ng ito at ng pamilya mo. Ikaw ang sisingilin ko bilang interest."

"Banjo, get out! Now!", sigaw niya rito.

"Opo sir." Niilapag ni Banjo ang folder na naglalaman ng mga importanteng papeles pa tungkol sa mga Fuentebella. Nakatungong lumabas agad ito.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C1
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄