下載應用程式
81.76% Night Ranger (Tagalog) / Chapter 601: God Slaying Seal

章節 601: God Slaying Seal

編輯: LiberReverieGroup

Nanggagalaiti sag alit ang Snake Witch.

Bilang isang makapangyarihang caster, matagal na siyang hindi nakakaranas ng pagkatalo.

Sa Underdark, bukod sa tahimik na lalaki sa katabing burol, wala pa siyang nakakaharap na malakas na kalaban.

Pinamumunuan niya ang Rotten Mushroom Swamp at ang lahat ng mga halimaw na ito ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan.

Ang sino mang manghihimasok ay mamamatay sa loob ng swamp.

Kung mayroon man siyang mahuling buhay, siguradong magsisisi ang taon na iyon na ipinanganak pa ito. Lalo pa at ang isang Alchemist at Poison Greatmaster ay kailangan ng maraming pag-eeksperimentuhan.

Malawak ang kaalaman niya sa lahat ng lason sa mundo, kaya naman ang lahat ng nakakakilala sa kanya ay natatakot sa kanya.

Matagal na panahon na mula noong huling beses siyang nakaramdam ng matinding sakit, kaya naman nag-uumapaw sa galit ang kanyang dibdib.

'Para palihim na pumasok siya sa teritoryo ko…'

'Siguradong ang babaeng iyon ang nagsabi sa kanya.'

Habang iniisip niya ito, mas lalong nagdilim ang paningin ng Snake Witch.

Labis niyang kinamumuhian ang mga Anzed. Bilang isang mapagmataas na nilalang, ipinamalas ng Snake Witch ang kanyang nakakagulat na talent sa binata.

kabisadong-kabisado nito ang Sistema ng Witchcraft at halos magawa na nitong kontrolin ang lahat ng Witchcraft Authority.

Pero hindi siya hinayaan maging pinuno ng dating Witch Queen.

Ikinagalit niya ang kawalan ng hustisyang ito, at matapos noon, hinarap ng mga Anzed ang una nilang pinakamalaking krisis magmula noong mabuo sila.

Kahit na naiwasan ang krisis na ito dahil sa palihim na pagtulong ng ilang mga God sa kanila, isa pa rin itong malaking pagsubok paa sa mga Anzed.

Maraming mga Witch ang namatay at kahit ang Witch Queen ay nakatamo ng malubhang pinsala. Nag-agaw buhay ito at ginamit ang natitira nitong kapangyarihang para patawan ng curse ang Snake Witch, kaso nga lang ay hindi niya ito napatay.

Alam niya ang level ng kanyang sariling kapangyarihan.

Kapag mas makapangyarihan ang isang tao, mas malakas ang nasuklam-suklam na awra ng kamatayan na nagmumula sa mga ito.

Sa harap ng mga pag-atake ni Marvin, malinaw na naramdaman niya ang pagtawag sa kanya ng Underworld.

Labis naman niya itong ikinatakot.

Kailangan mamatay ng taong ito!

Hubo't hubad siya matapos na mag-iba ang kanyang anyo, at dahil sa nakapalibot na pulang hamog, ang bawat bahagi ng kanyang balat ang mukhang nakaka-akit.

Pero noong oras na iyon, tinamaan siya ng sinag ng araw.

Ang lugar kung saan tumama ang sinag ng araw ay agad na nabulok at naging nakakadiri!

Galit siyang tumingin sa Courtyard.

NAngyari ito dahil sa psesteng curse na ito!

Kung hindi, sa lakas nito ngayon, hindi siya maidadan sa mga lihim na pa-atake ng isang bata.

Mayroon na itong naisip kung ano ang gustong gawin nito kay Marvin.

Hindi niya hahayaan na maatay agad-agad si Marvin. Balak niyang dahan-dahan na balatan ang ulo nito at pagkatapos ay lalagyan niya ang searing poison power.

Habang iniisip pa lang ito ay natuwa na ang Snake Witch at hindi mapigilan na ngumuti nang masama.

Pero sa sumunod na segundo, matapos kumalat ang pulang hamog, natigilan ito.

Wala nang laman sa paligid. Hindi niya na makita si MAvin kahit gamit na niya ang kanayang Infreref Sight.

"Imposible ito!"Hindi maipinta ang reaksyon ng Witch.

Alan niya ang kung gaano kalakas ang [Bone Breaking Screech]!

Kahit ang sino man na nasa level ng isang Divine Servant ay hindi na makakagalaw dahil sa spell na iyon!

Dahil ang Legendary Spell ay dating mayroong Authority na nahihigitan pa ang mga Divine Law.

Ginawa ito mula sa nilihka ng isang makapangyarihang Legend Wizard ng ikatlong Era, at nakadisenyo ito para mapibiglan ang mga spell ng mga God!

Ang mga ganitong uli ng spell ay dating kilala noong 3rd Era, dahil sa maraming pakikipaglaban sa mga God matapos mag-descend ang mga ito.

Ang ilang mga caster ay nagnais ng kaalaman at kapangyarihan galit sa mga God. Kinamumuhian nila ang mga nag-aascend sa Godhood, pero wala pa rin silang nagawa kundi humanap ng paraan para harapin ang Divine Power ng mga New God.

Kaya naman, nagsimla na silang magsalisik ng mga spell na kayang punteryahin ang mga Divine Law

Ang mga ganitong uri ng spell ay tinatawag na [God Slaying Seal].

At syempre, maraming mga uri ng spell ang masasabing mga God Slaying Seal, at ang Bone Breaking Screech ay isa na sa mga ito. Ang Snake Witch, bilang isang kilalang nilalang na nagmula pa sa ikatlong Era, ay nagamay na ang napakaraming mga God Slaying Seal, pero ang Bone Breaking Seal lang ang makakapagbigay sa kanya ng pagkakataon na makabawi mula sa pagiging dehado sa kanilang laban.

Natuwa naman siya sa naging resulta ng spell. Base sa reaksyon ni Marvin noong tinaman ito ng spell, alam ng Snake Witch na matindin ang pinsalang natamo nito!

Siguradong nabasag ang mga buto nito.

Dahil sa God Slaying Seal na ito, kahit na mayroong itong recovery ability na ka-level ng mga God, kakailanganin pa rin niya ng ilang minute para gumaling.

At mamamatay siya sa loob ng ilang minuto na ito!

Pero ang sitwasyon ngayon ay naiiba sa inasahang mangyari ng Snake Witch.

Biglang nawala si Marvin!

Hindi naman ito posbileng Hide skill.

Malakas pa rin ang kakayahan ng Snake Witch na makaramdam ng init. Hindi nito nahanap si Marvin noong una dahil naging pabaya ito, at hindi naman niya inaasahan na aatakihin siya habang naglalakad sa kanyang hardin. Isa pa ay umatake na si Marvin bago pa man siya makalapit nang husto.

Sinamantala ni Marvin ang pagiging mahinahon nito para matagumpay na maka-atake ng palihim.

Pero tunay na epektibo ang ginawang pagbawi ng Snake Witch, dahil kung hindi, siguradong namatay na ito.

'Astral Plane? Shadow Plane?'

Pumikit ang Snake Witch at isang ancient chant ang lumabas mula sa kanyang bibig.

Kung narito nga si Marvin, siguradong magugulat si Marvin dahil nagcha-chant ang Snake Witch gamita ng Ancient God Language.

Lumutan ang mga Ancient Rune at bumuo ng kulay dilaw na array.

Biglang bumugso ang hangin, kasabay ng pagbuo-buo ng liwanag na nanggagaling sa mga rune.

Bumukas ang kamay ng Snake Witch, at tila naging istatwa ang buong katawan nito at naging putting-puti ang kanyang mga mata!

"Lumabas ka na dyan, pesteng daga ka…"

Pagkatapos ay mayroong dalawang linya ng dugo ang lumabas mula sa kanyang mga mata!

Lumulutang-lutang naman si Marvin sa walang hanggang kadiliman habang iniinda ang sakit.

Nabasag ang kanyang mga buto!

Mas mabilis ang naging pagkilos ng Snake Witch kesa sakanyang inaasahan!

Hindi naman niya nagawang makatakas o mapigilan ang biglaang paggamit nito ng [Bone Crushing Screech] kahit na mayroon na siyang Post-God Dexterity!

Ang tanging bagay lang na dapat ikatuwa tungkol sa Bone Breaking Screech ay wala itong kinikilingan. Kahit na mas nakakalamang ang Witch dahil siya ay naka-Shapechange sa isang ahas, na mas makakapagpahina ng epekto ng spell, matagal-tagal rin bago ito makabalik sa pagiging Human.

Habang pareho silang hindi makagalaw, tiniis ni Marvin ang sakit at binuksan ang [Eternal Night Seal]!

Malaki naman ang pakinabang ng Eternal Night Seal.

Kayang maselyo nito ang kalaban sa Eternal Night Space, pero maaari rin itong gawing taguan ni Marvin.

Kapag mayroong nakakita na nawala ang isang tulad nitong rouge, unang maghahanap ang mga kalaban nito sa Shadow Plane at pagkatapos naman ay sa Astral Plane bago sila maghanap ng daan papunta ng ibang mga plane.

Ang mga daan papasok sa mga plane an ito ay mahirap hanapin. Ang Eternal Night Space na pag-aari ni Marvin ay mayroong sariling planar coordinates. Sa katunayan, katumbas ito ng isang walang laman na Demi-Plane. Pero hindi sapat ang lakas ni Marvin para suportahan ang isang Demi-Plane nang matagalan.

Kahit pa ganoon, hindi pa rin siya kaya hanapin at o hilahin palabas ng pangkaraniwang spell

Kaya naman nagtago muna siya sa loob nito hanggang sa umayos ang kanyang kalagayan.

'Nakakatakot ang Bone Breaking Screech. Mas epektibo pa kesa sa nasabi sa post.'

'Pero siguradong humina na rin siya sa ngayon, kaya matatagalan bago niya kayanin na hanapin ako.'

'Nasa akin ang lamang, hindi niya ako mahahanap….'

Biglang naputol ang pag-iisip ni Marvin dahil sa paglitaw ng isang pares ng mga putting mata na sumisilip mula sa dilim!

Ang maselan at nababaliw na mukha ng Snake Witch ay lumitaw sa kanyang harapan, balot ito ng dugo!

"Pucha!"

Napamura si Marvin nang malakas, hindi siya makapaniwala habang tinitingnan ito.


next chapter
Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C601
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄