下載應用程式
73.33% Protégée / Chapter 11: Chapter Eleven

章節 11: Chapter Eleven

Panay naman ang sampal ni Paige kay Garry na nakaupo sa upuan at nakatali sa lubid. Wala pa ring malay itong cameraman. "Baka patay na 'yan." Sabi ni Peter kay Paige. "Gaga!" sigaw ni Paige sa manager niya, "ikaw nag-graduate ka sa nursing di mo pa rin alam kung saan banda ang pulso! Buhay pa 'yan!" dugtong pa ni Dazzle. Nagkamalay na si Garry. Tumayo bigla si Paige at si Peter ng maayos. Tumindig si Dazzle na parang detective at ang manager nito ay tumayo na parang assistant. Inaayos ni Dazzle ang gown nito at ganoon din si Peter sa tuxedo niya. Nang bumalik na ang malay ng cameraman, agad nagtanong aktres. "Buti't nagkamalay ka pa. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Anong ginagawa mo sa banyo, ng bahay ko?" tanong ni Paige kay Garry. Napaisip ng isasagot itong nakataling cameraman sa kanyang kinauupan. "Wala,... bumibisita lang." sagot ni Garry. Nagulat si Peter at Paige sa sagot ng binata. "Bumibisita ka sa banyo? Ano ka duming hindi kasiya sa inodoro? Ikaw ha! Diretsuhin mo 'ko! Kung ayaw mong tawagan ko ang police station, si Warren, tatawagan ko!" sabi ni Paige. Natakot bigla ang binata. Agad na sinabi nito ang rason kung bakit nasa loob ito ng banyo ng bahay ng morenang artista. "Wait, sasabihin ko na! kung bakit nasa loob ako ng banyo niyo!" sigaw bigla ng cameraman. Huminahon si Paige at inantay ang sagot ng binata.

Sa bahay naman ni June, umakyat si Sparkle ng hagdan at pumasok sa kuwarto nito. Binuksan ng aktres ang knob ng pintuan ng kuwarto niya at pagpasok ng dalaga, umandar bigla ang TV sa kuwarto nito! Napasigaw si June sa gulat. "Sorry!" sabi ni Ricky na kasunod lang pala ni June habang lumalakad paakyat ng hagdanan. "Sorry sis, napindot ko 'tong remote control na dala ko. Umandar tuloy ang TV sa kuwarto mo. Iisa lang kasi brand ng mga TV sa bahay, kaya iisa din ang brand ng remote control. Nagulat ba kita? " Sabi pa ni Ricky. Napahinga ng malalim si Sparkle. "It's okay." Sabi ni June sa kapatid. Hinatak ang magkapatid ng balitang lumalabas sa TV. Ang balita mula sa TV station na 'T.V.' o 'True Vision', ay tungkol sa mga nominado sa Ricci Lux Awards kanina. At lumabas din sa balita na nominado rin sana si Daisy sa huli nitong pelikula noong isang buwan na "Margarita" ngunit pinatay ang dalaga ng anonymous na killer. Nagulat si June. "Ano 'yon sis?' tanong ni Ricky sa kapatid dahil bigla itong nagulat at nanginig sa takot. "Kuya si Paige!" sabi ni June. "What about her?" tanong ni Ricky. "Si Starkiller, gusto niyang patayin lahat ng mga nominado sa best actress category sa Ricci Lux Awards, mukhang si Paige pa 'ata ang isusunod niya dahil natalo ko siya. Dapat ko siyang puntahan." Sabi ni June. Agad na tumakbo si Sparkle palabas ng kuwarto nito. Hinabol naman siya ni Ricky. "Hoy! Sis! Sandali!" sigaw ni Ricky sabay habol sa kapatid.

Natatagalan naman sina Paige at Peter sa rason ni Garry, kung bakit nasa loob ng banyo siya ng bahay ni Dazzle. "Oh! Ano na? ba't di ka makasagot?" tanong ni Paige sa cameraman. "Umiisip 'yan ng alibi, tawagan mo na si Warren." Sabi ni Peter sa alaga. "Sandali!," sigaw bigla ni Garry, "sasabihin ko na nga di ba?" dugtong pa ng cameraman. "Eh kanina pa'ng antay namin, di pa rin bumubukas 'yang bunganga mo! Peter, ano nga'ng phone number ni Warren?" sabi ni Paige sa manager niya. Nag-panic na ang cameraman nang kinuha ni Peter ang isa sa mga cellphone nito kay Paige. "Inutusan lang ako ni Van na ilagay 'to sa DVD player niyo!" sigaw bigla ni Garry. Lumapit bigla sina Peter at Paige kay Garry. "Anong ilalagay sa DVD player? Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Dazzle sa cameraman. "Puwede ba, kunin niyo muna itong lubid, please." Sabi ni Garry. Napataas ng noo si Paige. "Eh paano kung saktan mo kami?" tanong ng artista. "Bakit? May nakita ba kayong equipment? Tool? Para saktan ko kayo? Eh kahit camera ko nga di ko dala eh." Sagot ni Garry. Napaisip ang dalawa sa sagot ng cameraman. Nagtitigan sina Peter at Paige. Wala namang magawa si Dazzle. Inilagay na lang ng dalaga ang personal eyeliner nito sa bulsa. "Kunin mo nga 'yang lubid Peter!" sabi ni Paige sa manager niya. "Teka," sabi ni Peter, "paano kung saktan nga tayo ng cameraman na 'yan!" dugtong pa ng maliit na binata. "Tama naman ang mokong na 'to! Bakit may CCTV ba tayo? Matagal ko ng sinasabi sa'yo na magpalagay na tayo dito, di ka naman umaaksiyon!" sagot ni Paige. Wala namang magawa ang manager ng aktres kundi sumunod na lamang. Tumitig si Paige sa cameraman. "Ano 'yong sinasabi mong may ilalagay ka sa DVD player namin? Ano 'yon? Akin na." sabi ng artista sa cameraman. Tumahimik lang si Garry at tumitig kay Paige ng masakit. Pinapakita ng binata sa dalaga kung papaano niya ibibigay ang gusto niyang ibigay kung nakatali siya sa upuan. Tinulak agad ni Paige ang manager nito papalapit kay Garry at inutusang kunin ang lubid na nakatali sa binatang cameraman. Nang makuha na ang tali sa katawan ni Garry, tumayo agad ang cameraman at lumakad papunta sa kanilang dalawa ng mabilisan. Nagulat sina Paige at Peter. Napaatras silang dalawa. Kinuha agad ni Paige ang eyeliner nito sa bulsa ng kanyang gown at itinutok ito kay Garry. Habang si Peter ay kinuha ang flower vase sa may center table at itinutok din sa binatang cameraman. Napatigil sa paglakad si Garry at napataas ng kamay. "Don't you dare take one more step!" sabi ni Paige kay Garry dahil sa takot. "Yeah!" sambit pa ni Peter na walang maisigaw English word. Napangiti si Garry at nagsabi ng, "Guys, akala ko ba, gusto niyong makita ang bagay ipapalagay ni Van sa DVD player niyo? Ibibigay ko lang naman." Sabi ni Garry sabay kuha ng isang CD tape mula sa bulsa nito. Huminga ng malalim at napatigil sina Paige at Peter sa pagtutok ng eyeliner at vase sa cameraman. "Ikaw kasi, bigla ka lang tumatayo at lumakad. Natakot tuloy kami, akin na nga 'yan!" sabi ni Dazzle at inagaw kay Garry ang CD tape. "Nakasulat sa tape ang salitang "Dazzle". Nagulat si Paige. Alam niyang siya ang tinutukoy ng CD tape. "'Wag ulit kayong matakot sa sasabihin ko," sabi ni Garry, "ako ang lumagay ng CD tapes sa mga DVD players nina Daisy at June." Dugtong pa ng cameraman. Nagulat at natakot bigla si Paige at Peter pagkadinig nila ng sinabi ni Garry. Napatitig ang ang binatang manager at ang artista sa cameraman. Napaatras pa ang dalawa sa takot. "Kalma lang guys!" sabi ni Garry sa kanilang dalawa, "ginawa ko lang ang mga 'yon dahil inutusan lang ako ni Van!" dugtong pa ng cameraman. Takot pa rin sina Paige at Peter sa cameraman. "Pero sabi din ni Van, pagkatapos kong ilagay ang mga CD's sa players, aalis din naman daw ako agad sa mga bahay nila." Sabi pa ni Garry. Pumasok bigla sa isip ni Paige ang suspektasiyon, na baka si Van nga ang killer. "Pinaalis ka niya ng bahay nila dahil siya ang susunod na papasok para patayin sila." Sabi ni Paige. "Ha?" tanong ni Garry kay Dazzle. "Teka, teka," sabi ni Peter, "di naman sa bahay tinaraget si June." Dugtong pa ng manager. "Gago! Ang ibang bahay na tinutukoy ko parking lot na 'yon! Sa sasakyan ni June!" Sigaw ni Garry kay Peter. "Eh, malay ko ba! Di mo naman kinumpleto ang sentence mo! Ginawa mo pang bahay ang parking lot! Paano ko maiintindihan ng diretso 'yon?!" sagot naman ni Peter sa cameraman. Habang patuloy ang bangayan ng dalawang lalaki, si Paige naman ay lumakad na papunta sa TV at DVD player para paandarin ang CD na nakuha niya kay Garry. "Bakit? Bahay ba ang sasakyan?!" tanong ni Peter kay Garry. "Nakuha nga agad ni Paige ang tinutukoy ko na mga bahay ikaw di mo nakuha? 'yan! Wala ka kasing bahay!" sagot naman ni Garry kay Peter. Away pa rin ng away ang dalawang binata habang si Paige ay gusto ng paandarin ang DVD player dahil nailagay na niya sa loob ang CD tape. Nakita ng cameraman si Dazzle na handa ng mag-paandar ng DVD player. Tinakpan bigla ni Garry ang bunganga ni Peter na panay ang sigaw sa kanya. Napatakbo bigla si Garry kay Paige. Pinunasan agad ni Peter ang bibig nito dahil hinawakan ito kanina ng cameraman. Pumunta si Peter sa center table at ipinatong ulit ang dala-dalang flower vase at lumakad sa may asul na towel na nakasabit sa pintuan at pinagpatuloy ang pagpunas ng bibig gamit ang nasabing tuwalya. Ang cameraman naman ay pinipigilan ang artista na pindotin ang 'play' button ng DVD player. "Teka Paige!" sabi ng cameraman sa dalaga, "Oh! Ano? Pipigilan mo 'ko?" tanong ni Dazzle. "Hindi naman sa gano'n. Pero..." hindi maipatuloy ni Garry ang sentence nito dahil sa takot. "Ano? Ano?! Pinade-delay mo lang lahat eh!" inis na tanong ni Paige.

Panay naman ang pag-encourage ni June kina Sam, Kitty at James na sumama sa kanya na pumunta sa bahay ni Paige. "Ba't ba ayaw niyong sumama?" tanong ni June sa make-up artist, sa photographer at sa president ng clothing line. "Sa tingin mo, sasama pa ang mga 'yan?" tanong ni Ricky sa kapatid. Lasing na lasing na si Sam, at wala ng planong tumayo. Si Kitty at ang lover nito ay wala na rin sa mga sarili at panay ang paglalaro sa isa't isa. "Sabi ko naman sa'yo ako na lang ang isama mo sa bahay ng lola mo." Sabi ni Ricky kay Sparkle. "Dito ka lang kuya," sabi ni June sa kuya nito, "makakaya kong puntahan si Paige mag-isa." Dugtong pa ni June. "Makakaya mo lang din naman pala mag-isa ba't magpapasama ka pa? Ako na nga mismo ang sasama ba't kasi ayaw mo pa?" tanong pa ni Ricky. Ayaw ng magpaligoy-ligoy pa, kaya sinabi na niya ang tunay na rason kung bakit ayaw niyang sumama sa kanya ang kapatid. "Ayoko ng masaktan ka kuya!" sagot bigla ni June, at nagulat si Ricky sa sinagot ng kapatid, "Nalaman ko na, na itataya mo ang buhay mo, mabuhay lang ako. Kaya ayoko ng madagdagan pa ang mamamatay sa pamilya natin. Si mama namatay sa atake sa puso. Si papa nilayasan tayo, ayoko ng maubusan ng pamilya kuya kaya dito ka lang." sagot ni June na napapaluha. Lumabas si June ng bahay habang tinatawagan si Warren. Isinara ni June ang pintuan ng bahay, sumakay ng sasakyan at bumyahe papunta sa bahay ni Paige. Naiwan naman si Ricky sa bahay ng kapatid kasama ang mga lasing. Napaupo na lang si Ricky sa sofa. Naririnig pa niya ang tunog ng sasakyan ng kapatid na umaandar. Unti-unting nawawala ang tunog ng BMW dahil malayo na si June sa bahay nito. Nang mawala ang tunog ng sasakyan ni June, napatayo si Ricky sa kinauupuan nito dahil gusto na niyang habulin ang kapatid. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya sa itaas ng TV at umalis ng bahay. May narinig si Sam na tunog ng pintuang sumara at sasakyang umaandar sa labas ng bahay. Di niya na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagtulog. Unti-unting nawawala ang tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Nang biglang may kumatok sa main door. Napagising ang tatlo sa lakas ng katok. Nainis sina James at Kitty dahil napakaganda ng tulog nila at napagising na lang sila dahil sa lakas katok na parang masisira ang pintuan. "Buksan mo nga Sam! Kakainis naman! Ganda ng tulog ko dito eh!" utos ni James sa presidente ng 'Sammy'. Nagulat si Sam sa inaasal ng photographer. "Ako pa na amo mo! Ako pa'ng inuutusan mong magbubukas? At babae pa?" tanong ni Sam sa photographer. "Arte nito! Ang lapit ng pintuan sa'yo!" sabi ni Kitty kay Sam. Nainis si Sam kay James at Kitty. Tumayo nalang ito at lumakad papunta sa front door. Patuloy sa pagkatok ang tao sa pintuan. "Andiyan na!!!" sigaw ni Sam habang lumalakad papunta sa pinto. Patuloy pa rin sa pagkatok ang tao sa pinto. Nakita bigla ni Sam sa doormat ang isang invitation letter na may nakasulat na 'Protégée'. Nakita nina Kitty at James na may pinulot si Sam na papel mula sa sahig. Patuloy pa rin ang pagkatok ng tao sa pintuan. Nang binasa ni Sam ang nakasulat sa papel, natakot bigla ang dalaga. Ang nakasulat ay naka quote on quote na, "Andiyan na!!!" nagulat si Sam dahil alam niyang kasasabi niya lang ng linyang iyon. Nang binuksa ni Sam ang pintuan, napatitig lahat sa kung sino ang taong kumakatok. Ngunit natakot at nagulat ang lahat, nang makita nila si Starkiller na nakatayo at may nakatutok na shotgun sa ulo ni Sam. Napatayo sa gulat sina James at Kitty. Nang pumutok ang baril, napatapon bigla si Sam sa malyuan dahil sa impact ng putok at sumabog ang ulo ng dalaga. Puro dugo ang sahig at dingding mula sa nabaril na dalagita. Hindi makagalaw ang make-up artist at ang photographer dahil sa gulat at takot. Halos mawala ang kalasingan ng make-up artist at ng photographer. Nang tumitig na ang killer sa kanilang dalawa, may ipinakita bigla ang killer sa kanil... isang papel, at may nakasulat na "Ah!!!!!" Biglang sumigaw sina Kitty at James ng "Ah!!!!!" at agad na tumakbo ang dalawa paakyat ng hagdanan. Biglang nawala ang kalasingan ng dalawa ng hinabol sila ng killer. Sa hagdan ay nabaril din si James sa kanang balikat at tumilapon ito sa malayuan. Napasigaw si Kitty sa gulat, takot at lungkot dahil nabaril ang irog nito. Iyak ng iyak ang make-up artist sa photographer. Lumalakad lang paakyat ng hagdan ang killer habang nilalagyan ng bala ang shotgun nito. "Run. Go." Sabi ni James kay Kitty na kinakaya lang magsalita. "Takbo kana!" sabi ni James kay Kitty. "How about our future?" iyak na tanong ng make-up artist sa iniibig nito. "Just go!!!" galit na sigaw ni James kay Kitty. At napatakbo na rin ang dalaga. Tumakbo ang make-up artist papasok sa isang kuwarto at agad na isinara ni Kitty ang pinto. Nagtataka ang killer kung bakit magsasara pa siya ng pinto kung alam naman niya na may shotgun ang humahabol sa kanya. Binaril ng killer ang knob ng pintuan at sinipa. Nagulat si Starkiller nang makita niya si Kitty, may hawak na itong forty caliber pistol, at nakatutok na ito sa noo ng killer. Binaril ni Kitty ang mamamatay at tumilapon ito sa malyuan at bumangga pa ang sarili sa pader. Umuusok pa ang noo ng nakamaskarang killer na nabaril ni Kitty. Tumakbo agad si Kitty kay James. Lumuhod ito sa binata at iniyakan. Buhay pa ang binatang photographer. "Buhay ka pa!" masayang pagsabi ni Kitty sa iniibig nito. "Yeah, I'm still planning for our future. I'm still ali--" naputol bigla ang sentence ni James nang pumutok ang noo ng binata dahil sa tama ng shotgun. Napasigaw si Kitty sa gulat. Napatayo at tumalikod si Kitty para makilala kung sino ang bumaril kay James. Nagulat si Kitty dahil isang nakatutok na shotgun mula kay Starkiller ang tumanbad sa kanya. Umuusok pa ang noo ng nakamaskarang killer dahil sa tama ng bala mula sa pistol ni Kitty kanina. Napaluhod ang make-up artist sa killer, umiyak ng todo, nagmamakaawa na huwag na siyang patayin dahil isang bala lang daw naman ang kalibre kuwrenta'y singko nitong baril. Nag-pause for a moment ang killer. At ilang segundo lang, biglang hinampas ng mamamatay-tao si Kitty sa ulo gamit ang hawak nitong shotgun. Nang matumba na ang dalaga pinagpatuloy pa nito ang paghahampas sa make-up artist. Napatumba ang make-up artist sa sahig at agad na binaril ng killer ang dalaga sa ulo. Namatay si Kitty ng nakatitig kay James, at ganoon din si James sa kanya. Kinuha ng killer ang suot nitong maskara. Kinuha niya ang bala na tumama sa noo. Bullet proof pala ang starmask na sinusuot ni Starkiller.

"Sinabihan ako ni Van, na 'wag daw manunood ng tape kung hindi mo natanggap ang invitation letter mula sa killer. May natanggap ka ba?" tanong ni Garry kay Paige. "'Yan lang pala'ng gusto mong sabihin, pinatagal mo pa," inis na sabi ni Paige sa cameraman, "wala akong natanggap na invitation letter! Ano ngayon?" dugtong pa ni Dazzle. "Sabi ni Van, hint or clue raw ang invitation letter kung papaano ka mamamatay, o kung papaano ka papatayin. Kung baga sa pelikula, trailer! Pagpasensiyahan mo na'ko Paige, pero hindi kita pagbibigyan sa gusto mong mangyari." Sabi ni Garry. Inamplag ni Garry ang nakasakasak ng TV at DVD player. "Grabe talagang obsession mo kay Van, Garry! Pati utos na umakyat ng bahay, pumasok sa bintana at magtago sa banyo gagawin mo basta si Van ang umuutos ngayon, pati TV at DVD player ko isasama mo sa pagkahumaling mo sa reporter mo!? Grabe ka tol!" sabi ni Paige sa cameraman.

Habang si June naman ay nagda-drive sa sasakyan nito, panay din ang tawag nito sa cellphone niya. Tinatawagan ni June ang police station ngunit busy ang linya. Wala pa naman siyang number ni Warren. Naiinis na si June habang ito ay tumatawag sa celphone niya dahil sa basurahan na nakapatong sa passenger's seat. Hindi niya na lang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagtawag sa police station. Ngunit binabagabag ang kanyang utak at mata ng isang sobre na nasa loob ng nasabing basurahan. Tumigil ang sasakyan ni June. Napatigil din si June sa pagtawag sa police station. Kinuha ni Sparkle ang sobre na nasa basurahan. Nalaman ni June na invitation letter iyon mula sa killer dahil may nakasulat na 'Protégée' sa envelope. Kinuha ni June ang sulat sa loob ng sobre. Nakasulat sa papel ang sentence na, "You are invited! Please turn-on the player and the TV to start the game!..." Natakot si Sparkle sa nabasa. Tinern-on ni June ang DVD player at ang mini-TV sa sasakyan nito at lumabas ang isang video nila ni Paige noong magkaibigan pa sila. Sa video, naglalaro at hinahabol ni June si Paige sa isang cosplay party suot ang costume na pusa at si Paige naman ay naaaliw habang hinahabol siya ni June suot ang costume na daga. Habang naghahabulan ang dalawa, may nagvi-video din sa kanila. Enjoy na enjoy sina June at Paige sa kanilang paglalaro at pati ang nagvi-video sa kanila ang natatawa na din sa kanilang ginagawa, nang biglang sumigaw ang nagvi-video sa kanilang dalawa, "Mga gaga kayo!!!Ang sarap niyong panoorin at patayin! Kakaloka kayo!" sigaw ng babaeng nagvi-video sa kanila. Naalala ni June na si Van nga pala ang babaeng kasama nila ni Paige sa mga oras iyon. May clue na si June sa utak nito na si Van nga ang killer. Pinatay ni June ang player at ang TV at nag-drive ulit. May idea na si June na, naiinggit si Van sa kanilang dalawa dahil naging sikat na artista sila ni Paige at siya ay naging mamahayag lamang.

"Paige, please," patuloy si Garry sa pagpigil kay Paige sa pag-on ng TV at DVD player, "hanapin mo muna ang letter bago mo panoorin ang tape. Ang letter ang magdadala sa'yo sa idea kung sino ang killer! Or how the one that will lead you to a hint on how you will be killed!" sabi pa ng cameraman. Nagalit pa lalo si Paige sa sinabi ni Garry. "Buwiset!!!" sigaw ni Dazzle, "kung papatayin niya lang din naman ako, ba't magpapa-invite-invite pa siya!?! Di pa letter-letter pa!" galit na sabi Paige. Nainis din si Garry sa sinabi ni Dazzle. "'Wag kang umarte diyan na wala kang pakialam sa nangyayari ngayon sa'yo dahil ikaw lang din naman ang may kagagawan ng mga kagagahang 'to!" sabi ni Garry kay Paige. Naalala ni Paige na siya nga pala ang sumulat ng 'Protégée' na pelikula ni June at ginaya lang ng killer ngayon lahat ng ideya mula sa nasabing pelikula. Halos pumutok na si Paige sa inis at galit. "'Yan! Susulat-sulat ka ng pelikula, ibibigay mo sa former bestfriend mo, at ngayon na tinatarget ka na, isisisi mo sa iba!" sabi ni Peter kay Paige sabay akyat ng hagdan. Nabuwiset lalo si Dazzle dahil sa sinabi ng manager. Huminga ng malalim si Paige at ngumiti. "Ipe-play na ba natin ito, o tawagan natin ang police station o si Warren para tulungan tayo?" tanong ni Paige sa cameraman. Kinabahan si Garry sa sinabi ni Dazzle. "Tapos? Isusumbong mo 'ko? 'Wag na!" sabi ng cameraman. "Ano ba! Hindi kita isusumbong!" sabi ni Paige. "Magtataka 'yon kung bakit nandito ako. Sanay na ang pulis na 'yon na kasama ko palagi si Van!" sagot ni Garry. Patuloy sa pagtatalo sina Dazzle at ang cameraman sa sala. Habang si Peter kay kagagaling lang sa C.R.. Ayaw na ni Peter na bumaba sa salas dahil puro away lang naman ang kanyang makikita mula kay Paige at kay Garry. Papasok na lang siya ng kuwarto nito. Nang mahawakan na niya ang knob ng pituan ng kuwarto niya, nagulat siya nang makita ang kuwarto ni Paige na bukas. Alam niya sa sarili nito na hindi siya puwedeng pumasok ng kuwarto ni Dazzle. Kaya naisipan na lang niyang tanungin si Paige. "Paige?!!" sigaw ni Peter mula sa ikalawang palapag. "What!?!" sigaw din ni Paige sa kanya mula sa salas. "Pumasok ka ba ng kuwarto mo?" tanong ulit ni Peter sa dalaga. "Wala!!!" sagot ni Paige. Pinagpatuloy pa rin nina Paige at Garry ang awayan nila sa salas. Palaging nakasara ang pintuan ng kuwarto ni Paige dahil siya palagi ang bumubukas nito. Palagi siyang pumapasok sa kuwarto ni Paige at siya palagi ang bumubukas ng pinto. Nakita ni Peter ang isang invitation letter sa kama. Alam ni Peter na galing iyon sa killer. Kahit takot ay pumasok pa rin si Peter sa kuwarto ni Dazzle. Nakita ni Paige na pumasok si Peter sa kanyang kuwarto mula sa salas . Lumalakad na si Peter papalapit sa kama ng kuwarto ni Paige para kunin ang invitation letter. Nainis lalo si Dazzle. "Garry, alam mo ba ang sikat na linyang, 'Lumabas ka ulol, kung ayaw mong ma Dead bull'?" tanong ni Paige. "Oo. Mula sa action movie mo na 'Get Out'. Bakit?" Sagot ni Garry. "Kasi, ang manager ko, pinagdududahan ko na siya na nga siguro ang magnanakaw ng mga alahas at pera ko, dahil mahilig yang pumasok sa kuwarto ko kaya pagod na 'kong isigaw ang nasabing linya, so please kung puwede lang ikaw naman ang sumigaw... please..." nagmakaawa ang dalaga sa cameraman. Nasa kamay na ni Peter ang sobre at kinuha na niya ang papel na nasa loob nito. Nang buksan ni Peter ang papel, sumabay ang sigaw ni Garry ng, "Lumabas ka diyan ulol!! Kung ayaw mong ma Dead bull !!!" at sa pagbasa nito ng sentence na nasa papel. Nagulat si Peter dahil parehong pareho ang sentence na nasa papel at ang sigaw kanina ni Garry. Nabitawan ni Peter ang papel dahil sa gulat. Nagulat ang binata sa tunog ng pintuang sumara. Nakita ni Peter na nasa pintuan na ng kuwarto ng alaga niya, si Starkiller suot ang mga alahas ni Paige. Takot na ang binata at tumindig na ang balahibo nito lalo pa nang makita niya ang ice pick na bitbit ng killer. Napaatras si Peter at agad na tumakbo. Agad naman siyang hinabol ni Starkiller. Bubuksan na sana ni Peter ang bintana para makalabas ngunit nadakip ng killer ang kanang braso nito at sinaksak ang kamay ng binata. Napasigaw si Peter. Nagulat sina Paige at Garry sa sigaw ng binatang manager. Nagtitigan ang dalawa. "Help!!!" sigaw bigla ni Peter. Tumakbo agad sina Garry at Paige paakyat ng hagdan. "Peter!!!" sigaw ni Dazzle at ng cameraman. Panay ang iyak ni Peter dahil sa sakit ng ice pick na nakasaksak sa kamay nito. Hindi naman makaalis ang manager dahil hawak-hawak siya ni Starkiller. Panay ang katok at tulak ng mga sarili nila itong sina Paige at Garry sa pintuan ng kuwarto ni Dazzle, ngunit di nila ito mabuksan. "Peter!! Buksan mo'ng pinto!!!" sigaw ni Garry. "Peter please!!! Open this door!!!" sigaw ni Paige at napaiyak na ito. Patuloy ang pagsigaw ni Peter sa loob ng kuwarto. Panay ang hanap ni Paige ng handbag nito dahil nandoon ang susi ng kuwarto niya, ngunit nalaman niyang nasa loob din ng kuwarto ang bag nito. "Please... 'wag mo ko'ng patayin please..." nagmamakaawa si Peter sa killer. Napaluhod si Peter sa sakit dahil Kinukuha ng mamamatay-tao ang ice pick na nakasaksak sa palad nito. Sigaw ng sigaw si Peter sa sakit habang hinuhulbot ng killer ang ice pick na nakasaksak sa kamay ng binata. Agad tumalikod ang killer nang makuha na niya ang ice pick sa palad ni Peter. Nagpasalamat ang binata dahil hindi pinagpatuloy ng killer ang pagpatay sa kanya. Patuloy sa pagkatok at pagtulak ng mga sarili nila itong sina Paige at Garry sa pinto. Nang humarap ulit si Starkiller sa nakaluhod na binata, ngumiti ang manager sa kanya. Ngunit, isang biglaang saksak sa kaliwang tenga ni Peter ang nangyari, at tumagos sa kanang tenga ng binata. Napatumba si Peter. Puro dugo ang sahig mula sa saksak sa tenga ng binata. Hinulbot ng killer ang ice pick na nakasaksak sa tenga ni Peter. Ilang segundo lang, nabuksan ni Garry ang kuwarto dahil sa lakas ng tulak nito sa sarili sa pintuan. Pumasok sina Paige at Garry sa loob ng kuwarto. Puro dugo ang sahig ngunit wala si Peter. Nakita lang nila ang bukas na bintana ng kuwarto. "Isinara ko ang bintana ng kuwarto ko bago ako umalis!" sabi ni Paige na panay ang iyak. "Eh ang pintuan ng kuwarto mo, sinara mo ba?" tanong ni Garry sa dalaga. "Oo! Sinasara ko palagi ang kuwarto ko, dahil kay Peter!" iyak na sagot ni Paige. "Sa tingin mo si Peter ang bumukas kuwarto mo sa situwasyong 'to?" tanong ng cameraman sa artista. Panay ang iyak ni Paige sa manger nito. Dahil sa kuwarto nito, namatay si Peter. "Si Peter naman kasi, sabi ko palagi sa kanya na 'wag papasok!... Palagi kasi 'yang natutulog sa kama ng kuwarto ko! Paborito niya kasing higaan..." sabi ni Paige. Panay ang hanap nila sa katawan ni Peter dahil puro dugo lang ang nakikita mula sa sahig, kama, sahig at bintana. Biglang tumunog ang closet, na para bang may tao sa loob. Natakot ang dalawa. Kinuha ni Garry ang flower vase na yari sa metal na nasa mesa, at lumakad ito ng hinay-hinay papunta sa closet. Sumunod si Paige sa cameraman, hawak-hawak pa rin ang eyeliner nito. Nang mahawakan na ni Garry ang knob ng closet, hindi niya muna binuksan ang aparador. Nang tumunog ulit ang closet, doon na niya agad binuksan. At, napasigaw ang artista at ang cameraman nang tumanbad sa kanila ang wala ng buhay na katawan ni Peter. May saksak sa tenga ang manager at duguan. Hinagkan agad ni Paige si Garry at itinodo ang pag-iyak. "Matagal ko ng iniisip na baguhin ang pangalan ko dahil parehong nagsa-start ang name naming sa 'P'. Matagal ko na siyang pinagdududahan na baka siya ang kumukuha ng mga foundation ko at mga lipstick, pero hindi pala... I'm so sorry Peter... I'm so sorry..." sabi ni Paige kay Garry sabay iyak at tititig sa patay na manager. Pinapakalma naman ng cameraman si Dazzle. Napatigil sa pagyakap si Paige kay Garry nang makita niya na may envelope na hawak si Peter. Kinuha iyon ni Dazzle. Nalaman niyang invitation letter iyon mula sa killer dahil may nakasulat na 'Protégée' sa labas ng sobre. Agad ding kinuha ni Paige ang sulat na nasa loob ng envelope. Binasa iyon ng aktres. Nagulat ang dalaga sa nabasa. Isang sentence iyon na naka quote on quote. Nanginginig si Dazzle habang nakatitig sa sulat. Ang pangungusap ay mula sa linya na sinigaw ni June sa kanya sa araw na nag-away silang dalawa sa morge. Ang sabi sa statement ay, "...Maghinay-hinay ka sa pananalita mo, kung ayaw mong ikaw ang sumunod sa ate mo!!!...". May 'Phil's Newspaper' pa naman na diyaryo na kasama sa invitation letter at ang balita sa nasabing diyaryo ay tungkol iyon sa pagiging ampon ni Dazzle. Nagalit na si Paige dahil alam niyang si Sparkle lamang ang nakakaalam ng pagiging adopted nito. "What? Ano?! Anong sabi sa sulat!?" tanong ni Garry sa artista na nagpa-panic na. Panay ang panginginig ni Paige at di niya maipakita ang letter kay Garry. Biglang tumunog ang TV sa salas. Nagulat ang dalawa at nagtitigan, nanlaki ang mga mata sa takot at bumilis ang tibok ng mga puso.

Bumababa na sina Garry at Paige sa hagdan. Lumalakad na sila ng hinay-hinay papunta ng salas. Sa malayuan palang, dinig na dinig na ni Paige ang tunog ng TV at alam niya kung ano ang lumalabas. Tumakbo agad si Dazzle sa salas para makita ang lumalabas sa TV. "Hoy! Magdahan-dahan ka nga!" sabi ni Garry kay Paige sabay habol sa dalaga. Nang sila ay nasa salas na, napatigil silang dalawa at napatingin sa kung ano ang lumalabas sa TV. Napatitig lang ng diretso si Paige sa lumalabas na 'Tom and Jerry', habang lumuluha at mukhang galit. "Paige? Anong ikinagagalit mo sa lumalabas sa TV? Galit ka ba kay Tom? O kay Jerry?" tanong ni Garry sa dalaga dahil namumula ang mga pisngi nito at basang basa na ang mga mata nito ng luha. Nagulat ang cameraman nang inamplag ni Paige ang TV at DVD player. "Ba't inamplag mo?" tanong ni Garry. "Bakit? Manunood ka pa ng habulan ng pusa't daga?! I-play natin ulit..." pilosopong tanong ni Paige kay Garry. "Hindi naman sa gan'on, eh, pa'no kung, may kasunod pa 'yon? Baka may next scene eh... kayo na pala ni June ang naghahabulan." Sagot ng cameraman. "Tanga ka ba? Hindi ang iniirog mo na newscaster ang killer, ang gagang sexy dancer ang killer!, Si June!" sigaw ni Paige sa binata. Nagulat ang binata sa sinabi ni Dazzle. "Oh! Ba't mo naman nasabi 'yan? Tom and Jerry lang naman ang napanood natin, hindi naman kayo ni June ang naghabulan sa TV." Sabi pa ni Garry. "Gumising ka nga! Clue na ang cartoon series na 'yon, na ang Sophia Loren of the Philippines ang mamamatay-tao, dahil ikinalat na ng former bestfriend ko ang pagiging ampon ko at inembeta na akong sumunod na ma-dead-bull sa ate ko! kung hindi man siya si Starkiller malamang kasabwat lang siya ng mamamatay! arte pa siya na inatake siya ni Starkiller eh gawa gawa niya lang naman lahat ng to para sumikat lang siya lalo!" galit na sagot ni Paige sabay hagis kay Garry ng invitation letter mula kay Starkiller at ang 'Phil's Newspaper' na may balita tungkol sa pagiging ampon ni Dazzle. "So dalawa ang killer?" sabi ni Garry. Nagtitigan ang dalawa dahil sa gulat at takot. Biglang tumunog ang chandelier sa labas ng bahay, na para bang dinaplisan ng hangin. Napalunok ng laway si Dazzle. "Hangin lang 'yan." Sabi ni Paige kahit takot na ito. Nang biglang tumunog ulit ang chandelier na para bang sinadyang hampasin. Natakot at nagulat ang cameraman at ang artista. "Hindi na hangin 'yan girl..." sabi ni Garry sabay takbo sa pintuan at ikinandado. Tumakbo naman si Paige sa telepono. "Sinong tatawagan mo?" tanong ni Garry sa artista. "Si Warren siyempre!" sagot ni Paige sa cameraman. Nagtataka si Paige, kung bakit walang dial tone ang telepono. "Walang dial tone ang telepono!" sigaw ni Paige sa gulat. Nakita nilang dalawa sa may sahig na may nag-cut ng wiring ng telepono. "Umalis na lang tayo dito." Sabi ni Garry kay Paige. "Asan bang cellphone mo?" tanong ni Paige kay Garry. "Wala ng battery..." malungkot na sagot ng binata sabay pakita sa dalaga ang cellphone nito na wala ng baterya. Nagalit si Paige. "Battery empty?!" galit na tanong ni Paige, "kakaloka ka! Pati cellphone nauubos ang battery sa nobya?" dugtong pa ni Paige, sabay lakad papunta sa pintuan. "Ibigay mo na lang pati charger sa kanya!" sabi ni Dazzle sabay bukas ng kandado sa knob ng pintuan at bukas ng pinto. Nang mabuksan ni Paige ang pinto ng nakatitig kay Garry, nagulat ang cameraman nang makita, si Starkiller, nakatayo sa labas ng pintuan, nakatitig sa dumadakdak ng nakatalikod na si Paige. Napasigaw bigla si Garry ng "Dapa!!!" kay Dazzle. Napadapa naman ang dalaga. Agad na hinagis ng cameraman ang hawak nitong vase sa mukha taong nakamaskara. Napatumba rin ang killer sa sakit ng tinamo niya sa vase na hinagis ni Garry sa kanya. Nagulat si Paige sa nakita. Gumapang ang dalaga at tumayo sa tabi ng cameraman. "Oh God..." sambit ni Dazzle. Lalabas sana ang dalawa sa main door kung saan napatumba sa may doormat ang killer, ngunit nang magkamalay si Starkiller, napaatras ang dalawa sa takot at napatakbo papunta sa haghdan. Nang silang dalawa ay tumatakbo na paakyat ng hagadan, tumigil bigla si Garry. "Bakit?" tanong ni Paige sa binata. "Patayin nalang natin ang gagong 'yon!" sagot ng cameraman. Kinuha ni Garry ang pala na nakapatong sa isang side table, ngunit nang tumingin silang dalawa sa labas kung saan napatihaya sa doormat ang killer, napanganga sa gulat ang dalawa dahil wala na ang nasabing mamamatay-tao. "Sabi ko sa'yo, patayin na lang 'yon eh!" dismayang pagsabi ni Garry. "'Kala mo kung sinong matapang, tumakbo ka din naman ah!" sagot ni Paige. "Tumakbo lang ako nang umatras ka na!" sagot din ni Garry sabay lakad papunta sa pintuan para isara. Patuloy sa pagsalita si Garry tungkol sa pag-atras ni Paige kaya siya napatakbo na rin. Ngunit nang hinawakan na ni Garry ang pintuan para isara ang pintuan, nagkaroon ng pakiramdam si Paige na baka nasa likod ng pintuan nagtatago ang killer. Ngunit patuloy sa pagdakdak ng mga salita ang cameraman kay Dazzle. "'Wag mong isara'ng pinto!" sigaw bigla ni Paige. Ngunit naigalaw na ni Garry ang pintuan para isara, at nakita ni Paige sa likuran ni Garry ang killer mula sa likuran ng isinarang pinto. "Look out!" sigaw ni Paige sa cameraman. Napaharap si Garry at isang saksak sa kanyang kanang balikat mula sa ice pick ng killer ang nangyari. Napasigaw si Paige sa nakita. Napasigaw din ang cameraman nang siya ay masaksak ng killer. Sinuntok ng killer ang binata sa harapang bahagi ng kanyang mukha, sinakal ng matagalan na umabot ng anim na segundo at hinagis sa dingding at nauntog pa ang ulo. Nanginginig si Paige sa nakita, napaatras ito nang tumitig sa kanya ang killer at nagsimula ng tumakbo. Hinabol naman siya agad ng killer. Tumakbo si Dazzle paakyat ng hagdan. Nadakip ni Starkiller ang palda ng gown ni Dazzle. Napatumba ang dalaga at humagalpak sa hagdan. Napasigaw ito sa sakit. Sinaksak ng killer ang gown ni Paige at napunit ito. Hinila ng dalaga ang damit, sumigaw sa killer ng, "Fuck you!" at sinipa ang mukha ng killer. Tumilapon at napatumba ang mamamatay-tao. Nakatakbo si Paige paakyat ng hagdan ngunit tumayo agad ang killer at hinabol ang dalaga. Naisara na ni Paige ang pintuan ng napasukang kuwarto para magtago, at ang kuwarto ay ang kuwarto ni Peter. Panay ang iyak ni Dazzle. Napasigaw pa ito nang tinulak ng killer ang sarili sa pintuan para mabuksan. Sinusubukan ng killer na mabuksan ang kuwarto gamit ang pagtulak ng sarili sa pinto. Nanginginig si Paige sa pagtitig sa gumagalaw na knob ng pintuan. Ilang segundo lang, tumigil ang paggalaw ng knob. Napatigil na din sa pag-iyak si Paige. Naririnig pa ni Dazzle ang tunog ng pagtakbo ng killer pababa ng hagdan. At ilang segundo lang, tumunog ang cellphone ni Peter na nasa bulsa ng dalaga. Nakalimutan ni Paige, na nasa kanya pala ang cellphone ng manager niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa niya. Nagtext si Sparkle, at ang sabi sa text, "Paige! Peter! Nasa labas na 'ko ng bahay niyo, buksan niyong pinto!" Nagkaroon ng pag-asa si Paige na makatakas dahil sa text ng dating kaibigan. Ngunit biglang natakot si Dazzle. Nagkaroon ng pakiramdam ulit si Dazzle, na baka si Sparkle ang killer.

Kadadating lang ni June sa bahay ni Paige dala-dala ang cellphone. Hindi pa rin rume-reply ang dating bestfriend. Lumabas si June sa sasakyan nito. Tumakbo paakyat ng hagdan papunta ng balkonahe ng bahay ni Dazzle. Dahil sa hagdan naalala pa ni June ang nakaraang umaarte silang tatlo nina Paige at Van noong mga bata pa sila, rumarampa silang tatlo sa nasabing hagdan, suot-suot ang mga damit ng mga ina at mga tita nila. Ngunit, hindi lang basta-basta fashion show ngayon ang kanilang dapat atupagin. Nang maabot na ni June ang balkonahe, nakita niya ang isang metal flower vase sa may doormat. Kinabahan ang dalaga dahil may alam niya sa sarili nito na may nangyari ng kaguluhan at karahasan sa loob ng bahay ng dating kaibigan. Agad siyang tumakbo sa knob ng pintuan. Nalaman ng artista, na bukas ang front door. Hinay-hinay niyang binubuksan ang pintuan at agad itong pumasok. Natatakot man ang dalaga, ay tumindig lang ito na parang matapang.

Nang si June ay nasa loob na ng bahay ni Paige, napansin niyang, maayos naman ang lahat, ngunit nang tumitig si June sa right corner ng bahay, nakita niya si Garry na nakadapa sa sahig, may saksak sa balikat, duguan at mukhang wala ng buhay. Napatakip ng bibig sa gulat at nanginig sa takot ang aktres. Nang may tumunog sa ikalawang palapag ng bahay, na parang takbo ng isang naka-high heels na sapatos, kinuha agad ni June ang pala sa tabi ng nakahandusay na cameraman. Hinawakan niya ito ng mahigpit at lumakad ng hinay-hinay papunta ng hagdan. Ayaw na sanang umakyat ng hagdan itong si Sparkle ngunit si Paige ay kailangan niyang i-save. Huminga ng malalim si June at nagsimula ng umakyat ng hagdan, dala-dala ang pala. Habang ito ay lumalakad paakyat ng hagdan, nakita ni Sparkle sa ilalim, may gumupit ng kawad ng telepono. Lalo itong kinabahan, pinagpatuloy pa rin ni June ang paglakad. "Paige!!!" sigaw ni June. Ngunit walang sumasagot. Nasa ikalawang palapag na si Sparkle. Lumalakad na ang artista sa pasilyo. Habang lumalakad ay kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa ng gown. Tinawagan niya ang police station ngunit busy ang linya. Tinawagan din ni June si Warren ngunit di rin ito sumasagot. Low-batt na si Sparkle at kinakabahan na ito na baka mauubusan na ng baterya ang cellphone nito. Tinawagan ulit ni June ang pulisya ngunit busy pa rin ang linya.

May celebration sa istasiyon ng mga pulis. May birthday na deputy at nag-iinuman ang mga pulis. Kaya pala putol ang linya ng telepono sa police station ay dahil mayroon ding gumupit ng wiring ng telepono sa istasiyon.

Bukas ang kuwarto ni Paige. Pumasok si Sparkle sa loob ng nasabing kuwarto, ngunit sa doormat pa lang, halos sumuka na si June sa nakita sa bukas ng closet ng kuwarto ni Paige. Nakita ni June ang duguang patay na katawan ni Peter. Isinara agad ni June ang kuwarto ni Dazzle. May tumunog bigla sa kuwarto naman ni Peter, tunog ng kalapag ng heels ng sapatos. Alam ni June na nasa loob ng kuwarto ni Peter si Paige. Tumakabo agad si June sa pintuan ng kuwarto ng manager ni Dazzle. Kumatok itong si Sparkle ng tatlong beses sa pintuan, sabay sabi ng "Paige? Paige, ako 'to! Si June, buksan mo 'tong pinto." Ngunit walang sumasagot mula sa dating bestfriend. "Alam ko nandiyan ka sa loob, buksan mo 'tong pinto!" inis na sigaw ni June. Naisipan ni June na gibain naman ang knob ng pintuan. Hinigpitan ni June ang pag-hawak sa pala, napaisip ito ng, "One, two... Three..." at agad niyang hinampas ang kulay pula na pala sa knob. Nagiba ang knob sa lakas ng hampas ni June gamit ang nasabing pala. Sinipa ni June ang pintuan ng kuwarto ni Peter. Pumasok ang dalaga sa loob ng kuwarto, dala-dala pa rin ang armas nito. Ngunit pagpasok ni Sparkle sa kuwarto ni Peter, ni anino ni Paige ay wala siyang nakita. "Paige..." sabi ni June ng mahinahon. Tiningnan niya ang ilalim ng kama, sa likod ng malaking cabinet, at sa loob mismo ng cabinet, ay wala siyang nakitang babaeng mistisa-negra. Nang lumakad si June papunta sa bintana, biglang bumukas ang dark green na kurtina at lumabas si Dazzle. Biglang hinampas ng may-ari ng bahay ang bisita sa mukha gamit ang malaking photo frame na yari sa metal. Napatumba at napasigaw si June sa sakit. Hinampas pa ulit ni Paige si June sa mukha, ngunit, tinakpan at hinarangan ni June ang mukha gamit ang armas nitong pala. Dinakip ni June ang frame na hawak ni Paige at hinampas din ito sa kanyang mukha, at sinipa. Napatapon si Paige sa malayuan ay natumba sa isang side table. Napaatras si June at napatayo. Nasaktan naman si Paige sa hinampas na frame ni June sa kanyang mukha at sa sipa nito. Napatayo si Paige mula sa pagkatumba. Nagtitigan ang dalawang dating magkaibigan. Galit na tumitingin si Paige kay Sparkle habang si June naman ay parang naaawa ang titig nito kay Dazzle. Galit na lumakad si Paige papunta sa pintuan ngunit hinarangan siya ni June. Binitawan ni June ang hawak na pala at hinawakan ang mga braso ni Paige. Kinuha ni Dazzle ang mga kamay ni June na nakahawak sa mga braso nito at agad na itinulak si Sparkle. "Ano ba! Umalis ka nga sa dinadaanan ko!!" sigaw ni Paige. Sinampal ni Dazzle si Sparkle sa kanang pisngi, "Mamamatay-tao!" sigaw pa ni Dazzle. Nagalit na si June sa mga sinisigaw na mga salita ni Paige sa kanya. Sinampal rin ni Sparkle si Dazzle sa kanang pisngi, at tinulak, "Bakit? May nakita ka bang ice pick?! Kutsilyo?! Shotgun?! Armalite?! granada?! Sa gown ko?!" galit na tanong ni June sa dating kaibigan sabay lakad papalapit at tulak sa kanya. Napaatras naman si Paige dahil sa takot sa sigaw ni June. "Eh, ikaw naman itong nangunang manghampas ng picture frame sa mukha ko tapos ako pa ngayon ang mamamatay-tao?" sabi ni ni June kay Paige. "Ang arte mo! Pumasok ka sa bahay ko, giniba mo ang doorknob ng pintuan ng kuwarto ng manager ko! Sino ang killer ngayon?! Ang gaganda ng mga clue mula sa mamamatay-tao... ang sulat, tinili mo sa morge, spiritual qotation mula sa sinigaw mo!" galit na sabi ni Paige sabay hagis kay June ng Protégée na letter, ang letter na naka-qoute on quote. Binasa ni June ang sulat na hinagis ni Paige sa kanya at alam niya na ang nakasulat sa papel, ay buong sentence iyon mula sa kanya... ang sentence na isinigaw niya kay Paige sa morge... ang pangungusap na, '...Mag-ingat ka sa pananalita mo, at baka ikaw ang sumunod sa ate mo!...' at ang diyaryo na may balita tungkol sa pagiging ampon ni Paige. "Best actress ka nga! Hindi mo nga ikakalat ang pagiging ampon ko, Invitation letter? CD tapes? 'Tom and Jerry'? " sagot pa ni Paige. Naiinis pa rin si June sa sinabi ni Paige sa kanya at pati rin mismo sa letter na may sentence na isinigaw nito. "Gaga ka nga talaga 'no, mas maarte ka! Actually sa'yo po pala galing ang ideya ng mga pagpatay ng mamamatay-tao! Dominique? Lexus? Protégée? Seb?" sagot din ni June. Napa-pause for a moment si Dazzle. Naalala ni Paige, na siya pala ang sumulat ng pelikula na Protégée na naging dilubyo sa buhay ni June. Bigla itong nahiya kay June at nagsimula ng ngumiti. "Ikaw naman kasi, bigla ka lang pumapasok ng bahay ko, edi, ikaw tuloy na naging suspek ko. Binigyan pa naman ako ng killer ng letter na may sentence mula sa sinigaw mo sa morge, may newspaper pa tungkol sa pagiging adopted ko at pinanood ko pa ang favorite cartoon series natin, sinong hindi matatakot at magdududa niyan sa'yo?" sagot ni Paige kay June na may mabait na tono ng pananalita. Huminga ng malalim si June. "Hindi mo man lang inisip na naka-gown lang ako!... Listen," sabi ni June, "pumunta ako dito para iligtas ka. At kung ako man ang killer, hindi na 'ko magpapadala sa bahay mo ng mga clue, kung papaano ka papatayin. Dideretso agad ako sa bahay mo gamit ang palang nasa sahig." Sabi ni June. Natakot bigla si Paige sa sinabi ng dating kaibigan sabay titig sa pala. "Scary mo naman girl... di ka na mabiro..." sabi ni Dazzle sabay na ngumiti. "Ikaw ang gumawa ng mga kagagahang 'to, ikaw dapat ang may ideya kung papaano tayo makakaligtas dito." Sabi pa ni June. "Bakla, ang tanging mga suspek lang naman sa sinulat kong pelikula na Protégée, ay mga malalapit na tao sa main character na si Lexus, ikaw ang nag-dala kay Lexus, so, sino ba'ng mga malalapit na tao ang sa tingin mo ang gustong pumatay sa'yo?" tanong ni Paige kay June. Kinakabahan si June sa sasabihin niyang suspek kay Paige ngunit kailangan niyang malaman. "Paige, I'm afraid to say this, kung sino'ng sinususpektahan ko." Sabi ni Sparkle. "Bakit? Sa tingin ko nga, parang pareho lang din naman tayo ng sinususpektahan eh." Sabi din ni Paige. Sa galaw ng kanilang mga mata, parang iisa lang ang suspek na nasa isip nila. "Newscaster ba 'yang suspek na nasa isip mo?" Tanong ni June kay Paige. Tumango si Paige. "Sa first clue mo parang, obvious, siya na agad." sabi ni Dazzle. Ngunit may isang bagay na ikinakakataka ni Paige, "June, sa araw na nag warfare tayo sa morge, wala si Van do'n." sabi ni Dazzle kay June. "Sorry ha, ichinika kita sa kanya pag-uwi ko agad sa bahay, kaya nasabi ko ang whole sentence na sinigaw ko sa'yo, kaya, sa tingin ko na-memorize niya 'yon." Sagot ni Sparkle kay Paige, "and Paige, habang nagda-drive ako kanina papunta dito, binigyan na naman ako ng killer ng video-clue, at ang video ay tayong dalawa na naglalaro noon sa isang cosplay party, naalala mo 'yon? I played Tom as usual and you played Jerry? Si Van ang nagvi-video sa atin sa mga oras na 'yon. Sa tingin ko, gusto niya tayong patayin dahil, sumikat tayo at siya... ay... hindi masyado?..." Sabi pa ni June na hindi sigurado kung sikat o hindi si Van. Biglang may naalala si Sparkle. "Paige, lumabas kanina sa balita na sana ay nominated din ang ate Daisy mo for best actress ngunit naisipan ng Ricci Lux Award na 'wag ng isama si Daisy sa nomination, at ewan ko kung bakit, pero pumasok sa isip ko na gustong tayong paslangin ni Starkiller ay dahil nominado tayong tatlo ni Daisy at iniisa-isa niya tayong patayin" sabi pa ni Sparkle. May nalala din itong si Dazzle. "June, ang diyaryo na 'Phil's Newspaper', diyan nagta-trabaho si Van, at tingin ko, ginamit niya lang ang ibang journalist na ibalita at isulat sa newspaper ang pagiging ampon ko." Sabi ni Dazzle sa kasama. At may naalala ulit itong si June. "Paige, 'True Vision', doon ko kanina napanood ang balita tungkol sa pagiging nominado din sana ni Daisy... Paige... sa TV station na 'yan... nagta-trabaho din diyan si Van. Dapat aware din tayo sa balita? Because there are clues from news? Gano'n ba 'yon??" sabi ulit ni June sa kasama nito. Napa-isip pa lalo ang dalawang artista. "At sa tingin ko June, nagalit siya sa atin dahil, hindi nakatulong ang yaman niya para sumikat siya. Tayo lamang dalawa, ang nakakaalam na mayaman ang gagang 'yan." Sabi din ni Paige kay Sparkle. "At sa video, na enjoy na enjoy tayo sa pagdiwang sa cosplay party, at siya rin ang nagvi-video sa 'tin, di natin naalala, siya rin ang nagdaos ng selebrasiyon at sa secret mansion niya sa Palawan ang pagdiriwang na 'yon." Sabi ni Sparkle kay Paige. Nanginig ang dalawa sa takot. Nagtitigan ang dalawang bituin, mata sa mata. Bumilis ang tibok ng mga puso ng dalawang dalagang artista. Napatitig si June sa pala na nasa sahig. Nanlaki ang mga mata ni June sa gulat dahil sa nakita. "Paige..." sambit ni June na nakayuko at nakatitig pa rin sa pala. "Ano?" tanong ni Paige. "Sa'yo ba'tong pala na 'to?" tanong ni June kay Dazzle. "Hindi... Nagayon ko nga lang 'yan nakita sa pamamahay ko..." sagot ni Dazzle kay June. Napayuko na rin si Paige at tumingin na rin sa pala. Nanlaki din ang mga mata ni Dazzle sa nakita. Nakita nilang dalawa na may naka-ukit sa holder ng pala, pangalan ng isang pagmamay-ari ng lupa, "Van's Land and Properties Inc.". Napatakbo sina Paige at June palabas ng kuwarto dahil sa takot sa nakita sa pala. Alam nilang dalawa na ang nakita nilang pangalan sa pala, ay patagong kompanya iyon ng pamilya ni Van.

Nagpa-panic ang dalawa. Lumalakad sila pababa ng hagdan. "Nasa akin ang cellphone ni Peter pero, hindi naka-save ang number ni Warren sa kanyang sim. Police station na lang June ang tawagan natin." Sabi ni Paige sa kasama habang lumalakad pababa ng hagdan. "Kanina pa busy ang linya ng police station, malamang may kababalaghang nangyayari na naman doon sa telepono nila." Sabi ni June habang hawak ang cellphone at ubos na ang baterya. "Ubos ng baterya ng cellphone mo, ginupit pa ang wiring ng telepono namin, pa'no na ngayon 'to...?" dismayadong tanong ni Paige kay June. Napatitig si Juhe sa nakahandusay na katawan ni Garry sa may corner. "Paige, si Garry ba may cellphone?" tanong ni June sa kasama. "Oo... pero battery empty na rin daw ang CP niya... pero baka puwede pang magamit, tingnan na lang natin..." sagot ni Paige sabay lakad papunta sa cameraman, lumuhod kay Garry at hinanap ang cellphone nito sa, mga bulsa ng pantalon at tuxedo, ngunit wala na ang cellphone ng binatang cameraman. "Imposimble, wala na!" sabi ni Paige, at nagulat din si June, "andito lang 'yon eh!" dugtong pa ni Dazzle. Hindi makita-kita ni Paige ang cellphone ng binata. Nang biglang may tumunog na nagri-ring na cellphone. Nagulat at napasigaw ang dalawang artista. Napatayo si Paige at lumapit agad kay June. Natatakot na din ang mga dalaga na lumabas ng bahay dahil baka nasa labas ang killer. "June... mas nakakatakot sa labas... ayokong lumabas..." sabi ni Paige. "I know..." sambit din ni June. Naririnig nilang dalawa ang tunog ng chandelier sa may balkonahe. Patuloy ang pagtunog ng cellphone from somewhere. Kinabahan pa lalo ang dalawang dalaga. Kinuha ni June ang dustpan na yari sa metal na nasa gilid habang si Paige ay kinuha ang sariling eyeliner. Hinigpitan ni Paige ang paghawak sa eyeliner nito. Nakita ni June na bakit eyeliner ang kinuhang armas ni Paige. "Eyeliner?" gulat na tanong ni June na may mababang boses. "Hindi lipstick... obvious ba? Eyeliner nga di ba?" inis na sagot ni Paige na may mababa ring boses. Patuloy ang pag-ring ng cellphone. Gustong kurotin ni June ang tenga ni Paige ngunit di niya ito magawa sa ganitong sitwasiyon. Malamang takot lang si Paige na pumatay ng tao. At napasigaw ulit ang dalawang dalaga nang tumunog ang isa pang cellphone at nagmumula ito sa balkonahe ng bahay. Binuksan nina June ang bintana para silipin kung kaninong cellphone ang tumutunog sa balkonahe. "That's Peter's other phone." Sabi ni Paige kay June. Lalabas sana ng biglaan si Paige dahil sa nakitang celphone sa front porch ng bahay nito ngunit pinigilan siya ni June. "Ano? Kukunin mo'ng, 'other'! phone ng manager mo? Gaga ka talaga! It's a trap!" sabi ni June kay Dazzle. "Sabi ko nga eh..." sabi ni Paige na sumang-ayon din sa sinabi ni June, "eh, malamang ang isa pang cellphone na nagri-ring malamang trap rin 'yon." Dugtong pa ni Paige. Naguguluhan na ang dalawa. Nalaman na nina June at Paige na ang isang nagri-ring na cellphone ay nagmumula sa kusina. Tumigil na sa pagtunog ang cellphone sa balkonahe, ngunit ang cellphone sa kusina ay patuloy pa rin sa pag-ring. Kinakabahan at naguguluhan pa rin ang dalawa. Nang biglang tumigil ang tunog ng cellphone sa kusina. Napahinga ng malalim ang dalawang artista. Nang biglang may nagsalitang babae mula sa cellphone na nasa kusina. "You have one message from Ricky." Sabi ng babae sa cellphone. Nagulat ang dalawang aktres lalong lalo na si June. Nagkaroon ng mahabang beeping, at nagsalita si Ricky, "Garry, si Ricky 'to, papunta na 'ko kina Paige. Ando'n kasi sister ko. Hingi sana ako ng tulong, na baka matulungan mo 'ko, si Van kasi wala sa kanyang bahay, busy naman ang linya ng pulisya, di ko naman ma-contact si Warren, sige, bye." Naputol agad ang linya. Napatakbo agad sina Paige at June sa kusina. Malamang nagda-drive na si Ricky papunta sa bahay ni Dazzle, at dala-dala niya ang cellphone nito, at isang tawag lang sa kapatid ni June, ay makakahinghi na sila ng tulong. "Papalapit na si kuya dito for sure. Malamang hawak niya pa rin ang cellphone nito, dali!" sabi ni June kay Paige habang tumatakbo papunta sa kusina. Nang silang dalawa ay nasa kusina na, wala silang nakitang cellphone. Panay ang hanap nila sa cellphone, mula sa ilalim ng mesa hanggang sa loob ng refrigerator, ngunit wala silang nakitang cellphone. Nang biglang tumunog ulit ang hinahanap nilang CP. Galing pala ang tunog ng cellphone sa may bintana sa itaas ng lababo. Nang tumingin ang dalawang artista sa bintana, nagulat sila nang makita si Starkiller, hawak-hawak ang cellphone ni Garry sa labas at nakatingin sa kanila. Nakikita pa nila sa cellphone ni Garry na hawak ng killer, na tumatawag si Ricky. Nang biglang binitawan ni Starkiller ang cellphone na hawak at tinapakan. Nadismaya ang sina June at Paige dahil sinira ng killer ang cellphone. Natakot ang dalawang dalaga nang umatras ang killer mula sa bintana. Napaatras din ang mga binibini. Tinuro bigla ng killer ang front door. Napatalikod sina June at Paige at tumingin din sila tinurong pintuan ni Satarkiller. Nakita nilang dalawa na bukas ang front door. Nagtitigan ang dalawang dalaga. Nang humarap silang muli sa killer na nasa bintana, wala na ito. Nagtinginan ulit sina Paige at June. Pumasok sa isip nila na malamang tumakbo pabalik ng front door ang killer. Agad na tumakbo ang dalawang artista pabalik ng salas para isara ang front door. Muntik ng makapasok ang killer, mabuti at naabutan nilang dalawa ang front door, at naisara nila nasabing pintuan. Patuloy ang killer sa pagtulak sa sarili si pintuan para mabuksan nito. Sa kabilang panig naman, ay bina-block din ng dalawang dalaga ang pinto para di makapasok ang killer. "June!? Pa'no na ngayon 'to!?!" sigaw na tanong ni Paige sa kasama. "Ewan ko sa'yo!" galit na sigaw ni June kay Paige, "ang mga pintuan ng bahay mo, may mga door knob nga, wala namang door lock!!! Isang saksak lang ng gagong killer na 'to sa knob, magagawa na niyang susi ang ice pick para buksan ang pintuang 'to!!!" dugtong pa ni Sparkle. Biglang sinunod ng killer ang sinigaw na stratehiya ni June kung papaano buksan ang pinto. Sinaksak ng killer bigla ang knob, at tumagos ito sa loob. Napasigaw ang dalawang dalaga nang makita ang ice pick ng killer na tumagos papasok ng knob. Umatras silang dalawa papalayo sa pinto. Kinakabahan at natatakot na ang dalawang dalagang naka-gown. Hinihingal sa takot ang dalawang artista. May mahabang katahimikan dahil sigurado pa rin ang dalawang artista na nasa labas lang ng bahay ang killer. Hindi niya pa rin sinisipa ang pinto para makapasok. Nang biglang bumukas ang pinto. Sinipa ng mamamatay-tao ang front door. Napasigaw ang dalawang babae sa gulat at agad na tumakbo. Hinulbot ng killer ang sinaksak nitong ice pick sa knob at hinabol ang dalawang dalaga. Naghiwalay sina Paige at June ng tinakbuhang daan. Si Sparkle ay tumakbo paakyat ng hagdan, habang si Dazzle ay tumakbo papunta ng kusina. Hinabol ni Starkiller ang babaeng tumakbo papunta ng kusina. Nadakip ng killer ang kulot na buhok ni Paige. Napasigaw si Dazzle. Inuntog ni Starkiller ang noo ng morenang artista sa dingding ng tatlong beses. Sigaw lang ng sigaw si Paige sa sakit. Hinulbot ni Dazzle ang yari sa metal nitong eyeliner mula sa bulsa niya at sinaksak ang kanang binti ng killer. Napasigaw ang killer sa sakit kahit nakamaskara at nabitawan niya ang hawak na ice pick. Sa sakit ay nabitawan niya na rin si Paige. Humarap bigla si Dazzle sa killer at sinipa ang pantog nito. Mas nasaktan ang killer at napasigaw ito ulit. Sinuntok pa ni Dazzle ang pisngi ng killer gamit ang kaliwang kamay. Nang ginamit na ng dalaga ang kanang kamay sa pagsuntok, nadakip ng killer ang kanang braso nito gamit ang kaliwang kamay. Natakot si Paige. Sinakal bigla ng killer si Paige gamit ang kanang kamay. Sa sobrang higpit, hindi na makahinga si Dazzle. Itinulak pa ni Starkiller sa dingding ang dalaga, para di na makaalis ang dalaga sa sakal. Ginamit pa ni Starkiller ang kaliwang kamay nito sa pananakal sa artista. Galit na galit na ang killer, at kunting sakal pa ay mawawalan na ng hininga si Paige. Hindi alam ng killer, may galit na galit ding dalaga sa likuran nito. Biglang may humampas ng malaking flower vase sa ulo ni Starkiller. Napatumba ang mamamatay-tao, at nabitawan niya si Paige. Napaubo agad si Paige at napahinga ng malalim nang siya ay makalaigtas sa kamay ng killer. Nakita ni Dazzle na si June pala ang dalagang humampas ng malaking flower vase sa ulo ng killer. Nang matumba na ang killer sa sahig, patuloy pa rin sa paghampas ng vase sa mukha ng killer itong si June sabay sigaw sa galit. Ngunit di pa rin magiba-giba ang maskarang suot-suot ng killer. Pagkatapos ng pitong beses, napatapos din si June sa paghamapas ng flower vase sa mukha at noo ng killer. Wasak at halos mapudpod din ang vase na hinampsas ni June sa mukha ng nakamaskarang killer. Hiningal sa pagod si June. Nang mapansin nilang dalawa na di na gumagalaw ang killer, nakahiga na lang ito sa sahig, naisipan nilang, lumakad paatras ng hinay-hinay papasok ng kusina, habang nakatitig sa killer. Hindi kasi sila sigurado kung patay o buhay pa ang killer dahil sa maskara nitong suot na nakadilat ang mga mata. Biglang gumalaw at tumayo ang killer at napasigaw ang dalawang bituin, at agad silang tumakbo papasok ng kusina. Nang silang dalawa ay nakapasok na ng kusina, agad nilang isinara ang kitchen door. "Ikaw kasi!!!" sigaw ni Paige kay June. "Anong ako?!!" sigaw na tanong ni June. "Humiwalay ka sa 'kin!! Kaya ako nadakip!!" sagot ni Dazzle. "Gaga!!!" sigaw din ni June sa kanyang kasama, "kung di ako humiwalay ng daan, malamang ngayon patay kana!!" dugtong pa ni Sparkle. Naririnig ng dalawang artista na tumatakbo ang killer sa salas, palabas ng bahay. "Sa'n naman pupunta'ng mokong na 'yon?" tanong ni Paige kay June. "I don't know..." takot na sagot ni June. Naririnig pa nilang dalawa na bumukas ang front door at agad na sumara. "Nilayasan tayo?" pilosopong tanong ni Paige. "Ano? Tatawag siya ng pulis? Arte niya lang 'yan." Sabi ni June sa kasama. Ilang segundo lang, naririnig nilang, bumukas ulit ang main door ng bahay ng hinay-hinay. "See... told you." Sambit ni June kay Paige. Mas kinilabutan ang dalawang dalagang arttista, nang marinig ang hinay-hinay na paglakad ng misteryosong tao sa salas. Natatakot na sina Dazzle at Sparkle dahil alam nilang lumalakad papunta ng kusina ang taong nasa salas. Napahawak si June sa kitchen knife na nasa lababo, at napahawak si Paige sa malaking kaldero. Pinaghahandaan nila ang pagpasok ng killer sa kusina. Alam nila na ang tanging lock ng kitchen door ay ang doorknob. "Alam naming andiyan ka!! 'wag ka ng umarte pa!!" sigaw ni June mula sa kusina. Nanginginig itong dalawang artista sa takot, nang makita ang knob ng kitchen door na gumagalaw. Humigpit lalo ang hawak nila sa kutsilyo at kaldero. Nang marinig nina Paige at June ang pagsalita ng tao sa labas ng kusina, nagulat silang dalawa. "June? June!" alam ng dalawang aritista na si Ricky ang nagsasalita. "Buksan mo 'tong pinto! Ako 'to!!" sigaw pa ni Ricky. Bubuksan na sana ni Sparkle ang pintuan ng kusina nang biglang hinawakan ni Paige ang kanang braso nito, para pigilan sa pagbukas ng pintuan. "Teka," sabi ni Paige sa kasama, "paano kung siya ang mamamatay-tao?" tanong pa ni Dazzle. Nagalit si June sa sinabi ng kasama nito. "Kuya ko ang tinutukoy mo na mamamatay-tao." Galit na sagot ni June sabay agaw ng braso nito sa kasamang artista. Binuksan ni June ang pintuan at nakita nga nilang dalawa si Ricky. "Kuya!" sabi ni June na nasurpresa sa pagkakita ng kapatid. Nahihiya namang tumingin ng diretso si Paige dahil sa sinabi nito kanina. "Okay ka lang?!" tanong ni Ricky na gulat sa pagkakita sa kapatid at kay Paige na puro dumi ang mukha, peklat, maliliit na bukol at punit-punit na ang mga gown, "Si Garry patay na, 'asan si Peter?!" tanong pa ni Ricky. "Basta long story, buti't dumating ka, sinundan mo talaga ako kuya!" naluluha sa tuwa na pagsabi ni June. "Sinundan talaga kita, para isalaba ka--" naputol bigla ang pagsasalita ni Ricky at paglakad nito papalapit sa kapatid nang bigla itong sumigaw sa sakit! Napasigaw na rin ang dalawang artista sa gulat sa pagsigaw ni Ricky. Lahat-lahat ay nasa slow-motion. Bumagsak sa sahig ang kapatid ni June. Sinaksak pala sa likod si Ricky ni Starkiller gamit ang ice pick. Nagtatago lang pala ang killer sa likod ng manager ni Sparkle habang nakatayo ito kanina. "Kuya!!!" sigaw ni June sa gulat, takot at lungkot. Nagulat at napaluha din itong si Paige sa nakita. Iyak ng iyak si June at gustuhin mang lumabas ng dalaga para makayakap man lang sa kapatid, ngunit di na niya ito magawa dahil unti-unting isinasara ng killer ang pintuan ng kusina. Hinahagkan na lang ng umiiyak ding si Paige itong si June. Bago sumara ang pintuan, nakita pa ni June at Paige na pinulot ng killer si Ricky sa sahig, hinagis at hinampas sa center table. Nabasag ang glass na mesa at humagalpak sa sahig si Ricky.


next chapter
Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C11
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄